Share

CHAPTER SIX

Author: Alena
“Vincent…” hindi niya napigilan ang sariling humikbi. Binigkas niya ang pangalan nito na parang isang panalangin na mahina, basag, puno ng pagod.

“Hmm? Kate?” marahan nitong hinawakan ang kamay niya. “What’s wrong? Naiiyak ka ba? If you want to cry, just cry. Huwag mong pigilan ang sarili mo.”

Napakabait ng boses niya. Sobrang lambing. Yung klase ng lambing na parang kayang tunawin ang lahat ng sakit.

Parang noon lang… noong ilabas siya mula sa operating room pagkatapos niyang iligtas ito. Ito at ang nurse ang nagtulak sa kanya pabalik ng kwarto. Nandoon din si Vincent na nakaupo sa tabi ng kama niya, hawak ang kamay niya, at gamit ang parehong boses na parang tutulo sa lambing, sinabi, “Kate, masakit ba? If it hurts, cry it out. Don’t endure it…”

Noon, akala niya, ang ganoong klaseng pag-aalaga at ang ganoong klaseng lambing ay parang gamot sa sakit. Isang painkiller na walang reseta. Pero inabot siya ng napakaraming taon bago niya tuluyang naunawaan ang katotohanan,

ang lambing at malasakit ng isang lalaki ay hinding-hindi kailanman awtomatikong nagiging pag-ibig.

“Vincent… maghiwalay na tayo. Let’s get an annulment.” mahina niyang sabi habang binabawi ang kamay niya. Unti-unting lumabo ang paningin niya dahil sa kirot.

Kumunot ang noo nito. Halatang hindi inaasahan ang sasabihin niya. Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Pagkatapos, tinawag nito ang waiter at humingi ng malinis na bowl. Kumuha siya ng piraso ng isda at maingat na tinanggal ang mga tinik gamit ang chopsticks. Habang ginagawa iyon, mahina at kalmadong nagsalita,

“Kate, I know you’re still angry. Pero ang pagbanggit ng annulment, hindi ‘yan rational. Pag naghiwalay tayo, ano ang gagawin mo? How will you live alone?”

Biglang bumilis ang paghinga ni Kate.

Sa loob ng limang taon, sa mata ng lahat, isa lang siyang anino ni Vincent. Isang taong umaasa. At kung mawala si Vincent sa buhay niya, wala na siya. Isang babaeng walang silbi, walang pupuntahan, hindi kayang mabuhay mag-isa.

Ganun din ang tingin nito sa kanya.

“Kaya ko!” unang beses nlsiyang naging matapang sa harap nito. Unang beses niyang ipinaglaban ang sarili niya, kahit nanginginig ang boses.

Ngunit ngumiti lang si Vincent. Para sa kanya, isa lang itong tampo. Isang sumpong ng emosyon. Inilapag niya ang isdang wala nang tinik sa harap ni Kate.

“Kumain ka muna. You’re allowed to be angry a little longer, but after we eat, bawal na ang tampo.”

“Hindi ako galit. I’m serious. Gusto ko talagang makipag-hiwalay!” giit niya pa.

Paano ba niya sasabihin para maintindihan ni Vincent na hindi ito simpleng galit lang?

“Kate.” ibinaba niya ang chopsticks.

“Enough. I cancelled two meetings and one business appointment today just to be with you. Tomorrow and the next day, I might not even have time. Let me be clear…Mitch is our good friend. She’s one of us, one of my sisters. The way I treat her is no different from how I treat Norman and the others. She likes you too, she wants to be friends with you. With this attitude of yours, how can I even bring her to you?”

“Then don’t bring her at all.” diretso niyang sagot. Hindi nlsiya kailanman naniwala na gusto talaga ni Mitch na maging kaibigan siya.

“Kate!” may bahid na ng inis ang boses ni Vincent.

Alam na alam niya, tuwing si Mitch ang usapan, nawawala ang pasensya ni Vincent.

“Kumain ka na. After this, we’ll go to the mall, buy what you like, then dinner at my parents’ place. Kailan ka huling umuwi para bisitahin ang parents mo?” tuloy-tuloy niyang nilalagyan ng pagkain ang mangkok niya.

Ayaw niyang pabayaan ang sarili niya. Kinuha niya ang kutsara at kumain.

Hindi niya dapat parusahan ang sarili niya dahil lang sa sama ng loob. Hindi dapat idamay ang tiyan sa digmaan ng damdamin. Kailangan niyang maging malusog para sa sarili niya.

“That’s better.” bumalik ang lambing sa boses ni Vincent. “Yung salitang ‘annulement’—huwag mo nang banggitin ulit. Ever.”

Sandaling huminto si Kate, saka muling yumuko at kumain.

Pagkatapos kumain, ayaw na sana niyang mag-mall. Pagod na siya—emosyonal at pisikal. Pero ipinilit ni Vincent. Diretso silang pumunta sa mall. Sa limang taon ng kanilang kasal, bilang lang sa daliri ang mga pagkakataong sinamahan siya ni Vincent sa mall. Mas tama sigurong sabihin bihira silang magpakita sa publiko bilang mag-asawa.

Maliwanag ang ilaw ng mall kahit umaga. Nakasisilaw. Hindi siya sanay. Hawak ang bag, tahimik siyang naglakad sa likod ni Vincent at nananatili sa anino nito.

Sa first floor—mga luxury bags, mamahaling relo, at alahas.

“What do you want to buy?” tanong niya, humarap sa kanya.

Wala siyang gustong bilhin. Gusto lang niyang umuwi. Pero bago pa siya makapagsalita, may tumawag mula sa malayo…“President Vincent!”

“One of our new partners. I’ll say hi.” paalala niya. “You look around first. I’ll find you later.”

Hindi niya kilala ang mga kausap ni Vincent. Habang nakikipagkamay ito sa isang lalaki sa di-kalayuan, nanatili siyang nakatayo. Sa gitna ng lahat ng karangyaan, wala siyang gustong paglaanan.

“Miss, it’s your turn.” paalala ng saleslady.

Doon niya napansin na nakapila pala siya sa isang luxury store.

“Ah… no, thank you.” mabilis niyang sabi at agad umalis.

Wala siyang direksyon habang naglalakad sa mall. Hanggang sa isang branded watch counter na may nakita siyang pamilyar na pigura.

Si Mitch.

Napatingin siya sa brand ng relo. May biglang lumubog sa dibdib niya. Hindi niya napigilan ang sarili at lumapit siya. Kasama ni Mitch si Norman. Habang papalapit siya, mas naging malinaw ang usapan nila.

“If you like it, just buy it.” sabi ni Norman.

“Isn’t it too much? This is really expensive. Even if Vincent gave me his supplementary card and told me to swipe freely, nakakahiya pa rin na ganito kamahal.” sagot ni Mitch.

Huminto ang mga paa ni Kate. Parang biglang bumigat ang buong katawan niya.

Supplementary card…Ang credit card niya.

“If he gave it to you, it means he wants you to use it. Kailan ba naging plastic si Vincent? We’ve been friends for years—you know him. If he gives, he gives sincerely.” tuloy ni Norman.

“That’s true…” sabi ni Mitch habang iniikot ang pulso niya, tinitingnan ang relo sa iba’t ibang anggulo.

Nakita rin iyon ni Kate.

“Maganda ba, Norman? I really, really love this watch. College pa lang ako gusto ko na ito. Vincent even promised he’d buy it for me after graduation. Then…”

Then?

Napangiti si Kate—mapait, puno ng panunuya sa sarili.

Then, taon-taon, tuwing birthday niya at tuwing anniversary nila, iyon ang regalong ibinibigay sa kanya ni Vincent.

Parehong relo. Parehong modelo.

Akala niya noon, kahit wala itong puso, kahit malamig, kahit papaano, naaalala nito ang birthday niya. Ang anniversary nila.

Akala niya, kahit walang effort, at least mahal ang regalo.

Ngayon, saka lang niya naintindihan hindi pala walang puso si Vincent. Hindi pala siya walang effort. Sobrang may puso siya. Sobrang may effort. Pero ang laman ng pusong iyon ay hindi siya.

“So I guess he’s fulfilling his promise now. You can buy anything you want. As long as you like it, he can afford it.” pang-uudyok ni Norman.

“Then… I’ll swipe?” halatang tinamaan si Mitch.

Sa di-kalayuan, tapos na si Vincent makipag-usap sa ka-partner niya. Nalaman din nitong kasama niya ang asawa niya kaya iminungkahi nitong bumati.

Nang makita ni Kate si Vincent na papalapit, agad siyang nagtago sa likod ng isang Roman column.

Ngunit nakita na siya ni Mitch.

“Hey! Vincent! Over here! Come here!” sigaw nito habang kumakaway.

Mula sa likod ng pader, nakita ni Kate si Vincent at ang ka-partner niya na papunta kina Mitch.

Inakbayan ni Mitch ang braso ni Vincent at marahang inuga. “Vincent, I want to buy this watch. Okay?”

“Of course.” sagot niya, nakatingin kay Mitch ng puno ng lambing. May liwanag sa mga mata niya, buhay, masigla—hinding-hindi niya nakikita kapag kasama siya sa bahay.

“Thank you, Vincent! I’ll go swipe the card!” masayang sabi ni Mitch habang iwinagayway ang supplementary card.

Napangiti rin ang ka-partner niya. “Mr. Vincent and Mrs. Vincent, you’re really such a loving couple. Nakaka-touch.”

Mr. Vincent? Mrs. Vincent?

Nagulat sina Vincent at Mitch.Ngunit… walang kahit isa sa kanila ang tumama sa sinabi ng business partner ni Vincent.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER FIFTY

    “Kate! Mukhang sinasadya mo na talagang i-provoke ako ah!”May halong galit ang tingin ni Vincent. Sa totoo lang, pakiramdam ni Kate, siya rin ang nagbago. Parang nawala na ’yung dati niyang emotional stability at si Mitch, talagang may malaking ambag doon. “Mukhang nagkamali ako ng tingin sa’yo,” dagdag niya. “Dati akala ko gentle ka, sensible, marunong umintindi. Ngayon, ang galing mo palang manggulo. Tingnan mo si Mitch—”“Ayoko tumingin. Ikaw na lang. Extra look pa, para sakin.”Diretso siyang nag-cut in. Ayaw na niyang marinig kung gaano kabait, kagaling, o ka-special si Mitch.Napikon na rin si Vincent.. “Kung gano’n, huwag kang magsisi kapag pinuntahan ko siya!”Sa pagkakataong ito, talaga niyang isinuot ang earphones. Ibinaba siya ni Vincent sa tapat ng building. “May meeting pa ako mamaya—”Bumaba si Kate at bang!—isinara ang pinto ng kotse. Hindi niya na hinintay na matapos magsalita si Vincent. Ano man ang gagawin niya sa gabi, wala na siyang pakialam.Sa hapunan, nagluto si

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER FORTY-NINE

    “Seryoso ka talaga?” Pangit na pangit ang itsura ng mukha ni Vincent. Kunot ang noo at salubong ang kilay.“Oo.” Hindi naman siya kailanman nagbibiro. Hindi rin siya nagseselos. Hindi rin siya nagtatampo.“Fine.” Tumango si Vincent. “Huwag kang magsisi.”Bumalik siya sa counter at tinuro ang sampung relo. “Lahat ’yan, kukunin ko!”Sa puntong iyon, malinaw na kay Vivian ang lahat, si Kate ang legal wife, at ’yung naunang umalis… tea-flavored third party.Biglang isinara ni Vivian ang glass cabinet. “Pasensya na po, sir. Hindi ko na ibebenta.”Hindi makapaniwala si Vincent. Unang beses sa buhay niya na may tumanggi sa pera niya.“Alam mo bang kung gugustuhin ko,” malamig niyang sabi, “kaya kong bilhin ang buong shop na ito?” ani pa ni Vincent.Umangat ang baba ni Vivian, matigas ang tindig. “Mas pipiliin ko pang mag-bankrupt kaysa magbenta. Maliit lang ako, pero ayokong may lumabas sa kamay ko na mapupunta sa kabit.”“Ikaw—” Halata na talagang napikon si Vincent.Si Kate na ang namagitan

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER FORTY-EIGHT

    Isa-isang tiningnan ni Vincent ang mga invoice, tapos biglang napatawa, isang malamig, mapanuyang tawa.“Shit,” napabuga siya ng hangin.“Sir…” Medyo nag-alangan si Vivian, halatang naguguluhan kung ano ang problema.“Walang kinalaman sa’yo,” malamig na sabi ni Vincent. “Ilabas mo lahat. Lahat ng sampu.”Kahit si Mitch, ramdam na may mali na. Mahinang tumawag, “Vincent…”Sa sandaling iyon, napansin ni Vivian si Kate na dahan-dahang lumalabas mula sa likod. Dahil sa pag-aalala, siya muna ang kinausap nito.“Mabuti naman at bumalik ka na. Okay ka lang ba? Are you alright?” tanong ni Vivian sa kanya..Sabay na napalingon sina Vincent at Mitch at sabay nilang nakita si Kate. Hindi alam ni Kate kung guni-guni lang niya, pero parang naglalagablab ang mga mata ni Vincent.Inasikaso muna siya ni Vivian. “Pwede ka bang umupo muna? Tatapusin ko lang ipakita sa kanila ’yung mga relo, tapos titingnan ko na ’yung ring mo.”“Anong ring?” Biglang naging alert si Vincent, bakas ang matinding pagbabant

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER FORTY-SEVEN

    SA unang pahina ng notebook, malinaw na nakasulat..“100 Little Things About Mitch.”Ang unang nakasulat. “Mitch’s birthday is May 16.” Parang nabitawan ng lakas ang kamay ni Kate, nahulog ang notebook sa sahig.Ang password ng bahay nila ay: 52516. Ang password ng safe ay: 0516.Sa loob ng limang taon, ang tinirhan niya pala ay condominium nina Vincent at Mitch. Biglang parang masikip ang hangin sa paligid. Pinisil niya ang dibdib niya, humihingal, pilit humihinga pero parang hindi sapat ang hangin.“Ma’am Kate…”Boses ni Ate Nova mula sa labas ang nagbalik sa kanya sa ulirat.“Anong kailangan mo?” sagot niya, habang yumuyuko para pulutin ang notebook. Sa ikalawang linya, malinaw pang nakasulat.“Have one or more houses that Mitch likes. Password is her birthday.”Hindi na niya kinayang magbasa pa. Ibinaba niya ang notebook sa loob ng safe, inayos ang lahat, parang walang nangyari.Nasa pintuan si Ate Nova. “Ma’am, nagpadala po si Sir ng fresh crabs. Paano raw po lulutuin?”“Make it s

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER FORTY-SIX

    Sa mga nakaraang araw, parang naging ugali na ng panahon, pagdating ng gabi, laging umuulan. Hindi pa katagalan ng makatulog si Kate, narinig na niya ang mga patak ng ulan sa bintana. Sa bawat paghinga niya, amoy na amoy pa rin ang bango ng tea seed cake shampoo. Pakiramdam niya, parang bumalik siya sa probinsya, sa gabing katabi niyang matulog ang Lola niya. Tahimik. Panatag. Safe. Kaya ang sarap ng tulog niya sa gabing iyon.Nagising siya sa tunog ng alarm clock.Sa unang sandali, lutang pa ang isip niya. Akala niya nasa bahay pa rin siya ng Lola niya kaya sakto lang ang init ng kumot, hindi malamig, hindi mainit. At sa paghinga niya, nandoon pa rin ang amoy ng tea seed cake… at—niyayakap niya ang Lola niya…Sandali.Niyayakap niya ang Lola niya? Bigla siyang nagising ng tuluyan.Imposible. Umuwi na siya mula sa bahay ng Lola kagabi..Pagmulat niya ng mata, unang bumungad ang kwelyo ng dark blue na pajama, tapos pataas—Adam’s apple, at bahagyang stubble sa baba…Parang may sumabog sa

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER FORTY-FIVE

    Siguro nga… meron. Noong high school, crush niya si Vincent. Pero wala siyang lakas ng loob na lapitan ito para magtanong ng lesson. Kahit pa may pagkakataon, siguradong forced situation lang iyon at yung tipong wala na siyang choice.Mukhang amused si Vincent sa alaala. “Naalala mo ba? Anong pagkakataon ’yung lumapit ka sa akin? Tahimik ka noon eh, very demure, sobrang tahimik.”“Hindi ko na maalala,” malamig na sagot ni Kate. Wala siyang ganang balikan ang nakaraan. Sa lagay ng marriage nila ngayon, anong saysay ng pagbabalik-tanaw sa kabataan? Vincent, nostalgic ka ba talaga? Hindi pa ba sapat sa’yo ang pagbabalik ni Mitch?“Ako na lang magturo sa’yo,” sabi ni Vincent habang binubuklat ang spanish book niya. “Matagal na rin akong hindi nag-aaral, pero basics—kaya pa.”Iwinagayway niya ang libro.Napansin ni Kate, habang nagfa-flip siya ng pages, wala na ang silver ring sa kaliwang palasingsingan niya. At kung kaya ba talaga niyang magturo ngayon? Hindi rin sigurado.“Huwag na,” sabi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status