Share

CHAPTER SEVEN

Author: Alena
TAHIMIK na pinagmamasdan ni Kate sina Vincent at Mitch. Matapos ang ilang segundong ilangan, mabilis nilang tinanggap ang bagong papel nila at magkausap na sila nang masaya kasama ang mga business partners, nagtatawanan, parang walang iniisip.

Bagay talaga sila…

Tahimik na kinuhanan ni Kate ng litrato ang eksena. Pero nang tumalikod na siya at maglakad palayo, parang may karayom na muling bumaon sa puso niya. Isang matalim at paulit-ulit na sakit ang kumalat sa dibdib niya, hanggang sa pati dulo ng ilong niya ay parang naninikip sa sama ng loob..

“Kate!”

Bago pa siya tuluyang makalabas ng mall, may tumawag sa kanya.

Paglingon niya, may isang taong nakatayo sa pababang escalator, todo-kaway sa kanya.

Hindi siya nagkakamali..Teacher niya iyon.

Ang dating guro niya sa dance academy.

“Ma’am Agatha!” Napasigaw siya sa tuwa.

Mabilis bumaba ang guro at hinawakan ang dalawang kamay niya, halatang masaya rin. “Sabi ko na nga ba ikaw ‘yan! I just had a feeling. Kumusta ka na? Five years na ‘di ba? Ang tagal na nating hindii nagkikita.”

Biglang bumigat ang dibdib ni Kate.

Limang taon na ang lumipas… at pakiramdam niya, wala siyang narating.

Ano bang mukha ang ihaharap ko sa kanya?

“Busy ka ba? If you’re not, mag-afternoon snacks tayo,” aya ng guro, mahigpit pa ring hawak ang kamay niya.

Hindi siya busy.

Noong dati, baka tumanggi siya dahil sa hiya, sa takot, sa paglayo niya sa mundo ng sayaw. Pero simula noong buksan niya muli ang album ng mga lumang video niya sa pagsasayaw, parang may bitak na bumukas sa madilim niyang langit.

Parang gusto na niyang papasukin muli ang liwanag.

Tumango siya. “Sige po, Ma’am.” Hindi niya alam kung bakit, pero biglang nangilid ang luha sa mga mata niya.

Magkasabay silang pumunta sa isang English-style afternoon café sa gitna ng ground floor.

“Ma’am, kumusta na po ang mga kaklase ko?” tanong ni Kate. Matagal na siyang wala sa mundo nila, lahat ng group chat, matagal na niyang iniwan.

Sinulyapan siya ng guro, parang may binabasa sa mukha niya. “Gusto mo ba talagang malaman?”

Alam ng guro ang nangyari sa kanya, ang biglang pag-atras niya sa slot para sa graduate studies, ang aksidente, pati ang pagbisita nito sa kanya noon.

Mariin siyang tumango. At nagkuwento ang guro. Limang taon, sapat para baguhin ang buhay ng isang tao. May mga kaklase siyang naging sikat ng ballerina sa ibang bansa. May iba namang nag-aral sa abroad at ang iba naman ay doctor, abogado... May ilan ding nanatili sa eskwelahan bilang mga guro, nagtuturo ng bagong henerasyon.

Lahat sila ay umandar ang buhay. Siya lang ang naiwan. Pero hindi na mula ngayon. Mula ngayon, hahabol ako. Kahit hindi na ako makasayaw, hahanapin ko ang lugar ko sa mundo.

“Ma’am… I think I can finally submit my answer sheet to you,” nanginginig ang boses niya, mainit ang mga mata sa luha.

“Good,” ngumiti ang guro gaya ng dati. “I’ve always believed in you.”

Lumapit si Kate at ibinulong ang plano niyang mag-aral sa abroad.

Napahigpit ang hawak ng guro sa kamay niya. “That’s wonderful! I knew it! My student is no coward!”

Bigla itong may naalala. “By the way, may European tour kami. Sama ka. Para ma-experience mo ang buhay doon.”

“Pero Ma’am…Kaya pa ba ng paa ko? Hindi na siya pwedeng sumayaw. Kahit paglalakad, mabagal na siya. Theoretical pa ang kukunin niyang master’s.

“No excuses!” mariing sabi ng guro. “Kung hindi ka naaksidente noon, kasama ka na sana sa La Prima Ballet. This time, sasama ka as staff, runner, stage crew, makeup assistant. Anything!”

Diretso at walang awa pero hindi siya itinuring na kawawa.

Napangiti si Kate.

Gusto niya ang pakiramdam na iyon.

Hindi dahil hindi na siya makasayaw ay wala na siyang silbi.

Biglang nag-vibrate ang cellphone ng guro.

“My husband,” paliwanag nito. “Okay lang bang sumama siya?”

“Of course po,” sagot ni Kate, nakangiti.

Pero sa loob-loob niya, may kaba. Limang taon siyang nagkulong sa sarili. Hindi na siya sanay sa mga bagong tao. Pero kailangan niyang magsimula.

Ilang sandali lang at doon niya nakita. Papunta sa kanila sina Vincent, Mitch, at ang asawa ni Maam Agatha. Nang makarating sila sa mesa, nanatiling nakaupo si Kate. Tahimik niyang pinanood kung paano namutla at namula ang mukha nina Vincent at Mitch—sunod-sunod, parang eksena sa pelikula.

“Please, have a seat,” sabi ng lalaki. “This is my wife, Agatha, a ballet dance teacher. And this is Mr. Vincent Fuentebella, my business partner. This is his wife.”

Sa salitang “wife”, bahagyang nanginig ang kamay ni Vincent. Si Mitch naman, halatang hindi mapakali.

Tahimik lang na ngumiti si Kate.

“Ahmmm Kate, siya nga pala ang asawa ko. Si Nelson,” pakilala ng guro, sabay turo kay Kate. “And guys, ito naman ang student ko noon, siya ang may pinakamalaking tsansang manalo bilang ballerina noon. Pinakamagaling sumayaw na nakilala ko sa buong mundo.”

Sa salitang iyon, tuluyang dumilim ang mga mata ni Vincent. Bumaba ang tingin niya tila gustong silipin ang mga binti ni Kate.

Nakita niya ang sakit sa mga mata nito.

Oo… masakit talaga. Kung hindi siya napilay noon, hindi siya pakakasalan ni Vincent. At ang babaeng nasa tabi niya ngayon, siya sana ang legal na asawa.

Ngumiti si Kate. “Ma’am Agatha, Sir, Nelson actually, ako po ang—”

“Ah!”

Biglang napasigaw si Mitch. Natapon ang mainit na kape sa kamay nito at sa damit niya.

“S-sorry! I’m so sorry! Ang clumsy ko,” pagmamadali niyang sabi, nag-aabot ng tissue.

“Okay lang, okay lang,” sabi ng guro, walang kamalay-malay.

Isang tasa ng kape ang pumigil sa katotohanan. Pero kung gusto talagang magsalita ni Kate… mapipigilan ba siya?

Tumingin si Vincent sa kanya na parang humihingi ng tulong. Bahagyang umiling, pabulong ang labi.

“Please… don’t say it.”

Relax, gusto niyang matawa. Hindi rin naman niya balak sabihin. Sinadya niya niya ang kalahating pangungusap dahil gusto lang niyang makita kung gaano mataranta ang mga ito..

Sa afternoon snacks na iyon..May mga taong parang nakaupo sa mga tinik.

At may isang taong kalmado, tahimik na umiinom ng kape. Habang inaabot ni Kate ang tasa, napansin ng guro ang kamay niya.

“Kate… married ka na pala? Sino ang husband mo?”

Parang kidlat sa maliwanag na langit na nanlaki ang mata nina Vincent at Mitch.

Tumingin si Kate sa kamay ni Vincent, walang suot na singsing. Ang wedding ring nila? Matagal na nitong tinanggal matapos ang kasal. Kung nasaan man iyon ngayon, baka natabunan na ng alikabok.

“Five years na po,” sagot ni Kate ng tahimik. “Apelyido ng asawa ko ay Fuentebella.”

“Talaga? Same surname?” mabilis na sabi ni Vincent. Halatang nataranta..

“Yes,” sagot niya, humigop ng kape “Businessman din siya. Hindi lang kasing laki ng negosyo ninyo,” sagot pa ni Kate na nakatingin kay Vincent.

Kitang-kita niya kung paano bumuntong-hininga si Vincent sa likod ng tasa.

“Ang galing ng coincidence,” sabi ni Nelson “Next time, sama-sama tayo. Dalhin mo rin ang husband mo, Kate.”

Muling nag-iba ang kulay ng mukha ni Vincent.

Limang taon silang kasal pero ang dami niyang ekspresyon ngayong hapon. Hindi na rin siya nagtagal. Nagpaalam siya, sinabing may meeting pa.

Pero bago umalis, tinignan niya si Kate parang nagmamakaawa.

Sumama ka na rin.

Takot siyang baka may masabi pa siya.

At si Kate? Tahimik lang na ngumiti.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER FIFTY

    “Kate! Mukhang sinasadya mo na talagang i-provoke ako ah!”May halong galit ang tingin ni Vincent. Sa totoo lang, pakiramdam ni Kate, siya rin ang nagbago. Parang nawala na ’yung dati niyang emotional stability at si Mitch, talagang may malaking ambag doon. “Mukhang nagkamali ako ng tingin sa’yo,” dagdag niya. “Dati akala ko gentle ka, sensible, marunong umintindi. Ngayon, ang galing mo palang manggulo. Tingnan mo si Mitch—”“Ayoko tumingin. Ikaw na lang. Extra look pa, para sakin.”Diretso siyang nag-cut in. Ayaw na niyang marinig kung gaano kabait, kagaling, o ka-special si Mitch.Napikon na rin si Vincent.. “Kung gano’n, huwag kang magsisi kapag pinuntahan ko siya!”Sa pagkakataong ito, talaga niyang isinuot ang earphones. Ibinaba siya ni Vincent sa tapat ng building. “May meeting pa ako mamaya—”Bumaba si Kate at bang!—isinara ang pinto ng kotse. Hindi niya na hinintay na matapos magsalita si Vincent. Ano man ang gagawin niya sa gabi, wala na siyang pakialam.Sa hapunan, nagluto si

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER FORTY-NINE

    “Seryoso ka talaga?” Pangit na pangit ang itsura ng mukha ni Vincent. Kunot ang noo at salubong ang kilay.“Oo.” Hindi naman siya kailanman nagbibiro. Hindi rin siya nagseselos. Hindi rin siya nagtatampo.“Fine.” Tumango si Vincent. “Huwag kang magsisi.”Bumalik siya sa counter at tinuro ang sampung relo. “Lahat ’yan, kukunin ko!”Sa puntong iyon, malinaw na kay Vivian ang lahat, si Kate ang legal wife, at ’yung naunang umalis… tea-flavored third party.Biglang isinara ni Vivian ang glass cabinet. “Pasensya na po, sir. Hindi ko na ibebenta.”Hindi makapaniwala si Vincent. Unang beses sa buhay niya na may tumanggi sa pera niya.“Alam mo bang kung gugustuhin ko,” malamig niyang sabi, “kaya kong bilhin ang buong shop na ito?” ani pa ni Vincent.Umangat ang baba ni Vivian, matigas ang tindig. “Mas pipiliin ko pang mag-bankrupt kaysa magbenta. Maliit lang ako, pero ayokong may lumabas sa kamay ko na mapupunta sa kabit.”“Ikaw—” Halata na talagang napikon si Vincent.Si Kate na ang namagitan

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER FORTY-EIGHT

    Isa-isang tiningnan ni Vincent ang mga invoice, tapos biglang napatawa, isang malamig, mapanuyang tawa.“Shit,” napabuga siya ng hangin.“Sir…” Medyo nag-alangan si Vivian, halatang naguguluhan kung ano ang problema.“Walang kinalaman sa’yo,” malamig na sabi ni Vincent. “Ilabas mo lahat. Lahat ng sampu.”Kahit si Mitch, ramdam na may mali na. Mahinang tumawag, “Vincent…”Sa sandaling iyon, napansin ni Vivian si Kate na dahan-dahang lumalabas mula sa likod. Dahil sa pag-aalala, siya muna ang kinausap nito.“Mabuti naman at bumalik ka na. Okay ka lang ba? Are you alright?” tanong ni Vivian sa kanya..Sabay na napalingon sina Vincent at Mitch at sabay nilang nakita si Kate. Hindi alam ni Kate kung guni-guni lang niya, pero parang naglalagablab ang mga mata ni Vincent.Inasikaso muna siya ni Vivian. “Pwede ka bang umupo muna? Tatapusin ko lang ipakita sa kanila ’yung mga relo, tapos titingnan ko na ’yung ring mo.”“Anong ring?” Biglang naging alert si Vincent, bakas ang matinding pagbabant

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER FORTY-SEVEN

    SA unang pahina ng notebook, malinaw na nakasulat..“100 Little Things About Mitch.”Ang unang nakasulat. “Mitch’s birthday is May 16.” Parang nabitawan ng lakas ang kamay ni Kate, nahulog ang notebook sa sahig.Ang password ng bahay nila ay: 52516. Ang password ng safe ay: 0516.Sa loob ng limang taon, ang tinirhan niya pala ay condominium nina Vincent at Mitch. Biglang parang masikip ang hangin sa paligid. Pinisil niya ang dibdib niya, humihingal, pilit humihinga pero parang hindi sapat ang hangin.“Ma’am Kate…”Boses ni Ate Nova mula sa labas ang nagbalik sa kanya sa ulirat.“Anong kailangan mo?” sagot niya, habang yumuyuko para pulutin ang notebook. Sa ikalawang linya, malinaw pang nakasulat.“Have one or more houses that Mitch likes. Password is her birthday.”Hindi na niya kinayang magbasa pa. Ibinaba niya ang notebook sa loob ng safe, inayos ang lahat, parang walang nangyari.Nasa pintuan si Ate Nova. “Ma’am, nagpadala po si Sir ng fresh crabs. Paano raw po lulutuin?”“Make it s

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER FORTY-SIX

    Sa mga nakaraang araw, parang naging ugali na ng panahon, pagdating ng gabi, laging umuulan. Hindi pa katagalan ng makatulog si Kate, narinig na niya ang mga patak ng ulan sa bintana. Sa bawat paghinga niya, amoy na amoy pa rin ang bango ng tea seed cake shampoo. Pakiramdam niya, parang bumalik siya sa probinsya, sa gabing katabi niyang matulog ang Lola niya. Tahimik. Panatag. Safe. Kaya ang sarap ng tulog niya sa gabing iyon.Nagising siya sa tunog ng alarm clock.Sa unang sandali, lutang pa ang isip niya. Akala niya nasa bahay pa rin siya ng Lola niya kaya sakto lang ang init ng kumot, hindi malamig, hindi mainit. At sa paghinga niya, nandoon pa rin ang amoy ng tea seed cake… at—niyayakap niya ang Lola niya…Sandali.Niyayakap niya ang Lola niya? Bigla siyang nagising ng tuluyan.Imposible. Umuwi na siya mula sa bahay ng Lola kagabi..Pagmulat niya ng mata, unang bumungad ang kwelyo ng dark blue na pajama, tapos pataas—Adam’s apple, at bahagyang stubble sa baba…Parang may sumabog sa

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER FORTY-FIVE

    Siguro nga… meron. Noong high school, crush niya si Vincent. Pero wala siyang lakas ng loob na lapitan ito para magtanong ng lesson. Kahit pa may pagkakataon, siguradong forced situation lang iyon at yung tipong wala na siyang choice.Mukhang amused si Vincent sa alaala. “Naalala mo ba? Anong pagkakataon ’yung lumapit ka sa akin? Tahimik ka noon eh, very demure, sobrang tahimik.”“Hindi ko na maalala,” malamig na sagot ni Kate. Wala siyang ganang balikan ang nakaraan. Sa lagay ng marriage nila ngayon, anong saysay ng pagbabalik-tanaw sa kabataan? Vincent, nostalgic ka ba talaga? Hindi pa ba sapat sa’yo ang pagbabalik ni Mitch?“Ako na lang magturo sa’yo,” sabi ni Vincent habang binubuklat ang spanish book niya. “Matagal na rin akong hindi nag-aaral, pero basics—kaya pa.”Iwinagayway niya ang libro.Napansin ni Kate, habang nagfa-flip siya ng pages, wala na ang silver ring sa kaliwang palasingsingan niya. At kung kaya ba talaga niyang magturo ngayon? Hindi rin sigurado.“Huwag na,” sabi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status