Share

A Deal with a Billionaire
A Deal with a Billionaire
Author: Red uncle

Chapter 1

Author: Red uncle
last update Last Updated: 2025-10-10 17:06:09

Seraphina Amara's POV:

I currently work as a waiter at a popular restaurant near my school. I'm on duty every afternoon after classes, and I get off at 12:30 AM.

Kailangan kong magpakatatag at magsumikap para sa aking kinabukasan. Nawalan ako ng mga magulang sa isang aksidente, at ako na lang ang naiwan. Ako lang ang nag-iisang anak, kaya kailangan kong magtrabaho nang mabuti para sa aking pag-aaral.

"Ito na po ang order ninyo, ma'am and sir. Enjoy your meal." Magiliw na sabi ko sa customer at nginitian sila. I make it a point to smile at customers. It makes them feel welcome. Frowning isn't an option-Smiling is key.

"Ate ate, ang haba ng buhok mo, can I touch them?" Napalingon ako sa bata na gigil na gigil mahawakan ang aking buhok, lumawag naman ang ngiti sa aking mga labi dahil sa kaniyang sinabi.

Halos lahat ng mga bata na makakita sa aking buhok ay gusto nilang hawakan, at nag enjoy naman ako sa bawat attensyon na nakukuha ko.

"Oo naman," Sabi ko at yumuko ako upang mahawakan niya ang aking mahabang buhok na umaabot sa aking beywang. Nakita ko kung paano nagningning ang mata ng bata nang mahawakan na niya ang aking buhok.

"Ang lambot rin," Sambit niya bago niya binitawan ang aking buhok. "Salamat po ate, balik na ako sa table ng parent ko..." Tumingin ang bata sa kaniyang mga magulang na kanina pa siya tinatawag. "Alis na po ako, salamat!" Aniya at tumakbo patungo sa kanilang table. Hindi ko talaga aakalain na umalis lang siya sa table ng kaniyang magulang upang puntahan ako.

I continued with what I was doing, chatting with the customers and serving their orders.

Noong una, nahihirapan pa ako sa aking trabaho, pero ngayon ay hindi na dahil nasanay na rin ako. Ilang taon ko na rin kasi itong ginagawa kaya hindi na ako gaanong nahihirapan, lalo na kapag may mga bagong taong nakikilala ko.

Gabi na at kakaunti na lang ang mga tao sa restaurant. Mayroon pa rin namang ilang customer pero hindi na kasing dami ng kanina. Nakakapagkuwentuhan na rin kami ng mga kasamahan ko dahil halos wala nang dumarating na order. Minsan kasi, ang mga pumupunta rito sa restaurant ay para lang mag-meeting, lalo na mga business man.

"Huy Seraphina, kanina ka pa tinitignan ng poging iyon oh..." Sambit ng aking kaibigan na si lyra Salvazar. Napatingin ako sa lalaking nakaupo sa sofa sa isa sa pinakamamahaling bahagi ng restaurant, hawak-hawak niya ang isang glass ng champagne.

He's rich, judging by the way he moves and his suits. He's not alone, he has companions with him, and it looks like they're having a meeting.

But his eyes seem uninterested in what they're talking about, because his focus is on one thing—me.

"Sino 'yan? Ang pangit hindi ko type." Muli kong sinulyapan ang lalaki, may kaunting ngisi sa kaniyang labi na tila ba ay narinig niya ang aking sinabi.

I don't like rich men, because they can control someone just with money, they use people and they are rough. I prefer a man who is simple and gentle.

"Grabe, ang gwapo niya. Kung ako sa'yo, papatulan ko na ang mga titig niya," suhestiyon ng aking kaibigan. Mukhang siya naman ang naiintriga, eh.

"Edi sa'yo na lang," singhal ko sa kaniya, dahilan ng kaniyang pagtawa.

"Grabe ka, defensive agad," pang-aasar pa niya habang nakatingin sa akin. Napairap na lang ako at umiwas ng tingin, pero hindi ko maiwasang maramdaman ang init na umaakyat sa aking pisngi.

"Inaamin ko, gwapo naman talaga eh," bulong ko sa sarili, halos ayaw kong marinig ng iba.

Pero kasabay noon, naramdaman ko ang mabilis na tibok ng aking puso-nakakainis kasi kahit anong iwas ko, bumabalik pa rin sa kaniya ang atensyon ko. Para bang may kung anong hatak sa mga mata niya na hindi ko kayang labanan, kahit pa pilit kong sinasabi sa aking sarili na wala akong pakialam.

"Seraphina, Seraphina..." Agad na balik ang aking atensyon ng tawagin ako ng aming manager na si ma'am Sage. Mabait si ma'am Sage, pero may pagka-lion din kung hindi kami nakikinig sa kaniya.

"Ano po iyon ma'am Sage?"

"Order ng VIP table, ikaw ang mag-serve..." Namilog ang aking mga mata dahil sa kaniyang sinabi. VIP table? Doon talaga sa lalaking palaging nakatitig sa akin?

Parang bigla akong nabilaukan sa sariling laway. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso, para bang gusto nitong tumalon palabas ng aking dibdib.

"Ma'am Sage... baka puwede pong si lyra na lang?" halos pabulong kong suhestiyon, ngunit agad niyang tinaasan ako ng kilay-'yung tipong bawal mong kontrahin kung ayaw mong mapagalitan.

"Bakit ako? May ginagawa kaya ako..." Aniya sabay kindat sa akin. Isa pa ito.

Napalunok na lang ako at marahang tumango. "S-Sige na nga." Sa bawat hakbang ko palapit sa kitchen counter para kunin ang order, parang lalo pang bumibigat ang aking mga paa.

Ngayong ako ang magdadala ng pagkain, wala na akong kawala sa mga titig niyang parang sumusunod kahit saan ako pumunta.

Nang malapit na ako sa VIP table, ngumiti ako. Pinilit ang sarili na huwag pansinin ang kaniyang presensya.

Ngunit bigla na lang akong natumba nang may bumangga sa akin-isang customer na nagmamadali at hindi man lang ako napansin.

Muntik akong mapasigaw, pero huli na. Ang mga pagkaing dala ko ay tumilapon diretso sa ibabaw ng mesa-at higit sa lahat, sa lalaking palaging nakatitig sa akin. Nadumihan ang kaniyang suot na mamahaling suit.

Napatigil ang buong VIP table. Ang ingay ng mga plato at baso na nagkalansing ay parang mas lalo pang nagpalakas ng tibok ng aking puso. Halos mawalan ako ng dugo sa mukha, nanlaki ang aking mga mata habang nakatingin sa kaniya.

Basang-basa ang kaniyang mamahalin suit, at kahit na alam kong dapat akong matakot, mas lalo lang akong kinabahan nang makita kong siya mismo ang tumingin sa akin-diretso, walang ibang iniintindi.

"D-Diyos ko..." mahina kong usal habang napapaatras. "Pasensya na po! Hindi ko sinasadya!" With trembling hands, I grabbed a napkin to wipe his expensive suit. Talk about bad luck!

"P-Pasensya na po talaga, s-sir...hindi ko sinasadya. Nakakainis," I muttered as I kept wiping his suit, fully aware that his eyes were still on me, but I chose to ignore them.

"Do you even know how much this suit costs?" I froze at his words, his voice striking like thunder-deep, dark, and rumbling with an edge that shook me to my core. Grabe, kahit boses ang ganda!

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jen-jen
Highly recommend
goodnovel comment avatar
Sammy Acebedo
Highly recommend...️...️...️
goodnovel comment avatar
Sammy Acebedo
Go Seraphina...️...️...️...️...️
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • A Deal with a Billionaire    Chapter 28

    Seraphina Amara's POV: Hindi ako lumabas ng kwarto, gaya ng bilin sa akin ni Mr. Sylvara. Maghapon lang kaming naglaro ni Isolde—naghabulan sa kama, minsan ay pareho kaming humihiga at nagbabasa ng mga librong nakuha ko sa lumang bookshelf sa sulok ng silid. Paminsan-minsan ay may katok sa pinto—ang butler ni Mr. Sylvara, dala ang pagkain ko at ang cat food ni Isolde, na agad namang lumalapit kapag naamoy ang tuna. Tahimik ang buong mansyon, tanging kaluskos ng mga pahina at mahihinang yabag ni Isolde ang maririnig. Paminsan-minsan, napapatingin ako sa kamera sa kisame. Alam kong nandoon siya—si Mr. Sylvara—nakamasid, tahimik, pero ramdam ko ang tingin niya hanggang dito sa loob ng aking kwarto. Pagkatapos naming kumain ni Isolde, umupo ako sa kama habang karga-karga siya. Ramdam ko pa ang init ng kaniyang balahibo sa aking braso habang mahinang naglalambing siya. Ilang minuto ang lumipas, tahimik lang ang buong kwarto hanggang sa biglang tumunog ang cellphone ko na nakapat

  • A Deal with a Billionaire    Chapter 27

    Seraphina Amara's POV: Pagkagising ko kinabukasan, hindi na ako nagulat nang makita si Mr. Sylvara na nakaupo sa gilid ng aking kama. Tulad ng dati, may tasa siya ng kape sa isang kamay at dyaryo naman sa kabila. Sandali ko siyang pinagmasdan. Alam kong alam niyang gising na ako, pero hindi niya ako pinansin—abala pa rin siya sa pagbabasa. Umupo ako mula sa pagkakahiga. "Nakatulog ka ba nang maayos?" tanong ni Mr. Sylvara, hindi inaalis ang tingin sa dyaryo. "Opo, Mr. Sylvara," sagot ko, sabay ngiti. "Halata naman... may laway ka pa sa labi mo," aniya, hindi pa rin niya ako sinulyapan. Agad kong hinawakan ang aking labi. Basa nga. Napasinghap ako—hindi ko alam kung dahil sa hiya o dahil alam kong matagal na niya akong pinagmamasdan bago pa ako magising. Mabilis akong tumakbo papunta sa banyo, ngunit sa salamin, hindi ko maiwasang mapangiti. Ang paraan ng pagkakaupo niya, ang mahinahong boses na dumaan sa hangin—parang lahat iyon ay panggising, hindi lang sa umaga, kundi

  • A Deal with a Billionaire    Chapter 26

    Seraphina Amara's POV: Naglakad siya patungo sa hagdan papunta sa aking kwarto, habang mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya sa akin. Pagdating namin sa kwarto, binuksan niya ang pinto at maingat na inilapag ako sa kama, parang may halong pag-iingat at pangangalaga sa bawat galaw niya. Naglakad siya patungo sa hagdan papunta sa aking kwarto. Pagdating namin doon, binuksan niya ang pinto habang buhat-buhat pa rin ako. Pagpasok sa loob, maingat niya akong inilapag sa kama. Pagkatapos ay lumuhod siya sa harapan ko at dahan-dahang hinubad ang suot kong takong. Pati ba naman ito? "Mr. Sylvara, ako na po..." mahina kong sabi, sabay yuko para abutin ang suot kong takong. Pero bago ko pa man mahawakan iyon, marahan niyang hinawakan ang aking kamay—mainit, mahigpit, at tila may ibig ipahiwatig. "Huwag..." mahinahon ngunit mariing sabi niya, habang nakatitig sa akin. May kakaibang bigat sa boses niya, parang hindi lang tungkol sa takong ang dahilan ng kaniyang pagpigil. Napalunok ako

  • A Deal with a Billionaire    Chapter 25

    Seraphina Amara's POV: Naputol ang tahimik naming sandali nang marinig namin ang isang mahinang ahem mula sa aming likuran. Parang biglang bumigat ang hangin sa pagitan namin. Dahan-dahang inalis ni Mr. Sylvara ang kaniyang braso na nakayakap sa akin, at sa bawat segundo ng paglayo niya ay ramdam ko ang malamig na hangin na pumalit sa init ng kaniyang bisig. Mariin siyang huminga bago marahang humarap sa pinanggalingan ng tinig. Nandoon si Ma’am Rosavine—nakatayo, malamig ang mga mata habang nakatitig sa amin ni Mr. Sylvara, para bang nakita niya ang isang bagay na matagal na niyang iniiwasan. "Leander," malamig ngunit may awtoridad ang boses ng matanda. "Dapat mong harapin ang mga naghahanap sa’yo para sa interview." Tahimik lang si Mr. Sylvara. Ilang segundo bago siya tumango, ngunit kahit walang sinasabi, halata ang pag-aalangan sa kaniyang mga mata—parang gusto pa niyang manatili sa tabi ko, kahit alam niyang may responsibilidad siyang kailangan niyang harapin. Mr. Syl

  • A Deal with a Billionaire    Chapter 24

    Seraphina Amara's POV: "K-Kung ganoon... alam mo na kung ano ang kahinaan ko?" tanong ko, halos hindi ko marinig ang sarili kong boses. Hindi siya sumagot—nakatingin lang siya sa akin, tahimik pero matalim ang bawat titig. "Alam ko lahat, Seraphina," he murmured, mababa at puno ng bigat ang tono. At doon, parang bumagsak ang lahat ng depensang itinayo ko. Naramdaman kong tumulo ang luha sa aking pisngi—isang luha na matagal ko nang pinipigilan. Nahihirapan akong itago ang lahat ng sakit, ang mga sugat na pilit kong nginingitian sa harap ng mundo... pero siya, nakita niya ang lahat kahit hindi ko sabihin. "Stop crying," bulong niya habang marahang pinunasan ang luha ko gamit ang kaniyang hinlalaki. "You don't have to hide when you're with me." I closed my eyes when I felt the warmth of his hand again, a warmth I thought I’d already gotten used to—but it still sent a shiver down my spine. After everything that happened back in the dining hall, his touch felt different...heavi

  • A Deal with a Billionaire    Chapter 23

    Seraphina Amara's POV: Nang makaalis na si Sir Adien, humarap sa akin si Mr. Sylvara. May bahid ng pag-aalala at isang pilit na ngiti sa kaniyang mukha—parang gusto niyang itago ang bigat ng nangyari, pero hindi niya magawa. "Are you okay?" bulong niya, para bang takot siyang marinig ng iba. Tumango lang ako, hindi dahil ayos ako, kundi dahil hindi ko alam kung anong sasabihin. Ang tibok ng puso ko ay parang sinasabayan ng mahinang pag-ugong ng bulungan sa paligid. Sinulyapan ko si Ma’am Rosavine—nakatingin siya sa amin, matalim ngunit hindi ko mabasa kung galit ba iyon o pagprotekta. Ilang sandali pa, tumalikod siya at marahang naglakad palayo, iniwan kaming dalawa ni Mr. sylvara sa gitna ng katahimikan na puno ng tanong at hindi nasabing emosyon. "O-Okay, ladies and gentlemen..." the host began, forcing a polite smile as the tension in the air slowly settled. "Let's proceed with tonight's dinner. Quite an intense moment we had there, huh?" A few nervous laughs echoed around

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status