Share

CHAPTER 2: Pagbisita sa Clinic

Penulis: Dita SY
Kinabukasan, naghahanda sina Felize at Christopher upang bumisita sa clinic ng doktor na inirekomenda ni Lucinda.

Maaga ring umuwi sa kanilang bahay sa Taguig si Lucinda. Bago umalis, ipinaalam na niya kay Dominic na pupunta roon sina Christopher at Felize.

“Kung irecommend ng doktor na magpa-check ulit tayo ng ating reproductive organs, paano,Chris? Papayag ka na ba sa pagkakataong ito?” tanong ni Felize sa asawang nagsusuot ng sapatos.

Masamang sulyap ang ibinigay ni Christopher sa kanya. “Ilang beses ka na ngang nagpatingin at okay ka naman, ’di ba? Ibig sabihin, hindi na kailangan pang magpa-check. Malinaw na pareho tayong malusog. Hindi pa lang talaga tayo binibigyan ng anak.”

Marahang tumango si Felize. “Okay.” Wala na siyang nasabi pa matapos marinig ang malamig na sagot ng asawa.

Lumabas sila ng bahay at dumiretso sa garahe. Sumakay sila sa Avanza na service car ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ni Christopher—isang sasakyang nakuha niya matapos ang limang taong pagtatrabaho roon.

“Pagdating natin doon, huwag ka nang magsalita ng kung anu-ano sa doktor. Konsulta lang, sapat na,” paalala ni Christopher habang ikinakabit ang seatbelt at inilalabas ang sasakyan mula sa garahe.

Tahimik lang si Felize, nakatingin sa labas ng bintana habang malalim na bumubuntong-hininga.

Tamad na siyang makipagtalo sa asawang laging gustong siya ang masunod. Sa loob ng dalawang taong pagsasama nila, ni minsan ay hindi pinakinggan ni Christopher ang kanyang mga hinaing.

Hindi sila nagpakasal dahil sa pamimilit kundi dahil sa pagmamahalan. Ngunit habang tumatagal, lalong naging malamig at nakakainis ang pakikitungo ni Christopher kay Felize.

Sa kalagitnaan ng biyahe, inabutan sila ng matinding trapik. Hindi gumagalaw ang mga sasakyan sa unahan kaya lalong nainis si Christopher.

“Trapik pala dito. Wala bang ibang daan?” tanong ni Felize.

“Gusto mo bang maglakad? Alam mo namang nasa gitna tayo ng trapik. Paano ako hahanap ng ibang daan?” malamig na sagot ni Christopher.

Mabigat na napabuntong-hininga si Felize. Mas pinili na lang niyang manahimik.

Binuksan niya ang bintana upang pumasok ang hangin dahil sira ang aircon ng sasakyan. Hindi man lang nagkusa si Christopher na ipaayos iyon, palaging ang dahilan ay responsibilidad daw iyon ng opisina.

“Sh*t!” inis na sambit ni Christopher habang pinagmamasdan ang walang katapusang trapik. “Anong oras na. Kung alam ko lang na ganito, pumasok na lang sana ako sa trabaho. Bakit hindi na lang nagpa-appointment si Mama sa araw ng rest day ko?”

Sinulyapan itoni Felize ngunit hindi na sumagot. Kahit ano ang gawin niya, mali pa rin lahat sa paningin ni Christopher.

“Mag-book ka na lang ng angkas. Mauna ka na. Susunod na lang ako kapag hindi na trapik,” mungkahi ni Christopher.

Tumango si Felize at inilabas ang cellphone upang mag-book ng motor online.

“Okay na?” tanong ni Christopher.

“Oo. Parating na.”

“Sige, maghintay ka.”

“Susunod ka ha?”

“Oo.”

Ilang sandali pa, dumating ang motor. Tinanggal ni Felize ang seatbelt at nagpaalam kay Christopher.

“Mauna na ako roon, Chris..” sabi niya saka humalik sa pisngi ng asawa.

“Hmm, hintayin mo ako roon.”

“Oo,” sagot ni Felize, pilit na ngumiti kahit masama pa rin ang loob niya.

“Yung sinabi ko sayo ha, huwag kang magsalita ng kung anu-ano. Tungkol lang sa pagbubuntis ang ikokonsulta mo.”

“Oo, naiintindihan ko,” tugon ni Felize bago bumaba ng sasakyan.

Inabot ng drayber ng angkas ang helmet. “Saan po, Ma’am?”

“Doon po sa address sa app. Paki-bilisan lang po, hinihintay na ako ng doktor.”

“Sige po.”

Mabilis na umandar ang motorsiklo, sumisingit sa makikipot na daan sa gitna ng trapik.

Mahusay magmaneho ang driver; maliksi ang galaw ng motorsiklo hanggang sa tuluyan silang makalabas sa masikip na kalsada.

Medyo malayo ang clinic mula sa dinaanan nila. Ang gusaling dati’y bakante ay binili ni Dominic—pinsan ni Christopher.

“Kay Doctor Dominic po ba kayo magpapatingin?” tanong ng driver.

“Opo. Sabi magaling daw siya. Inirekomenda ng biyenan ko.”

“Oo nga raw po. May kapitbahay ako, labinlimang taon nang walang anak. Pagkatapos ng tatlong buwang gamutan kay Doctor Dominic, nabuntis din.”

Ngumiti si Felize; muling sumiklab ang pag-asa sa kanyang puso.

“Dito na lang po, Kuya. Ito na ’yung lugar,” sabi niya habang itinuturo ang building na ginawang clinic.

“Opo, Ma’am. Mukhang matao.”

“Okay lang po. May appointment na kami.”

Bumaba si Felize, ibinalik ang helmet, nagbayad, at pumasok sa loob.

Sa labas pa lang ay halatang matao—maraming mag-asawa, bata man o may edad, ang naghihintay.

Marahang pumasok si Felize at lumapit sa receptionist.

“Ako po si Felize Velasco, asawa ni Christopher Velasco. May appointment po kami kay Doctor Dominic,” sabi niya habang ipinapakita ang patunay ng appointment.

“Oh, kayo po pala si Ma’am Felize. Hinihintay na po kayo ng doctor. Pasok na po.”

“Salamat po,” sabi ni Felize habang binubuksan ang pinto ng silid.

“Pasok po kayo,” sabi ng lalaking nakatalikod at naka white coat.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • A Dose of Desire: Affair With My Hot Doctor   CHAPTER 50: Tatlong Araw Nang Walang Felize

    SA OSPITAL..“Nasaan na si Alice?” tanong ni Christopher kay Felize, na abala sa pagbabalat ng mansanas na iniutos niya kanina.“Nang lumabas ako sa banyo, sinabi niya na kailangan na niyang umuwi. Nagliligalig na ang anak niya at hindi tumatahan nang wala siya,” sagot ni Felize.Biglang hinawakan ni Christopher ang mansanas na kalahati pa lang nababalatan mula sa kamay ni Felize. Nagulat ang babae sa kanyang ginawa.“Mananatili ka rito ngayong gabi,” utos ni Christopher habang kumagat sa mansanas. “Maawa ka naman sa mga magulang ko. Matatanda na sila at kailangan nilang magpahinga. Hindi sila dapat manatili sa ospital.”“Pero sinabi ng mga magulang mo na huwag akong mananatili dito sa ospital, Christopher,” mahinang tugon ni Felize. “Sinisikap nating magkaanak. Natatakot akong mahawa o makakuha ng virus dito.”“Ah, manahimik ka nga! Isa na namang palusot,” pasaring ni Christopher. “Nandito ka lang sa loob ng kwarto, hindi ka naman nag-iikot sa ospital. Hindi lalapit sa’yo ang virus.

  • A Dose of Desire: Affair With My Hot Doctor   CHAPTER 49: Alam Mo Ba Kung Sino ang Babaeng Iyon?

    “Gusto kong makausap si Dominic, Ma..” Lumabas si Hilary mula sa kanyang silid, mabigat at pasuray-suray ang kanyang mga hakbang.Maghapon na siyang umiiyak; namamaga ang kanyang mga mata at kumikirot ang ulo dahil sa sakit at pagkadurog. Sa kabila ng matinding pagod, pinilit ng batang doktor ang sarili na hanapin ang kanyang asawa. Lunurin man siya ng dalamhati, binalewala niya ang hungkag na kirot sa kanyang sikmura—wala siyang naisubo ni isang pagkain mula pa kaninang umaga.“Magpahinga ka muna, Hilary. Ako na ang kakausap kay Dominic at papupuntahin ko siya sa silid mo,” pakiusap ni Karmen habang nagmamadaling sumunod sa anak. “Huwag muna ngayon,anak. Masyado ka nang mahina.” Pinagmasdan niya ang anak na may lumalaking pag-aalala.“Hinding-hindi siya pupunta sa silid ko, Ma. Ako ang kailangang lumapit sa kanya,” giit ni Hilary habang nagpupumilit magtungo sa sala ng napakalaking bahay, kung saan inaasahan niyang matatagpuan ang kanyang ama at asawa na nag-uusap.Ngunit pagdati

  • A Dose of Desire: Affair With My Hot Doctor   CHAPTER 48: Ang Pag-alis

    Sa loob ng malamig at magarang tahanan ni Hilary, lason ang namamayaning hangin sa loob. Matapos mawalan ng malay si Hilary, dinala siya sa kanyang silid, iniwan si Dominic na mag-isa upang harapin ang galit ng tatay ni Hilary na si Arnulfo. Ang matandang lalaki ay nakaupo na tila isang hukom sa kanyang silyang may mataas na sandalan, ang tinig ay punô ng mapanlibak na pananalita ng isang tipikal na mayamang matapobre habang minamaliit hindi lamang si Dominic, kundi pati ang payak na pinagmulan ng kanyang mga magulang."Huwag niyo ng idamay ang mga magulang ko dito, Sir. Ako na lang ang husgahan niyo," mariing sabi ni Dominic, mababa ang boses ngunit may diin ang bawat salita. Mariin niyang pinagdikit ang kanyang mga ngipin hanggang sa mangalay ang kanyang mga kalamnan sa mukha."Hindi mo nauunawaan ang mga kahihinatnan ng ginagawa mo!" singhal ni Arnulfo, yumuko bahagya pasulong. "Nalimutan mo na ba na lahat ng tinatamasa mo ngayon—ang bahay na ito, ang reputasyon mo, ang titulo mo—

  • A Dose of Desire: Affair With My Hot Doctor   CHAPTER 47: Ang Desisyong Ginawa

    Habang papalayo, malayang iniisip ni Dominic ang kanyang kapakanan. Ibinubulong niya ang mga salita habang papalayo kahit siya lang ang nakakarinig."Malapit ko ng gawin ang pinakamahalagang desisyon sa aking buhay. Ang pakikipaghiwalay sa kanya ang tanging paraan upang wakasan ang cycle ng sakit sa pagitan natin.Sa buong taon ng pagsasama natin, namuhay tayo sa ilalim ng iisang bubong, ngunit hindi talaga tayo naging magkasama. Sa loob ng maraming taon, tiniis ko ang katahimikan, umaasang magbabago siya, hinabaan ang aking pasensya hanggang sa halos wala ng matira. Sa wakas, naunawaan ko na isa lamang akong tao; kahit ang aking pasensya ay may hangganan.Hindi lang ito dahil may ibang babae na ngayon sa puso ko—bagaman marahil ay nandoon na siya sa simula pa lang. Matagal ko nang pinagbabalakan ang desisyon na makipaghiwalay bago pa man muling nagtagpo ang landas namin ni Felize, ang aking first love.Ilang buwan na ang nakalipas, kumonsulta ako sa isang family lawyer at nagsubmit

  • A Dose of Desire: Affair With My Hot Doctor   CHAPTER 46: Ayokong Makipaghiwalay!

    Dahan-dahang nagkamalay si Hilary sa isang silid ng kalapit na ospital. Isang babaeng doktor—malapit niyang kaibigan mula pa noong mga araw nila sa unibersidad—ang abalang sumusuri sa kanya.“Nasan si Dominic?” pabulong na tanong ni Hilary, paos ang boses.“Naghihintay siya sa labas,” sagot ni Danielle habang ibinababa ang clipboard. “Nag-away na naman ba kayo? Masuwerte ka at buhay ka pa, Hilary.”Nanahimik si Hilary. Bumalik sa isip niya ang alaala ng biglang pagliko ng sasakyan at ang desperado nilang agawan sa manibela. Sa isang iglap, naniwala talaga siyang sabay silang haharap sa kabilang buhay. Mamamatay silang magkasama.“Kumbinsido ka pa rin bang may iba siya?” tanong ni Danielle, hindi napigilan ang kuryosidad.“Hindi lang hinala—alam ko,” sagot ni Hilary habang iniiiwas ang tingin, tumitigas ang mukha sa pait na nadarama.“May ebidensya ka na ba? May nahanap na ba ang imbestigador na inirekomenda ko?”“Wala pa. Sabi nila bukas pa sila kikilos. Ang tagal—kaya ko namang hanapi

  • A Dose of Desire: Affair With My Hot Doctor   CHAPTER 45: Pagdating ng mga Biyenan

    Nang mabalitaan ng mga magulang ni Felize na nasangkot sa isang malubhang aksidente ang kanilang manugang, at matapos nilang makipag video call dito kung saan nakahandusay ito sa kama ng ospital, agad silang nagmadaling bumiyahe papuntangManila. Iniwan nila ang lahat sa Cebu upang masilayan mismo ang kalagayan ni Christopher.Pagsapit ng hapon, naroon na sila sa tabi ng higaan ng lalaki.Si Christopher, na kanina pa’y nagkukunwaring walang malay, ay dahan-dahang nagmulat ng mga mata sa mismong sandaling pumasok ang mga ito sa silid.“Ano ba talaga ang nangyari sa’yo, Christopher?” tanong ni Freddie, ama ni Felize, habang umuupo malapit sa kama, bakas sa mukha ang taos-pusong pag-aalala. Sa di-kalayuan, nakaupo naman si Jessa sa tabi ni Felize, hindi inaalis ang tingin sa kanyang manugang.“Isang aksidente lang po, Pa. Alam n’yo naman—dumarating ang kapahamakan kapag hindi inaasahan. Maingat naman po ako, natiyempuhan lang po,” sagot ni Christopher, bahagyang napapangiwi habang dramati

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status