Share

CHAPTER 21

“ANAK, NGAYON na ba talaga kayo babalik ng Maynila?” Tanong ng ina’y ni Mia habang palabas sila ni Jondray ng bahay. “Hindi ba pwedeng bukas na lang kayo umalis?”

Bakas ang lungkot sa mukha ng kanyang ina’y kaya naman niyakap niya ito nang mahigpit. “Nay, baka hindi na kami makaalis niyan kakapigil mo.” Sabi niya sa gitna ng pagyayakapan nila.

Pinakawalan siya nito sa pagkakayakap at hinaplos ang buhok niya pababa sa kanyang pisngi. “Dumalaw kayo sa susunod na buwan. Mamimiss kita.”

Ngumiti siya. “Opo ina’y. Pangako, babalik kami sa susunod na buwan.”

“At ikaw naman Kiffer. Salamat sa pagmamahal mo sa anak ko. Ikaw na ang bahala sa kanya. Alagaan mo siya.”

Nangingiting sumagot si Jondray. “Ako po ang bahala kay Mia. Aalagaan ko po siya.”

Mabilis na napabaling si Mia kay Jondray nang marinig ang boses nito sa tabi niya. Kakaiba ang kislap ng ngiti sa labi nito na para bang tunay ang mga sinabi nito. Pagbalik nila sa Maynila, babalik na ulit ang lahat sa dati, babalik na ulit ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status