Share

Chapter 3

Author: Red uncle
last update Last Updated: 2025-10-10 17:06:20

Seraphina Amara's POV:

Nang matapos na akong maghilamos at magpalit ng damit, humiga na ako sa aking kama. Sinusubukan kong kalimutan ang nangyari kanina. Kahit ngayon, nanggigigil pa rin ako sa inis! Argh!

Sa wakas ay nakatulog na rin ako kakaisip kung anong trabaho na naman ang papasukan ko.

-

-

Maaga akong nagising para maghanap ng trabaho, hindi na ako kumain ng almusal dahil wala nang laman ang ref. Hindi pa rin naman ako nagugutom, kaya ko itong tiisin hanggang sa makakita na ulit ako ng bagong trabaho. Dala-dala ko ang mga requirements na kailangan para sa aplikasyon.

As I left the apartment, I spotted Lyra chatting with her mom. It made me wonder what it's like to have parents. I've been without that feeling for years.

"Magandang umaga, Seraphina! Magkape ka muna," Inaya ako ng kaniyang mama, pero ngumiti lang ako at umiling.

"Good morning my beautiful best friend!" Kumaway sa akin si lyra. Nakakainggit, gusto ko ring maramdaman kung ano ang pakiramdam ng may mama.

"Aalis na ako, maghahanap pa ako ng bagong trabaho eh," Sambit ko.

"Mag-iingat ka, Seraphina...Gusto mong samahan na kita?" Tanong ni Lyra, halata sa kaniyang tuno ang pag-aalala.

Sanay na ako sa kaniya, elementary pa lang kami ay magkasama na kaming dalawa kaya kilalang kilala ko na talaga si Lyra. Naalala ko pa ang mga panahon na naglalaro kami sa labas, nagtatawanan, at nagtutulungan. Siya ang isa sa mga taong pinakamalapit sa akin.

"Oo, mag-iingat ako. Sige na bye..." Nagpaalam na ako sa kanila at naglakad na para simulan ang paghahanap ng trabaho.

Alam kong ang bagong trabaho ay hindi na kagaya ng aking dating trabaho, dahil sanay na ako bilang waitress. At kung makahanap man ako ng trabaho ngayon, kailangan ko namang masanay.

Una kong nilapitan ang isang salon, nagbabakasakali na matanggap ako. Nagtanong muna ako sa isang babae na nagwawalis sa labas ng salon.

"Excuse me po, naghahanap ba kayo ng-"

"Hindi na kami tumatanggap ng bagong empleyado, maghanap ka nalang ng iba." Sabat niya kaya hindi ko natapos ang aking sasabihin. Ang sungit 'kala mo naman maganda, butas-butas naman ang mukha.

"S-Sige po, ma'am..." Ngumiti ako na may halong inis. Kaya siguro hindi siya gumanda kasi ang sungit. "Alis na ako,"

Muli na akong naglakad, nagdarasal na hindi muling makakaharap ng taong kagaya ng babaeng iyon.

Ang sunod ko namang pinuntahan ay isang bangko. Kahit anong pwede maging trabaho ay gagawin ko. Kahit na maging isang janitor pa ako, ayos lang basta may pangbayad sa tuition.

"Pasensya na, ma'am. Pero hindi na kami naghahanap ng empleyado eh, yan ang sabi ng manager namin." Saad ng guardia. Tumango na lang mang ako at umalis sa bangko. Okay lang, marami pa naman dyan eh.

Muli na naman akong naglakad para maghanap ng trabaho, kahit saan ako magpunta lahat ng mga napapasukan ko ay hindi na tumatanggap ng empleyado.

Nagugutom na rin ako dahil hindi ako kumain kaninang umaga. At ang pera naman ay pamasahe ko nalang sa taxi.

"Tang-ina naman kasi iyong lalaking 'yun eh, maganda na ang trabaho ko, sinira niya lang," sambit ko sa aking sarili habang naglalakad.

Napatingin ako sa paligid, tila ba ang bawat taong nakakasalubong ko ay may kani-kaniyang pupuntahan-may mga nakaayos, may mga nakangiti, at ako... ako heto, pakalat-kalat at walang direksyon. Ramdam ko ang kirot sa aking sikmura dahil sa gutom, kasabay ng bigat sa dibdib ko dahil sa galit at inis.

Huminto ako sandali sa gilid ng kalsada, pinagmamasdan ang mga sasakyang nagdaraan. "Bakit ba kasi ganito? Wala na nga akong trabaho, wala pa akong makapitan."

Pero sa kabila ng lahat, pinilit kong humakbang ulit. Kahit mahirap, kailangan kong makahanap ng paraan-para sa aking sarili, at higit sa lahat, para sa aking kinabukasan.

At last, after a long walk, I spotted a coffee shop with a small sign on the door that read "Wanted: Cashier." Without a second thought, I approached the entrance and stepped inside.

The smell of freshly brewed coffee immediately filled my senses, making my empty stomach twist even more. The place wasn't too crowded-just a few customers seated by the windows, quietly chatting while sipping their drinks. I could hear the faint hum of the espresso machine as a barista worked behind the counter.

Kumalabog ang aking puso na may halong pag-asa at kaba. Maaaring ito na. Siguro ito na ang pagkakataong matagal ko nang hinahanap. Inayos ko ang aking postura, pinunasan ang pawis sa aking mga palad dahil sa kinakabahan ako.

Ngumiti ako at naglakad patungo sa isang babae, nang makita niya ako ay ngumiti rin ito bago nagsalita.

"Anong maitutulong ko sa'yo?" Napahinga ako ng maluwag dahil mukhang mabait naman siya. Hindi ko na siguro kailangan mangamba.

"N-Nakita ko kasi sa labas ng pinto ninyo na kailangan niyo ang cashier? Baka pwede ako," Sambit ko, halata sa aking boses na kinakabahan pa rin.

"Ay! Sakto! Kailangan talaga namin ng cashier, matagal na kaming nag hiring, pero wala pa rin..." Ngiting sabi niya. Sa wakas magkakatrabaho na ulit ako.

"Ito po pala ang mga requirements ko," Aniko at inabut sa kaniya ang aking dalang requirements. Binuksan niya ito at binasa ang mga nakasulat, pero ang ngiti sa kaniyang labi ay agad na bura.

"'Seraphina amara'?" Tanong niya na para bang narinig na niya ang aking pangalan dati.

"Opo, bakit parang nagulat ka?" Tanong ko sa kaniya, agad niyang binalik sa akin ang mga requirements na binigay ko sa kaniya kanina. Ano bang nangyari sa kaniya? Kanina lang ay sobrang saya niya dahil may aplikante para sa posisyon bilang cashier.

"Hindi kita pwedeng tanggapin," Napataas kilay ako dahil sa kaniyang sinabi.

"At bakit naman po? Kanina lang ay sobrang saya mo..." Naramdaman ko sa aking sarili na muli na namang nangibabaw ang inis.

"Sinabihan kasi ni Mr. Leander Sylvara ang buong lungsod na huwag kang tanggapin. Pasensya ka na," Wika niya bago ito tumalikod para ipagpatuloy ang kaniyang ginawa.

Leander

Mr. sylvara

Leander, Leander, Leander...

Parang paulit-ulit na binulong sa aking tenga ang kaniyang pangalan, na para bang may kung anong demonyo ang nagsasalita sa aking tenga.

"Argh...! Siya na naman?! Bakit ba sinisira mo ang buhay ko?! Argh!" Nagulat ang babae dahil sa biglaan kong pagsigaw, pero hindi ko na siya pinansin at padabog na naglakad papalabas ng coffee shop.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Red uncle
Sorry po...
goodnovel comment avatar
Sammy Acebedo
next po...️...️...
goodnovel comment avatar
Sammy Acebedo
Talagang mapapasubaybay ako nito ah...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • A Deal with a Billionaire    Chapter 28

    Seraphina Amara's POV: Hindi ako lumabas ng kwarto, gaya ng bilin sa akin ni Mr. Sylvara. Maghapon lang kaming naglaro ni Isolde—naghabulan sa kama, minsan ay pareho kaming humihiga at nagbabasa ng mga librong nakuha ko sa lumang bookshelf sa sulok ng silid. Paminsan-minsan ay may katok sa pinto—ang butler ni Mr. Sylvara, dala ang pagkain ko at ang cat food ni Isolde, na agad namang lumalapit kapag naamoy ang tuna. Tahimik ang buong mansyon, tanging kaluskos ng mga pahina at mahihinang yabag ni Isolde ang maririnig. Paminsan-minsan, napapatingin ako sa kamera sa kisame. Alam kong nandoon siya—si Mr. Sylvara—nakamasid, tahimik, pero ramdam ko ang tingin niya hanggang dito sa loob ng aking kwarto. Pagkatapos naming kumain ni Isolde, umupo ako sa kama habang karga-karga siya. Ramdam ko pa ang init ng kaniyang balahibo sa aking braso habang mahinang naglalambing siya. Ilang minuto ang lumipas, tahimik lang ang buong kwarto hanggang sa biglang tumunog ang cellphone ko na nakapat

  • A Deal with a Billionaire    Chapter 27

    Seraphina Amara's POV: Pagkagising ko kinabukasan, hindi na ako nagulat nang makita si Mr. Sylvara na nakaupo sa gilid ng aking kama. Tulad ng dati, may tasa siya ng kape sa isang kamay at dyaryo naman sa kabila. Sandali ko siyang pinagmasdan. Alam kong alam niyang gising na ako, pero hindi niya ako pinansin—abala pa rin siya sa pagbabasa. Umupo ako mula sa pagkakahiga. "Nakatulog ka ba nang maayos?" tanong ni Mr. Sylvara, hindi inaalis ang tingin sa dyaryo. "Opo, Mr. Sylvara," sagot ko, sabay ngiti. "Halata naman... may laway ka pa sa labi mo," aniya, hindi pa rin niya ako sinulyapan. Agad kong hinawakan ang aking labi. Basa nga. Napasinghap ako—hindi ko alam kung dahil sa hiya o dahil alam kong matagal na niya akong pinagmamasdan bago pa ako magising. Mabilis akong tumakbo papunta sa banyo, ngunit sa salamin, hindi ko maiwasang mapangiti. Ang paraan ng pagkakaupo niya, ang mahinahong boses na dumaan sa hangin—parang lahat iyon ay panggising, hindi lang sa umaga, kundi

  • A Deal with a Billionaire    Chapter 26

    Seraphina Amara's POV: Naglakad siya patungo sa hagdan papunta sa aking kwarto, habang mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya sa akin. Pagdating namin sa kwarto, binuksan niya ang pinto at maingat na inilapag ako sa kama, parang may halong pag-iingat at pangangalaga sa bawat galaw niya. Naglakad siya patungo sa hagdan papunta sa aking kwarto. Pagdating namin doon, binuksan niya ang pinto habang buhat-buhat pa rin ako. Pagpasok sa loob, maingat niya akong inilapag sa kama. Pagkatapos ay lumuhod siya sa harapan ko at dahan-dahang hinubad ang suot kong takong. Pati ba naman ito? "Mr. Sylvara, ako na po..." mahina kong sabi, sabay yuko para abutin ang suot kong takong. Pero bago ko pa man mahawakan iyon, marahan niyang hinawakan ang aking kamay—mainit, mahigpit, at tila may ibig ipahiwatig. "Huwag..." mahinahon ngunit mariing sabi niya, habang nakatitig sa akin. May kakaibang bigat sa boses niya, parang hindi lang tungkol sa takong ang dahilan ng kaniyang pagpigil. Napalunok ako

  • A Deal with a Billionaire    Chapter 25

    Seraphina Amara's POV: Naputol ang tahimik naming sandali nang marinig namin ang isang mahinang ahem mula sa aming likuran. Parang biglang bumigat ang hangin sa pagitan namin. Dahan-dahang inalis ni Mr. Sylvara ang kaniyang braso na nakayakap sa akin, at sa bawat segundo ng paglayo niya ay ramdam ko ang malamig na hangin na pumalit sa init ng kaniyang bisig. Mariin siyang huminga bago marahang humarap sa pinanggalingan ng tinig. Nandoon si Ma’am Rosavine—nakatayo, malamig ang mga mata habang nakatitig sa amin ni Mr. Sylvara, para bang nakita niya ang isang bagay na matagal na niyang iniiwasan. "Leander," malamig ngunit may awtoridad ang boses ng matanda. "Dapat mong harapin ang mga naghahanap sa’yo para sa interview." Tahimik lang si Mr. Sylvara. Ilang segundo bago siya tumango, ngunit kahit walang sinasabi, halata ang pag-aalangan sa kaniyang mga mata—parang gusto pa niyang manatili sa tabi ko, kahit alam niyang may responsibilidad siyang kailangan niyang harapin. Mr. Syl

  • A Deal with a Billionaire    Chapter 24

    Seraphina Amara's POV: "K-Kung ganoon... alam mo na kung ano ang kahinaan ko?" tanong ko, halos hindi ko marinig ang sarili kong boses. Hindi siya sumagot—nakatingin lang siya sa akin, tahimik pero matalim ang bawat titig. "Alam ko lahat, Seraphina," he murmured, mababa at puno ng bigat ang tono. At doon, parang bumagsak ang lahat ng depensang itinayo ko. Naramdaman kong tumulo ang luha sa aking pisngi—isang luha na matagal ko nang pinipigilan. Nahihirapan akong itago ang lahat ng sakit, ang mga sugat na pilit kong nginingitian sa harap ng mundo... pero siya, nakita niya ang lahat kahit hindi ko sabihin. "Stop crying," bulong niya habang marahang pinunasan ang luha ko gamit ang kaniyang hinlalaki. "You don't have to hide when you're with me." I closed my eyes when I felt the warmth of his hand again, a warmth I thought I’d already gotten used to—but it still sent a shiver down my spine. After everything that happened back in the dining hall, his touch felt different...heavi

  • A Deal with a Billionaire    Chapter 23

    Seraphina Amara's POV: Nang makaalis na si Sir Adien, humarap sa akin si Mr. Sylvara. May bahid ng pag-aalala at isang pilit na ngiti sa kaniyang mukha—parang gusto niyang itago ang bigat ng nangyari, pero hindi niya magawa. "Are you okay?" bulong niya, para bang takot siyang marinig ng iba. Tumango lang ako, hindi dahil ayos ako, kundi dahil hindi ko alam kung anong sasabihin. Ang tibok ng puso ko ay parang sinasabayan ng mahinang pag-ugong ng bulungan sa paligid. Sinulyapan ko si Ma’am Rosavine—nakatingin siya sa amin, matalim ngunit hindi ko mabasa kung galit ba iyon o pagprotekta. Ilang sandali pa, tumalikod siya at marahang naglakad palayo, iniwan kaming dalawa ni Mr. sylvara sa gitna ng katahimikan na puno ng tanong at hindi nasabing emosyon. "O-Okay, ladies and gentlemen..." the host began, forcing a polite smile as the tension in the air slowly settled. "Let's proceed with tonight's dinner. Quite an intense moment we had there, huh?" A few nervous laughs echoed around

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status