Share

Chapter 04: Red Nose When She Cries

"Gumising ka na." Medyo malakas na bungad ng babae nang buksan ko ang mga mata ko kinabukasan. Siya 'yung babaeng pinahiram ko ng damit. Hindi naman ako magugulat kung ibang babae ang mabubungaran ko, pero ang sakit pa din pala talaga.

Is he trying to settle on this girl? Hindi na ba siya magpapalit-palit?

At bakit niya ako ginigising?

"H-Ha?" Kinusot ko ang mata ko para matanggal kahit papaano ang mga muta. "May kailangan k-ka ba?"

"Ikaw daw magluto ng agahan, sabi ni Creed. Pwedeng paki-sarapan, please? First breakfast namin 'to together ni Creed, e. I just want it to be enjoyable and delicious."

Medyo umawang ang labi ko sa sinabi niya pero mabilis ko rin iyon na isinara.

Tumango ako. "Yeah, no prob."

"Thank you!"

Pagkasabi niya no'n ay umalis na siya. Hindi ba siya marunong magluto? Bakit kailangang ako?

Wala akong magawa kundi ay ang bumangon na lang upang pagsilbihan sila. Habang naghahanda sa kusina, hindi ko mapigilang liparin ang utak ko.

'Yon na pala ang huli. Huling halik niya sa noo ko. Huling kanta niya sa pagtulog ko. It was the 3rd birthday with him, at hindi ko inaasahang sa ika-apat na kaarawan ko pala na kasama siya ay hindi na mangyayaring gano'n uli katulad sa mga nagdaang taon.

Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang naalala kagabi ang tungkol sa kaarawan ko last year. Maybe because I'm turning another year a few days later.

"Ouch!" Mabilis kong inilayo ang kamay ko sa mainit na hawakan ng kawali. Rubber naman pero bakit uminit nang ganito?

Two days 'til my birthday at magkakaroon pa yata ako ng paso. I'm sure this will swell for a few days. Lucky me.

Matapos kong magluto ng agahan, agad ko na iyon inihain sa lamesa. Ayaw ko nang magpang-abot pa kami. Nagsasawa rin naman akong lagi na lang nakakarinig ng masasakit na salita mula sa kaniya.

Nagbabalak pa lamang ako na umalis sa kusina—minamadali na nga ang pag-aayos—sakto pang dumating ang dalawang taong pinagplaplanuhan ko nga sanang iwasan makasama sa umaga.

"Hmm... Ang bango." Bungad na pasintabi noong babae habang hinihintay si Creed matapos sa ginagawa nito. Pinaghihila siya ng silya ni Creed habang takam siyang nakatingin sa mga inihanda kong pagkain.

"Thank you." Matamis siyang ngumiti kay Creed nang matapos ito 'tsaka nalipat ang tingin sa akin. Medyo napatalon pa ako.

"Tara, kain tayo." Nakangiti niyang saad sa akin. Napatingin muna ako kay Creed kung gusto ba niya o ayaw niya akong makasabay pero mukhang wala naman siyang pakialam. Nagsasandok na kasi siya ng sinangag sa plato noong babae.

Alinlangan akong umupo habang panay pa din ang sulyap sa gawi ni Creed. Baka kasi hindi pa siya aware na iniimbitahan ako ng babae niya at baka bulyawan ako bigla kapag na-realize niyang nakikisali ako sa umagahan nilang dalawa.

Mukhang napansin noong babae ang pasulyap-sulyap ko kay Creed kaya bigla na lang niya ikinumpas sa ere ang kamay niya, kinukuha ang atensyon ko.

"'Wag mo nang alalahanin itong si Creed. Kain ka na! Ikaw pa naman nagluto nito." Inangat niya ang kutsara na may pagkain atsaka ito sinubo. Nag-thumbs up pa siya sa akin habang ngumunguya.

Mahina na lang akong ngumiti at tumango sa kaniya.

"Actually, busog pa talaga ako." Dahan-dahan akong tumayo. "Maglilinis din pa ako ng katawan kasi amoy kusina na ako. Uhm... Hope you like your breakfast—"

"Sit." Madiin ang pagkakasabi niyon ni Creed na para bang sakit na naman ako sa ulo niya. Nag-angat siya ng tingin sa akin mula sa pagkakatitig niya sa babaeng katabi niya. "She's inviting you, and you are refusing? How disrespectful."

May parte na naman sa puso ko ang lubhang nasaktan sa mga binitawan niyang salita. Kasi naiisip ko na naman. Naalala ko na naman. Parang dati lang, hindi niya ako kakayaning sabihan ng ganiyan. Ni lamok yata, hindi niya kakayaning padapuin sa akin. Pero... heto na ngayon sa harap ko ang katotohanan.

"Ang sarap ng pagkain!" Puri noong babae sa kalagitnaan ng pagkain namin.

Nagtaas ako ng tingin sa kaniya mula sa plato ko at maliit na ngumiti. "Thank you."

"Matagal ka nang marunong magluto?"

Tumango naman ako. "'Di naman talaga ako marunong magluto dati. Nung unang beses na..." Tumikhim ako. Ramdam kong nakikinig si Creed sa usapan namin ng babae niya. "... tumira kami dito, lagi lang kaming nago-order kasi hindi ko pa talaga kaya. Ta's 'yun. Pinag-aralan ko talaga. Sabi ko sa sarili ko, magkakasakit kami kung laging order sa labas ang kakainin namin. Dapat matuto akong magluto para pwede kong masigurong malinis at masustansiya ang mga kakainin namin."

Gusto ko pa sanang isama na hindi naman talaga kami madalas um-order sa labas ni Creed dahil sa aming dalawa ay mas masarap siya magluto, pero hindi ko na lamang sinama dahil ang moment na ito, tulad ng sinabi niya kanina, ay para sa kanilang dalawa. Especially since it was her first breakfast with him. Ayaw ko namang sirain 'yon dahil lang gusto kong i-bring up ang pagsasama namin ni Creed noon.

"Wow." Manghang usal ng babae. "That's so amazing! Thank you for taking care nga pala kay Creed, ha? That's so nice of you. Sana ako din matuto magluto ng kasing-galing mo so that I could take care of my family with Creed in the future the way you did."

***

Hindi ko alam kung naaaning lang ba ako sa sobrang pagmamahal ko kay Creed o ano, but I just found myself crying in the bathroom.

So, he was indeed settling on the woman. She's nice. Bubbly. Siguro naman ay maaalagaan niya si Creed tulad ng kung paano ko ito inalagaan.

Nakalublob ako sa bathtub, and for a minute, I was actually considering to just drown myself right there on the spot. Suot ko din pa ang damit na suot ko kanina sa pagluluto.

It was so soak in water at wala na iyon sa pakialam ko. I'm more focused to imagining my life without him.

Ang sakit. I can't even start to imagine it without him. Should I try to?

Wala siyang sinabi. Hindi niya tinanggi. So, he was really aggreeing to her owning him? That they'd really build a family of their own? Together?

At ako? I'll be kicked off the picture.

Nang mahimasmasan nang kaunti, I pulled myself up from the tub and faced myself in the mirror. Pulang-pula ang tungki ng ilong ko. Even that simple change in my nose's tone made me remember the past.

The past with him, such an eventful past. Always so full of love.

"Red nose when she cries."

Madalas niyang pang-aasar sa akin kapag umiiyak ako.

***

"Lalim naman ng iniisip ni Aia."

Akala ko aalis na sila after breakfast, but they are dating at home kaya ako na lang ang nag-adjust. Nakipagkita ako kila Saskia dahil wala naman akong ibang kikitain. I live somewhere far off this city so I really know no one.

There must be two or more cities before I could reach the city I grew up in.

"Wala." Iniwas ko ang paningin ko sa kaniya at pumulot na lang ng fries. "Sa tingin mo ba, hindi ko siya deserve kaya gano'n siya sa akin? Na-realize kaya niya na hindi pala ako ang gusto niyang makasama sa buhay kaya ganito na kami ngayon?"

S******p ako sa straw ng latte ko habang hinihintay ang sagot niya.

Pumulot din si Riel ng fries mula sa tray ko at nagkibit-balikat. "I honestly don't see any reason why he should act like that to you. Hindi ka naman mukhang may attitude."

Muntik ko nang maibuga ang iniinom ko. "Hoy!" Natatawa kong hinampas ang braso niya. "Grabe sa attitude, ah!"

"Ayy, alam ko na bakit gano'n." Umiling-iling pa siya na parang feel na feel ang argument niya.

Tinaasan ko siya ng kilay at nilayo ang tray ko nang akmang kukuha uli siya. "Bakit, aber?"

"Kasi sadista ka." Saad niya sabay abot sa tray ko. Palibhasa mahaba ang braso niya, tine-take advantage niya ang french fries ko!

"Anong sadista ka diyan?! Baka gusto mong—"

Natigil ako nang pabalyang binagsak ng bagong dating ang bag niya sa upuang katabi ni Riel. "Wassup, guys! What's the ganap?" Pabagsak din siyang naupo at sinandal ang katawan sa upuan.

Napahawak talaga ako sa dibdib ko sa gulat. "Kakagulat ka naman, Sas!"

Pinikit niya ang mga mata niya. "Nakakapagod. Andaming tao sa gig kagabi. Ba't pala 'di ka sumama?"

"Ayaw ko muna, masakit din lalamunan ko, e."

Nagulat ako, pati rin yata si Riel, nang pabalikwas na bumangon si Saskia at nanlalaki ang mga matang tinitigan ako. Naglakbay pa ang mata niya paulit-ulit sa leeg ko na para bang may inaasahan siyang makita doon.

Gano'n na gano'n pa'rin ang ekspresyon niya sa mukha nang bumalik ang paningin niya sa mukha ko.

"Si Creed?"

Ha? Nangunot ang nuo ko sa sinabi niya. Bakit si Creed?

Ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko nang pagdikitin niya ang dulo ng mga daliri niya hanggang sa makabuo ito ng bilog sa gitna. Tinaas-baba niya ito sa ere habang taas-kilay na nakatingin sa akin at hinihintay marahil ang kumpirmasyon ko.

"Saskia!"

***

"Be quick. Get dressed."

Gulat akong napalingon sa gawi ni Creed na mag-isang nakaupo sa sofa namin nang makauwi ako galing sa pakikipagkita kila Saskia at Riel. Wala iyong babae niya at mukhang may pupuntahan pa yata siya sa damit niya. He was wearing a formal suit, must be because he was from work.

"H-Ha?"

Magaalas-singko na rin ako nakauwi dahil marami kaming pinuntahan nila Saskia after the lunch. May mga errands na hinabol si Riel at naging parang audience lang kami roon ni Sas. Nevertheless, the bonding we had was enough to at least help me forget about the pressing things in my life for even just a short time.

Kahit saglit na saglit lang talaga.

"Get dressed. Your family invited us to dinner."

Mabagal lang akong tumango at bahagya pang yumuko bago tumungo sa hagdan. My family invited us? Bakit na naman ba? Ano na naman ba'ng meron?

I hurriedly took a bath again so that I don't smell. I settled on a slight lip color and eyelashes. I gathered my hair in a messy bun. Hindi na rin ako gaanong nag-effort na maghanap-hanap sa closet. I ended up wearing a spaghetti strap dress in black. It was just above the knees, and bodyhugging. I matched it with a pearl necklace and a white Fendi shoulder bag.

Regalo pa iyon sa akin ni Creed noong second birthday ko.

Pinasadahan lang niya ako ng tingin nang mabilis 'tsaka ako tinalikuran. Nauna na siya sa front door na hindi man lang ako tinutulungan. Hirap na hirap akong bumaba ng hagdan dahil nagpalagay siya ng carpet noong nakaraang linggo sa lahat ng baitang tapos naka-heels ako. Isang maling apak lang, dire-diretso na ako niyan hanggang baba.

Nang mapag-tagumpayan ko ang mga baitang, narinig ko na agad ang busina ng sasakyan niya. He was never impatient like that to me, pero ngayon ay nagagalit na kaagad siya na napaghihintay ko siya nang medyo matagal. Talagang nahihirapan lang naman ako bumaba, hindi ko naman sinasadya.

Nang makapasok ako sa sasakyan niya, pinaandar niya na iyon kaagad. Ni hindi man lang niya ako hinintay na makapag-settle sa upuan. I haven't even readied my seatbelt yet.

Mabilis ang naging byahe namin dahil gabi naman na at wala na kaming nakakasabayan sa highway. Tahimik lang at walang balak na magsalita si Creed to pass time. It was deafening, really.

Nang makarating sa bahay namin, mabilis siyang bumaba sa sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto.

"Quickly." He demanded impatiently. May bahid din ng inis sa boses niya. "I have to park the car, you wait for me here."

So, I stood there. Like a rod. On the gutter. Couldn't even turn to see if my parents were there behind me a bit closer or farther.

My parents were up there at the front door. They saw me, but they didn't even try to go near me and see how have I been. They just both stood there and waited for Creed. Like Creed is their biological son and I'm being the 'girlfriend' from a different family.

Mabilis na hinaltak ni Creed ang braso ko patungo sa mga magulang ko nang maiparada niya ang sasakyan sa gilid. Hindi naman iyon marahas pero nagulat pa rin ako dahil bigla-bigla iyon.

"How are you, son?" Bungad ni Mama habang pinapatakan ng halik sa pisngi si Creed. Ni hindi man lang niya ako binalingan ng tingin.

"Fine, mom." Nakangiting sagot ni Creed.

"Oh, that's good to hear! Come! Come! Pasok!" Nauna na si Mama pumasok kaya naiwan kaming tatlo nila Papa.

I felt Creed's grip of me loosen. Ewan, that simple gesture pained my heart. Nilulukob ang puso ko nang sobra pa sa sobrang sakit.

Na para bang sa pamamagitan ng ginawa niyang iyon, indirectly na rin niya akong sinasabihang malaya na ako. Pero dahil hindi pa niya completely binibitawan, parang sinasabi lang niya na maluwag na... malapit na.

"Kamusta ang business, hijo?" Tanong naman ni Papa habang mabagal na naglalakad papasok ng bahay namin. Bago pa man makasagot si Creed, isang malakas na sigaw na ang pumutol sa kaniya.

And that's when I was finally free. Binitawan na ni Creed ang kamay ko, dumating lang ang kapatid ko.

"Kuya Creed!" Malakas na sigaw ni Athena, nakababatang kapatid ko. Sa isang iglap ay nasa harap na namin siya at yakap-yakap si Creed. Napa-iwas na lamang ako ng tingin dahil 'di tulad noon na tinutulak niya ang kapatid ko, ngayon ay parang hinahayaan na lang niya.

"Okay lang po, Dad. The business is going very well lately." Magalang na sagot ni Creed habang yakap pa din ni Athena.

Matagal nang may gusto si Athena kay Creed. Harap-harapan niya pa nga'ng inamin sa akin noon na may gusto siya dito. Na nahulog raw siya dito noong iuwi ko ito sa bahay namin para ipakilala sa kanila nila Mama.

"Athena..." Mababang boses na suway ko sa kaniya nang hindi na niya lubayan si Creed. Kitang nag-uusap sila Papa't Creed, 'tsaka naman siya diyan nakikisali. Hindi naman kaya siya kasama sa usapan. Baka nga hindi pa niya naiintindihan pinag-uusapan nila tapos kung makakapit kay Creed, akala mo linta na mamamatay kapag walang supply ng dugo.

Inirapan lang niya ako at ngumisi pa habang yakap-yakap pa din si Creed. Aba!

"C-Creed..." Sinubukan kong kunin ang atensyon niya, pero bigo ako tulad ng inaasahan.

Mabagal lamang ako na nakasunod sa kanilang tatlo na para bang wala ako doon. Na para bang hindi naman talaga ako kasali. Na nandito lang ako kahit na hindi naman talaga dapat.

"Kuya Creed, how are you?" Mas lalong humigpit ang kapit ni Athena sa braso ni Creed at pansin na pansin ko mula sa anggulo ng kinatatayuan ko na pasimple niyang dinidikit at hinihimas ang gilid ng dibdib niya sa braso ni Creed.

Kumpara sa akin, mas malaman ang dibdib ni Athena. Isa siguro 'yon sa mga dahilan kaya maraming lalaking nagkakandarapa sa kaniya. Kaya rin siguro ganiyan na lang ang confidence niyang ahasin mula sa akin si Creed at na sigurado siyang magtatagumpay siya.

"I'm fine." Tipid lang na ngumiti sa kaniya si Creed. It was a genuine smile, mukhang hindi naman siya napipilitan. Baka nga nag-eenjoy pa siya sa ginagawa ng kapatid ko, e.

Wala sa sariling napababa ang tingin ko sa sarili ko. Kung dati ay todo compliment na halos malunod na ako si Creed sa akin sa tuwing nakikita niyang confident at sexy ako sa isang damit, ngayon ay parang wala na nga siyang pakialam kahit pa yata maghubad ako sa harap niya.

Gano'n niya ako ka-disgusto. At hanggang ngayon... hindi ko pa rin talaga alam kung bakit.

Hindi naman kasing-lusog ng dibdib ni Athena ang dibdib ko, pero masasabi kong may maipagmamalaki rin naman ako. Baka naman, mga gano'n talaga ang tipo ni Creed. 'Yung may sobrang malalaking hinaharap. 'Yung tipong malulunod siya.

Nang malapit na kami sa may dining area, sakto namang lumabas mula roon si Mama.

"Handa na ang hapag. Tara na't maghapunan na tayo." Nalipat ang tingin ni Mama kay Athena na nakadikit kay Creed. Bahagya pa siyang natuwa nang makitang masaya ang bunso niya habang inaahas nito ang boyfriend ko. "Ena, tigilan mo muna 'yan si Kuya Creed mo at pagod 'yan sa maghapong trabaho. Tapos ay nagmaneho pa 'yan si Kuya mo para lang makasama't makasalo tayo sa hapunan."

"But, Mom—"

"We'll give you both an alone time later, Ena. Hmm? Sa ngayon ay hayaan mo munang makapag-pahinga ng kaunti 'yan si Kuya Creed mo."

Hindi ko mapigilang masaktan sa nasasaksihan ko. Alam ni Mama na boyfriend ko si Creed. Anong alone time? Akin si Creed. Boyfriend ko, hindi ni Athena!

Napabuntong-hininga na lamang ako. Pero wala naman akong magagawa kahit pa mag-lupasay ako rito. Ako pa ang lalabas na masama kung ipaglalaban kong akin si Creed. Na hindi dapat ganito kung makitungo si Athena sa kaniya dahil hindi naman sila.

At paano ko pa nga ipaglalaban si Creed kung halata naman din sa kaniya mismo na okay lang na ganito kung umasta sa kaniya si Athena.

"Okay po, Mom." Pero ano ba nga'ng aasahan kay Athena? Ang spoiled brat ng pamilya.

Matamis lang siya na ngumiti kay Mama at palihim akong inirapan. Hindi ko din alam kung saan ba nanggagaling 'yan at galit na galit siya sa akin. Bagay pala talaga sila ni Creed, 'no? Parehas may galit sa akin nang hindi ko malaman ang dahilan.

"Tara, Kuya?" Lalong lumapad ang ngiti niya nang tumango lang sa kaniya si Creed. Siguro ay kilig na kilig na 'yan sa loob-loob niya. Ang sarap niyang sabunutan.

Madalas ay sinisigurado ko at inaaral ko pa nga'ng kumalma, na laging kalmahan kahit na inis na inis na talaga ako. Nagtatagumpay naman ako sa ibang bagay, sa kapatid ko lang talaga ako nasa verge laging mapigtas ang pagtitimpi ko. Isang kalabit na lang talaga, sasabunutan ko na 'yan at kakaladkarin palayo kay Creed.

Nauna na silang maglakad patungo sa hapagkainan at talagang sinusubukan ako dahil kapag nagtatama ang paningin namin, ngingisihan niya ako na para bang may nakakatuwa. Nakakatuwa sigurong mang-ahas. Baka naman 'yon ang fetish niya. Ang maging kabit.

Bahay namin 'to. Dito ako nakatira dati. Dito ako lumaki. Pero simula nang umapak ako sa pamamahay na ito kanina, wala man lang ni isa sa mga nakatira dito ang sinalubong ako at tinanong kung ano na ba ang nangyayari sa buhay ko ngayon. Kung ano nang ganap. Kasi 'di ba dapat gano'n naman? 'Di ba dapat curious sila sa kung ano na ba ang lagay ko ngayon? Dahil hindi na ako nakatira dito, e. Ilang taon na.

Kaya bakit wala? Walang kahit isang tinanong ako? Tinignan ako? In-acknowledge 'yung existence ko dito?

Ba't puro si Creed nalang? Ba't puro siya nalang nakikita niyo? Tinatanong niyo?

Pa'no naman ako?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status