Share

Kabanata 3

Author: JCuenz
last update Last Updated: 2024-10-19 11:35:16

Naalimpungatan si Jenna sa malalakas na katok sa munting apartment niya. Masakit man ang ulo ay napilitan siyang bumangon para tingnan kung sino ang kumakatok. Napakunot-noo pa siya nang makita ang dalawang lalaking naka-formal attire sa labas ng pinto ng apartment niya.

"Yes?"

"Excuse us, are you Miss Jenna Alegria?"

"Yes?" Mas lalong kumunot ang noo niya lalo pa't hindi siya sanay na may naghahanap sa kanya sa banyagang lugar na iyon, obviously ay Pinoy din ang naghahanap sa kanya.

Pinapahanap na ba siya ng ama? Biglang parang gustong mawala ng lahat ng hinanakit niya sa puso para rito.

"Madam Conchita Escobar spends a lot of time and money trying to locate you. We believe you are Kristine Alegria's daughter, right?"

Bakit kilala ng mga ito ang ina niya?

Lagi niyang nababasa ang pangalan ni Conchita Escobar. Natatandaan din niyang laging laman ng balita ang mga naglalakihang negosyo ng matandang babae pero hindi niya ito personal na kilala. Kahit na may maraming negosyo rin ang ama niya ay malayo pa rin ang agwat ng kayamanan ng pamilya nila sa pamilyang Escobar.

Bakit hinahanap siya ng isang Conchita Escobar? At ano ang kinalaman ng pagiging anak niya ni Kristine Alegria?

Nabasa yata ng lalaki ang mga katanungan sa mukha niya.

"Ang ina mo ang nagligtas sa buhay ng paboritong apo ni Madam Conchita."

"A-ang Mama? Alam ninyo kung saan ko makikita ang Mama?" Biglang nabuhayan siya ng loob.

Sinilip pa niya ang likod ng dalawang lalaki at nagbabakasaling kasama ang ina niya.

Nagugulumihang nagkatinginan ang mga ito.

"Hindi ninyo ba alam na matagal nang patay si Kristine Alegria? Iniligtas niya ang buhay ng bata pa noon na si Sir Zian na masasagasaan na sana ng isang kotse. Kung hindi siya hinila ng ina mo at itinulak ay namatay na sana ang apo ni Madam Conchita. Ang nakakalungkot lang ay ang ina mo ang nasagasaan na ikinamatay niya. Sobra dalawampung taon na ang lumipas."

Parang bombang sumabog sa tenga niya ang mga narinig.

Patay na ang Mama niya?

All these years ay umaasa siyang makikita pa ang ina. Matagal na niya itong pinatawad sa pag-iwan sa kanila kung sakaling totoo ngang sumama ito sa ibang lalaki.

Hindi ba hinanap man lang ng ama ang ina? Alam ba nitong patay na ang Mama niya?

Ang daming tanong...

Napatitig siya sa dalawang lalaki sa harap niya. Maibibigay ba ng mga ito ang mga kasagutan tungkol sa ina niya?

"Gusto ka pong makausap nang personal ni Madam Conchita, Miss Alegria."

Matagal na hindi siya umimik dahil sa kalituhan. Ilang segundo rin bago niya nahanap ang boses.

"Sorry, ayaw ko siyang makaharap. Hindi naman ako ang sumagip sa apo niya." Sa tingin niya ay gustong tumanaw ng utang na loob ng matanda, at ayaw niyang tanggapin iyon.

"Mommy, who is it?" curious na tanong ng anak.

"It's okay," mabilis na bumaling siya uli sa mga hindi inaasahang panauhin sa labas, bago pa man mapagmasdang mabuti ni Xavier ang mga lalaki at magtanong pa.

"If it's okay with you both, I'm not feeling too good right now."

Agad na isinara niya ang pinto nang hindi na hinintay pang sumagot ang mga ito.

Sa Pilipinas, sa loob ng marangyang mansiyon, kunot na kunot ang noo ni Zian habang nakikinig sa kausap sa telepono.

"May bagong impromasyon ba kayo?"

"Nakita po namin ang singsing na iyon sa online market. Hinahanap na namin ang pagkakakilanlan ng nagbenta."

"Buy the ring and get her details!" Magkahalong emosyon ang kalakip ng demanding at authoritative na boses na iyon.

"Okay, Sir Zian, may mga kinakalap na po kaming impormasyon tungkol sa babae."

Wala sa loob na ibinaba na niya ang teleponong hawak.

Kahit mapusyaw ang ilaw sa kwarto ay maaaninag pa rin ang gwapong mukha ng lalaki na para bang isang Greek god na naligaw sa lupa. Hindi naitago ng mamahaling suot nito ang naglalakihang muscles ng lalaki. Kusa itong bumabakat sa tela ng branded na damit.

May hindi maarok na kalamigan ang mababanaag sa mga mata ni Zian Walton Escobar habang paulit-ulit na naririnig ang matigas at demanding na boses ng lola sa isip niya, "Zian, kailangang pakasalan mo si Jenna Alegria. Sa pamilyang Escobar, siya lang ang tatanggapin ko bilang asawa mo."

Habang umaalingawngaw pa rin ang boses ng lola niya na binabanggit ang pangalan ni Jenna Alegria, ibang imahe ng babae naman ang nasa utak niya. Hindi man niya makikita sa imahinasyon ang mukha ng babae dahil sa dilim na bumabalot ay alam na alam naman ng utak niya ang pigura ng babaeng inangkin niya sa dilim.

Sa gabing iyon ay pilit niyang nilulunod ang sarili sa alak dahil sa pagtalikod ni Heather sa kanilang kasal sana. Hindi man lang nagpaalam nang personal ang babae sa kanya bago ito lumipad patungong Europe. Idinahilan nito na hindi pa ito ready na magpakasal dahil marami pa itong gustong mangyari sa buhay.

Gusto niyang magwala nang panahong iyon kaya mag-isa siyang pumunta at nagpakalasing sa isang bar na hindi na niya matandaan kung paano siya napadpad do'n. Dahil na rin nasaktan ang pagkalalaki niya ay inutusan pa niya ang lalaking nakilala lang sa bar na iyon na dalhan siya ng babae sa kwarto.

Ni hindi na niya maalala ang buong pangyayari maliban sa putol-putol na alaala ng babaeng iyon na nasa ilalim ng katawan niya habang umiiyak. Paulit-ulit itong nagmamakaawa sa kanya.

Ang buong akala niya ay isa itong babaeng bayaran kaya't hindi niya alam kung bakit nagmamakaawa ito nang angkinin niya.

Malabo na agad ang mga pangyayari pagkatapos no'n. Basta ang alam lang niya ay ibinigay niya sa babae ang wedding ring na sana ay ibibigay niya kay Heather sa araw ng kasal nila. Ipinasadya niya talaga ang singsing na iyon para sa kasintahan pero dahil nilayasan siya nito ay naisipan niyang ibigay sa babae at bigla ay nawalan na siya ng malay pagkatapos.

Anim na taon na ang lumipas mula nang mangyari iyon, at hindi siya tumigil sa paghahanap sa babaeng ni hindi niya alam ang mukha. Ang tanging meron siya ay ang alaala ng malambot na katawan nito.

Last week lang din niya nalaman na ang singsing na ibinigay niya rito ay ibinenta sa isa sa mga naglipanang second-hand market online.

Kung kailan mayroon na siyang lead na pwedeng sundan para ma-track ang babae ay saka naman paulit-ulit na ipinagpipilitan ng lola niyang si Conchita Escobar na pakasalan niya si Jenna Alegria.

Sino nga ba si Jenna Alegria? Ni wala siyang ideya kung ano ang hitsura ng babae. Hindi rin pamilyar sa kanya ang angkan na kinabibilangan nito.

Bakit bigla ay gustong pakialaman ng lola niya ang tungkol sa pagpapakasal niya? Ano'ng meron ang isang Jenna Alegria para ipilit ng matanda na pakasalan niya ito?

Naputol lang siya sa malalim na pag-iisip nang biglang tumunog muli ang phone niya.

"Hello."

"Sir Zian, nakita ko na ang babaeng pinapahanap mo. Ang pangalan niya ay si Chelsea Rivera. Galing sa kanya ang singsing na ibinibenta online."

"Ibigay mo sa akin ang address niya." Hindi niya mapigilan ang excitement na nararamdaman, lalo pa at may pangalan na siya ng babaeng hindi nagpatahimik sa kanya sa loob ng limang taon.

Sa wakas ay mahahanap niya na rin ang misteryosong babae.

Kailangan niya itong makita sa lalong madaling panahon!

Kailangan niyang bumawi sa malaking kasalanan niya rito kahit pa nga sabihing hindi niya kagustuhan ang nangyari sa kanila nang gabing iyon.

Sa tingin niya kasi ay hindi ito isang bayarang babae lalo pa at paulit-ulit niyang naririnig sa isip ang paghikbi nito pagkatapos niya itong maangkin.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 208

    Almost thirty minutes na siyang nag-aabang sa labas ng school mula nang matapos ang last subject niya. Kaninang alas kwatro pa tapos ang klase niya pero malapit nang mag alas kwatro y medya pero wala pa rin si Arthur. Nag-aalala na tuloy siya. Madalang lang kasi na nali-late ito ng sundo sa kanya,

  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 207

    Mabilis na ginalugad ng dila nito ang loob ng bibig niya. Napayakap na rin siya sa leeg nito habang palalim nang palalim ang halik nito. Mabuti na lang at tinted ang salamin ng kotse ng nobyo at naisara niya ang pinto no'n. Hindi niya alam kung ilang minutong nagsalitan sila sa pagsipsip ng dila.

  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 206

    "I thought you're on a diet, baby?" Natigil siya sa sunod-sunod na pagsubo nang marinig ang boses ng ina. Ngumiti lang siya rito saka muling sumubo. "Next month na lang uli, Mommy," parang walang ano mang sabi niya. "Chinkee, dalaga ka na at may boyfriend, you should start taking care of your bo

  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 205

    Napasabunot na siya sa buhok nito habang napapatingala na rin ang ulo sa sobrang sarap ng sensasyon. Hinihingal na siya sa magkahalong pagod at sarap. Inaalala yata siya ni Arthur kaya't inihiga siya nitong muli sa kama. Binunot muna nito ang pagkalalaki nito saka ibinuka pang lalo ang mga hita ni

  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 204

    Naramdaman niya ang parehong lamig at init sa kahubaran niya. Pareho na sila kapwa hubad ni Arthur nang dumagan uli ito sa kanya. "Arthur..." paimpit na sabi niya sa pangalan nito nang dumikit sa namamasa na niyang kaselanan ang naghuhumindig na pagkalalaki nito. "There's no turning back now, Chin

  • A Blessing in That One Sinful Night   Kabanata 203

    Sa pagpa-panic niya para huwag nitong tuluyang mahubad ang brief ay biglang umalis ang mga kamay na tumatabing sa mga dibdib niya para pumunta sa bahagi ng katawan ni Arthur na akala niya ay bubulaga na sa mga mata niya. Hindi na nag-isip ang utak niya. Kusang kumilos ang mga kamay niya para tumaki

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status