Home / Romance / A Dose of Desire: Affair With My Hot Doctor / CHAPTER 1: Basag na Kaligayahan

Share

A Dose of Desire: Affair With My Hot Doctor
A Dose of Desire: Affair With My Hot Doctor
Author: Dita SY

CHAPTER 1: Basag na Kaligayahan

Author: Dita SY
“Ugh!” Umalingawngaw ang mahabang ungol sa loob ng silid habang tinatapos ni Christopher ang kanyang ginawa sa kanyang asawa. Ilang ulos lang iyon, subalit ang kanyang katas ay tuluyan ng lumabas.

“Ang sarap,” sabi ni Christopher, ramdam ang kasiyahang walang kapantay.

Ngunit kabaligtaran nito ang nararamdaman ni Felize—ni wala man lang siyang narating na rurok. Hindi nga ata siya dumating sa kalaghatian ng langit. Makikita sa kanyang mukha ang matinding pagkadismaya.

“Nilabasan ka na ba,Chris? Ang bilis naman, wala pang isang minuto. Parang kakapasok pa lang ng alaga mo,” reklamo ni Felize habang malalim na bumubuntong -hininga ang pinapakawalan.

Madalas na niyang sinasabi na hindi siya kailanman nasisiyahan sa ginagawa ng kanyang asawa. Ni minsan ay hindi rin niya naramdaman ang palatandaan na siya’y nakarating sa sukdulan. Ngunit tila wala lang iyon kay Christopher. Ang mahalaga sa lalaki, nailabas nito ang init ng katawan.

“Pagod ako ngayon. Sinubukan ko namang patagalin kanina, pero mabilis pa ring natapos,” sabi ni Christopher. Matapos ilabas ang init ng katawan, humiga siya sa tabi ng asawa na parang walang anumang nangyari.

Kitang-kita sa mukha ni Felize ang inis at pagkabigo—siya na sa loob ng dalawang taon ay legal na asawa ni Christopher.

Sa loob ng dalawang taong iyon, ni minsan ay hindi siya nakaranas ng rurok ng sarap tuwing sila’y nagsisex. Si Christopher lang ang nakakaramdam ng kasiyahan; ni hindi man lang siya napapasaya ng lalaki, o nasasatisfied sa kama.

Kulang din si Christopher sa galaw at laging sarili lang ang iniisip.

Lalong naging maputla at walang sigla ang kanilang dalawang taong pagsasama para kay Felize. Ngunit wala rin naman siyang magagawa. Siya ang pumili sa lalaking iyon bilang asawa, at kasalukuyan pa silang nasa stage ng pag gawa ng bata.

Oo, matagal na silang minamadali ng kani-kanilang mga magulang na magkaanak, ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring senyales na nagdadalantao si Felize.

“Matutulog ka na agad, Chris?” tanong ni Felize sa asawang pagkauwi mula sa trabaho ay humiling sa kanya ng pakikipagtalik. Pagkatapos na labasan ng lalaki, humiga na ito sa kama at ipinikit ang mga mata.

“Oo, inaantok na ako. Ikaw na muna ang magluto ng dinner. Kapag luto na, gisingin mo na lang ako.”

Malalim na napabuntong-hininga si Felize, bumaba sa kama at isa-isang nagsuot ng damit.

Napalingon siya kay Christopher na mahimbing na natutulog, kahit kakasandal pa lamang ng ulo nito sa unan.

Walang “salamat,” walang “I love you,” o kahit anong sweet na salita mula kay Christopher—lalo lamang ipinadama kay Felize na hindi siya mahal ng lalaki.

“Maligo ka kaya muna. Huwag ka namang direktang matulog.”

“Hmm,” tugon ni Christopher nang malamig.

Matapos magbihis, naglakad si Felize palabas ng silid. Samantalang si Christopher ay malalim na ang tulog.

Napahinto si Felize nang masalubong ang biyenan sa bungad ng kusina. Tiningnan ng babaeng may edad na ang mukha ng manugang na tila dismayado at nakakunot ang noo.

“Ano’ng nangyari sa’yo, Felize?”

“Wala po, Ma,” mahinang sagot ni Felize habang papalapit sa refrigerator.

Sumunod si Lucinda sa kusina at tinulungan si Felize sa paghahanda ng mga sangkap ng lulutuin.

Simula kahapon ay pansamantalang tumuloy ang biyenan sa inuupahang bahay nilang mag asawa na may dalawang kuwarto.

Ang bahay na dalawang buwan pa lamang nilang tinitirhan ay nasa isang Subdivision. Balak ni Christopher na hulugan ang bahay na iyon upang hindi na sila magrenta.

“Nasa’n ang asawa mo, Felize?” tanong ni Lucinda.

“Natutulog po, Ma. Pagod daw siya,” sagot ni Felize habang inilalabas ang mga sangkap mula sa two door refrigerator.

Ilang klase ng gulay at isda ang inilapag niya malapit sa lababo upang linisin.

“Nakapagpatingin ka na ba ulit sa OB?” tanong ni Lucinda.

“Opo. Sabi po ng doktor, kailangan naming uminom ni Christopher ng mga vitamins para makabuo kami. May reseta na po ako. Sana may magandang balita sa susunod na buwan.”

“Amen,” sabi ni Lucinda. “Bukod sa doktor, subukan mo ring magpatingin sa hilot o kahit saan. Para mabilis kang magbuntis.”

“Nagawa ko na po, Ma. Siguro hindi pa lang talaga ibinibigay. Kung hindi pa para sa amin ang pagkakaroon ng anak, wala rin tayong magagawa.”

“Kung gano’n, subukan mong kumonsulta sa ibang doktor. Halimbawa kay Doctor Dominic—pinsan ni Christopher. Baka makatulong siya sa inyo at makapagbigay ng payo para mapabilis ang pagbubuntis mo.”

Natahimik si Felize. Ilang beses na rin silang nagpapalit-palit ng doktor ngunit walang pagbabago. May ilang doktor ding nagmungkahi na magpa-check sila pareho ng fertility rate nila, ngunit palaging tumatanggi si Christopher at sinasabing maayos naman siya.

Samantala, tuwing nagsesex sila, hindi kailanman nasisiyahan si Felize. Maikli lang palagi ang oras—wala pang tatlong minuto, nilalabasan na agad si Christopher.

“Mas mabuti sigurong subukan mo muna ang payo ko,” giit ni Lucinda.

Kung nabibili lang sana ang pagbubuntis, bibilhin iyon ni Felize upang maibigay agad ang titulong ama sa kanyang asawa.

“Kung nagdadalawang-isip ka, kausapin mo muna si Christopher. Para mas sigurado kayo. Naniniwala ako kay Doktor Dominic—marami na siyang pasyenteng nabuntis.”

Malalim na napabuntong-hininga si Felize. “Sige po, kakausapin ko si Christopher. Kung papayag siya, bukas pupunta kami sa klinika ng doktor na iyon.”

Ngumiti si Lucinda. “Ibibigay ko sa’yo ang address. Diretsuhin na ninyo. Gagawa ako ng appointment para hindi na kayo pumila.”

“Opo, salamat po.”

Habang nag-uusap sila, lumapit si Christopher sa kusina. Umupo ang lalaking may taas na 170 centimeters, at naupo sa dining area, mukhang pagod dahil bagong gising.

“Gawan mo nga ako ng kape,” utos niya kay Felize.

“Sandali lang. Nagluluto pa ako.”

“Jeez! Gusto ko ngayon na!” tinaasan ni Christopher ng boses si Felize, dahilan upang siya’y mabigla.

Nagkatinginan sina Lucinda at Felize. Ipinahiwatig ng biyenan sa tingin na sumunod na lang si Felize.

“Huminahon ka, Chris. Huwag ka namang magagalit kaagad,” inis na sagot ni Felize.

“Ikaw naman. Humihingi lang ng kape ang asawa mo, ipagpapaliban mo pa. Unahin mong pagsilbihan ang asawa mo bago ang ibang gawain!” sigaw ni Christopher.

Nanatiling tahimik si Lucinda—hindi ipinagtanggol ang manugang at hindi rin sinita si Christopher. Para sa kanya, karaniwan na ang ganitong tanawin; naranasan din niya iyon sa sarili niyang tahanan noon.

“Sige na,” napilitan si Felize na itigil ang pagluluto at magtimpla ng kape.

May inis sa puso, inilapag niya ang black coffee sa mesa. “May iba ka pa bang gusto, Chris? Sabihin mo na para isang kuha na lang.”

Nagliliyab ang tingin ni Christopher sa asawa. “Hindi ba bukal sa loob mong pagsilbihan ako?”

“Hindi naman sa ganoon, Chris. Nagtatanong lang ako kung may kailangan ka pa.”

“Wala na. Kape lang.”

“Sige,” mahinang tugon ni Felize at bumalik sa pagluluto, kahit mabigat ang loob.

Mahigit isang taon nang malamig ang pakikitungo ni Christopher sa kanya. Walang malinaw na dahilan, bigla na lang naging magaspang ang pakikitungo nito sa kanya at hindi na malumanay magsalita gaya ng dati.

Pinaghihinalaan ni Felize na may ibang babae si Christopher, ngunit wala siyang sapat na ebidensiya.

Tahimik ang paligid. Sa maliit na kusina, ang tunog lang ng kutsara at kaldero ang maririnig.

“Dahil nandito na si Christopher, sasabihin ko na lang nang direkta sa kanya ang sinabi ko sayo,” panimula ni Lucinda.

Tumingala si Christopher. “Ano po ’yon, Ma?” malamig na tanong niya.

“May ipapayo lang ako sa inyo. Paano kung magpatingin kayo ni Felize kay Doctor Dominic—pinsan mo. Kilala siyang OB at may clinic sa Cavite. Kung gusto mo, gagawan ko kayo ng appointment para hindi na kayo pumila.”

Tumango-tango si Christopher. “Sige, payag ako. Pupunta kami ni Felize.”

Ngumiti si Lucinda at tiningnan ang manugang na abalang naghahalo ng gulay sa kaldero.

“Narinig mo ’yan, ’di ba? Pumayag ang asawa mo. Ikaw rin, payag ka?” tanong ni Lucinda.

“Opo, Ma. Payag po ako,” tugon ni Felize.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A Dose of Desire: Affair With My Hot Doctor   CHAPTER 50: Tatlong Araw Nang Walang Felize

    SA OSPITAL..“Nasaan na si Alice?” tanong ni Christopher kay Felize, na abala sa pagbabalat ng mansanas na iniutos niya kanina.“Nang lumabas ako sa banyo, sinabi niya na kailangan na niyang umuwi. Nagliligalig na ang anak niya at hindi tumatahan nang wala siya,” sagot ni Felize.Biglang hinawakan ni Christopher ang mansanas na kalahati pa lang nababalatan mula sa kamay ni Felize. Nagulat ang babae sa kanyang ginawa.“Mananatili ka rito ngayong gabi,” utos ni Christopher habang kumagat sa mansanas. “Maawa ka naman sa mga magulang ko. Matatanda na sila at kailangan nilang magpahinga. Hindi sila dapat manatili sa ospital.”“Pero sinabi ng mga magulang mo na huwag akong mananatili dito sa ospital, Christopher,” mahinang tugon ni Felize. “Sinisikap nating magkaanak. Natatakot akong mahawa o makakuha ng virus dito.”“Ah, manahimik ka nga! Isa na namang palusot,” pasaring ni Christopher. “Nandito ka lang sa loob ng kwarto, hindi ka naman nag-iikot sa ospital. Hindi lalapit sa’yo ang virus.

  • A Dose of Desire: Affair With My Hot Doctor   CHAPTER 49: Alam Mo Ba Kung Sino ang Babaeng Iyon?

    “Gusto kong makausap si Dominic, Ma..” Lumabas si Hilary mula sa kanyang silid, mabigat at pasuray-suray ang kanyang mga hakbang.Maghapon na siyang umiiyak; namamaga ang kanyang mga mata at kumikirot ang ulo dahil sa sakit at pagkadurog. Sa kabila ng matinding pagod, pinilit ng batang doktor ang sarili na hanapin ang kanyang asawa. Lunurin man siya ng dalamhati, binalewala niya ang hungkag na kirot sa kanyang sikmura—wala siyang naisubo ni isang pagkain mula pa kaninang umaga.“Magpahinga ka muna, Hilary. Ako na ang kakausap kay Dominic at papupuntahin ko siya sa silid mo,” pakiusap ni Karmen habang nagmamadaling sumunod sa anak. “Huwag muna ngayon,anak. Masyado ka nang mahina.” Pinagmasdan niya ang anak na may lumalaking pag-aalala.“Hinding-hindi siya pupunta sa silid ko, Ma. Ako ang kailangang lumapit sa kanya,” giit ni Hilary habang nagpupumilit magtungo sa sala ng napakalaking bahay, kung saan inaasahan niyang matatagpuan ang kanyang ama at asawa na nag-uusap.Ngunit pagdati

  • A Dose of Desire: Affair With My Hot Doctor   CHAPTER 48: Ang Pag-alis

    Sa loob ng malamig at magarang tahanan ni Hilary, lason ang namamayaning hangin sa loob. Matapos mawalan ng malay si Hilary, dinala siya sa kanyang silid, iniwan si Dominic na mag-isa upang harapin ang galit ng tatay ni Hilary na si Arnulfo. Ang matandang lalaki ay nakaupo na tila isang hukom sa kanyang silyang may mataas na sandalan, ang tinig ay punô ng mapanlibak na pananalita ng isang tipikal na mayamang matapobre habang minamaliit hindi lamang si Dominic, kundi pati ang payak na pinagmulan ng kanyang mga magulang."Huwag niyo ng idamay ang mga magulang ko dito, Sir. Ako na lang ang husgahan niyo," mariing sabi ni Dominic, mababa ang boses ngunit may diin ang bawat salita. Mariin niyang pinagdikit ang kanyang mga ngipin hanggang sa mangalay ang kanyang mga kalamnan sa mukha."Hindi mo nauunawaan ang mga kahihinatnan ng ginagawa mo!" singhal ni Arnulfo, yumuko bahagya pasulong. "Nalimutan mo na ba na lahat ng tinatamasa mo ngayon—ang bahay na ito, ang reputasyon mo, ang titulo mo—

  • A Dose of Desire: Affair With My Hot Doctor   CHAPTER 47: Ang Desisyong Ginawa

    Habang papalayo, malayang iniisip ni Dominic ang kanyang kapakanan. Ibinubulong niya ang mga salita habang papalayo kahit siya lang ang nakakarinig."Malapit ko ng gawin ang pinakamahalagang desisyon sa aking buhay. Ang pakikipaghiwalay sa kanya ang tanging paraan upang wakasan ang cycle ng sakit sa pagitan natin.Sa buong taon ng pagsasama natin, namuhay tayo sa ilalim ng iisang bubong, ngunit hindi talaga tayo naging magkasama. Sa loob ng maraming taon, tiniis ko ang katahimikan, umaasang magbabago siya, hinabaan ang aking pasensya hanggang sa halos wala ng matira. Sa wakas, naunawaan ko na isa lamang akong tao; kahit ang aking pasensya ay may hangganan.Hindi lang ito dahil may ibang babae na ngayon sa puso ko—bagaman marahil ay nandoon na siya sa simula pa lang. Matagal ko nang pinagbabalakan ang desisyon na makipaghiwalay bago pa man muling nagtagpo ang landas namin ni Felize, ang aking first love.Ilang buwan na ang nakalipas, kumonsulta ako sa isang family lawyer at nagsubmit

  • A Dose of Desire: Affair With My Hot Doctor   CHAPTER 46: Ayokong Makipaghiwalay!

    Dahan-dahang nagkamalay si Hilary sa isang silid ng kalapit na ospital. Isang babaeng doktor—malapit niyang kaibigan mula pa noong mga araw nila sa unibersidad—ang abalang sumusuri sa kanya.“Nasan si Dominic?” pabulong na tanong ni Hilary, paos ang boses.“Naghihintay siya sa labas,” sagot ni Danielle habang ibinababa ang clipboard. “Nag-away na naman ba kayo? Masuwerte ka at buhay ka pa, Hilary.”Nanahimik si Hilary. Bumalik sa isip niya ang alaala ng biglang pagliko ng sasakyan at ang desperado nilang agawan sa manibela. Sa isang iglap, naniwala talaga siyang sabay silang haharap sa kabilang buhay. Mamamatay silang magkasama.“Kumbinsido ka pa rin bang may iba siya?” tanong ni Danielle, hindi napigilan ang kuryosidad.“Hindi lang hinala—alam ko,” sagot ni Hilary habang iniiiwas ang tingin, tumitigas ang mukha sa pait na nadarama.“May ebidensya ka na ba? May nahanap na ba ang imbestigador na inirekomenda ko?”“Wala pa. Sabi nila bukas pa sila kikilos. Ang tagal—kaya ko namang hanapi

  • A Dose of Desire: Affair With My Hot Doctor   CHAPTER 45: Pagdating ng mga Biyenan

    Nang mabalitaan ng mga magulang ni Felize na nasangkot sa isang malubhang aksidente ang kanilang manugang, at matapos nilang makipag video call dito kung saan nakahandusay ito sa kama ng ospital, agad silang nagmadaling bumiyahe papuntangManila. Iniwan nila ang lahat sa Cebu upang masilayan mismo ang kalagayan ni Christopher.Pagsapit ng hapon, naroon na sila sa tabi ng higaan ng lalaki.Si Christopher, na kanina pa’y nagkukunwaring walang malay, ay dahan-dahang nagmulat ng mga mata sa mismong sandaling pumasok ang mga ito sa silid.“Ano ba talaga ang nangyari sa’yo, Christopher?” tanong ni Freddie, ama ni Felize, habang umuupo malapit sa kama, bakas sa mukha ang taos-pusong pag-aalala. Sa di-kalayuan, nakaupo naman si Jessa sa tabi ni Felize, hindi inaalis ang tingin sa kanyang manugang.“Isang aksidente lang po, Pa. Alam n’yo naman—dumarating ang kapahamakan kapag hindi inaasahan. Maingat naman po ako, natiyempuhan lang po,” sagot ni Christopher, bahagyang napapangiwi habang dramati

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status