Home / Romance / A Contract Marriage with My Ex-Husband’s Ruthless Brother / Book 2 In Bed with My Scumbag Husband’s Ruthless Father (SPG)

Share

Book 2 In Bed with My Scumbag Husband’s Ruthless Father (SPG)

last update publish date: 2026-05-13 19:51:59

“Sleep with me again, Samantha. Let my son watch the woman he betrayed choose his own father.”

***

Sa loob ng tatlong taon ng pagsasama, tiniis ni Dr. Samantha Garcia ang malamig, makasarili, at kontroladong mundo ng kaniyang asawa na si Joshua Herrera.

Kapag gusto lang ni Joshua, saka lang siya nagiging “asawa.” Ngunit kahit sa mga gabing magkatabi sila sa kama, hindi kailanman naramdaman ni Samantha ang lambing, pag-aalaga, o pagmamahal na matagal niyang hinahanap.

Unti-unting nalunod si Samantha sa isang relasyong puro pananahimik, kakulangan, at pag-iisa.

Hanggang sa bumalik sa Pilipinas si Gabriel Herrera upang sagipin ang negosyong unti-unting sinisira ng sariling anak.

Si Gabriel ang ama ni Joshua. Isang makapangyarihang businessman na kilala sa pagiging malamig, dominante, at walang pusong magdesisyon. Ang lalaking hindi basta nagpapakita ng emosyon at lalong hindi madaling lapitan.

Hindi aakalain ni Samantha na ang unang pagkikita nila ay mauuwi sa isang mainit na gabing hinding-hindi na mababawi.

Sa piling ni Gabriel Herrera, unang beses mararamdaman ni Samantha ang lahat ng bagay na matagal niyang hinanap—at hindi niya alam kung kaya ba niyang takasan ang mga ito kapag tuluyan na siyang nadala sa pinagbabawal na pagnanasa.

Kinabukasan, nalaman ni Samantha na buntis ang matalik na kaibigan ni Joshua na si Isabella… at si Joshua ang ama ng dinadala nito.

Sa unang pagkakataon, tuluyang nabasag ang puso ni Samantha. Doon niya napagtantong matagal na pala siyang niloloko nito.

Sinubukan niyang lumayo sa mag-ama, pero mas lalo naman siyang hinihila papalapit ni Gabriel na hindi niya dapat mahalin.

Paano kung handang sirain ni Gabriel ang sariling anak para lang makuha si Samantha?

Makakaya kayang mahalin ni Samantha ang ama ng lalaking nanloko sa kaniya kung ang lalaking ito ang unang nagparamdam ng tunay na pagnanasa at pag-aalaga?

Author's Note:

Hopefully, susupurtahan niyo rin po ang story ni Sam. Forbidden Love po siya. 🥲

Susubukan ko pong gawing light romance lang ito para hindi na kayo masaktan. Maraming-maraming salamat po!

Stay tuned. Kung nagustuhan po ninyo ang story, pwede kayong mag-iwan ng mga komento, gem votes, at i-rate po ang mismong libro. Salamat!

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Duskara Morvane
Sino po siya?
goodnovel comment avatar
Miles Petersaint
author. san na si Alyana ung regret hayss
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • A Contract Marriage with My Ex-Husband’s Ruthless Brother   Kabanata 55

    Kabanata 55 Samantha's Point of View Ngumisi lang si Gabriel bago marahang hinawakan ang kamay ko. Mahigpit na pumulupot ang mga daliri niya sa mga daliri ko habang inaayos ang pagkakahawak ko sa baril. "I'm just a businessman managing all of my businesses, sweetheart," kalmado niyang sagot. "Wala akong kinalaman sa mafia o sa underworld." Napataas ang kilay ko. "Talaga lang? Kung ordinaryong businessman ka lang, bakit parang lahat ng tauhan mo marunong humawak ng baril? Tapos ang dami mo pang kaaway." Mahina siyang natawa. "Business." "Business lang?" Tumango siya. "Kapag malaki ang negosyo mo, hindi mawawala ang mga taong naiinggit, naninira, at gustong pabagsakin ka. Kaya kailangan kong matutong protektahan ang sarili ko." "Gabriel..." "Hindi lang ang sarili ko." Seryoso siyang tumingin sa akin. "Pati ikaw." Hindi ako agad nakapagsalita. "Kaya gusto kong matuto ka ring humawak ng baril." "Bakit?" "Para kapag wala ako sa tabi mo, kaya mong ipagtanggol ang sarili mo."

  • A Contract Marriage with My Ex-Husband’s Ruthless Brother   Kabanata 54

    Kabanata 54 Samantha's Point of View Niyaya ako ni Gabriel na samahan siyang bumili ng mga baril bago kami bumiyahe pabalik sa Pilipinas. Sinabi niya na may kailangan siyang bilhin para sa kanyang seguridad pagdating namin sa bansa. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya ng maraming baril, ngunit hindi na ako nagtanong pa. Alam kong may mga kaaway siya. Alam kong may mga taong gustong saktan siya. At alam kong kailangan niyang protektahan ang sarili niya. Pumunta kami sa isang firing range na pagmamay-ari ng isang kaibigan niya. Ang lugar ay malawak at tahimik. Ang mga pader ay makapal at matibay. Ang mga target ay nakalagay sa malayo. Ang hangin ay may amoy ng pulbura at bakal. Matapos niyang bayaran ang mga baril na binili niya, isa-isang binuksan ni Gabriel ang mga kahon. Ang mga baril ay bagong-bago at kumikinang sa ilalim ng ilaw. Ang mga ito ay iba't ibang klase—mga pistola, mga riple, at mga baril na hindi ko alam ang pangalan. Ang bawat isa ay may sariling timbang at sukat

  • A Contract Marriage with My Ex-Husband’s Ruthless Brother   Kabanata 53

    Kabanata 53 Samantha's Point of View Tinitigan ko si Gabriel. Walang bakas ng biro sa mukha niya. Seryoso ang tingin niya, at ramdam kong bawat salitang binitiwan niya ay taos-puso. "Gabriel..." mahina kong tawag. "Salamat." Ngumiti siya, saka marahang hinaplos ang pisngi ko. "Walang anuman, baby girl." Hindi na kami nagtagal pa sa yacht. Magkahawak-kamay kaming bumaba at nagtungo sa dalampasigan. Pino ang puting buhangin sa ilalim ng mga paa ko, habang kumikislap ang malinaw na tubig sa ilalim ng sikat ng araw. Tahimik ang paligid. Tanging hampas lang ng alon ang maririnig. Huminto si Gabriel sa harapan ko. Naka-swim shorts lang siya at halatang kahit sugatan pa, hindi pa rin nawala ang tindig niya. Ngunit mas napansin ko ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Para bang ako lang ang taong naroon. "Ready?" tanong niya. Napakagat ako sa labi. "Hindi ako sigurado." Mahina siyang natawa. "Huwag kang kabahan." "Madali lang sabihin kasi magaling ka na sa ganoong bagay." "Sama

  • A Contract Marriage with My Ex-Husband’s Ruthless Brother   Kabanata 52

    Kabanata 52 Samantha's Point of View "Kapag usapang ganyan, ang dali mo talagang mapaikot," natatawa kong sabi habang muli ko siyang sinusubuan. Tahimik siyang ngumunguya bago ngumisi. "Ginagamit mo na naman ang katawan mo para makuha ang gusto mo." Tinaasan ko siya ng kilay. "Oo. At ang gusto ko ngayon, ubusin mo ang gulay na niluto ko." Napabuntong-hininga siya na parang napipilitan. "Fine. Kung 'yan ang gusto mo." "Good." Muli kong inilapit ang kutsara sa bibig niya. Wala na siyang reklamo kaya sunod-sunod na siyang kumain. Hindi ko napigilang mapangiti. Hindi ko akalaing ang isang lalaking kinatatakutan ng maraming tao sa negosyo ay magpapasaway sa akin dahil lang sa gulay. "Samantha..." Napatingin ako sa kanya. "Bakit mo ba ako inaalagaan?" Natigilan ako. "Ha?" "Bakit?" mahinahon niyang ulit. "Kung wala kang nararamdaman sa akin, bakit ginagawa mo lahat ng ito?" Napatingin ako sa mangkok na hawak ko. "Anong ibig mong sabihin?" "Bakit mo ako binantayan buong gab

  • A Contract Marriage with My Ex-Husband’s Ruthless Brother   Kabanata 51

    Kabanata 51 Samantha's Point of View Naalis ko ang bala sa tagiliran ni Gabriel bago pa man kami makarating sa ospital sa Las Vegas. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para gawin iyon kahit na sobrang delikado. Nanginginig ang mga kamay ko habang pinipigilan ang pag-agos ng dugo niya. Ang nasa isip ko lang noon ay isang bagay. Kailangan niyang mabuhay. Pagdating sa ospital, agad siyang isinugod sa emergency room. Ilang oras din akong pabalik-balik sa harap ng p***o habang hinihintay ang doktor. Nang lumabas ang doktor, halos mawalan ako ng lakas sa kaba. "He's stable now." Doon lang ako nakahinga nang maluwag. Mabuti na lang at hindi tumama ang bala sa mahahalagang organ niya. Kung ilang pulgada pa ang inusad niyon, baka ibang balita na ang narinig ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung mawala siya. Buong gabi akong nanatili sa tabi niya. Tahimik ang private room. Ang tanging maririnig lang ay ang mahinang tunog ng heart monitor. Nakaupo ako sa tab

  • A Contract Marriage with My Ex-Husband’s Ruthless Brother   Kabanata 50

    Kabanata 50 Samantha's Point of View Pinaikot niya ako sa saliw ng musika. Magaan ang gabay ng mga kamay niya sa baywang ko habang hindi man lang siya nag-aalis ng tingin sa akin. Mabuti na lang talaga at hindi ko sinunod ang kalokohan niyang huwag magsuot ng panty. Maikli na nga ang suot kong itim na dress. Sa bawat ikot ko, bahagyang umaangat ang laylayan nito. "Ang galing mo palang sumayaw," nakangiti niyang sabi. "Salamat." Napangiti rin ako. "Natuto ako noong bata pa ako." "Sino ang nagturo sa 'yo?" "Ang Mommy ko. Mahilig siyang sumayaw kaya palagi niya akong isinasama sa dance classes." Pagbalik namin sa mesa, hindi pa man kami tuluyang nakaupo nang biglang umugong ang sunod-sunod na putok. Sa una, akala ko paputok lang. Pero nang magsigawan ang mga tao at magtakbuhan sa iba't ibang direksyon, doon ko lang naisip ang katotohanan. May nagpapaputok ng baril. Napalingon ako kay Gabriel. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang hawak na niya ang tagiliran niya. May dugo.

  • A Contract Marriage with My Ex-Husband’s Ruthless Brother   Kabanata 4

    “File an annulment as soon as possible—so you can marry me.”Tumigil ang mundo nina Vera at Celeste sa mga salitang iyon.Napatingin si Vera kay Rico na parang mali ang narinig niya. Nasa loob pa rin sila ng ospital room. “Ano’ng sinabi mo?” paos na tanong ni Vera.Hindi nagbago ang ekspresyon ni

  • A Contract Marriage with My Ex-Husband’s Ruthless Brother   Kabanata 3

    Habang wala pa si Riley sa bahay, tahimik na pumasok si Carla sa silid na dati’y pinaghahatian nina Riley at Vera. Sarado ang kurtina, malamlam ang ilaw. Ramdam niya ang katahimikan ng kwarto, pero imbes na makonsensya, mas lalo siyang naging kampante. Para sa kaniya, wala na ang tunay na may-ari n

  • A Contract Marriage with My Ex-Husband’s Ruthless Brother   Kabanata 2

    Lumipat si Vera sa isang maliit na apartment, malayo sa bahay na minsang tinawag niyang tahanan. Tahimik ang lugar at sapat lang ang espasyo para sa isang taong gustong maghilom. Pinilit niyang gawing normal ang lahat. Gigising siya nang maaga, papasok sa ospital, gagampanan ang tungkulin bilang do

  • A Contract Marriage with My Ex-Husband’s Ruthless Brother   Kabanata 1

    “Happy birthday and congratulations, Dr. Vera. You are two weeks pregnant!” masayang sabi ni Dr. Andrea Morgan, ang kaibigan at kasamahan ni Vera sa ospital, habang hawak ang resulta ng check-up.Nanigas si Vera sa kinauupuan, hindi makapaniwala sa nakikita. Hawak-hawak niya ang papel, ramdam ang m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status