Share

A Crippled Wife in a Cold Marriage
A Crippled Wife in a Cold Marriage
Author: Alena

CHAPTER ONE

Author: Alena
SA BANYO, maririnig ang tuluy-tuloy na lagaslas ng tubig. Si Vincent iyon, naliligo. Ala-tres na ng madaling-araw at kakauwi lang niya. Nakatayo si Kate sa tapat ng pinto ng banyo. May gusto sana siyang pag-usapan nila.. May kaba sa dibdib niya, and she wasn’t sure kung papayag ba ito sa sasabihin niya.

Iniisip pa niya kung paano magsisimula, nang bigla siyang makarinig ng kakaibang tunog mula sa loob. She listened more carefully at saka niya lang naunawaan kung ano ang tunog na iyon.

Ginagawa niya iyon mag-isa…Nagsasarili ang asawa niyang si Vincent sa loob ng banyo. Ang bawat hingal at pigil na ungol ay parang paulit-ulit na mabibigat na hampas sa kanyang dibdib. Ang sakit ay ganun na lamang. The pain came in waves, slowly spreading, drowning her, pulling her under until she could barely breathe.

Samantalang ngayon ang mismong araw ng kanilang anniversary. Five years mula nang siya ay ikasal kay Vincent, at sa loob ng limang taon na iyon, ni minsan ay wala silang naging tunay na relasyon bilang mag-asawa. Ibig sabihin ba nito, mas pipiliin pa niyang gawin iyon mag-isa kaysa ang hawakan siya? Hindi niya maintindihan si Vincent.

Habang lalong bumibilis ang paghinga nito, bigla narinig ni Kate ang pangalan na sinabi ng kanyang asawa na kanyang ikinagulat.

“Mitch!!”

Ang pangalang iyon ang ay parang kutsilyo na bumaon sa kanyang puso. Parang may sumabog sa loob ng kanyang dibdib. Parang may isang bagay na nadurog hanggang maging alikabok. Hindi niya kayang matanggap. Tinakpan niya ang kanyang bibig upang hindi makalabas ang iyak, tumalikod at tumakbo palayo sa pinto ng banyo ngunit sa unang hakbang pa lang ay nadapa siya, bumangga sa lababo, at tuluyang bumagsak sa sahig.

“Kate?”

Narinig pa rin ang boses ni Vincent mula sa loob ang kalabog, medyo humupa na ang kanyang ginagawa, pero halatang pilit niyang kinokontrol ang paghinga.

“Ahhh… um… I’m fine…I just wanted to use the bathroom. Hindi ko alam na naliligo ka,” nauutal na sagot ni Kate.

Isang kapos at halatang-halatang kasinungalingan, habang pilit siyang kumakapit sa lababo para makatayo. Ngunit habang mas nagmamadali siya, lalo siyang nagiging kawawa.

Basang-basa ang sahig at ang lababo.

Nakatayo na sana siya nang tuluyan nang biglang lumabas si Vincent. Naka-puting bathrobe ito, hindi maayos ang pagkakasuot sa pagmamadali, pero mahigpit ang pagkakatali ng sinturon sa baywang.

“Nadapa ka ba? Let me help you.”

Akmang hihilahin siya ng asawa ngunit itinulak niya palayo ang kamay ng asawa. Masakit pa rin ang katawan niya dahil sa pagkakadapa, namumuo ang luha sa kanyang mga mata pero mas masakit ang kanyang mga narinig.

“Hindi na. Kaya ko,” tanggi niya sa alok na tulong ni Vincent. Muli siyang muntik madulas, saka siya paika-ikang tumakas pabalik sa kwarto.

Tumakas. Eksaktong salita iyon. Sa limang taon na pagsasama nila ni Vincent, palagi siyang tumatakas. Tumatakas sa mundo sa labas. Tumatakas sa mga mapanghusgang tingin ng mga tao. At tumatakas sa awa at habag ni Vincent—Dahil siya…ay isang pilay.

Paano nga ba babagay ang isang pilay sa isang lalaking perpekto, matagumpay, at hinahangaan ng lahat? Malinaw pa sa sikat ng araw na hindi siya nababagay sa kanyang asawa, pero noon ay maayos pa ang mga binti niya, binago lang naman ng isang aksidente ang lahat.

Sumunod si Vincent sa kanya, malumanay ang tinig at puno ng pag-aalala. “Masakit ba? Let me see.”

“Hindi… okay lang,” sagot niya.

Mahigpit niyang hinigpitan ang kumot, itinago sa ilalim nito ang sarili kasama ang kanyang kahihiyan.

“Talaga bang okay ka lang?” Totoo ang pag-aalala nito.

“Oo,” sagot niya. Nakaharap siya palayo, mariing tumango.

“Matutulog ka na? Hindi ba’t gusto mong gumamit ng banyo?”

“Hindi na… let’s just sleep,” mahina niyang sabi.

“Sige. Ah—by the way, anniversary natin ngayon. I bought you a gift. Buksan mo bukas, see if you like it.”

“Sige,” walang gana niyang sagot.

Nasa tabi ng kama ang regalo. Kahit hindi niya pa buksan, alam na niya kung ano ang laman. Pare-pareho ang laki ng kahon taon-taon. Pare-pareho rin ang laman—isang relo. Sa drawer niya, kasama ng mga regalo kapag birthday niya, may siyam na magkakaparehong relo na. Ito ang ikasampu. Hindi na nagbago ang ibinibigay nito. Paulit-ulit nalang.

Doon na natapos ang usapan nila. Pinatay niya ang ilaw at humiga.

Kumalat sa hangin ang amoy ng basang sabon mula sa pagligo ni Vincent, ngunit halos hindi niya maramdaman ang paglubog ng kama dahil sa dalawang metrong lapad nito, nakahiga siya sa isang gilid, si Vincent naman sa pinakadulo ng kabilang gilid.

May pagitan pa, sapat para sa tatlong tao. Ganun sila kung matulog noon pa man…Hindi niya na binanggit ang narinig niya sa banyo at lalong hindi niya binanggit ang tungkol sa tinatawag nitong pangalan, para bang walang anumang nangyari.

Matigas siyang nakahiga, nanlalabo ang paningin sa hapdi ng mga mata. Pigil na pigil niya ang pag-iyak…

Mitch. Ang buong pangalan niya—Michelle Calderon. Kaklase niya sa kolehiyo. Unang pag-ibig at babaeng iniingatan ni Vincent sa kanyang puso. Pagkatapos ng kolehiyo, nagpunta si Mitch sa ibang bansa, kaya nagkahiwalay ang mga ito. Dahil sa nangyari ay labis na nalugmok si Vincent noon. Hindi niya natanggap na umalis ang babaeng mahal na mahal niya. Every day, he drank.

Magkaklase sila ni Vincent noong high school. Aminado siyang noon pa man, lihim na niya itong nagustuhan. Ito ang campus crush, top student, cold aura. Si Kate naman ay isang art student, maganda rin, pero sa high school ang sukatan ay grades.

Hindi kapansin-pansin ang mga artist students. Hindi rin napapansin si Kate ng lalaki. Kaya nanatili iyong isang lihim na pag-ibig. Ni minsan, hindi niya inisip na makakalapit siya rito at magiging mag-asawa sila..

Hanggang sa isang araw pagkauwi niya sa dance academy ay nadatnan niya itong miserable sa gitna ng daan…Gabi na. Lasing na lasing ito, pasuray-suray maglakad, tumatawid ng kalsada nang hindi tumitingin sa ilaw. Nang may napansin siyang paparating na sasakyan at mabilis na nagmamaneho ang driver, hindi na ito nakapagpreno dahil si Vincent ay tila walang pakialam. At dahil sinusundan niya ito at nag-aalala, itinulak niya ito palayo upang makaiwas sa sasakyan at siya ang nasagasaan na dapat ay ito.

Isa siyang dancer. Gusto niya sanang mag-aral pa ng sayaw, ang maging isang sikat ng dancer balang araw ngunit dahil sa aksidente, napilay ang kanyang binti. She could never dance again.

Pagkatapos ng aksidente ay tumigil na si Vincent sa pag-inom. At pinakasalan siya. Habambuhay na may utang na loob. Habambuhay na may pasasalamat. Laging mahinahon. Laging malamig na parang tubig. Laging nagbibigay ng regalo. Laging nagbibigay ng pera. Ngunit hindi siya minahal.

Inakala niya na kayang painitin ng panahon ang lahat. Na kayang palamigin ng panahon ang lahat at kaya siyang mahalin ni Vincent at maging tunay silang mag-asawa…Ngunit hindi niya inakalang matapos ang five years, ganito pa rin kalalim ang pagkakatatak ng pangalang “Mitch.”

Na kahit sa sandaling iyon, iyon pa rin ang binibigkas niya.

Sa huli…siya ang masyadong naging tanga at inosente. Nagpakasal sa lalaking iba pa rin ang laman ng puso.

Hindi siya nakatulog buong gabi. Nakatitig lang sa email sa kanyang cellphone, mahigit isang daang beses niyang binasa. Isang offer letter mula sa University of Cambridge. Ito sana ang balak niyang sabihin kay Vincent ngayong gabi— that she wanted to study abroad.

Ngunit ngayon, malinaw na hindi na kailangan ipaalam pa. Limang taong kasal. Hindi mabilang na mga gabing walang tulog. Mula sa sandaling ito, the countdown to the end had begun.

NANG bumangon siya kinabukasan, nagpapanggap pa rin siyang tulog. Narinig niyang kausap ni Vincent si Ate Nova, ang kasambahay.

“May lakad ako mamaya. Sabihin mo kay Kate na huwag na niya akong hintayin. Matulog na siya ng maaga.”

Pagkatapos noon, bumalik pa ito sa kwarto para silipin siya.

Naka-kumot siya. Basang-basa na ng luha ang unan. Dati, siya ang naghahanda ng mga damit nito bago pumasok sa trabaho. Ngayon ay hindi na niya ginawa. Mag-isa itong nagbihis at umalis.

Doon pa lang siya tuluyang nagmulat ng mga mata, namamaga sa kakaiyak.

Tumunog ang alarm ng cellphone. Time to study.

Simula nang ikasal siya, dahil sa kanyang binti, 90% ng oras niya ay nakakulong lang sa bahay. Hinahati niya ang araw sa maliliit na bahagi para may magawa. Pinatay niya ang alarm at nag-scroll sa iba’t ibang app, walang direksyon kung saan siya pupunta.. Her mind was a mess.

Hanggang sa biglang may lumabas na video. Napakapamilyar ng mukha sa screen. Tiningnan niya ang username.. Mitch C..

Kagabi lang ito na-post. Pag-click niya, tumunog ang masayang music.

May narinig siyang sumisigaw.. “One, two, three—welcome back, Mitch! Cheers!”

Ang boses na iyon ay hindi siya pwedeng magkamali. Boses iyon ng asawa niya--- ni Vincent.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER 100

    Kung tutuusin, hindi rin naman mali ang sinabi ni Vincent.Gusto lang naman sanang sabihin ni Kate, “Ang gusto ko lang ay i-‘keep’ ka para magturo sa akin…” pero hindi pa niya natatapos ang “lesson” ng putulin siya nito.“What’s the difference?” malamig na sagot ni Vincent.Ibinalik nito ang limang piso sa bulsa niya, at pagkatapos ay dumaan na parang hangin, walang lingon, walang pakialam. May iniwan lang itong isang linya, malamig at diretso nitong sinabi sa kanya.. “Hindi pa ako ganun kabagsak, okay?”Iyon ang alaala ni Kate na minsan, nagtanong siya kay Vincent. Pero para kay Vincent, malabo na lang siguro iyon. Nakalimutan na ang simula, gitna, at dahilan. Si Kate lang ang nakakaalala ng lahat. Sa panahong iyon, pareho silang sugatan. Pareho silang may tinatagong kahinaan. At kahit sandali, nakita nila ang isa’t isa ng buo.Pero tama nga mas mabuting kalimutan na lamang. Dahil iyon ay isang madilim na bahagi ng kabataan.“Kate…” mahinang tawag ng lola niyan. Naputol ang alaala ni

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER NINETY NINE

    Napatigil si Kate. Hindi niya inaasahan na ganoon pala ang buhay ni Vincent. Hindi nito pinulot ang pera. Tahimik lang ito at diretso nitong sinabi, “I don’t need it. At mula ngayon… hindi na ako hihingi sayo kahit kailan.”Pagkatapos noon ay tumalikod siya at umalis.Sumunod ang lalaki mula sa kotse, galit ang boses. “Fine! Tingnan natin paano ka mabubuhay!”Sumikat ang araw sa likod ni Vincent, parang ginto ang liwanag na tumama sa kanya. Ngumiti siya, mayabang, matigas.“Relax,” sabi niya nang hindi lumilingon. “I’d rather be kept by a rich woman than go back to you.”Natigilan si Kate. Hindi niya maintindihan ang sinabi pero pamilyar ang sakit. Naririnig niya rin iyon sa sarili niyang bahay. Kapag pinapagalitan siya ng nanay niya, mga salitang, “Walang silbi!” at “Magbenta ka na lang ng sarili mo!” Sa tuwing naririnig niya iyon, gusto niyang maglaho. Kinakagat niya ang labi niya hanggang dumugo, para lang pigilan ang luha. Pero iba ang pakiramdam na marinig ang ganung salita mula s

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER NINETY EIGHT

    Marunong magluto si Vincent, pero hindi ibig sabihin marunong siyang magluto sa labas. Ang pagsisiga ang naging pinakamalaking problema nito noong camping nila. Halos ibuhos niya na ang buong lakas niya, parang nine oxen and two tigers effort level pero wala pa ring apoy.Ang ending? Ang mukha niya ay maitim na, puno ng abo, parang galing sa gera.Pero wala pa ring apoy. Iba si Kate. Lumaki siyang umuuwi sa probinsya tuwing bakasyon. Umaakyat ng puno, kumukuha ng itlog ng ibon, nagsisiga—lahat na. Kaya nang makita niyang hirap na hirap si Vincent, hindi na niya kinaya.Lumapit siya. Nilinis ang pugon. At saka muling sinindihan ang apoy.Biglang nagliyab. Napatingin si Vincent. Saglit siyang natulala. Siguro dahil nakita siya kung gaano kagulo ang ginagawa niya upang magkaroon lamang ng apoy at kung gaano naman ito kaayos kumilos kumpara sa kanya.Pero kahit ganun, hindi man lang siya nagpasalamat. Pagkatapos noon, tuloy-tuloy na ang galaw ni Vincent. Kitang-kita na sanay si Vincent. S

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER NINETY SEVEN

    “Sure,” sagot ni Vincent. Halatang masaya si Kate. At hindi nawala ang saya niya hanggang makarating sila sa bahay ng lola. Pagdating nila, naghahanda ng kumain ang lola. Simple lang ang nasa mesa, kanin, atsara, at gulay.Nagulat ang lola nang makita sila. “Uy! Ba’t kayo nandito? Have you eaten? Magluluto ako!”Agad nitong niligpit ang pagkain sa mesa. Napatingin si Kate sa mga iyon at may kirot na dumaan sa dibdib niya.“Lola… bakit ‘yan lang kinakain mo?” tanong niya, hindi maitago ang lungkot.Mabilis na kinuha ng lola ang mangkok. “Ah, leftover lang ito, sayang kasi kung itatapon ko…”Hindi naniwala si Kate. Nakatitig lang siya.“Naku, itong batang ito…” natatawang sabi ng lola. “Magluluto ako ng masarap, wait ka lang!”At agad itong pumasok sa kusina, parang umiiwas. Naiwan si Kate sa sala, mabigat ang pakiramdam. Hindi ito paminsan-minsan lang…Lumapit si Vincent sa kanya at bahagyang ngumiti. “Pag nasa lola mo ka talaga ay nagiging bata ka.” Hindi siya sumagot. Sumunod siya sa

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER NINETY SIX

    MAY ILANG tao sa bahay na binili ni Vincent na kumakausap sa kanila.“Ah yes, Ma’am, ito po talaga ang best location sa buong subdivision,” dagdag ng sales agent. “Right by the lake, and kapag warm ang weather, may mga swan na lumilipad dito. Very peaceful.”Hinawakan ni Vincent ang kamay ni Kate at dinala siya sa terrace. Humampas sa kanya ang hangin mula sa lawa may halong lamig, amoy damo at puno. Napapikit siya sandali, saka huminga ng malalim. Sa tagaytay siya ibinili ng bahay ni Vincent.Ang sarap… ang gaan sa pakiramdam.“Kymusta? Do you like it?” tanong ni Vincent, hawak pa rin ang kamay niya.Napatingin si Kate sa kamay nitong nakapatong sa kanya. Saglit siyang natahimik.Fine… dahil gusto niya ang bahay. Tumango siya.Mas lalo pang natuwa si Vincent. “I like it too,” sabi niya. “Or… kapag tapos na ang renovation, we can live here. Yung kasal ng kapatid mo… we’ll talk about it later.”Hindi siya pinapakinggan ni Kate. Sa isip niya, nasa garden na siya, iniisip kung paano hahat

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER NINETY FIVE

    Muling pinaandar ni Vincent ang sasakyan. Hindi pa rin iyon papunta sa bahay ng lola.“I’ll take you to see a house,” sabi ni Vincent sa kanya, medyo pagod ang boses. “Yung ID mo kahapon, ginamit ko para bumili ng bahay para sa’yo.”Napakunot ang noo ni Kate. “Bahay?”“Hindi ba bibili ang parents mo para sa kapatid mo?” tanong ni Vincent.Mabilis ang reaksyon ni Kate. “Kinulit ka na naman nila?” Hindi sumagot si Vincent. At sapat na iyon para maintindihan niya ang sagot. “Kaillangan ba talaga na sumunod ka? Kailan pa? Bakit hindi ko alam?” sunod-sunod niyang tanong.Sumulyap si Vincent sa kanya, may bahid ng ngiti. “Ang sungit mo kasi, natatakot silang sabihin sa’yo.”Nainis si Kate. Of course, ang pamilya niya ay laging may paraan para ipahiya siya.“Vincent, pwede ba, huwag kang parang namimigay ng bahay sa lahat?” hindi na niya napigilang wika... “Wala silang bahay eh di problema nila yun. Gusto nilang mag-asawa eh di magsipag sila para magkaroon ng bahay.. Hindi mo kailangan bumil

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status