MasukMary Jane had spent months planning the most reckless decision of her life. Driven by equal parts fear, excitement, and curiosity, she created one impossible rule after another for the stranger who would become her one unforgettable night. She never expected anyone to meet every single requirement, until she met Darwin. Handsome, wealthy, mature, and dangerously irresistible, he was everything she had been looking for. But when the moment finally came, panic took over. Instead of following through with her carefully crafted plan, Mary Jane fled without a word, convinced she'd never see him again. She couldn't have been more wrong. Not only do they live in opposite buildings, but Darwin's young daughter turns out to be one of Mary Jane's elementary students. Now, every school day forces them into each other's orbit as Darwin personally drops off and picks up his daughter. Running away was easy. Pretending that unforgettable night never almost happened? That's a temptation neither of them may be able to resist.
Lihat lebih banyakThe loud music inside the bar was almost enough to drown out the chaos inside Mary Jane Reyes' head.
Almost kasi kahit gaano kaingay sa loob ng bar, parang mas maingay pa ang loob ng puso at utak niya. Ang gusto lang niyang mangyari ngayon ay makalimutan kahit sandali ang sakit na nararamdaman niya.
Pero bakit ganon? Ayaw pa rin talagang mawala. Parang sinasagad ang damdamin niya at sinasaksak nang paulit-ulit.
Okay lang sana kung ibang sagad ang nangyayari, pero hindi eh. Hindi sagad na masarap ang nararamdaman niya. Kundi sagad na masakit.
She tilted the tiny shot glass and downed another tequila in one gulp. Ang sarap sa pakiramdam na mainit-init pa sa kaniyang lalamunan. Mabuti pa tong iniinom niya, nakakaramdam pa siya ng sarap.
"Isa pa."
Hindi na siya sigurado kung pang-ilang shot na niya iyon. Basta ang alam niya, masyado pa ring malinaw sa isip niya ang mukha ng lalaking sinayang ang limang taon ng buhay niya.
Muli na namang bumangon ang galit niya sa h*******k na yon. Gusto niyang manakit! Gusto niyang saktan din ito gaya ng pananakit nito sa kaniya. Ang dami niyang gustong gawin para makaganti pero hindi niya alam kung paano.
"Liar..." bulong niya habang pilit pinipigilan ang luha. "Cheater."
Muli siyang uminom. “Nakakabwisit! Akala mo naman ang gwapo-gwapo. Mukha kang hipon uy!”
Humalakhak siya nang mapait. Pero kahit anong panlalait pa ang gawin niya, siya pa rin itong pinagpalit.
"Congratulations sa'yo, Mary Jane. Five years. Five freaking years. Tapos ipinagpalit ka lang sa babaeng dalawang buwan pa lang niyang kilala."
Napailing siya. Hindi pa rin siya makapaniwala. Akala niya, sila na ang endgame. Akala niya, siya na ang pakakasalan.
Akala niya...
Napasinghot siya at agad pinunasan ang pisngi nang maramdamang may tumulong luha. Nakakainis! Ang dami niyang plano eh. Ang dami niyang akala pero lahat pala ng yon ay walang mangyayari. Nagsayang lang pala siya ng limang taon.
Ang sarap manapak talaga! Sigaw ng isip niya.
Pero hindi naman niya magagawang manapak eh, hanggang pag-iyak lang naman siya. Syempre, ganon talaga.
"Tsk. Ang pangit mo na." Saway niya sa sarili at nagpahid ng mga luha. “Nakakainis naman kasi!”
Muli niyang inangat ang kamay. "Kuya... another tequila."
Tumango ang bartender at agad siyang sinervan ng panibagong shot. Pang-ilang shot na ba to? Required bang bilangin? Kasi kung required, ipapalista niya pero dapat from the top.
"Cheers to bad decisions."
Inubos niya ulit iyon. Mainit na dumaloy ang alak sa lalamunan niya. Unti-unti nang umiikot ang paligid pero kulang pa. Gusto pa niyang uminom hanggang sa mahilo siya at mawala itong sakit na nararamdaman niya.
Kaya hanggang hindi pa mawawala, iinom pa siya.
"Hindi ba sapat na naging mabuti akong girlfriend?" bulong niya sa sarili. "Ano bang kulang sa'kin?"
Napapikit siya. Gusto niya talagang damhin lahat ng hinanakit niya para kinabukasan, hindi na niya mararamdaman lahat. Yon naman ang sabi nila diba? Na damhin mo at isagad mo ang sakit para mawala na kinabukasan.
Maya-maya, may isang matangkad na lalaki ang umupo sa bakanteng stool ilang upuan lang ang layo sa kaniya.
Hindi niya sana papansinin pero napalingon siya. Ibig niyang sabihin, kusang lumingon ang mga mata niya sa pwesto ng lalaki. Ilang beses pa siyang pumikit-pikit para ma-adjust ang paningin niya. Para kasing blurry na pati panginin niya eh, kaya kailangan ng ayusin.
Then she blinked again twice.
"Wow!"
Hindi niya napigilang mapatitig. Ang tangkad nito tapos alam mo yong palagi mong mababasa sa pocket book na ika nga nila broad shoulders daw. Tapos idagdag pa ang clean-cut haircut nito na nagpadagdag sa kagwapohan.
Simple lang ang suot nitong dark gray polo at black slacks, pero halatang mamahalin ang tela. Nakatiklop ang manggas hanggang siko, exposing toned forearms.
May suot itong mamahaling relo na siguradong mas mahal pa kaysa taunang sahod niya. Pero hindi iyon ang unang napansin ni Mary Jane.
It was his face, sharp jawline at ang matangos nitong ilong at makapal na kilay. At iyong mga matang seryoso pero parang may kung anong lambing na nakatago.
Ante! Ang gwapo! Tili ng kabilang bahagi ng utak niya.
Hindi pala alak ang gamot sa nararamdaman niya, kundi lalaki pala.
Pasabi-sabi pa naman siya kanina na kung may makita siyang mala pocketbook male lead ay siya mismo ang mag-aaya para makalimot.
"Grabe," bulong niya. "May ganyan pala sa personal."
Hindi pa rin talaga siya makapaniwala. Mukhang malalagot pa siya. Napalunok na lang siya nang wala sa oras.
Lumapit ang bartender sa lalaki. "What can I get you, sir?"
"Whiskey. Neat."
Deep voice. Muntik nang mapapikit si Mary Jane. Ito na yon eh, ito talaga yong hinahanap niya.
"Okay... ang unfair naman ng boses." Bigla siyang natawa sa sarili.
Ano ba'ng ginagawa niya? Hindi ba galit siya sa mga lalaki? Pero… Kung lahat ng lalaki ay kagaya ng ex niya, mukhang exempted ang isang ito.
Napabuntong-hininga siya.
"Hindi na ako iiyak. Hindi ngayong gabi."
Parang may kung anong biglang sumulpot sa isip niya. Isang ideyang sobrang kabaliwan.
Dahan-dahan siyang tumayo. Medyo napaalalay pa siya sa counter dahil bahagya nang umiikot ang paningin niya.
Lumapit siya sa lalaki, napansin naman siya nito agad. Syempre, sino bang hindi makakapansin sa kaniya? Pagewang-gewang ba naman siyang maglakad.
Kung anong beat ng music sa paligid, ganoon din ang beat ng paglakad niya. Di-beat ang paggalaw ng kaniyang hips, kaya alam niyang mapapansin siya agad nito.
Nagtagpo ang mga mata nila. For a second, pakiramdam niya ay parang tumigil ang mundo.
"Excuse me," nakangiting sabi niya.
Hindi nagsalita ang lalaki. Tahimik lang itong nakatingin sa kaniya. Na para bang nagtataka ito kung sino siya at bakit niya ito kinakausap. Pero maski siya ay hindi niya alam, inuutusan lang siya ng sarili niya na lumapit. Na para bang ito ang sagot sa lahat ng init na nararamdaman niya.
Nakataas ang isang kilay nito. Parang hinihintay lang kung ano ang sasabihin niya.
Tinuro niya ang basong ilalapag pa lang ng bartender.
"Kasama na 'yan sa bill ko."
Nagulat ang bartender. "Ma'am?"
"It's on me."
Napatingin ang lalaki sa kaniya. At pati ito ay nagulat sa mga pinagsasabi niya. Kahit nga siya nagulat eh, hindi pa naman niya alam kung magkano tong inorder nito.
"I appreciate the offer," kalmado nitong sabi, "but I can pay for my own drink."
"Ay, alam ko namang kaya mo." Humalukipkip siya at ngumiti. "Mukha ka ngang may-ari ng kalahati ng Makati."
Isang sulok ng labi ng lalaki ang bahagyang umangat. Hindi na siguro nito naiintindihan ang pinagsasabi niya.
"Half of Makati?"
"Baka nga buong Makati pa."
Napailing ito habang bahagyang natawa. "I still can't let you pay."
"Why not?"
"Dahil hindi kita kilala."
"Exactly." Napangiti siya nang mas malawak. "Mas exciting 'yon diba."
Nagtaas ng kilay ang lalaki.
Parang hindi pa ito sanay na babae ang unang lumalapit dito. Shocks! Masyado ba kong OA?
"So..." Bahagya siyang yumuko para magtama ulit ang mga mata nila. "I'm Mary Jane."
Inilahad niya ang kamay niya. At kahit nahihilo siya, gusto niyang palakpakan ang sarili kasi nakaya pa niyang magpakilala.
"And you are?"
Tiningnan muna nito ang kamay niya bago ito inabot. Mainit-init pa ang kamay nito kahit sobrang lamig ng aircon sa buong bar..
"Darwin."
Napalunok si Mary Jane. Pangalan pa lang pwede na gawing ulam.
Pati pangalan, makalaglag panty, bulong ng utak niya.
"So, Darwin," nakangiting sabi niya habang hindi pa rin binibitawan ang tingin dito. "Would you at least let me buy you one drink?"
Sandaling natahimik ang lalaki. Tila pinag-aaralan siya. Hindi ang suot niya. Hindi ang mukha niya. Kundi siya mismo.
Parang sinusubukang alamin kung bakit may isang babaeng halos hindi na makatayo sa kalasingan ang biglang nag-aalok na ilibre siya.
"Bad day?" mahinahon nitong tanong.
Napangiti si Mary Jane. Mapait na ngiti ang lumabas sa labi niya. Bigla niyang naalala ang rason kung bakit siya nandito sa bar. Bigla niyang naalala ang rason kung bakit siya umiinom.
"The worst."
Napaupo siya sa katabi nitong stool. At ang baso na nasa malapit ni Darwin ay kinuha niya iyon at siya na ang uminom.
“Oh, fuck! Is this an indirect kiss?” Tukoy niya sa baso na ininoman niya. Dahil iyon din mismo ang baso kung saan uminom si Darwin. “Pero pwede bang makahingi ng direct kiss?”
The morning sunlight slipped through the thin cream curtains of Mary Jane's apartment, landing directly on her face.She frowned. Unti-unti siyang gumalaw, pilit na ibinabaon ang mukha sa unan. Ngunit kahit anong tago niya, hindi pa rin matakasan ng liwanag ang mga mata niya."Five minutes..." mahina niyang ungol.Pero wala namang nakinig. Huminga siya nang malalim bago dahan-dahang dumilat. Agad siyang napapikit ulit."Ouch..."Parang may marching band sa loob ng ulo niya.Mariin niyang kinusot ang sentido habang dahan-dahang umupo sa kama. Magulo ang buhok niya. Bahagyang gusot ang oversized shirt na suot niya kagabi. Nasa gilid pa rin ng kama ang handbag niya, pati ang sapatos na basta na lang niya hinubad bago matulog.Napatingin siya sa digital clock sa bedside table.8:17 A.M.Nanlaki ang mga mata niya. "Ay! Jusko! Alas otso na! Putek naman, oo!"Halos mahulog pa siya sa kama sa pagmamadaling tumayo."Lunes ngayon pala ngayon! Kainis naman oh, late na ko!"Mabilis siyang tumakbo
"One unforgettable night. Please… Isang gabi lang."Hindi agad nagsalita ang lalaki. Parang nagulat pa ito sa proposal niya. Pero sabagay, sino bang hindi magugulat kung mismong babae pa ang mag-offer sayo ng ganito diba? Pero ano bang pakialam niya? Gusto lang niyang makalimot kahit itong gabi lang. Gusto niyang makalimutan ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Gusto niyang mabura muna sa kaniyang alaala ang lahat ng hinanakit niya sa mundong to.Gusto niyang makalimutan ang lahat ng ginawa sa kaniya ng ex-boyfriend niya. Siguro naman valid tong nararamdaman niya diba? Kung valid man o hindi, wala siyang pakialam. Ang gusto lang niya ay magawa niya ang bucket list niya ngayong gabi. Kahit ngayong gabi lang.For the first time since she approached him, parang tuluyan nitong nawala ang kalmadong expression na pilit nitong pinapakita kanina. Nakita pa niya ang paglunok nito ng laway na parang kabado pa. Hindi niya masisisi ito kasi maski siya ay kinakabahan din sa ginagawa niya. Hindi
“Oh, fuck! Is this an indirect kiss?” Tukoy niya sa baso na ininoman niya. Dahil iyon din mismo ang baso kung saan uminom si Darwin. “Pero pwede bang makahingi ng direct kiss?”Pero gaya kanina ay parang hindi pa rin talaga makapaniwala ang lalaki sa kaniya. Nakatitig lang ito habang hawak niya ang baso. Hindi man lang nito kinuha ang baso sa kamay niya. Hindi ito nagreklamo man lang na uminom siya sa baso nito.“Pwede ba?” ulit niyang tanong dito pero hanggang ngayon ay parang wala pa rin itong kibo.Imbes na maghintay siya sa sagot nito ay dahan-dahan siyang tumayo at lumapit dito. Inilapag niya sa mesa ang baso nito at saka siya bahagyang yumuko palapit sa lalaki.Nahuli pa niyang napakurap si Darwin sa ginawa niya kaya agad namang ngumiti ang mga labi niya.Alam mo, parang Tide lang yan. Gulat ka, 'no? Tukso ng utak niya.Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang tapang niya ngayon. Siguro sa tequila o baka naman sa sakit na matagal na niyang kinikimkim.Whatever.Basta ang alam
The loud music inside the bar was almost enough to drown out the chaos inside Mary Jane Reyes' head.Almost kasi kahit gaano kaingay sa loob ng bar, parang mas maingay pa ang loob ng puso at utak niya. Ang gusto lang niyang mangyari ngayon ay makalimutan kahit sandali ang sakit na nararamdaman niya.Pero bakit ganon? Ayaw pa rin talagang mawala. Parang sinasagad ang damdamin niya at sinasaksak nang paulit-ulit.Okay lang sana kung ibang sagad ang nangyayari, pero hindi eh. Hindi sagad na masarap ang nararamdaman niya. Kundi sagad na masakit.She tilted the tiny shot glass and downed another tequila in one gulp. Ang sarap sa pakiramdam na mainit-init pa sa kaniyang lalamunan. Mabuti pa tong iniinom niya, nakakaramdam pa siya ng sarap."Isa pa."Hindi na siya sigurado kung pang-ilang shot na niya iyon. Basta ang alam niya, masyado pa ring malinaw sa isip niya ang mukha ng lalaking sinayang ang limang taon ng buhay niya.Muli na namang bumangon ang galit niya sa hinayupak na yon. Gusto n






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.