LOGINSeraphina Amara's POV:
Tumingin ako sa kaniya, nakita ko ang pagtaas ng kaniyang kilay-naghihintay sa aking sagot. "H-Hindi po, sir..." "It costs more than your salary. Someone as clumsy as you doesn't deserve a job like this." Nagsimulang manginig ang aking katawan sa kaniyang mga salita, hiya at galit ang umiikot sa aking loob, ngunit pinilit ko ang aking sarili na tumayo, tumanggi na makita niya akong napahiya. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kaniya. Tinitigan ko siya ng maigi, ngunit nanatili siyang kalmado-tila ba walang nangyari, na para bang hindi ko siya natapunan ng pagkaing inorder nila. Lalo akong nainis sa kaniyang malamig na anyo, habang ako ay halos lamunin na ng kaba at hiya. "Kung hindi ka titigil sa pagiging waiter, baka hindi lang ako ang matapunan mo ng pagkain." Namula ako sa galit dahil sa kaniyang sinabi. Gusto niya akong paalisin sa trabaho ko, dahil lang sa isang aksidenteng hindi ko naman sinasadya? Hindi ko alam kung iiyak ba ako o sisigaw, pero ang init ng aking dibdib ay halos sumabog na sa inis at panghihiya. "Huy, mayaman ka, 'di ba? Bakit hindi ka na lang bumili ng bago mong suit?" Dahil sa galit ay hindi ko na napigilan ang aking sarili magsalita. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng aking puso habang ang mga mata niya ay nakatuon sa akin-matatalim, malamig, at nakakatindig-balahibo. Pero kahit nanginginig ako, hindi ko hinayaan na mabura ang tapang sa aking tinig. I knew people in the restaurant were already staring at us, but I couldn't just run away-I'd be the one left embarrassed. "Are you ordering me around?" he said in a low voice, rising from the sofa and moving closer to me with a hypnotic stride. Ang kaniyang mga kasamahan ay nakatingin sa amin na may takot sa kanilang mga mukha. "H-Hind—" "Let me talk to your manager..." Tumingin siya sa name tag ng aking uniform. "'Seraphina amara' Your name, a reflection of your charm, As lovely as you, a beauty to disarm. But still... you're clumsy. Go ahead and call your manager." I saw the faintest hint of a smirk on his lips, and infuriatingly, I found it irresistibly attractive. "Let me talk to your manager..." Tumingin siya sa name tag ng aking uniform. "'Seraphina amara' Your name, a reflection of your charm, As lovely as you, a beauty to disarm. But still... you're clumsy. Go ahead and call your manager." I saw the faintest hint of a smirk on his lips, and infuriatingly, I found it irresistibly attractive. I don't know if he just wants to distract me, because honestly, I really do get distracted by his looks, even though I don't like rich men. Habang naglalakad ako patungo sa opisina ni ma'am Sage, bigla na lang siyang sumulpot sa mismong harapan namin ng lalaki. Napaurong ako sa gulat, ngunit binigyan niya ng ngiti ang lalaki-na lalo pang nagpa-init ng ulo ko. "Ano po ang maitutulong ko sa'yo Mr. Sylvara?" Ngiting tanong ni ma'am Sage sa lalaki. Argh! Gusto ko siyang sampali-oh halikan? "M-Ma'am Sage-" "I want you to fire her," walang pag-aalinlangang sambit ng lalaki. Napatigil ako, parang biglang nanlamig ang paligid. Para bang isang iglap, ako ang naging sentro ng lahat ng mata sa restaurant. "Hindi naman po pwede 'yan! Aksedinte lang po iyon sir, bakit kailangan..." Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin nang muling sumabat ang lalaki. "Because that's what I said," Aniya na parang wala lang sa kaniya ang kaniyang sinabi. Kaya nga ayoko sa mga mayayaman eh! "Ma'am Sage, may babayaran pa akong tuition, baka naman po-" "Wala akong magagawa, si Mr. leander sylvara na ang nagsabi." Muli kong tinignan ang lalaki na may galit sa aking mata, pero ngumisi lang ito dahilan ng pagkulo ng aking dugo. "Sana mabangga ka ng kotse! Sana hindi ka na mabuhay kung dadalhin ka nila sa ospital! Sana hindi ka sa langit mapupunta kung mamatay ka man!" Gasps erupted from the crowd around us, but I was too consumed by anger to care. My friend's face was etched with worry as she gazed at me. "Ano ba, Seraphina. Hindi mo kilala si Mr. Sylvara," suway ni ma'am Sage. Imbes na nagalit si Mr. sylvara ay ngumiti ito, na para bang nagustohan niya ang aking reaksyon. "Wala akong pakialam kung sino man siya. Hmph!" Tumalikod na ako upang kunin ang aking mga gamit. Habang ang aking kaibigan naman ay nakasunod sa akin. "Sama ako sa'yo," "Ano ako nanay mo?" Pagsusungit ko sa kaniya. Total na sira na ang gabi ko, mandadamay na rin ako. Narinig ko ang paghingi ng tawad ni ma'am Sage kay Mr. Sylvara dahil sa aking ginawa at sinabi. Pero wala na akong pakialam kung hihingi man ako ng patawad o hindi. "Gagi, sasama ako sa'yo. Magkapit-bahay lang tayo...huwag kang OA." Saad ni lyra. Nakalimutan ko, magkadikit nga pala ang bahay namin kaya sabay na kaming umuuwi tuwing gabi pagkatapos ng aming duty. Ang nakakainis lang ay palagi akong umuwing masaya pero ngayong gabi, nasira na dahil sa lalaking iyon. Nakakainis, ang yabang-yabang, di porque mayaman. Suntukin ko ang panga nun eh. "Ano nang plano mo? Wala ka nang trabaho, saan mo kukunin ang pang-tustos mo ng tuition? Ilang taong tuition pa ang babayaran mo, Seraphina," wika ni Lyra habang naglalakad kami patungo sa aming bahay. Kita sa mukha niya ang pag-aalala na pilit niyang itinatago sa pamamagitan ng matatalim na salita. "Ede maghahanap ulit ng trabaho, problema ba 'yun?" sagot ko na may halong inis, sabay tapon ng tingin sa malayo. "Sobra na rin kasi ang mga sinabi mo sa lalaking iyon... sino nga ba iyon? Ah, si Mr. Sylvara, itsura palang nun mukhang makapangyarihang tao na." Napahinto ako sa paglalakad dahil sa mga salitang binitiwan niya-tila ba bigla akong natauhan. Ngunit kahit kumakabog ang aking dibdib, ayokong ibaba ang aking pride, kaya nagsalita ako. "Pakialam ko kung makapangyarihang siya? Ginagamit lang naman niya ang pera para gamitin ang mga tao," Inis na sambit ko kay Lyra. Ayoko na ulit makita ang pagmumukha nun, nai-imagine ko palang ang mukha niya, parang gusto ko ng manuntok. Nang makarating na kami sa aming mga bahay, nagpaalam muna si lyra sa akin bago siya pumasok sa kaniyang bahay. Mabigat ang aking pakiramdam dahil sa pagod at lalo na dahil wala na akong trabaho. Hindi lang naman tuition ang pinuproblema ko, ang pangbayad ko ng tubig, kuryente at apartment. Kung hindi ako makapag bayad, sigurado akong palalayasin na ako ng may ari ng apartment. "Pero okay lang, may ibang mapapasukan pa naman akong trabaho," sabi ko habang naghihilamos upang makapagpahinga na rin. "Kahit papaano, may pag-asa pa rin naman. Hindi ako magpapatalo sa sitwasyon."Seraphina Amara's POV: Hindi ako lumabas ng kwarto, gaya ng bilin sa akin ni Mr. Sylvara. Maghapon lang kaming naglaro ni Isolde—naghabulan sa kama, minsan ay pareho kaming humihiga at nagbabasa ng mga librong nakuha ko sa lumang bookshelf sa sulok ng silid. Paminsan-minsan ay may katok sa pinto—ang butler ni Mr. Sylvara, dala ang pagkain ko at ang cat food ni Isolde, na agad namang lumalapit kapag naamoy ang tuna. Tahimik ang buong mansyon, tanging kaluskos ng mga pahina at mahihinang yabag ni Isolde ang maririnig. Paminsan-minsan, napapatingin ako sa kamera sa kisame. Alam kong nandoon siya—si Mr. Sylvara—nakamasid, tahimik, pero ramdam ko ang tingin niya hanggang dito sa loob ng aking kwarto. Pagkatapos naming kumain ni Isolde, umupo ako sa kama habang karga-karga siya. Ramdam ko pa ang init ng kaniyang balahibo sa aking braso habang mahinang naglalambing siya. Ilang minuto ang lumipas, tahimik lang ang buong kwarto hanggang sa biglang tumunog ang cellphone ko na nakapat
Seraphina Amara's POV: Pagkagising ko kinabukasan, hindi na ako nagulat nang makita si Mr. Sylvara na nakaupo sa gilid ng aking kama. Tulad ng dati, may tasa siya ng kape sa isang kamay at dyaryo naman sa kabila. Sandali ko siyang pinagmasdan. Alam kong alam niyang gising na ako, pero hindi niya ako pinansin—abala pa rin siya sa pagbabasa. Umupo ako mula sa pagkakahiga. "Nakatulog ka ba nang maayos?" tanong ni Mr. Sylvara, hindi inaalis ang tingin sa dyaryo. "Opo, Mr. Sylvara," sagot ko, sabay ngiti. "Halata naman... may laway ka pa sa labi mo," aniya, hindi pa rin niya ako sinulyapan. Agad kong hinawakan ang aking labi. Basa nga. Napasinghap ako—hindi ko alam kung dahil sa hiya o dahil alam kong matagal na niya akong pinagmamasdan bago pa ako magising. Mabilis akong tumakbo papunta sa banyo, ngunit sa salamin, hindi ko maiwasang mapangiti. Ang paraan ng pagkakaupo niya, ang mahinahong boses na dumaan sa hangin—parang lahat iyon ay panggising, hindi lang sa umaga, kundi
Seraphina Amara's POV: Naglakad siya patungo sa hagdan papunta sa aking kwarto, habang mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya sa akin. Pagdating namin sa kwarto, binuksan niya ang pinto at maingat na inilapag ako sa kama, parang may halong pag-iingat at pangangalaga sa bawat galaw niya. Naglakad siya patungo sa hagdan papunta sa aking kwarto. Pagdating namin doon, binuksan niya ang pinto habang buhat-buhat pa rin ako. Pagpasok sa loob, maingat niya akong inilapag sa kama. Pagkatapos ay lumuhod siya sa harapan ko at dahan-dahang hinubad ang suot kong takong. Pati ba naman ito? "Mr. Sylvara, ako na po..." mahina kong sabi, sabay yuko para abutin ang suot kong takong. Pero bago ko pa man mahawakan iyon, marahan niyang hinawakan ang aking kamay—mainit, mahigpit, at tila may ibig ipahiwatig. "Huwag..." mahinahon ngunit mariing sabi niya, habang nakatitig sa akin. May kakaibang bigat sa boses niya, parang hindi lang tungkol sa takong ang dahilan ng kaniyang pagpigil. Napalunok ako
Seraphina Amara's POV: Naputol ang tahimik naming sandali nang marinig namin ang isang mahinang ahem mula sa aming likuran. Parang biglang bumigat ang hangin sa pagitan namin. Dahan-dahang inalis ni Mr. Sylvara ang kaniyang braso na nakayakap sa akin, at sa bawat segundo ng paglayo niya ay ramdam ko ang malamig na hangin na pumalit sa init ng kaniyang bisig. Mariin siyang huminga bago marahang humarap sa pinanggalingan ng tinig. Nandoon si Ma’am Rosavine—nakatayo, malamig ang mga mata habang nakatitig sa amin ni Mr. Sylvara, para bang nakita niya ang isang bagay na matagal na niyang iniiwasan. "Leander," malamig ngunit may awtoridad ang boses ng matanda. "Dapat mong harapin ang mga naghahanap sa’yo para sa interview." Tahimik lang si Mr. Sylvara. Ilang segundo bago siya tumango, ngunit kahit walang sinasabi, halata ang pag-aalangan sa kaniyang mga mata—parang gusto pa niyang manatili sa tabi ko, kahit alam niyang may responsibilidad siyang kailangan niyang harapin. Mr. Syl
Seraphina Amara's POV: "K-Kung ganoon... alam mo na kung ano ang kahinaan ko?" tanong ko, halos hindi ko marinig ang sarili kong boses. Hindi siya sumagot—nakatingin lang siya sa akin, tahimik pero matalim ang bawat titig. "Alam ko lahat, Seraphina," he murmured, mababa at puno ng bigat ang tono. At doon, parang bumagsak ang lahat ng depensang itinayo ko. Naramdaman kong tumulo ang luha sa aking pisngi—isang luha na matagal ko nang pinipigilan. Nahihirapan akong itago ang lahat ng sakit, ang mga sugat na pilit kong nginingitian sa harap ng mundo... pero siya, nakita niya ang lahat kahit hindi ko sabihin. "Stop crying," bulong niya habang marahang pinunasan ang luha ko gamit ang kaniyang hinlalaki. "You don't have to hide when you're with me." I closed my eyes when I felt the warmth of his hand again, a warmth I thought I’d already gotten used to—but it still sent a shiver down my spine. After everything that happened back in the dining hall, his touch felt different...heavi
Seraphina Amara's POV: Nang makaalis na si Sir Adien, humarap sa akin si Mr. Sylvara. May bahid ng pag-aalala at isang pilit na ngiti sa kaniyang mukha—parang gusto niyang itago ang bigat ng nangyari, pero hindi niya magawa. "Are you okay?" bulong niya, para bang takot siyang marinig ng iba. Tumango lang ako, hindi dahil ayos ako, kundi dahil hindi ko alam kung anong sasabihin. Ang tibok ng puso ko ay parang sinasabayan ng mahinang pag-ugong ng bulungan sa paligid. Sinulyapan ko si Ma’am Rosavine—nakatingin siya sa amin, matalim ngunit hindi ko mabasa kung galit ba iyon o pagprotekta. Ilang sandali pa, tumalikod siya at marahang naglakad palayo, iniwan kaming dalawa ni Mr. sylvara sa gitna ng katahimikan na puno ng tanong at hindi nasabing emosyon. "O-Okay, ladies and gentlemen..." the host began, forcing a polite smile as the tension in the air slowly settled. "Let's proceed with tonight's dinner. Quite an intense moment we had there, huh?" A few nervous laughs echoed around







