Share

41(3)

KABABABA lang ni Yna sa sala nila ng tawagin siya ni Jomari para tingnan ang laman ng balita. Napa-awang ang labi niya.

Nagulat siya sa laman ng balita. Paanong nasa balita na ang nangyaring sunog at pagkasira ng mga gulayan at prutasan sa Malaya village?

Sino ang nagpadala roon ng mga media? May tao bang nag-utos na gawin ito? Sino?

“Is this real, Yna? Bakit wala kang sinabi sa amin ng mommy mo mula pa kagabi ng dumating ka?”tanong ng daddy niya.

“Yes dad, it's true. Hindi namin alam kung bakit nangyari ito. Kahapon lang daw ito nangyari, nalaman namin kasi dumiretso kami roon dahil excited kami para matapos na agad ang proyekto pero iyan ang nangyari,” mangiyak-ngiyak niyang sagot. “I can't believe it too.”

Tinapik ng daddy niya ang kaniyang balikat. “Don't worry Yna, it's only a sabotage. Sa negosyo hindi mo ‘yon maiiwasan, pero malulusutan ‘yan ni Alas basta nandiyan ka sa tabi niya.”

“Yes dad. Hindi ko siya puwedeng iwan at maging ang mga tao roon. I already promised to help
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status