FAZER LOGINNaging luntian ang mukha ni Vincent sa dami ng mapanghusgang tingin at bulong-bulungan ng mga tao. Pero wala siyang pakialam sa sarili; ang gusto niya lang ay patahimikin ang isyu. "Kate, pakiusap... pwede bang huwag na tayong magpatawag ng awtoridad?"Inalalayan ni Kate ang lola at malamig na sumagot. "Huwag kang mag-alala, wala akong balak tumawag ng pulis."Napabuntong-hininga sa ginhawa si Vincent. "Talaga?""Oo naman, tiwala lang," malamig na sagot ni Kate bago lumingon sa lola. "Lola, umuwi na tayo."Bakit nga ba siya tatawag ng pulis para sa simpleng aksidente sa loob ng tindahan? Kahit tawagin pa nila ang mga awtoridad, anong sasabihin ni Mitch? Na nadulas siya sa sarili niyang damit at hindi sinasadyang nabangga ang staff?Walang mangyayari sa pulis. Pero may mga bagay sa mundong ito na mas mabilis at mas epektibo kaysa sa batas ng tao. Habang naglalakad sila palabas, rinig na rinig pa rin nila ang kaguluhan sa loob ng shop, ang manager na pinagagalitan si Mitch, ang pag-iyak
"Lola!"Mabilis ang reaksyon ni Vincent. Agad niyang sinalag ng braso ang bumababang bakal para ilayo ito sa ulo ng matanda, kaya sa sahig ito tumama. Pero dahil sa talim ng disenyo nito, nasugatan at nagdugo ang braso ni Vincent.Nataranta si Kate sa pag-alalay sa lola. Nang masigurong walang sugat ang matanda, lumingon siya kay Vincent at nakitang umaagos ang dugo mula sa braso nito. Naisip niya… Kung tumama 'yun sa ulo ni Lola, ano na lang ang nangyari sana?Nanginginig na ang sales assistant sa takot. Umiiyak itong nagmakaawa kay Kate. "Patawarin niyo ako, hindi ko po sinasadyang maibagsak 'yun... Ayos lang po ba si Lola? S-Sorry po..."Isa lamang itong empleyado; takot na takot ito na baka pagbayarin siya sa mamahaling gamit at sa danyos. Pero hinarangan agad sila ni Vincent habang nakaharap kay Mitch. "Huwag mong isisi sa empleyado ang nangyari. Maliit na sugat lang ito, pero ang mahalaga ay si Lola..."Tumingin si Vincent kina Lola at Kate. "Lola, dalhin ko na po kayo sa ospital
Nakita na lang nila ang mabilis na pag-angat ng kamay ng matanda at—PAK!—isang malutong na sampal ang lumapag sa mukha ni Vincent. Agad na umalsa ang limang marka ng daliri sa pisngi nito. Galit na galit na itinuro siya ni Lola, sa sobrang gigil ay hindi masambit ang gustong sabihin."Lola!" Nakaluhod pa rin si Vincent at hindi tumayo, hinayaan ang pamumula ng pisngi habang nanginginig ang boses. "Kasalanan ko po ang lahat, Lola. Huwag na po kayong magalit o ma-stress... Pasensya na po... Mula ngayon, hindi na ako makakagawa ng kabutihan para sa inyo, kaya mag-ingat po kayo palagi."Niyakap ni Kate ang lola dahil takot na takot siyang baka atakihin ito sa sobrang galit. Matalim niyang tinitigan si Vincent. "Maayos pa ang lola ko! At hinding-hindi na siya kailanman magpapakita sa isang katulad mo, kaya siguradong aabot siya ng daang taon!"Nang marinig 'yun, lalong nadurog ang puso ni Vincent. Hinawakan niya ang kamay ng matanda. "Lola, alam niyo pong kayo ang pinakamamahal ko... Lola..
Nang sambitin ni Mitch ang salitang "kasal", dire-diretso nitong tinignan si Kate, punong-puno ng pagmamataas at tagumpay ang mga mata.Si Vincent naman ay nanginginig ang buong katawan. Salit-salitan niyang tiningnan sina Kate at Mitch. "Kate... hindi sa ganoon..."Ngumiti si Kate nang may halong pagka-awa at sarkasmo. "Naku, magpapakasal na pala kayo? Edi congratulations! Kailan ba ang date para makapag-handa ako ng regalo?"Namutla nang husto ang mukha ni Vincent. "Hindi, Kate, pakinggan mo muna ako..."Pero ngumisi si Kate. "Bakit ka ba kinakabahan, Vincent? Huwag mong sabihing nag-aalala ka sa kontrata natin tungkol sa annulment?""Anong kontrata?" tanong ni Mitch habang naglalakad palapit suot ang mabigat at mahabang damit-pangkasal."Ah," baling ni Kate kay Mitch. "Iyon ay ang kasunduan namin ni Vincent. Mas mabuting tanungin mo sa kanya kung ano 'yun. Pero Vincent, parang nagmamadali ka naman masyado—hindi ba dapat hintayin mo muna nating lumabas ang opisyal na desisyon ng kort
Hindi nakasagot si Mattheus. Ito ang unang beses na nakita ni Kate na walang maisagot ang kanyang "perpektong" Kuya, kaya napahagalpak ito ng tawa.Inirapan ni Mattheus ang pinsan, halatang nahihiya. "Lola, hindi ba't nagpapasama kayo ni Kate mamaya sa lumang shoppping street para mamili ng mga tradisyonal na candy at kakanin? Mag-aayos na ako ng sasakyan para sa inyo." Mabilis niyang iniwas ang usapan."Sige, mamayang hapon na lang," nakangiting sang-ayon ni Lola.Ang tinutukoy nilang lumang kalye ay matatagpuan sa isang lumang distrito ng Maynila. Puno ito ng mga kultural at tradisyonal na tindahan may mga gumagawa ng barong at Filipiniana, may mga nag-aantigo ng sapatos at alahas, pati na rin ang mga lumang lutong-bahay na tamis. Ang karamihan sa mga shop dito ay may sertipiko bilang mga pamanang kultural, kaya naman medyo may kamahalan ang mga produkto.Dahil napadpad na rin lang sila roon, niyaya ni Kate si Lola na maglibot muna bago bumili ng mga kakanin.Naisip din niyang magbiga
Walang imik si Vincent. Nawala na ang dating yabang at inis na pinapakita niya kay Mattheus; ang natira na lang sa mga mata niya ay ang matinding sakit at panghihinayang habang nakatingin kay Kate na sakay ng kotse.NKahit hindi lumingon si Kate, narinig niya ang sinabi ng pinsan. Hindi ba't normal na lang naman ang pag-abandona o pag-isang tabi sa kanya? Pero ang pusong minsan nang binugbog at sinaktan ng paulit-ulit dahil sa mga pag-iwan ni Vincent, ngayon ay wala na talagang maramdamang anuman. Ni kirot ay wala."Kuya, huwag na nating pansinin 'yan. Tara na," yaya niya kay Mattheus mula sa loob ng sasakyan.Medya alam naman ni Mattheus kung bakit ganoon ang reaksyon ni Vincent, kaya ngumiti lang ito at tinapunan ng huling pang-aasar si Vincent bago pumasok sa kotse. "Good luck, Mr. Fuentebella."Hindi naintindihan ni Vincent kung anong ibig sabihin ng huling sinabi nito. Nakatayo lang siya roon habang pinapanood silang lumayo hanggang sa tuluyang mawala sa paningin niya.Bakit parang
SA BANYO, maririnig ang tuluy-tuloy na lagaslas ng tubig. Si Vincent iyon, naliligo. Ala-tres na ng madaling-araw at kakauwi lang niya. Nakatayo si Kate sa tapat ng pinto ng banyo. May gusto sana siyang pag-usapan nila.. May kaba sa dibdib niya, and she wasn’t sure kung papayag ba ito sa sasabihin n
TAHIMIK na pinagmamasdan ni Kate sina Vincent at Mitch. Matapos ang ilang segundong ilangan, mabilis nilang tinanggap ang bagong papel nila at magkausap na sila nang masaya kasama ang mga business partners, nagtatawanan, parang walang iniisip.Bagay talaga sila…Tahimik na kinuhanan ni Kate ng lit
“Vincent…” hindi niya napigilan ang sariling humikbi. Binigkas niya ang pangalan nito na parang isang panalangin na mahina, basag, puno ng pagod.“Hmm? Kate?” marahan nitong hinawakan ang kamay niya. “What’s wrong? Naiiyak ka ba? If you want to cry, just cry. Huwag mong pigilan ang sarili mo.”Napak
PAGKATAPOS ng gabing iyon, muli ni Kate pinulot ang mga libro. Noong una, hindi siya nag-isip ng malalim. Ang gusto lang niya ay bigyan ng kahit konting kulay ang maputla at tahimik niyang buhay, isang lihim na sandalan, isang bagay na pagkakaabalahan. Dahil kapag may ginagawa siya, hindi niya masya







