“Maupo na po kayo,” sabi ng doktor na kanina’y nakatalikod, sabay ikot ng katawan at pagturo sa upuang nasa harap ng mesa.Tumango si Felize at marahang lumapit habang bahagyang nakayuko. Medyo ilang siya dahil sanay siyang kumunsulta sa babaeng doktor, hindi sa lalaking doktor.“Ipaliwanag ninyo po ang inyong concern, Mrs. Velasco,” wika ng guwapong doctor habang nakatingin sa kanya at nauupo.Naglakas-loob si Felize na tumingin sa doktor. Tutal, konsultasyon lang naman ito. Kung sakaling mabuntis siya, sa babaeng doctor na lang ang pipiliin niyang magpaanak sa kanya.“Nais ko pong magpakonsulta tungkol sa pagbubuntis, Doc,” sagot ni Felize, saka tuluyang tumingin sa mukha ng lalaking kaharap niya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang pamilyar na mukhang iyon.Ngumiti nang magiliw ang doktor. “Hindi pa po ba kayo mabuntis, Mrs. Velasco?”“Dominic,” mahina at hindi makapaniwalang sambit ni Felize. Hindi niya inakalang napakaliit ng mundo. Ang doktor na si Dominic pala ay dati
Baca selengkapnya