I have so many questions, confusions lately. Hindi ako natutuwa na ganito ang nangyayari sa buhay ko. I thought my life would go through smoothly. I wasn't expecting this to become so full of obstacles.
One question leads to two or more, like it's a continuous growth of tree branches. Why does my family hate me? Why does he hate me? Is there a common denominator I should find out?But, what did I do for all these to happen? What? Am I a bad person? Have I committed a sinful thing to all of them at once? Like hitting two birds in one stone?Which is it? What was it?Kung nakakalunod lang ang mga tanong, matagal na akong patay at hindi humihinga. Kahit sa simpleng dinner lang na ito, marami na agad akong katanungan na nagre-resurface. And I need answers!Imbes na dumiretso sa tabi ni Creed na ngayon ay nakaupo na sa tapat ni Athena, dumiretso muna ako sa kabisera kung nasaan nakaupo si Papa. Kinuha ko ang kamay niyang nakapatong sa lamesa at nagmano. Wala siyang naging kibo sa ginawa ko kaya lumapit na ako kay Mama na nasa parteng kanan niya at katabi ni Athena. Katulad kay Papa ay wala rin siyang naging reaksyon at pinaghahain na niya ang plato ng kapatid ko na para bang wala itong sariling kamay at hindi kayang pagsilbihan ang sarili.Sanay naman na ako na ini-ignora ako nang ganito ng pamilya ko, pero hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit.Sinulyapan lang ako ni Papa nang maupo ako sa kaliwang parte niya, tapat ko si Mama. Wala siyang kahit na anong sinabi nang magtama ang mga mata namin, bagay na sadyang nagpabigat ng damdamin ko.Patuloy lamang siyang kumu-kunsulta kay Creed, pinapahiwatig na na kay Creed lang ang interes niya. Hindi sa akin na anak niyang matagal na nawalay sa kaniya.Nabaling ang tingin ko kay Mama na lihim na nakikipag-bulungan kay Athena habang umuusal ng mga papuri at pagkamangha kay Creed. Hindi naman rinig ang mga pinaguusapan nila, pero halata namang iyon ang topic dahil titig na titig silang parehas kay Creed.Hindi talaga ako pinansin ni Mama, at nakita ko pa kanina ang palihim niyang pagpunas ng kamay nang hawakan ko iyon para magmano. Nangunot lang ang nuo ko doon, pero sa loob-loob ko ay ang sakit-sakit na. Bakit ba? May sakit ba akong nakakahawa? Madumi ba ako? May alam ba sila sa akin na hindi ko alam?Nang sa tingin ko ay naubusan na ng sasabihin si Papa at nagsimula na siyang kumain talaga nang tuloy-tuloy, 'tsaka naman nakahanap si Mama ng tiyempo na ulanin naman ng mga tanong si Creed. Na para bang napakatagal na ng panahon na huli silang nagkita at napakarami talaga nilang kailangang pag-usapan."Do you have plans to... err..." Bahagya pa akong sinulyapan ng tingin ni Mama. "Marry my daughter?"Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang bahagyang pagkakatigil ni Creed sa upuan niya. Nanatili din sa ere ang kutsarang hawak niya, na para bang hindi alam ang isasagot sa tanong na iyon ni Mama.Right. Why would he?"Mama..." Tawag ko sa kaniya, pero hindi man lang niya ako nilingon. "Mama, wala pa po 'yan sa isip namin ni Creed. Pwede po bang huwag na lang po muna natin 'yan pag-usapa-""If not, hijo, I say you choose Athena. She deserves you more than..." Sinulyapan ako ni Mama, kumpletong ini-ignora ang sinabi ko. "My other daughter."Her other daughter? I'm an other daughter now?Gusto kong tumawa. Gusto kong itawa 'yung sakit. 'Yung gulat. 'Yung pagkalito.Hindi nakasagot si Creed sa sinabing iyon ni Mama. Bumaba na lang ang tingin ko sa aking plato at napakagat sa aking labi. Ang sakit. Sobrang sakit. Nangingilid na ang mga luha ko, but I was able to suppress it."We are not really discussing about such, Mom. And me marrying Ataisha should be a surprise. I don't think I should tell it to anyone just yet."Anong sinasabi ni Creed? Hindi niya ako tinatanggi? Akala ko ba, ayaw na niya sa akin? Akala ko ba, may babae siyang iba? 'Yung babae sa bahay.Ano 'to ngayon?Is he seriously still considering me to be his bride, to become his wife?"Oh." Namilog ang bibig ni Mama na para bang nagulat siya doon. "Of course, hijo! Haha. Don't mind me. Pero..." Naglandas ang tingin ni Mama mula sa aking leeg pababa. "May laman na ba kaya ka naii-stuck sa relasyong 'yan, hijo?"Hindi ko alam ano ang mararamdaman ko sa sinabi ni Mama. Gusto kong sumuka. Gusto kong mahimatay. Gusto ko na lang mawala. Naghalo-halo na lahat ng pakiramdam ko. Hiya para kay Creed na kahit minsan ay hindi ako tinrato na katulad ng iniisip nila. He never touched me, at mukhang wala naman kasi talaga 'yon sa isip niyang dapat niyang gawin."I strongly believe that the deed should be done with love and pleasure between two married people. We are not married yet, so any inappropriate advances towards your daughter committed by me is an act of sexual harassment."Namilog ang mga mata ko sa sinabi ni Creed. Hindi iyon ang inaasahan kong isasagot niya kay Mama. Kaya pala kahit noong sinabihan ko siyang okay lang sa akin ay tumanggi siya. Iyon pala kasi talaga ang pananaw niya sa buhay.Marami akong kaibigan na lalaki, at walang ni isa sa kanila ang narinigan ko ng gano'ng pananaw. Usually at karamihan talaga sa kanila, mas gustong 'natitikman' muna ang babae. Baka raw kasi pagsisihan nila at wala na silang kawala dahil kasal na sila.Sa gitna ng lahat ng sakit at pagkalito, heto ako't lalong nahuhulog sa kaniya. Sa simpleng sinabi niyang iyon ay naramdaman ko ang pagbalot ng mainit na pakiramdam sa puso ko.Nang matapos kaming kumain, kaagad na kumapit si Athena sa braso ni Creed."Tara, Kuya! May ipapakita ako sa'yo sa kwarto ko. Okay lang naman siguro kay, Ate." At sinulyapan niya ako. "'Di ba, Ate? Okay lang sa'yo?"Sasagot na sana ako na hindi pwede, pero nauna na sa akin si Mama."Oo naman, Athena. Go!" At bahagya pang minu-muwestra ang kamay na parang tinataboy na silang dalawa para magkasama na sila nang sila lang.Tumayo na ako at niligpit ang pinagkainan ko. Hindi ko na sinulyapan ang mga magulang ko dahil nasasaktan lang ako na kinakaya nilang ganituhin ako. Umaakto silang parang wala lang ako doon. Na hindi ako nag-eexist.Nang mailapag ko sa lababo sa kusina ang plato ko, bahagya lang na yumuko ang katulong na naka-toka sa paghuhugas ng mga pinggan. Hindi katulad ng mga katulong sa ibang pamilya, mailap ang mga katulong na mayroon kami. Hindi ka nila kakausapin, parang kasama yata 'yon sa briefing nila nang magsimula sila ng trabaho dito. Hindi ka rin nila titignan mata sa mata. Laging nasa ibaba ang paningin nila kapag hinaharap kami.Kahit noon pa mang bata ako at naka-ilang palit na kami ng katulong, lahat sila ganiyan. Noon ay wala lang 'yon sa akin dahil hindi ko naman pwedeng pakialaman ang pamamahala ng mga magulang ko. Pero ngayon na naranasan ko nang tumira sa ibang bahay at magtrabaho talaga para may ipangkain ako, hindi ko mapigilang maawa sa mga katulong na narito.Malaki nga ang sweldo, ganito naman. Pero siguro nga ay titiisin na lang nila dahil malaki ang perang natatanggap nila.Ilang beses ko nang sinubukang makipag-usap sa isa sa mga naging katulong namin, pero hindi niya ako sinagot at umiling lang. 'Wag ko raw siyang kakausapin at bawal. 'Yon ata ang ibig sabihin noon.Agad kong tinungo ang hagdan papunta sa kwarto ko sa itaas. Kahit papaano ay nami-miss ko rin ang kwarto kong iyon.Nang matapat sa pinto ng kwarto ko, samu't-saring mga alaala ang bigla nalang nagsibalikan sa akin.Pinasadahan ng mga daliri ko ang bookshelf na dating naging sentro ng atensyon ni Creed noong unang beses ko siyang dalhin dito sa bahay. Alalang-alala ko pa ang ekspresyon niya sa mukha ng araw na 'yon. Talagang hindi niya siguro inaasahang may gano'n akong parte sa pagkatao ko.Ilang beses niya akong hiniraman ng libro noon. The books I read interests him, that's why. Hindi naman kasi puro novel lang ang laman ng bookshelf ko, there were non-fiction books as well. I read them whenever I need a breather.Kaya lang ngayon ko lang napansin, blangko ang isang parte ng bookshelf ko. Maraming libro sa parte na iyon. Hiniwalay ko talaga iyon at nilagyan ko pa ng label. Lahat kasi ng hinihiram niya sa akin noon ay lalong nagiging espesyal sa paningin ko dahil nanggaling na sa kaniya.Creed and I'Yon ang label na nilagay ko. It stands for the books both I and Creed had been able to completely finish.Walang ni isang libro ang natira doon. Naramdaman ko ang pagkabog ng dibdib ko sa kaba.Nanakawan ba ako? May kumuha ng mga librong espesyal sa akin.Nangingilid na ang mga luha ko sa pag-iisip ng mga negatibong bagay. Naninikip ang dibdib ko at hindi ko mapigilang maghabol ng hininga."N-Nasa'n..." Napaluhod ako sa sahig habang nakatitig doon. "Nasa'n na ang mga 'yon?"Ramdam na ramdam ko ang pagsikip ng dibdib ko. Isa iyon sa mga bagay na nagpapaalala sa akin sa masasayang alalang pinagsaluhan namin ni Creed noon at ngayo'y pati na din ang mga iyon ay nawawala.Isang kalabog ang nagpagulat sa akin. Agad na nalipat ang tingin ko kay Creed na may binagsak na kahon sa sahig sa may bandang pintuan ng kwarto ko. Kita ko ang galit sa mga mata niya.Nalipat ang tingin ko kay Athena na nasa likod niya at ngising-ngisi sa nakikita."A-Ano 'yan?"Mabagal akong tumayo at pinahid ang mga luha na nagbabadya pa rin sa mga mata ko."You're seriously asking me?" Sinipa niya ang kahon at agad iyong natumba sa harap ko. Lumabas doon ang mga librong pinakaiingatan ko.Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Paanong nangyaring nariyan ang mga 'yan? Dito ko 'yan huling nilagay!"Athena told me everything, Ataisha. Hindi ka na makakapagsinungaling pa.""H-Ha?" Nanatili sa mga libro ang paningin ko. Basa ang mga iyon at nangangamoy gasulina. Lalo kong naramdaman ang pagbabadya ng mga luha ko.Anong nangyari sa kanila? Bakit ganiyan na ang lagay ng mga 'yan?"Athena said you dumped these outside. Muntik na raw makuha ng basurero kung hindi lang niya napigilan." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Creed. Pero wala akong ginagawang gano'n! Bakit ko itatapon? Hindi ko 'yon magagawa!"C-Creed... I didn't-""Was it because I borrowed them? Kaya gusto mong itapon? Tangina, Ataisha." Galit niyang pinasada sa buhok niya ang mga daliri niya. Kitang-kita ko ang paggalaw ng panga niya sa galit. "You want to dump them, don't worry. Ako na ang nag-adjust. Sinabuyan ko na 'yan ng gasulina, ikaw na lang bahalang sindihan 'yan. Then bury it after, I don’t fucking care anymore.""Bakit po ba? Ang weird ng mga reaksyon niyo.""Wala po 'yon, Ma'am. Nagulat lang po kami kasi akala namin sasakay kayo rito sa truck. Wala po kasi itong air-con." napapakamot sa ulo na saad ng driver.My mouth fell open at the realization. Mabilis akong umiling-iling. "Nako! Hindi rin naman po problema sa akin kung sasakay ako diyan, hindi naman po ako maarte. Dadalhin ko lang po talaga 'yung sasakyan ko kasi one way lang po itong turck at hindi na babalik dito sa bahay mamaya. Sayang din naman po ang gasulina nito kung ihahatid pa ako dito."Marami pa kaming napag-usapan para masiguro na hindi mapapaano ang mga prutas at gulay habang nasa biyahe. Medyo malayo din kasi talaga ang sentro dito. Kung lalakarin, baka abutin ng ilang oras.Hindi na ako nagpalit pa ng damit at dumiretso na sa sasakyan. Mabuti na lang at nasa bungad lang din ng sala 'yung susi ng sasakyan ko kaya hindi na ako nagtagal sa loob. Nakakahiya naman kung paghihintayin ko sila
Sana kung totoongmay pake siya sa relasyon namin, he will always try to fix things with me. Ipapaalam niya kung saan ako nagkamali para maayos pa namin.But what did he do?Instead of doing all means necessary to fix us, nagalit pa siya't lumayo sa akin.Tama na. Ayoko nang nakikita 'yung sarili kong namimilipit sa sakit sa tuwing iniisip ko siya at ang mga memoryang pinagsaluhan naming dalawa.What's done is done. Bakit ba kailangan kong palaging ipilit na may chance pa?Nagmumukha na akong tanga sa pag-ibig sa ginagawa ko, e. I should stop this. Tigil na. Tama na 'yung mga luhang sinayang ko sa allaking hindi naman deserve 'yon.Sure, naniwala at pinanghawakan ko galaga 'yung mga pangako niya, Mahal ko, e. Pero ngayon... I don't think holding on is smart. In fact, it's a very stupid move.Kung wala na, wala na! Bakit kailangan pang ipagpilitin 'yung sarili?Too much stup
"Hija, anong nangyare?" rinig kong alalang tanong ni Lolo.Nakarinig ako ng malalaking yabag na nagmamadali palapit aa direksyon namin pero wala doon ang isip ko. Nanatili ang tingin ko sa photo album na nakabuklat pa din at nakatingala sa akin."What happened her, Lo?" rinig kong tanong ng isang baritonong boses mula sa direksyon ng pinto.That voice..."Creed, apo."My lips were shaking, tears on standby. Hindi ko kayang pigilan. Sobrang pagkaliti ang nararamdaman ko ngayon. Halo-halong pagtataka at pagkagulat.Bakit? Bakit sa lahat pa ng pwedeng maging apo ni Lolo... si Creed pa talaga?Hindi ko magawa-gawang iangat ang paningin ko. Hindi ko nga kayang maatim na makita siya, ang mukha niya.Ramdam na ramdam ko 'yung kagustuhan kong yakapin siya, halikan siha, bumalik sa kaniya. Ang lakas no'n. Ramdam na ramdam ko.'Yung damdamin ko, para bang hindi ko hawak ang pagde-desisyon at p
I was so hooked with Chicago Med na as soon as nakauwi ako, kumain kaagad ako ng dinner. After eating, I immediatly took a quick bath. Syempre, naglinis din muna ako ng mga ginamit ko sa hapunan.Kaya ayon. Tinanghali ako ng gising.Literal na nataranta talaga ako as soon as I laid my eyes on the wall clock sa bedside table ko. Para akong biglang sinilaban at nagmamadaling pumasok sa banyo.I promised Lolo na pupunta ako ng umaga tapoa anong oras na? Mag-aalas onse na. Super late na.Hindi ko na naisip pa na kumain ng agahan at dumiretso na palabas papunta sa sasakyan ko.Mabilis ang pagmama eho ko papunta sa bahay nila Lolo. Well, tanggap ko naman nang late ako kaya hindi masyadong exaggerated 'yung pagpapatakno ko, but still! Nangako ako, e.Ano na lang iisipin ni Lolo sa akin, na hindi ako marunong tumupad ng pangako? Na mangangako ako talos hindi ko na,an tuuparin?I knew I should n
Nang dumaan ako harap ng isa pang guard na nagbibigay naman ng number card, nagpasalamat din siya sa akin so I did the same.Mabilis akong pumasok sa sasakyan ko. Mahirap na kung bigla na lang makuha 'yung bag ko mula sa kamay ko tapos itakbo. Ang saya-saya no' at may 50k na agad siya sa pagtakbong ginawa niya.Pinaandar ko na ang sasakyan ko paalis doon. Dumaan din ako sa gasulinahan para mapakargahan 'yung gas tank. Pina-check ko din kung okay pa 'yu g hangin sa gulong. Sinabi ko na din na kukuha ako ng service ng car wash kaya lumabas na ako ng sasakyan.Mabuti na lang at may lounge sila doon na air conditioned kaya pwede maghintay doon habang nililinis pa nila 'yung sasakyan ko. May Wi-Fi din pero wala naman sa isip ko 'yan ngayon kaya hindi o na lang din pinansin.Nang matapos sila, maaga pa din talaga kaya naisipan kong umuwi muna. Masyadong risky kung mananatili ako sa sentro na may dala-dalang 50k sa bag ko.Dumaan ako sa Drive Th
Hindi pa din talaga ako makapaniwala sa sinabi sa akin ni Lolo at Tita kanina. Talagang decisive na sila sa gusto nilang mangyari, I never sensed the hesitation sa bawat salita ngkumpirmasyon na sinambit ng bibig nila.Hanggang ngayon talaga, hindi ko pa din nadi-digest sa sistema ko lahat ng sinabi nila sa akin.Tumitig ako sa kisame ng kwarto ko habang nakahiga.Totoo ba? Lahat ng ito, mapapa-sa akin nang hindi ko kailangang magbayad.Alam kong ako na ang magbabayad ng taxes nito simula ngayon dahil nalipat na sa panbalan ko ang pagmamay-ari nito pwro syempre, iba pa din naman 'yung binili ko talaga 'to. 'Yung pakiramdam na maglalabas halaga ako ng milyones para sa first house ko.Hindi talaga nagsi-sink in sa utak ko na akin na 'to at ha wala taaga akong nilabas na lahit isang piso para dito. I feel unsatisfied, to be honest.Should I just wire some money to Lolo's bank account without letting him know that I'm planning t