CLOUD'S POV
Hindi ko akalain na muli ko pang mararamdaman ang ganitong kasiyahan matapos ang ilang taon kong pagsisintir sa kinahinatnan ng relasyon namin ni Vier. At isang boses lang pala ang muling magpaparamdam sa akin nito. Ang maliit at cute na boses ni George mula sa kabilang linya nitong cellphone ni Vier. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko habang tahimik ko siyang pinapakinggan kahit pa nga ang lahat ng sinasabi niya ay patungkol sa reklamo niya sa naging resulta ng naging competition na sinalihan ng mommy niya. But, I don't mind the words, ang mahalaga sakin ay ang marinig ko siya sa unang pagkakataon. Naramdaman ko pa nga ang pamamasa ng mga mata ko sa labis na tuwa.'Ganito pala ang pakiramdam na maging ama,' sa isip-isip ko habang ineenjoy ang sandaling ito na hindi ko inaasahang mangyayari ngayong gabi. Pero hindi rin nagtagal ang kasiyahan ko nang magpaalam na siya at sabihing tatawagan na lang daw niya ang ina kapag tapos na ito sa kausap.'Sana pala ay inamin ko na sa kanya ang totoo,' iyan ang kaagad na itinakbo ng isip ko habang saglit 'kong pinagmasdan ang cellphone na iyon kung saan ko unang narinig ang boses ng anak ko. Malungkot man ay hinarap ko na si Vier para ibalik ang kanyang cellphone nang…*pak!* Isang ubod-lakas na sampal iyon na isinalubong ni Vier sa mukha ko. Sa sobrang lakas ay parang halos mamanhid ang pisngi ko at panandaliang ikina-bingi ng tenga ko. At nang harapin ko siya ay ang galit at nanlilisik niyang mga mata ang isinalubong niya sa akin. Ang pinaghandaan ko ay ang makita siyang luhaan at talunan ngayong gabi na mukhang hindi mangyayari. Hindi ganoon ang nakikita ko sa kanya ngayong magkaharap na kami."Ano 'to Cloud? Gumaganti ka?," tiim-bagang niyang tanong habang nilalabanan at agad na pinupunasan ng kamay ang mga luhang nag-uunahang kumawala sa kanyang mga mata."And what are you talking about?," balik-tanong ko at inismiran pa siya para pagtakpan ang nararamdamang guilt sa loob ko. Though, knowing her, alam kong hindi uubra sa kanya ang pag pagmamaang-maangan ko. She knows me well and she knows when to trust her guts."Kaya mo ba tinanggap ang offer sa'yo na maging judge ngayong gabi?," aniya na halatang nagtitimpi pa rin ng galit nang hindi inaalis ang tingin sa akin."Hindi ko alam 'yang sinasabi mo Vier," mariin ko pa ring tanggi sa paratang niya. "You know me. I am a fair per-""'Yun na nga Cloud eh," putol niya sa sinasabi ko at hindi na natiis pang magtaas ng kanyang tono. "Parang hindi na kita kilala. Parang hindi na ikaw 'yung Cloud na kilala ko. Ibang-iba ka na!" Nakamaang lang ako sa kanya habang lumalabas sa bibig niya ang mga salitang iyon. Yes. Tama naman siya. Nagbago naman talaga ako at aware ako sa bagay na iyon. Aware din ako kung bakit ako nagkaganito. Mabilis na umahon sa sistema ko ang matinding sakit na iyon mula sa nakaraan na buong akala ko ay nabura ko na sa buhay ko. Muli akong nalunod sa sakit na naidulot ni Vier sa akin habang magkaharap kami at dinidikdik niya sa akin ngayon ang mga bagay na siya mismo ang naging dahilan."Nagbago ako?," nang-uuyam kong tanong at sinundan iyon ng nakakalokong tawa. "Kung nagbago man ako Vier, wala kang ibang dapat sisihin kundi 'yang sarili mo," pagdidiin ko sa kanya habang matalim ang mga tinging ipinupukol ko sa kanya para lubos niyang maintindihan ang lahat ng kinailangan kong pagdaanan ng dahil lang sa pagiging makasarili niya. "You created this version of me Vier. Mula nung iwan mo 'kong durog na durog at parang tangang walang kaalam-alam sa totoo," pagdidikdik ko sa kanya ng pag****lang-hiya niya noon sa akin. "Kung ikaw kaya ang inilagay ko sa impyernong pinagbagsakan mo sa 'kin, hindi ka kaya magbago?," saad ko bago siya tuluyang tinalikuran. This night had more than enough for me to swallow. From don Benjamin and now, this woman."Hindi ba pwedeng kalimutan na lang natin 'yon?," aniya na talaga namang nagpanginig ng kalamnan ko. "Hindi pa pwedeng magmove-on na lang tayo sa nangyari noon?," dagdag pa niya na nagpabalik sa akin sa kinatatayuan niya."Hindi ka ba kinikilabutan sa mga sinasabi mo?,"nanggagalaiti kong tanong habang binabalot ng galit ang puso at isipan ko sa mga narinig. Pinilit ko ring pahinain ang boses ko para hindi kami makaagaw ng atensyon ng ibang tao sa paligid kahit pa sa totoo lang ay gustong-gusto ko na siyang sigawan at saktan sa mga pinagsasasabi niya. "Apat na taon Vier! Apat na taon lang naman na halos ikamatay ko 'yung let**ng pang-iiwan mo sakin ng ganon-ganon lang na pinalala at pinabigat mo pa ng mga kasinungalingang ibinaon mo dito," nangangatal kong saad habang mariing dinudukdok ang dibdib kong matagal ng nabalot ng poot. "Alam mo ba kung gaano kamiserable ang naging buhay ko mula noong iwan mo 'ko ha? Mula ng sabihin mo sa 'king pina**y mo ang anak natin? Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin 'yon?," dagdag ko pa hanggang sa tuluyan kong maramdaman ang pagtulo ng luha ko habang inaalala ang sugat ng kahapon na pinuno ni Vier ng sakit at kasinungalingan. Wala siyang maisagot sa akin kundi puro pag-iyak lang sa harapan ko na punong-puno ng pagsisisi. Pero ano pa bang magagawa ng pagsisisi niya? Tapos na! At ang kapal ng mukha niya para magdemand na kalimutan ko na lang ang lahat ng iyon. Ang lahat ng sakit na nagdulot ng lamat sa buhay ko."Cloud, patawarin mo 'ko," aniya na halos bumaha ang luha sa mukha."H'wag mo 'kong daanin sa pag-iyak mo Vier. Dahil kahit dugo pa ang iiyak mo sa harapan ko, hindi mo pa rin mabubura ang lahat ng sakit na dinulot mo sa 'kin." Saglit kong ibinaling sa madilim na langit ang atensyon ko. Tying to calm myself down mula sa galit na pilit na binubuhay ng presensya ni Vier. Muling nagbabalik sa dibdib ko ang lahat ng sakit at kamiserablehan na naramdaman ko mula ng iwan niya ako at ipamukha sakin na isa lang akong basahan na walang patutunguhan noon kundi basurahan.VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya
VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah
AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama
VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany
VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti
CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm