LOGINSeraphina Amara's POV:
Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin, mula sa mga customer na naputol ang kanilang pag-uusap hanggang sa baristang natigilan sa paggawa ng kape. Naririnig ko ang mahihinang bulungan, mga tanong at usisero nilang tingin, pero pinili kong huwag lumingon. Habang binabagtas ko ang bawat hakbang patungo sa pinto, pakiramdam ko ay mas lalong bumibigat ang hangin. Lalo kong binilisan ang lakad ko, at sa paglabas ko ay mariin kong isinara ang pinto na halos umalingawngaw sa buong paligid. "Nakakainis talaga ang lalaking iyon...ano ba kasing problema niya?" Naiinis kong wika habang naglalakad papalayo sa coffee shop. Gusto ko ulit sumigaw, pero ayokong masabihang baliw. Nasagilid pa naman ako ng kalsada. "Ganoon nalang ba talaga ka laki ang galit niya sa akin para gawin niya ito?" Tanong ko sa aking sarili. Aksedinte lang naman ang nangyari, bakit pinaparusahan niya ako ng ganito? "Nagalit ba siya dahil sa sinabi ko? Kailangan ko bang magsosorry? Ayoko nga," Sumuko na ako sa paghahanap ng trabaho dahil hindi rin naman ako matatanggap. At higit sa lahat ay malapit ng sumapit ang gabi at buong araw akong hindi kumakain. Sino ba naman ang mag-aakala na susunod ang boung lungsod sa sasabihin ng lalaking iyon? Bigla akong napahinto sa paglalakad nang may tatlong Tesla ang huminto sa aking gilid. Ang makintab na mga sasakyan ay tila ba pumunit sa katahimikan ng gabi, at ang kanilang presensya ay nagdulot ng kakaibang kaba sa aking dibdib. Unti-unting bumaba ang bintana ng Tesla na nasa gitna. Doon ay lumitaw ang mukha na ayokong makita sa buong buhay ko-ang taong naging ugat ng lahat ng pagkawasak sa akin. Nanlamig ang buo kong katawan, parang biglang nawala ang lahat ng dugo sa aking mga ugat. Nakatitig lamang siya sa akin, may mapanuksong ngiti sa kaniyang labi, habang ang mga mata niya ay puno ng yabang at panghahamak. Napaatras ako ng bahagya, ramdam ang bigat ng presensyang dala niya, habang ang dalawang Tesla sa gilid ay nanatiling nakabukas ang ilaw ng headlights. "Want to be my fucktoy?" Walang pag-alinlangang sambit ni Mr. Sylvara, na para bang isang natural na salita lang para sa kaniya. Napalingon ang mga tao sa paligid, may halong pagkagulat at pangingilabot sa narinig nila. Ramdam ko ang bawat tingin nila, para bang ako ang pinag-uusapan ng buong lugar. Bago pa man ako makapagsalita, muli siyang nagsalita. "500 thousand every fuck." Napalunok ako nang marinig iyon. Halos hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko o isa lang itong bangungot na gising. Ang kaniyang mga mata ay diretso sa akin, malamig ngunit may bahid ng matinding pagnanasa-tila ba wala akong karapatang tumanggi. Nakita kong lumabas si Mr. Sylvara sa kaniyang sasakyan at lumapit sa akin. "Imagine," dagdag pa niya, habang dahan-dahan siyang yumuko palapit, ang kaniyang tinig ay halos bulong ngunit sapat para muling magdulot ng kilabot sa akin, "Imagine if I fuck you every hour... the money you'll earn would be far beyond just paying your apartment." Para akong napako sa aking kinatatayuan, hindi makagalaw, hindi makapagsalita. Malaking pera na iyon, sobrang laki na nun kung sakali mang tanggapin ko ang kaniyang alok. Pero hindi naman ako isang bayarang babae. "Huy! Kung gusto mo ng mainit na kuweba na pwedeng pasukan ng talong mo, marami doon sa bar! Pero ako, hindi ako bayarang babae, kaya huwag mo akong bastusin at alukin ng ganyan!" Sa wakas ay nahanap ko na ang aking boses. Imbes na magalit si Mr. sylvara sa aking sinabi ay sumawa pa ito. His laugh sent shivers down my spine-low, dark, almost intoxicating. There was something dangerously seductive in it, like a predator savoring the fear of its prey. The way his eyes locked on mine made it clear... he was enjoying every second of my unease. "Alam kong sasabihin mo 'yan. Balang araw kakailanganin mo rin ng tulong ko, Ms. Amara." The way he said my name-slow, deliberate, dripping with dark amusement-made my skin crawl. It wasn't just a name anymore-it felt like a claim, a warning, and a promise all at once. "At bakit ko naman kailanganin ang tulong mo? Ang gusto kong gawin mo ay sabihin mo sa buong lungsod na tanggapin na nila ako sa trabaho..." Ngumisi lamang siya at nagkibit-balikat bago naglakad patungo sa kaniyang Tesla. Huy! Saan ka pupunta?" Hindi niya ako pinakinggan, sinuot niya lang ang kaniyang sunglasses at isinara ang pinto ng sasakyan. "Sabihin mo sa buong lungsod na tanggapin na nila ako sa trabaho," Lumapit ako sa kanyang sasakyan upang kumatok sa pintuan nito. Pero bago pa ako makakatok ulit ay may dalawang lalaki ang lumabas sa dalawang Tesla at hinawakan ang aking braso. Hinila nila ako papalayo sa sasakyan ni Mr. Sylvara. "Ano ba, bitiwan niyo ako!" sambit ko sa mga lalaki, pero hindi sila nakikinig. Pagkaalis ng sasakyan ni Mr. Sylvara ay binitawan na nila ako. "Baka magbago ang isip mo, ito ang calling card ni boss." Walang pag-alinlangan kong kinuha ang calling card ni Mr. Sylvara. Tinignan ko ito at agad kong napansin ang pangalan at posisyon niya-isa pala siyang CEO. Pagkatapos nun ay umalis na ang dalawang Tesla, naiwan akong pinagtitinginan ng mga tao. Sino ba naman ang hindi magugulat kung aalukin ka ng gano'n sa harap ng maraming tao? Naglakad na ako para maghanap ng taxi para makauwi na, pilit kong kinalimutan ang alok ni Mr. Sylvara. Hindi ko alam kung papayag ba akong maging fucktoy niya. Napakagat ako sa labi, ramdam ko ang kaba at inis na magkahalong kumakain sa aking dibdib. "Gusto ko siyang kalimutan, pero bakit parang lalo lang siyang tumatatak sa isip ko?" Tanong ko sa aking sarili habang naglalakad. 500 thousand? Sobra na yun para sa tuition ko sa isang taon. Muli kong tinignan ang calling card ni Mr. Sylvara na nasa aking kamay. "Tatawagan ko ba?" Muli kong Tanong sa aking sarili. Hindi! Hindi, hindi, hindi! Huwang kang magpatalo sa pagsubok, Seraphina! Sumakay na ako ng taxi pauwi sa aking apartment. Pagkarating ko, ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng aking dibdib-hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o sa pagod. Pagsara ko ng pinto, sinalubong ako ng katahimikan ng apartment... at ng kumakalam kong sikmura na para bang sumisigaw ng gutom. "Meow..." "AHH!" Napasigaw ako sa gulat nang bigla na lang lumukso sa aking balikat ang aking pusa na si Isolde. Mahilig kasi siyang umaakyat sa kurtina kaya hindi na bago ang biglaan niyang paglusob mula sa itaas. Napailing na lang ako habang hinahaplos ang kanyang likod. "Ikaw talaga, Isolde... muntik na kitang maihagis sa sobrang gulat," bulong ko, sabay mahinang tawa sa sariling reaksyon. Kahit papano nabawasan ang problema ko. "Gutom ka narin ba, miming?" Tanong ko sa aking pusa na para bang sasagutin niya ang aking tanong. "Titingnan ko muna ang ref, baka may makain ka pa doon..." Wika ko at tumungo sa ref. Buti nalang may tira-tira pang ulam mula kagabi.Seraphina Amara's POV: Hindi ako lumabas ng kwarto, gaya ng bilin sa akin ni Mr. Sylvara. Maghapon lang kaming naglaro ni Isolde—naghabulan sa kama, minsan ay pareho kaming humihiga at nagbabasa ng mga librong nakuha ko sa lumang bookshelf sa sulok ng silid. Paminsan-minsan ay may katok sa pinto—ang butler ni Mr. Sylvara, dala ang pagkain ko at ang cat food ni Isolde, na agad namang lumalapit kapag naamoy ang tuna. Tahimik ang buong mansyon, tanging kaluskos ng mga pahina at mahihinang yabag ni Isolde ang maririnig. Paminsan-minsan, napapatingin ako sa kamera sa kisame. Alam kong nandoon siya—si Mr. Sylvara—nakamasid, tahimik, pero ramdam ko ang tingin niya hanggang dito sa loob ng aking kwarto. Pagkatapos naming kumain ni Isolde, umupo ako sa kama habang karga-karga siya. Ramdam ko pa ang init ng kaniyang balahibo sa aking braso habang mahinang naglalambing siya. Ilang minuto ang lumipas, tahimik lang ang buong kwarto hanggang sa biglang tumunog ang cellphone ko na nakapat
Seraphina Amara's POV: Pagkagising ko kinabukasan, hindi na ako nagulat nang makita si Mr. Sylvara na nakaupo sa gilid ng aking kama. Tulad ng dati, may tasa siya ng kape sa isang kamay at dyaryo naman sa kabila. Sandali ko siyang pinagmasdan. Alam kong alam niyang gising na ako, pero hindi niya ako pinansin—abala pa rin siya sa pagbabasa. Umupo ako mula sa pagkakahiga. "Nakatulog ka ba nang maayos?" tanong ni Mr. Sylvara, hindi inaalis ang tingin sa dyaryo. "Opo, Mr. Sylvara," sagot ko, sabay ngiti. "Halata naman... may laway ka pa sa labi mo," aniya, hindi pa rin niya ako sinulyapan. Agad kong hinawakan ang aking labi. Basa nga. Napasinghap ako—hindi ko alam kung dahil sa hiya o dahil alam kong matagal na niya akong pinagmamasdan bago pa ako magising. Mabilis akong tumakbo papunta sa banyo, ngunit sa salamin, hindi ko maiwasang mapangiti. Ang paraan ng pagkakaupo niya, ang mahinahong boses na dumaan sa hangin—parang lahat iyon ay panggising, hindi lang sa umaga, kundi
Seraphina Amara's POV: Naglakad siya patungo sa hagdan papunta sa aking kwarto, habang mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya sa akin. Pagdating namin sa kwarto, binuksan niya ang pinto at maingat na inilapag ako sa kama, parang may halong pag-iingat at pangangalaga sa bawat galaw niya. Naglakad siya patungo sa hagdan papunta sa aking kwarto. Pagdating namin doon, binuksan niya ang pinto habang buhat-buhat pa rin ako. Pagpasok sa loob, maingat niya akong inilapag sa kama. Pagkatapos ay lumuhod siya sa harapan ko at dahan-dahang hinubad ang suot kong takong. Pati ba naman ito? "Mr. Sylvara, ako na po..." mahina kong sabi, sabay yuko para abutin ang suot kong takong. Pero bago ko pa man mahawakan iyon, marahan niyang hinawakan ang aking kamay—mainit, mahigpit, at tila may ibig ipahiwatig. "Huwag..." mahinahon ngunit mariing sabi niya, habang nakatitig sa akin. May kakaibang bigat sa boses niya, parang hindi lang tungkol sa takong ang dahilan ng kaniyang pagpigil. Napalunok ako
Seraphina Amara's POV: Naputol ang tahimik naming sandali nang marinig namin ang isang mahinang ahem mula sa aming likuran. Parang biglang bumigat ang hangin sa pagitan namin. Dahan-dahang inalis ni Mr. Sylvara ang kaniyang braso na nakayakap sa akin, at sa bawat segundo ng paglayo niya ay ramdam ko ang malamig na hangin na pumalit sa init ng kaniyang bisig. Mariin siyang huminga bago marahang humarap sa pinanggalingan ng tinig. Nandoon si Ma’am Rosavine—nakatayo, malamig ang mga mata habang nakatitig sa amin ni Mr. Sylvara, para bang nakita niya ang isang bagay na matagal na niyang iniiwasan. "Leander," malamig ngunit may awtoridad ang boses ng matanda. "Dapat mong harapin ang mga naghahanap sa’yo para sa interview." Tahimik lang si Mr. Sylvara. Ilang segundo bago siya tumango, ngunit kahit walang sinasabi, halata ang pag-aalangan sa kaniyang mga mata—parang gusto pa niyang manatili sa tabi ko, kahit alam niyang may responsibilidad siyang kailangan niyang harapin. Mr. Syl
Seraphina Amara's POV: "K-Kung ganoon... alam mo na kung ano ang kahinaan ko?" tanong ko, halos hindi ko marinig ang sarili kong boses. Hindi siya sumagot—nakatingin lang siya sa akin, tahimik pero matalim ang bawat titig. "Alam ko lahat, Seraphina," he murmured, mababa at puno ng bigat ang tono. At doon, parang bumagsak ang lahat ng depensang itinayo ko. Naramdaman kong tumulo ang luha sa aking pisngi—isang luha na matagal ko nang pinipigilan. Nahihirapan akong itago ang lahat ng sakit, ang mga sugat na pilit kong nginingitian sa harap ng mundo... pero siya, nakita niya ang lahat kahit hindi ko sabihin. "Stop crying," bulong niya habang marahang pinunasan ang luha ko gamit ang kaniyang hinlalaki. "You don't have to hide when you're with me." I closed my eyes when I felt the warmth of his hand again, a warmth I thought I’d already gotten used to—but it still sent a shiver down my spine. After everything that happened back in the dining hall, his touch felt different...heavi
Seraphina Amara's POV: Nang makaalis na si Sir Adien, humarap sa akin si Mr. Sylvara. May bahid ng pag-aalala at isang pilit na ngiti sa kaniyang mukha—parang gusto niyang itago ang bigat ng nangyari, pero hindi niya magawa. "Are you okay?" bulong niya, para bang takot siyang marinig ng iba. Tumango lang ako, hindi dahil ayos ako, kundi dahil hindi ko alam kung anong sasabihin. Ang tibok ng puso ko ay parang sinasabayan ng mahinang pag-ugong ng bulungan sa paligid. Sinulyapan ko si Ma’am Rosavine—nakatingin siya sa amin, matalim ngunit hindi ko mabasa kung galit ba iyon o pagprotekta. Ilang sandali pa, tumalikod siya at marahang naglakad palayo, iniwan kaming dalawa ni Mr. sylvara sa gitna ng katahimikan na puno ng tanong at hindi nasabing emosyon. "O-Okay, ladies and gentlemen..." the host began, forcing a polite smile as the tension in the air slowly settled. "Let's proceed with tonight's dinner. Quite an intense moment we had there, huh?" A few nervous laughs echoed around







