Share

CHAPTER FOUR

Author: Alena
MAINGAT na inobserbahan ni Mitch ang sitwasyon at saka siya sumingit sa tamang sandali.

“Vincent, huwag kang magalit dahil sinasabi ng lahat na hindi maganda ang asawa mo,” malumanay niyang sabi. “They’re just worried about you. Think about it—ilang taon na kayong magkakaibigan. Kahit may nasabi silang hindi tama, pakinggan mo na lang at huwag mo nang ilagay sa puso.”

“Hindi ako galit,” sagot ni Vincent habang ibinubulsa ang cellphone.

“Hayaan na natin.. Hindi naman siya pupunta kung saan-saan. Let’s go.”

Total, sa loob ng limang taon, bukod sa bahay nila, wala naman talagang pinupuntahan si Kate at wala rin naman siyang mapupuntahan.

Sumulyap si Norman kay Mitch at pabulong na nagsabi. “Talagang mabait ang puso ng Mitch natin. Kung hindi lang kayo naghiwalay noon…”

“Ano’ng sinasabi mo?” mabilis na putol ni Mitch, sabay sulyap kay Norman.

“Isang gabi lang, hindi mo pa mapigil ang bibig mo, puro ka walang kabuluhan! May asawa na si Vincent. Hindi na tama ang mga ganyang salita,” ani pa Mitch na sinulyapan si Vincent

Pagkatapos sabihin iyon, tumingin siya kay Vincent naa may bahid ng hinanakit sa mga mata.

“Bumalik ako na walang hinihiling,” mahina niyang dagdag. “I just want you all to still accept me---na manatili kayo sa tabi ko. Kontento na ako roon.”

“Ano ka ba?” mabilis na sabi ni Norman. “Huwag kang magsalita ng ganyan! Ikaw ang paborito naming lahat. Kung may mang-api man sa’yo, hindi namin siya patatawarin! Right, Vincent?”

Mayabang na tinapik ni Norman ang sariling dibdib. Hindi gaanong nagsalita si Vincent. Hawak lang niya ang baso ng alak at marahang iniikot iyon, parang may iniisip.

Pamilyar ang eksenang ito.

Noon pa man, ganito na siya. Gustong-gusto niyang panoorin ang mga kaibigang ito na nagkukulitan at nagtatawanan kasama si Mitch. Kapag sumosobra na ang gulo at siya na ang tinatanong, saka lang siya magsasalita para “magbigay ng opinyon.”

Ngayon, muli na naman siyang tinanong kaya bahagya siyang ngumiti.

“Siyempre.”

*************

HINDI umuwi si Kate. Nanatili siya sa hotel na na-book niya. Lahat ng hinanakit at sakit ay sabay-sabay na sumabog nang maisara ang pinto ng hotel room.

Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang panggagaya sa kanya ni Norman—ang paika-ikang paglalakad niya. Ang halakhakan ay parang sumpa ay paikot-ikot sa kanyang pandinig. Sa totoo lang, matagal na niyang alam ang mga usapan ng mga kaibigan ni Vincent tungkol sa kanya na hindi niya lang kailanman inilabas kahit pa insulto iyon sa kanya.

Matagal na silang magkakaibigan. She understood that. Pagod siya sa trabaho. She understood that too. Kaya ayaw niyang lumikha ng gulo para hindi na siya dagdag na pasanin. Ayaw rin niyang masira ang samahan ni Vincent at ng mga kaibigan nito dahil lang sa kanya.

Ngunit ngayon, malinaw na…Nagkamali siya ng akala. Paano nga ba siya pipiliin laban sa mga kaibigang ilang taon na niyang kasangga?

At siya? Ano ba siya? Isa lamang siyang pasaning pinakasalan dahil sa utang na loob. Isang pabigat. Kung wala siya, mas magiging magaan, mas magiging masaya—ang buhay ni Vincent.

“Pilay lang naman siya! Kung hindi mo siya pinakasalan, sino pa ang tatanggap sa kanya?”

“Isa siyang pilay, ano pa bang hahanapin niya sa pag-aasawa sa lalaking tulad ni Vincent?”

“Kung ako si Vincent, mas gugustuhin ko pang ako ang mapilay noon kaysa mag-uwi ng pilay na pagtatawanan ng lahat.”

“Ang ibang CEO may maayos at may presentableng asawa. Si Vincent lang ang walang asawang pwedeng ipakita sa publiko.”

*************

Lahat ng mga bulung-bulungan na narinig niya sa loob ng limang taon ay sabay-sabay na umapaw sa kanyang isip na parang malalakas na alon, parang isang higanteng ipu-ipong tuluyang lumamon sa kanya.

Hindi siya makahinga. Pakiramdam niya ay napupunit ang puso at baga niya sa sobrang sakit.

Nanginginig ang mga kamay niyang binuksan ang isang album sa cellphone, isang album na limang taon na niyang hindi binubuksan. Nandoon ang mga video at larawan ng kanyang training at performances noong nag-aaral pa siya. Mula nang hindi na siya makabalik sa entablado, isinara niya ang lahat ng alaala ng sayaw at nilagyan ng password, at hindi na muling binuksan.

Ngayon, nanginginig ang daliri niyang pumili ng isang video. Sa saliw ng musika, umiikot siya, tumatalon, lumilipad sa hangin sa isang split. Isa siyang ballerina. Noon, minsan din siyang nagniningning. Noon, minsan din siyang malakas at buo ang katawan. Noon, minsan din siyang tumanggap ng palakpakan na parang kulog. Iniidolo.

Kung ganoon, mali ba ang magligtas ng tao?

Ngunit kahit noong sandaling iyon, hindi niya kailanman inisip na pakakasalan siya ni Vincent. Ito ang nag-alok ng kasal sa kanya. Ito ang nagplano ng engrandeng proposal, ang lumuhod sa harap niya, may hawak na napakalaking brilyanteng may singsing, at binigyan siya ng pag-asa.

Nanginginig ang kamay niyang pinatay ang cellphone. Sa loob ng limang taon, ngayon lang siya muling bumagsak sa kama at humagulgol. Matagal siyang umiyak. Hanggang sa mapagod.

Hanggang sa wala na siyang mailuha. Ang natira na lang ay ang sakit sa dibdib na parang apoy na patuloy na sumusunod at sumusugat.

Ngunit dahil din sa sakit na iyon, sa gitna ng nakakasakal na ipu-ipong ito, unti-unti siyang nakahanap ng linaw. Habang mas masakit…Mas malinaw ang isip. Pumunta siya sa banyo at binuhusan ng malamig na tubig ang mukha, pilit na pinapakalma ang sarili.

Tiningnan niya ang sarili sa salamin, wala na ang dating ningning.

Mahinang sinabi niya sa sarili. “Kate, isang iyakan lang ’yan. Bawal nang umiyak ulit. From now on, kumain ka nang maayos, magpahinga ka nang maayos, at bukas ay mag-exam ka nang maayos.”

Ang tanging ipinagpapasalamat niya ay sa loob ng limang taon ng kasal, nag-aral siya araw-araw para patayin ang oras niya..

Hindi dahil may dakilang ambisyon siya kundi dahil sobrang dami ng oras. At sobrang lungkot. Ang paghihintay sa pag-uwi ni Vincent ang buong mundo niya. Ngunit palagi siyang umuuwi nang gabi. Noong una, inakala niyang sobrang busy lang ito sa trabaho. Kalaunan, nalaman niya ang totoo.. Ayaw lang nitong umuwi nang maaga para harapin siya.

Narinig niya iyon mismo. Noon, inunawa niya ang pagod nito. Naglakas-loob pa siyang alagaan ito. Nagluto siya ng espesyal na pagkain at dinala iyon sa opisina..Doon niya narinig ang usapang hindi niya dapat narinig.

Usapan iyon ni Vincent at ng isa niyang kaibigan sa opisina.

Tinanong ng kaibigan kung bakit hindi pa siya umuuwi, gayong halos wala nang tao sa opisina at CEO pa siya.

Sinabi ni Vincent.. “I don’t know how to deal with Kate’s enthusiasm when I get home.”

Noon, hindi iyon naintindihan ng inosenteng Kate. Ngunit agad itong naintindihan ng kaibigan.

Nagulat ito at nagsabi… “Don’t tell me… hindi pa kayo nagsasama bilang mag-asawa?”

Nanahimik si Vincent.

Iyon ang sagot. Hindi niya kailanman hinawakan si Kate.

Dahil sa narinig, naglakas-loob siyang lumapit kay Vincent at nagpakita ng motibo.

Ngunit sa bawat pagkakataon ay tinanggihan siya ng ilang ulit.

“I’m not feeling well.”

I’m too tired these days.”

Hindi siya tanga. Unti-unti niyang naunawaan…Hindi siya mahal. Kaya ayaw siyang hawakan. Ngunit nang marinig niyang sinabi ni Vincent na hindi siya nito mahal, ang sakit ay parang libo-libong karayom na sabay-sabay tumusok sa puso niya. Halos hindi siya makahinga.

Pagkatapos non ay pabirong tanong ng kaibigan ni Vincent “Vincent, wala ka bang kahit kaunting physical reaction kapag nakikita mo siya? I mean… she’s still pretty.”

Ang sagot ni Vincent ay naging isang karayom na tuluyang bumaon sa kanyang dibdib. At sa mga sumunod na taon, patuloy siyang sinasaktan sa tuwing maaalala niya iyon.

Ang sinabi ni Vincent noon… “I tried. I really did. I tried to have a normal married life with her. But every time I see her leg… I just lost all desire.”

Kaya pala…Ang binti niyang puno ng peklat, nanlupaypay ang mga kalamnan dahil sa pagliligtas dito. Sa mata ni Vincent ay nakakadiri. Nakakasuklam. Walang kaakit-akit.

Hindi niya kinatok ang pintuan ng opisina noon.. Ang inihanda niyang pagkain ay itinapon niya sa basurahan ng kumpanya.

Mula noon..Hindi na siya muling bumalik sa opisina ng asawa.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER FIFTY

    “Kate! Mukhang sinasadya mo na talagang i-provoke ako ah!”May halong galit ang tingin ni Vincent. Sa totoo lang, pakiramdam ni Kate, siya rin ang nagbago. Parang nawala na ’yung dati niyang emotional stability at si Mitch, talagang may malaking ambag doon. “Mukhang nagkamali ako ng tingin sa’yo,” dagdag niya. “Dati akala ko gentle ka, sensible, marunong umintindi. Ngayon, ang galing mo palang manggulo. Tingnan mo si Mitch—”“Ayoko tumingin. Ikaw na lang. Extra look pa, para sakin.”Diretso siyang nag-cut in. Ayaw na niyang marinig kung gaano kabait, kagaling, o ka-special si Mitch.Napikon na rin si Vincent.. “Kung gano’n, huwag kang magsisi kapag pinuntahan ko siya!”Sa pagkakataong ito, talaga niyang isinuot ang earphones. Ibinaba siya ni Vincent sa tapat ng building. “May meeting pa ako mamaya—”Bumaba si Kate at bang!—isinara ang pinto ng kotse. Hindi niya na hinintay na matapos magsalita si Vincent. Ano man ang gagawin niya sa gabi, wala na siyang pakialam.Sa hapunan, nagluto si

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER FORTY-NINE

    “Seryoso ka talaga?” Pangit na pangit ang itsura ng mukha ni Vincent. Kunot ang noo at salubong ang kilay.“Oo.” Hindi naman siya kailanman nagbibiro. Hindi rin siya nagseselos. Hindi rin siya nagtatampo.“Fine.” Tumango si Vincent. “Huwag kang magsisi.”Bumalik siya sa counter at tinuro ang sampung relo. “Lahat ’yan, kukunin ko!”Sa puntong iyon, malinaw na kay Vivian ang lahat, si Kate ang legal wife, at ’yung naunang umalis… tea-flavored third party.Biglang isinara ni Vivian ang glass cabinet. “Pasensya na po, sir. Hindi ko na ibebenta.”Hindi makapaniwala si Vincent. Unang beses sa buhay niya na may tumanggi sa pera niya.“Alam mo bang kung gugustuhin ko,” malamig niyang sabi, “kaya kong bilhin ang buong shop na ito?” ani pa ni Vincent.Umangat ang baba ni Vivian, matigas ang tindig. “Mas pipiliin ko pang mag-bankrupt kaysa magbenta. Maliit lang ako, pero ayokong may lumabas sa kamay ko na mapupunta sa kabit.”“Ikaw—” Halata na talagang napikon si Vincent.Si Kate na ang namagitan

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER FORTY-EIGHT

    Isa-isang tiningnan ni Vincent ang mga invoice, tapos biglang napatawa, isang malamig, mapanuyang tawa.“Shit,” napabuga siya ng hangin.“Sir…” Medyo nag-alangan si Vivian, halatang naguguluhan kung ano ang problema.“Walang kinalaman sa’yo,” malamig na sabi ni Vincent. “Ilabas mo lahat. Lahat ng sampu.”Kahit si Mitch, ramdam na may mali na. Mahinang tumawag, “Vincent…”Sa sandaling iyon, napansin ni Vivian si Kate na dahan-dahang lumalabas mula sa likod. Dahil sa pag-aalala, siya muna ang kinausap nito.“Mabuti naman at bumalik ka na. Okay ka lang ba? Are you alright?” tanong ni Vivian sa kanya..Sabay na napalingon sina Vincent at Mitch at sabay nilang nakita si Kate. Hindi alam ni Kate kung guni-guni lang niya, pero parang naglalagablab ang mga mata ni Vincent.Inasikaso muna siya ni Vivian. “Pwede ka bang umupo muna? Tatapusin ko lang ipakita sa kanila ’yung mga relo, tapos titingnan ko na ’yung ring mo.”“Anong ring?” Biglang naging alert si Vincent, bakas ang matinding pagbabant

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER FORTY-SEVEN

    SA unang pahina ng notebook, malinaw na nakasulat..“100 Little Things About Mitch.”Ang unang nakasulat. “Mitch’s birthday is May 16.” Parang nabitawan ng lakas ang kamay ni Kate, nahulog ang notebook sa sahig.Ang password ng bahay nila ay: 52516. Ang password ng safe ay: 0516.Sa loob ng limang taon, ang tinirhan niya pala ay condominium nina Vincent at Mitch. Biglang parang masikip ang hangin sa paligid. Pinisil niya ang dibdib niya, humihingal, pilit humihinga pero parang hindi sapat ang hangin.“Ma’am Kate…”Boses ni Ate Nova mula sa labas ang nagbalik sa kanya sa ulirat.“Anong kailangan mo?” sagot niya, habang yumuyuko para pulutin ang notebook. Sa ikalawang linya, malinaw pang nakasulat.“Have one or more houses that Mitch likes. Password is her birthday.”Hindi na niya kinayang magbasa pa. Ibinaba niya ang notebook sa loob ng safe, inayos ang lahat, parang walang nangyari.Nasa pintuan si Ate Nova. “Ma’am, nagpadala po si Sir ng fresh crabs. Paano raw po lulutuin?”“Make it s

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER FORTY-SIX

    Sa mga nakaraang araw, parang naging ugali na ng panahon, pagdating ng gabi, laging umuulan. Hindi pa katagalan ng makatulog si Kate, narinig na niya ang mga patak ng ulan sa bintana. Sa bawat paghinga niya, amoy na amoy pa rin ang bango ng tea seed cake shampoo. Pakiramdam niya, parang bumalik siya sa probinsya, sa gabing katabi niyang matulog ang Lola niya. Tahimik. Panatag. Safe. Kaya ang sarap ng tulog niya sa gabing iyon.Nagising siya sa tunog ng alarm clock.Sa unang sandali, lutang pa ang isip niya. Akala niya nasa bahay pa rin siya ng Lola niya kaya sakto lang ang init ng kumot, hindi malamig, hindi mainit. At sa paghinga niya, nandoon pa rin ang amoy ng tea seed cake… at—niyayakap niya ang Lola niya…Sandali.Niyayakap niya ang Lola niya? Bigla siyang nagising ng tuluyan.Imposible. Umuwi na siya mula sa bahay ng Lola kagabi..Pagmulat niya ng mata, unang bumungad ang kwelyo ng dark blue na pajama, tapos pataas—Adam’s apple, at bahagyang stubble sa baba…Parang may sumabog sa

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER FORTY-FIVE

    Siguro nga… meron. Noong high school, crush niya si Vincent. Pero wala siyang lakas ng loob na lapitan ito para magtanong ng lesson. Kahit pa may pagkakataon, siguradong forced situation lang iyon at yung tipong wala na siyang choice.Mukhang amused si Vincent sa alaala. “Naalala mo ba? Anong pagkakataon ’yung lumapit ka sa akin? Tahimik ka noon eh, very demure, sobrang tahimik.”“Hindi ko na maalala,” malamig na sagot ni Kate. Wala siyang ganang balikan ang nakaraan. Sa lagay ng marriage nila ngayon, anong saysay ng pagbabalik-tanaw sa kabataan? Vincent, nostalgic ka ba talaga? Hindi pa ba sapat sa’yo ang pagbabalik ni Mitch?“Ako na lang magturo sa’yo,” sabi ni Vincent habang binubuklat ang spanish book niya. “Matagal na rin akong hindi nag-aaral, pero basics—kaya pa.”Iwinagayway niya ang libro.Napansin ni Kate, habang nagfa-flip siya ng pages, wala na ang silver ring sa kaliwang palasingsingan niya. At kung kaya ba talaga niyang magturo ngayon? Hindi rin sigurado.“Huwag na,” sabi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status