Share

CHAPTER FIVE

Author: Alena
PAGKATAPOS ng gabing iyon, muli ni Kate pinulot ang mga libro. Noong una, hindi siya nag-isip ng malalim. Ang gusto lang niya ay bigyan ng kahit konting kulay ang maputla at tahimik niyang buhay, isang lihim na sandalan, isang bagay na pagkakaabalahan. Dahil kapag may ginagawa siya, hindi niya masyadong maiisip ang mga salitang paulit-ulit na sumasakit sa dibdib niya.

Sino ang mag-aakalang ang mga munting bagay na iyon na para lang sa kanya ay siya ring magiging kaligtasan niya balang araw?

Bukas, kailangan niyang mag-exam nang maayos. Kailangan niyang umalis dito at lumayo. Mas malayo, mas mabuti.

Sa pag-iisip na iyon, sumakit muli ang puso niya. Sobrang sakit pa rin.

Hindi na nga niya matukoy kung ang sakit ba ay dahil kay Vincent, o dahil sa limang taong maling pagmamahal na ibinigay niya.

Pero hindi na iyon mahalaga.

Ang mahalaga, hindi na niya hahayaang malunod muli ang sarili niya sa sakit na ito.

Kahit pa matagal bago tuluyang mawala ang sakit, pipiliin niyang iligtas ang sarili niya sa pagkakataong ito.

Nag-order siya ng pagkain, isang simpleng hapunan at ilang pirasong disposable na damit. Tinawagan niya ang front desk at humiling ng wake-up call kinabukasan.

Pagkatapos, pinilit niyang matulog. Marahil dahil hindi siya nakatulog buong magdamag noong nakaraang gabi, nakatulog siya nang maayos sa gabing iyon.

Kinabukasan, eksaktong oras siyang nagising. Binuksan niya ang cellphone.

Sunod-sunod ang notifications.

Paulit-ulit ang vibration ng phone.

Lahat ng mensahe ay mula sa iisang tao lamang.

Kay Vincent..

Hindi niya binasa ang kahit isa. Ayaw niyang maapektuhan ang exam niya. Kumain siya ng kaunting almusal sa hotel.

Handa na ang lahat. Lumabas siya ng hotel at nagtungo sa exam venue.

Malapit lang ang hotel kung saan siya kukuha ng exam, limang minutong lakad lang sana. Ngunit kakalabas pa lang niya ng hotel, biglang nag-vibrate ang cellphone sa kamay niya.

Incoming call. Vincent.

Kinabahan siya. Halos mahulog ang cellphone niya sa gulat. Mabilis niyang ni-reject ang tawag at agad na pinatay ulit ang phone. Paglabas niya ng exam venue, malakas pa rin ang tibok ng puso niya.

Pero sa pagkakataong ito ay dahil sa saya.

Pakiramdam niya, maayos ang naging exam niya.

Ngumiti ang speaking examiner habang kausap siya. Halos malinaw ang lahat ng narinig niya sa listening. Natapos niya nang maayos ang exam. Hindi niya alam kung ilang puntos ang makukuha niya.

Pero sigurado siya sa isang bagay..

Natapos niya ang lahat. Hindi siya walang silbi. Hindi siya inutil.

Mag-isa siyang naglalakad sa sidewalk, nakayuko, paulit-ulit na nire-review sa isip ang bawat detalye ng exam hanggang sa biglang may humarang sa kanyang daraanan.

Isang pares ng itim na leather shoes. Hindi niya inasahan na may sadyang tatayo sa gitna ng daan, kaya hindi na siya nakapreno. Diretso siyang bumangga.

Kung hindi siya nasalo ng taong iyon, tiyak na matutumba siya. At ang taong humawak sa kanya—Ay ang huling taong gusto niyang makita.

Vincent.

“Kate!”

Kita sa mukha niya ang galit. Ngunit pilit niya iyong kinokontrol.

“Kate, bakit hindi ka umuwi?” Hinawakan niya ang balikat nito, ibinaba ang boses at katulad ng dati. “Talk to me. Why didn’t you come home?”

Sa isip ni Kate..Bakit hindi umuwi? Hindi mo ba alam ang sagot? Pero wala siyang oras para makipagtalo.

Nahulog ang bag niya at dahil bukas ang zipper may bahagyang sumilip ang ang dala niyang papel. Hindi niya pwedeng ipaalam kay Vincent na nag-exam siya.

Mabilis niyang inalis ang kamay nito, lumuhod, at isiniksik pabalik ang ballpen sa bag. Isinara niya agad ang zipper.

“Anong ’yon?” tanong ni Vincent, nakatingin sa bag.

“Nothing. Pen lang,” sagot niya, pilit na kalmado. Namuti ang mga daliri niya sa higpit ng pagkakahawak sa bag.

“Give it to me.”

Hindi pwede. Mas lalo niyang niyakap ang bag.

“Para saan at kailangan ng pen?” tanong pa nito kaya napakunot noo siya. Bawal ba siyang magdala ng bullpen? “Then give me your phone.”

Sandaling nag-atubili si Kate bago niya inilabas ang cellphone at iniabot. Naka-off ito. Isang tingin lang ibinalik ni Vincent ang phone sa kanga..

“I called you so many times. I sent so many messages. Why didn’t you reply? Galit ka pa rin ba?” bulalas nitom

Mahigpit niyang hawak ang phone. Ang kaba niya ay ganoon nalang. Sa isip niya ay todo pasasalamat niya dahil kung nagkataon makikita nito ang ginawa niya. Kung iyon lang naman ang tanong…Ayaw na niyang magalit. Gusto na lang niyang lumayo. At sa muling pagkakita niya kay Vincent, mas lalo pang tumibay ang desisyong iyon.

Nang hindi siya sumagot, napabuntong-hininga ito.

“Kate, you’re usually so understanding. Why this time, over such a small thing, hindi ka na umuwi?”

Hindi niya gustong magalit pero sa salitang iyon, kahit santo ay mapipikon.

“So kasalanan ko pa rin?” nanginginig niyang tanong. “Hindi ako understanding? Dapat ba pumasok ako kahapon at purihin si Mitch? ‘Wow, ang galing mo, ang galing mong manggaya?’”

Bahagyang nanigas ang mukha ni Vincent.

“That’s not what I meant. I just mean, people will talk, you can’t control them—”

“Hindi ko kontrolado, pero ikaw kontrolado mo!” putol niya sa sinabi nito..“Pero anong ginawa mo kahapon? Ikaw at ang Mitch mo ay magkayakap, nagtatawanan!”

“Kate!”

Nagbago ang mukha ni Vincent. May galit at unang beses at nasigawan siya.

Naunawaan niya.

Ang pangalang Mitch, iyon ang bawal banggitin. Ang hindi pwedeng galawin.

Wala nang kailangan sabihin pa. Bitbit ang bag, nilagpasan niya ito. Ngunit biglang umabot ang braso ni Vincent at niyakap siya sa baywang.

“Sorry, Kate,” mahinang sabi nito. “I shouldn’t have raised my voice. I just don’t want you to misunderstand Mitch. We’re just friends. Like brothers. She’s not married yet. What you said, it’s not fair to her.”

Hindi maintindihan ni Kate.

Kung wala namang mali bakit todo depensa ito?

Ngunit tahimik lang siyang sumagot,

“Oh.”

“Kate…” ramdam ni Vincent ang lamig niya. “Bakit galit ka pa rin? Ikaw na nga ang umalis, nag-hotel, hindi umuwi, wala naman akong sinabi. Tapos ikaw pa rin ang galit?”

Oo. Siya na naman ang mali.

“Let’s eat lunch first, okay? Then I’ll accompany you shopping.”

Nag-isip sandali si Kate.

Sige. May sasabihin siya.

Pumasok sila sa isang restaurant.

Noong una, gaya ng nakasanayan, muntik na niyang itago ang sarili, ibaba ang ulo, itaas ang kwelyo, magtago sa likod ni Vincent para hindi halata ang pilay niya.

Ngunit bigla siyang napangiti. Hindi na mahalaga. Hindi na rin naman sila magtatagal.

Umupo sila. Nag-order si Vincent ng kakainin nila.

Pagdating ng pagkain, iniabot nito ang kutsara. “Kate, eat. All your favorites.”

Tiningnan niya ang mga ulam.

Lahat ay maanghang. Mapait siyang napangiti. Hindi niya alam na hindi siya pwedeng kumain ng maanghang.

Ang mga ulam sa bahay ay laging may sili dahil iyon ang gusto nito.

“Vincent,” mahina niyang sabi. “I’m not hungry. I need to talk to you.”

“Ano ’yon?” bahagyang ngumiti ito.

“Where do you want to go? I’ll accompany you. I’m free all day. Afternoon, we can go out. Tonight, let’s visit our parents.”

Tinitigan ni Kate ang munting ngiting iyon halos hindi niya makita.

At habang iniisip niya ang mga salitang sasabihin niya. Sumikip ang dibdib niya sa sakit.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER FIFTY

    “Kate! Mukhang sinasadya mo na talagang i-provoke ako ah!”May halong galit ang tingin ni Vincent. Sa totoo lang, pakiramdam ni Kate, siya rin ang nagbago. Parang nawala na ’yung dati niyang emotional stability at si Mitch, talagang may malaking ambag doon. “Mukhang nagkamali ako ng tingin sa’yo,” dagdag niya. “Dati akala ko gentle ka, sensible, marunong umintindi. Ngayon, ang galing mo palang manggulo. Tingnan mo si Mitch—”“Ayoko tumingin. Ikaw na lang. Extra look pa, para sakin.”Diretso siyang nag-cut in. Ayaw na niyang marinig kung gaano kabait, kagaling, o ka-special si Mitch.Napikon na rin si Vincent.. “Kung gano’n, huwag kang magsisi kapag pinuntahan ko siya!”Sa pagkakataong ito, talaga niyang isinuot ang earphones. Ibinaba siya ni Vincent sa tapat ng building. “May meeting pa ako mamaya—”Bumaba si Kate at bang!—isinara ang pinto ng kotse. Hindi niya na hinintay na matapos magsalita si Vincent. Ano man ang gagawin niya sa gabi, wala na siyang pakialam.Sa hapunan, nagluto si

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER FORTY-NINE

    “Seryoso ka talaga?” Pangit na pangit ang itsura ng mukha ni Vincent. Kunot ang noo at salubong ang kilay.“Oo.” Hindi naman siya kailanman nagbibiro. Hindi rin siya nagseselos. Hindi rin siya nagtatampo.“Fine.” Tumango si Vincent. “Huwag kang magsisi.”Bumalik siya sa counter at tinuro ang sampung relo. “Lahat ’yan, kukunin ko!”Sa puntong iyon, malinaw na kay Vivian ang lahat, si Kate ang legal wife, at ’yung naunang umalis… tea-flavored third party.Biglang isinara ni Vivian ang glass cabinet. “Pasensya na po, sir. Hindi ko na ibebenta.”Hindi makapaniwala si Vincent. Unang beses sa buhay niya na may tumanggi sa pera niya.“Alam mo bang kung gugustuhin ko,” malamig niyang sabi, “kaya kong bilhin ang buong shop na ito?” ani pa ni Vincent.Umangat ang baba ni Vivian, matigas ang tindig. “Mas pipiliin ko pang mag-bankrupt kaysa magbenta. Maliit lang ako, pero ayokong may lumabas sa kamay ko na mapupunta sa kabit.”“Ikaw—” Halata na talagang napikon si Vincent.Si Kate na ang namagitan

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER FORTY-EIGHT

    Isa-isang tiningnan ni Vincent ang mga invoice, tapos biglang napatawa, isang malamig, mapanuyang tawa.“Shit,” napabuga siya ng hangin.“Sir…” Medyo nag-alangan si Vivian, halatang naguguluhan kung ano ang problema.“Walang kinalaman sa’yo,” malamig na sabi ni Vincent. “Ilabas mo lahat. Lahat ng sampu.”Kahit si Mitch, ramdam na may mali na. Mahinang tumawag, “Vincent…”Sa sandaling iyon, napansin ni Vivian si Kate na dahan-dahang lumalabas mula sa likod. Dahil sa pag-aalala, siya muna ang kinausap nito.“Mabuti naman at bumalik ka na. Okay ka lang ba? Are you alright?” tanong ni Vivian sa kanya..Sabay na napalingon sina Vincent at Mitch at sabay nilang nakita si Kate. Hindi alam ni Kate kung guni-guni lang niya, pero parang naglalagablab ang mga mata ni Vincent.Inasikaso muna siya ni Vivian. “Pwede ka bang umupo muna? Tatapusin ko lang ipakita sa kanila ’yung mga relo, tapos titingnan ko na ’yung ring mo.”“Anong ring?” Biglang naging alert si Vincent, bakas ang matinding pagbabant

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER FORTY-SEVEN

    SA unang pahina ng notebook, malinaw na nakasulat..“100 Little Things About Mitch.”Ang unang nakasulat. “Mitch’s birthday is May 16.” Parang nabitawan ng lakas ang kamay ni Kate, nahulog ang notebook sa sahig.Ang password ng bahay nila ay: 52516. Ang password ng safe ay: 0516.Sa loob ng limang taon, ang tinirhan niya pala ay condominium nina Vincent at Mitch. Biglang parang masikip ang hangin sa paligid. Pinisil niya ang dibdib niya, humihingal, pilit humihinga pero parang hindi sapat ang hangin.“Ma’am Kate…”Boses ni Ate Nova mula sa labas ang nagbalik sa kanya sa ulirat.“Anong kailangan mo?” sagot niya, habang yumuyuko para pulutin ang notebook. Sa ikalawang linya, malinaw pang nakasulat.“Have one or more houses that Mitch likes. Password is her birthday.”Hindi na niya kinayang magbasa pa. Ibinaba niya ang notebook sa loob ng safe, inayos ang lahat, parang walang nangyari.Nasa pintuan si Ate Nova. “Ma’am, nagpadala po si Sir ng fresh crabs. Paano raw po lulutuin?”“Make it s

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER FORTY-SIX

    Sa mga nakaraang araw, parang naging ugali na ng panahon, pagdating ng gabi, laging umuulan. Hindi pa katagalan ng makatulog si Kate, narinig na niya ang mga patak ng ulan sa bintana. Sa bawat paghinga niya, amoy na amoy pa rin ang bango ng tea seed cake shampoo. Pakiramdam niya, parang bumalik siya sa probinsya, sa gabing katabi niyang matulog ang Lola niya. Tahimik. Panatag. Safe. Kaya ang sarap ng tulog niya sa gabing iyon.Nagising siya sa tunog ng alarm clock.Sa unang sandali, lutang pa ang isip niya. Akala niya nasa bahay pa rin siya ng Lola niya kaya sakto lang ang init ng kumot, hindi malamig, hindi mainit. At sa paghinga niya, nandoon pa rin ang amoy ng tea seed cake… at—niyayakap niya ang Lola niya…Sandali.Niyayakap niya ang Lola niya? Bigla siyang nagising ng tuluyan.Imposible. Umuwi na siya mula sa bahay ng Lola kagabi..Pagmulat niya ng mata, unang bumungad ang kwelyo ng dark blue na pajama, tapos pataas—Adam’s apple, at bahagyang stubble sa baba…Parang may sumabog sa

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER FORTY-FIVE

    Siguro nga… meron. Noong high school, crush niya si Vincent. Pero wala siyang lakas ng loob na lapitan ito para magtanong ng lesson. Kahit pa may pagkakataon, siguradong forced situation lang iyon at yung tipong wala na siyang choice.Mukhang amused si Vincent sa alaala. “Naalala mo ba? Anong pagkakataon ’yung lumapit ka sa akin? Tahimik ka noon eh, very demure, sobrang tahimik.”“Hindi ko na maalala,” malamig na sagot ni Kate. Wala siyang ganang balikan ang nakaraan. Sa lagay ng marriage nila ngayon, anong saysay ng pagbabalik-tanaw sa kabataan? Vincent, nostalgic ka ba talaga? Hindi pa ba sapat sa’yo ang pagbabalik ni Mitch?“Ako na lang magturo sa’yo,” sabi ni Vincent habang binubuklat ang spanish book niya. “Matagal na rin akong hindi nag-aaral, pero basics—kaya pa.”Iwinagayway niya ang libro.Napansin ni Kate, habang nagfa-flip siya ng pages, wala na ang silver ring sa kaliwang palasingsingan niya. At kung kaya ba talaga niyang magturo ngayon? Hindi rin sigurado.“Huwag na,” sabi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status