Share

Chapter 02: Morning Memories

Gano'n na ba ako kasirang-sira?

I was supposed to feel pained by the words dripping from his mouth, but why am I happy? Why am I holding on to that little fact that maybe he still cares for me. Kasi... Kasi kung wala siyang pake sa akin, would he care to ask? Why would he even ask, "How was it."?

Mali nga lang ang subject ng tanong niya.

Kasi hindi katulad niya, wala akong iba. Siya lang. At hangga't hindi niya ako binibitawan, hinding-hindi ako titingin sa iba.

"Ano tatayo ka lang diyan?"

Napatingin ako sa mga mata niya. Iba na. Iba na ang tingin niya sa akin ngayon. Ni hindi ko alam kung bakit.

Ang sakit ng puso ko.

"C-Creed... I'm... I'm-"

Nanlaki na lamang ang mga mata ko nang mabilis siyang nakalapit sa akin. He snatched the pair of heels from my left hand and threw it somewhere far.

"Ano? Pati sorry hindi mo na kayang sabihin ngayon?!"

Napapikit ako sa sigaw niya. I felt the familiar sting in my eyes.

'Wag kang umiyak, Aisha! Utang na loob! 'Wag ngayon!

"Sorry... I'm sorry..." Kusang nagbagsakan ang mga luha ko sa sakit ng nararamdaman ko. Napatakip ako ng dalawang kamay ko sa aking bibig at napahagulgol sa kinatatayuan ko.

"Fuck." I heard him cursed. Inakala kong aaluhin niya ako o kaya ay hihingi siya ng tawad, but none of my expectations were met. "Puro ka na lang iyak! Nakakarindi ka na!"

And I heard his footsteps walking away. Napasapo ako sa aking dibdib sa banda ng aking puso at napayuko na lang roon.

Kapag nagsimula akong umiyak, hindi na ako makakatigil.

It's like as if all the pains I kept in my heart comes all out when I cry. Sobrang bigat ng dibdib ko and I have no idea how should I keep them at bay. I have to learn how to control them.

Naikuyom ko ang aking kamao nang makita si Acre na papalapit sa akin, his wide annoying grin plastered on his face. He's friends with Creed at siya ang pinaka-maloko sa mga kaibigan nito.

Hindi ko alam na narito pala si siya at malamang ay nakita niya ang nangyari kanina.

He offered his arms and smirked at me. "Shall we?"

Napaatras ako at natigil ang pagluha ko. Wow, someone who can stop me from crying. I, myself, can't do it. Ta's presensya lang ng lalaking 'to, natigil 'yung iyak ko?

"Anong kailangan mo sa 'kin, Acre?" tanong ko habang pinupunasan ng likod ng kamay ko ang mga luhang namalisbis sa pisngi ko kanina.

"Chill." Napataas siya ng dalawang kamay sa ere na akala mo ay tinututukan ko siya ng baril. "I prepared some breakfast in the kitchen. Baka lang naman hindi ka pa kumain."

Sa lahat ng kaibigan ni Creed, si Acre ang alam kong nagtapos talaga ng kurso ng Culinary Arts. Kaya kapag may mga pangyayaring kailangan ng magluluto, si Acre ang kadalasang tinatawagan.

Must be why he's here, then.

"Wala ka raw kasi at wala siya sa mood magluto ng agahan, so tsaran! I'm here." Nag-bow pa siya bigla. "Serving the both of you."

"Hindi ako gutom." 'yon na lang ang sinabi ko at mabigat ang puso na naglakad patungo sa hagdan.

"Pero kung magutom ka, andito lang 'yong pagkain sa baba!" pahabol niyang sigaw bago ko pa matunton ang pinakataas na baitang ng hagdan.

Nang matapat ako sa pinto ng aking kwarto, 'tsaka ko naman narinig na may kausap si Creed. It was very faint, but I am somehow able to make out the words he was saying.

I heard no replies so I concluded that he must be talking to someone over the phone.

"I fucking don't want to do this anymore."

Napaatras ako sa narinig. What does he mean by that? Is he going to finally let me go? But why does he have to say it to someone else? That must be his own decision.

"Yes, but there seems to be no trouble. I have to stop this before it's too late— Yes, I fucking know that!" napaigtad ako sa lakas ng sigaw ni Creed na animo'y galit na galit.

Nagmamadali akong pumasok sa aking kwarto bago pa niya matuklasang nakikinig ako sa usapan nila nung kausap niya. It made my heart race so fast in fear, as if I was the reason why he was angry.

Napatitig ako sa aking sarili nang matapat ako sa salamin.

Do I really look like someone who just came home from her kabit?

Naglandas ang tingin ko sa aking suot na pantaas. It was a tattered oversized shirt. There were spots where it has holes, nakikita ang balat ko sa ilalim nito. Specific areas had bigger ones, enough to expose some of the skin underneath.

It was partnered with flare jeans.

My shirt looked like it was pulled and torn, but it was actually just the way it was when I bought it. Akala niya siguro, may kung ano nga'ng nangyari. But I do remember him seeing me wearing this after my performance, kaya bakit gano'n ang sinabi niya?

***

Harsh knocks on the door woke me up. It was so loud my adrenaline spiked and made me ran for the door. Muli ay hindi ko gustong maging dahilan upang magalit na naman siya. Pagod na pagod na akong lagi na lang niyang ipamukha sa akin na ayaw niya sa akin.

"What? Do you see yourself as some princess? Well, wake up, miss. Kumain ka ng agahan. 'Wag kang magda-drama sa 'kin." He gripped my wrist tightly and pulled me to the staircase. Ang lakas ng kalabog ng puso ko nang kaladkarin niya ako pababa ng hagdan. Every step was vital for my survival. Parang isang maling apak lang, magpapagulong-gulong ako hanggang baba.

"Creed!" naluluha kong sigaw habang pilit na hinihila ang kamay ko paalis sa kaniyang hawak. "C-Creed!"

"Putangina!" Pabagsak niyang binitawan ang kamay ko at hinarap ako sa kalagitnaan ng mga baitang. "Ano?!"

Napaatras ako sa sigaw niya at nag-iwas ng tingin. Mabilis kong pinahid ang luhang nahulog mula sa aking mga mata.

"Ayan. Iyak na naman." Malakas niyang hinampas ang palad niya sa barandilya. "Diyan ka talaga putanginang magaling, e 'no?"

Bumalot ang kabilang palad ko sa palapulsuhang hinila niya kanina. Namula agad iyon at masakit 'pag nadadampian. Hindi ko maiwasang manlumo sa sitwasyon ko. Maayos kaming nagsimula. I was requited. Kaya bakit nagkaganito? Bakit umabot sa ganito?

Hindi man lang niya ako inalo, he just left. He even tsked at me bago ako talikuran at nauna nang bumaba sa hagdan.

Should I be thankful that he at least tried to take me to the dining area to eat breakfast?

"Sha."

Sinundan ng tingin ko ang kung sinong tumawag sa akin and found Acre standing just before the last steps of the staircase. He was looking up to me with curiousity and worry evident in his eyes.

"A-Ano?" Hinila ko ang dulo ng damit ko para ipunas sa aking mata. Malaki naman iyon kaya madali ko lang nahila without fearing na baka masilipan ako.

"Kumain ka na lang. Kaysa pa magalit pa lalo sa'yo si Creed." Tumalikod na'rin siya at sinundan ang direksyong pinuntahan ni Creed. "Mag-ingat ka sa mga ginagawa mo, Sha."

Napatitig ako sa likod niya nang sabihin niya iyon. What was that supposed to mean? Wala naman akong ginagawa.

Mabagal akong bumaba ng hagdan dahil hindi naman ako makakapit, okupado ang dalawang kamay ko. Happy memories once again flashed to me.

Hindi ko alam na natatawa na pala ako habang bumababa. Nakakatuwa pa lang isipin na parang minsan nang naging lugar ng masayang alaala ang hagdan na ito. Ngayon yata kapag titignan ko 'to, 'yung pagkaladkad niya lang sa akin ang maaalala ko.

Usual sets lang ng breakfast ang nakita ko. May sinangag at mga ulam na piniprito lang. Toasted bacons are present. May gatas din sa isang pitchel.

Habang kumakain ako ng bacons, naalala ko ang sinabi sa akin noon ni Creed.

"Baby, do you remember the story of Bacon?"

Hindi ko kayang simulan kung kailan ba nagbago, kung kailan siya nanlamig. Dahil hindi ko rin talaga namalayan. Basta bigla-bigla na lang siya nagbago. Wala man lang kahit na anong eksplenasyon, paliwanag kung bakit.

Noong una, akala ko pagod lang siya nung araw na 'yon. Akala ko baka kailangan lang niya ng pahinga. Sabi niya isang beses, ako raw ang pahinga niya. Kaya siniksik ko 'yung sarili ko sa kaniya kahit na pinagtatabuyan niya ako palayo. Na hindi ako pumayag na itulak niya ako palayo. Kasi akala ko, 'yun lang talaga ang kailangan niya.

Pero lumala pa yata. Naging mas mahirap ang mga pangyayari. Mas naging mabigat.

Naisipan ko lang na maglinis ng bahay dahil mamayang gabi pa naman ulit ang gig namin sa Complex. Nagpalit lang ako ng isang itim na sando at shorts para madali lang kumilos-kilos habang naglilinis.

Malinis sa bahay si Creed kaya hindi ako nahirapan. Hindi din naman ako madalas na naglalagi dito dahil lagi kong kasama si Saskia, especially kapag nagge-guest kami sa mga occasion.

I finished the whole house, with putting fragrances in the living room as the last one. Huli kong pinuntahan ang kwarto niya para sana linisin iyon. It was locked, though. Something I did not expect he'd do.

Pinahid ko ang luhang bumagsak mula sa aking mga mata. He promised to keep all the doors unlocked, ano ito ngayon? Bakit hindi ko man lang masilip ang loob ng kwarto niya?

I never knew people setting up boundaries against you would hurt this bad. Sobrang sakit na hindi na ako almost makahinga. Na para bang pakiramdam ko ay ako pala talaga ang dahilan kung bakit kami nagkakaganito.

What hurts more is that the more I blame myself to being the reason why he's like this—why he has changed—the more I become confuse as to how. Dahil ako, hindi ko talaga alam kung may nagawa ba akong nakapagpabago sa amin o kung may nagawa ba akong hindi ko maalala? O nagbago ba ako?

What happened? What changed? Why? Ilang beses ko ba 'yan itatanong sa sarili ko?

***

Masakit ang katawan ko sa buong araw na paglilinis. Naupo ako sa sofa sa sala nang hindi binubuksan ang mga ilaw. The darkness, it felt as if dinadamayan niya ako.

Alas-onse na ng gabi at hindi pa siya nakakauwi. I closed my eyes and let out a sigh.

Hindi ko pinilit ang sarili kong sirain ang boundary na tinayo niya. Kung ni-lock niya 'yong pinto, ano pa ba ang ibang ibig sabihin no'n bukod sa ayaw niya akong papasukin doon?

Masakit ang puso ko habang naglilinis. Hindi naman na sana ako nag-iisip pa ng kung ano-ano, e. Dapat naging escape ko sana 'yung paglilinis ko, pero lalo pa tuloy akong nasasaktan sa tuwing mare-realize kong wala na talaga.

We hit rock bottom. Masakit man isipin pero alam kong 'yan ang katotohanan. What's the use of refuting the truth? Will it change the fact that he's so far gone now? Patay na ang pagmamahal na minsan naming pinagsaluhan.

Hahabulin ko ba? Bakit? Para saan pa kaya?

"She must be asleep. Let me." Bumukas nang kusa ang aking mga mata nang marinig ang boses ni Creed. Bumaba ang tingin ko sa siwang sa ibaba ng pinto ng front door namin. May dalawang pares ng bulto ng sapatos ang nakikita ko roon na nakatayo.

"Oh? What are you... doing?" boses iyon ng babae. It was followed with silence kaya napa‐diretso ako ng upo sa sofa. "Why are you taking my heels off? Madudumihan 'yong feet ko, Creed."

"Look at your feet. It must be hurting. Sinabi ko naman sa 'yong hindi mo kailangan 'yan when going out on a date with me, didn't I?" Date? "You should be the most comfortable when you are with me, hindi 'yong nagtitiis ka sa ganito."

Narinig ko ang pag-ikot ng busol ng pintuan kaya napa-karipas ako ng takbo patungo sa kwarto ko at agad na humiga sa aking kama. Mabuti na lang ay naligo ako pagkatapos ko maglinis kaya pwede na akong matulog kaagad.

Nagtalukbong ako ng kumot at mariin na pinikit ang aking mga mata, na para bang sa pamamagitan nito ay hindi ko maririnig ang kung ano mang ingay ang magagawa nila.

Nararamdaman ko ang malalakas na pagtibok ng puso ko. Halos mapanawan na ako ng ulirat nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko.

Bakit dito? Bakit sila narito?

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang lumundo ang paanang parte ng kama ko.

"Creed, where ka na?" narinig kong mahinang sigaw ng babae sa malayo. Nangunot ang aking nuo nang ma-realize na nasa labas ang babae, ibig sabihin... si Creed ang nasa paanan ng kama ko.

"Just stay right there. I'll fetch you some clothes you could borrow for the night." rinig kong sagot ni Creed sa kaniyang mababa at baritonong boses. Isa 'yan sa mga maliit na detalyeng nagustuhan ko sa kaniya, and until now it still captivates me.

Hindi ko alam kung anong ginagawa ni Creed habang nakaupo siya roon sa paanan ng aking kama. Pikit na pikit ang aking mga mata at natatakluban ng kumot ang aking buong katawan kaya hindi ko man lang siya masilip.

Malakas ang tibok ng puso ko, at naiinitan na rin ako sa ilalim ng kumot. Sa pagmamadali ko ay hindi ko pala nabukas ang aircon.

To save myself from suffocation, I acted like a normal sleeping person shifting on the bed. Hinawi ko ang kumot with my eyes shut tight.

"Gising ka, Ataisha. Stop acting."

Nagtaasan yata ang balahibo ko nang sabihin niya iyon. I didn't move, nor did I open my eyes a little to see. I clenched it even more.

"So, you can observe. A woman is in the house, and she needs your clothes for the night. Tumayo ka diyan at bigyan mo siya ng damit." Bumabalik na naman ang pait sa aking puso, at lalo pa yatang sumakit. "Ano? Hindi ka talaga tatayo diyan? Ako pa ang magkakalkal sa mga damit mo?"

Halos maalog ang ulo ko nang maramdaman ko ang mahigpit na pagkuha niya sa aking kanang kamay at malakas akong hinila pabangon. Sumakit nang bahagya ang ulo ko sa ginawa niya.

"C-Creed, ano ba'ng—"

"Makisama ka naman. Nakikitira ka na nga lang dito, hindi ka pa marunong sumunod!"

Natigilan ako sa sinabi niya. Naramdaman ko ang pagbabadya ng mga luha ko. Sobra akong nasaktan na ganito na pala ang tingin niya sa akin ngayon. Nakikitira? Nakikitira lang pala ako? Ang sarap magmura sa sakit. Tangina, akala ko bahay namin 'to. Akala lang pala.

Hindi na ako umimik at tumayo na lang 'tsaka tinungo ang walk-in closet ko.

Mabigat ang damdamin ko at ang kirot-kirot ng puso ko. Nararamdaman kong nanunuod lang siya kaya binilisan ko na lang ang pagpili.

Masyadong nilalamon ng pait at sakit ang puso ko only to realize that I am about to lend the girl my pajamas. The one he gave me as a gift for my birthday two years ago.

I was already too late at nakalahad na sa harap ni Creed ang kamay ko. Nang hindi niya ito tanggapin, nalipat sa kaniyang mga mata ang aking paningin.

His brows were furrowed really deep na para bang iritang-irita siya sa ginagawa kong katangahan.

"My gift? Seriously?"

Naibaba ko ang kamay kong nakalahad sa sinabi niya. Hindi ko siya maintindihan. Ano pa bang gusto niyang mangyari? Dapat ba mas espesyal pa kaysa dito?

"M-Malambot ang tela n-nito. Tiyak m-makakatulog siya nang mahimbing d-dito—"

"And who fucking told you we'll sleep?"

Medyo napaatras ako sa naging bulalas ng kaniyang bibig.

"C-Creed-"

"Just get me a fucking descent clothing! Tangina, andaming dada!"

Hindi ko alam kung umikot ba ang mundo o 'yung paningin ko lang. Napahawak ako sa bedside table habang ang isang kamay ang nagmasahe sa sintido ko. Nang subukan kong buksan ang mga mata ko, nagshe-shake ang paningin ko nang paulit-ulit kaya napapikit na lang ulit ako.

"Are you being serious right now?" rinig ko ang irita sa boses niya.

"S-Sandali lang..."

Dahan-dahan akong napaupo sa aking kama. Parang tumitibok ang ulo ko. Ramdam na ramdam ko ang pagtibok sa tuktok ng ulo ko. Hindi ko na rin mabalanse at parang bumibigat ang ulo ko.

Humigpit ang kapit ko sa bedside table. I could see my knuckles turning white for a blink second.

It was just for a short time, pero grabe ang atake. I was wincing in pain for a second, then the next I'm fine.

"Bibigyan ko na lang siya ng ternong damit." nanghihinang saad ko at dahan-dahang kumapit sa bedside table para mapagkunan ko ng lakas sa pagtayo.

Hindi ko na siya pinansin at namili ng damit na pwedeng gamitin noong babae na hindi gaanong mukhang pambahay pero malambot at kumportable naman. Nang mahanap ang perpektong damit, agad na akong lumabas sa walk-in closet.

Iniabot ko ito sa kaniya nang hindi siya tinitignan sa kaniyang mga mata. Tinanggap naman niya iyon kaagad at lumabas na sa aking kwarto, ni hindi niya man lang ako tinanong kung ano ba'ng nangyari at kung maayos lang ba ang pakiramdam ko.

He just went like that. Not even asking if it's okay to borrow the clothes from me. To what I might feel lending his mistress my personal clothes. Clothes that mostly were from him.

There was not even a word of thanks.

***

Pupungas-pungas pa akong bumaba ng hagdan nang magising ako. Madilim pa sa labas pero mas maigi nang magluto ako ng agahan nang maaga kaysa maabutan ko pa silang dalawa. May plano din kasi kaming lumabas ni Saskia.

"We'll be—You'll be over this soon. Just... Just endure it for now, will you?"

Nawala yata ang pagkaantok ko nang marinig ang boses ng babae kagabi. Naparaan ako sa guest room namin at iyon kaagad ang narinig ko.

Walang naging sagot ang kung sino mang kausap niya. Probably Creed. But what does she meant by that? Endure? Endure what? They'll be over something soon? What something?

Sa takot na baka mahuli pa nila akong nakikinig, dali-dali na lang akong bumaba ng hagdan patungo sa kusina. Abot-abot ang tahip ng puso ko habang binubuksan ang mga ilaw sa daan ko papuntang kusina.

Para masiguradong nasa kundisyon ang sarili ko sa umaga, nagtimpla na muna ako ng kape bago magluto. Habang hinihintay kumulo ang tubig, napaisip na naman ako sa kung sino ba talaga iyong babae. And was she staying sa guest room? Really. Dapat nagsama na sila sa kwarto ni Creed. I wouldn't mind. It’s not like I have any choice, anyway.

The time flew so slowly I was able to finish so many dish in just a short span of time. May mga bacon na, eggs, at sinangag. Nag-prito din ako ng iilang slice ng Spam dahil paborito din iyon ni Creed.

"Bilis magluto, ah. Nagmamadali?"

Nabitawan ko ang platong ilalatag ko sana sa lamesa sa gulat.

"Creed... G-Good morning."

"May lakad? Kasama sino? Kabit mo?"

Napa-iwas ako ng tingin sa mga tanong niyang sunod-sunod. Dapat sanay na ako, e. Matagal nang ganito. Pero bakit sa tuwing pinaparamdam niya sa akin ang galit niya, nasasaktan pa rin ako nang sobra-sobra? Tapos babalik na naman ako sa pagtatanong sa sarili ko ng bakit at kailan pa nagsimulang maging ganito 'yung napaka-prepektong relasyon namin noon.

Hindi siya naniniwalang wala akong kabit kahit pa yata ilang libong beses kong ulit-ulitin sa kaniya.

"C-Creed, wala akong kabit. Kahit kailan, hindi ako naghanap ng iba. Kahit ganiyan k-ka sa'kin, ikaw pa din." Tumalikod ako sa kaniya saglit para punasan ang luha kong nagbabadya nang mahulog bago siya harapin ulit. Ngumiti ako nang maliit. "Mahal na mahal kita, e. Sa kabila ng lahat, labis-labis pa din. Nag-uumapaw pa nga. Pero ikaw... hindi ko na alam."

Sakto namang iyon na lang ang huli kong gagawin sa lamesa at handa na ang lahat. Tumalikod na ako at nagsimula nang lumabas doon. Mukhang wala naman siyang gustong sabihin sa akin.

"Ataisha..."

Natigilan ako roon. Mga ilang segundo pa ang binilang bago ako dahan-dahang nakaikot upang harapin siya ulit.

"Walang magbabago kung hindi ka nagkamali. Don't put all these on me."

Mabagal na lang akong tumango, baka mapaiyak pa ako rito kung pipilitin kong sumagot sa sinabi niya. Ni hindi ko nga maintindihan kung anong ibig niyang sabihin doon. Anong ako? Nagkamali ako? Kailan? Saan?

"And you don't deserve the explanation. Find it out for yourself." And with that, he walked away.

Hanggang sa makaligo na lang ako't lahat-lahat, baon-baon pa rin ng isip ko ang sinabi niya sa akin. Nagkamali nga ba ako? Ano 'yon? Wala akong maalalang may nagawa akong maaaring maging dahilan para masira kami nang ganito.

I may have done some things, but it is not as heavy as to resulting to this kind of relationship. They were pretty minimal and whatever I do, he's always so ready to forgive me. So, why? What happened?

One thing I know that could ruin us like this—a real potential reason—is me keeping an affair with someone else which I never did. Mahal na mahal ko siya na hindi ko kailanman iisiping humanap ng iba. Mababaliw muna ako bago iyon mangyari.

I remember being close friends with boys, but it never took a toll on him. He's actually okay with that since he said my friends are his friends, too.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status