Share

41(2)

NAGAMBALA ang tulog ng mga taga-Malaya village dahil sa apoy na nagmumula sa construction site. Alas kuwarto pa lang ng umaga at ang iba ay natutulog pa. Mabuti na lang at maagang nagising sina Apo Larry. Nakita niya ang nangyari kaya pinagsi-gising niya ang mga tao para mapatay ang apoy roon.

Nagtulong-tulong silang maapula ang apoy dahil kung hindi ay kakalat ito at mas nakakapinsala pa sa paligid nito. Marami pa ang masusunog at maaring mapunta sa mga kabahayan, mauubos lahat dahil gawa sa light materials lahat ng mga bahay.

“Bilisan ninyo ang pagkuha ng mga tubig. Bilis,” sigaw ni Apo Larry. Kung hindi lang siya tumatanda na ay tutulong din siya sa pag-igib, pero nagkasya na lang siya na mag-utos sa mga kabataan at kalalakihan.

“Opo, Apo Larry.” Mabilis silang tumalima at bayanihang nag-apula ng sunog.

Mahigit isang oras ang ginugol nila sa pag-apula ng apoy. Puno ng panlulumo ang matanda. Kahit pinigilan nila ang pagkalat ng apoy ay kalahati rin ang nasunog sa ginawang gusali.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
CjLove98
Guys, sorry for not updating, busy pa ako ngayon.... Di ko pa natatapos ang mga na type ko. Update lng ako kapag tapos na ang Pina process ko. Salamat sa unawa...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status