Share

Chapter 3

Author: Dime Moore
last update publish date: 2026-04-09 09:58:34

Natigilan si Bella. “Kailangan ko ba talagang hubarin ang pantalon ko?”

“Kung hindi mo huhubarin, paano ko makikita kung anong nangyari sa ‘yo?” sagot naman ni Bella.

‘Sa bagay, may point siya roon,’ isip ng dalaga. ‘Pero kasi…’

Nag-alangan siya. Paano niya ‘yon magagawa sa harap ng isang lalaki? At doon pa talaga sa naka-sex niya kagabi?

“Bilisan mo,” utos ni Noah, tila naiinip na.

Ilang segundo ang lumipas at sumuko na rin si Bella.

Tumayo siya at dahan-dahang humiga sa hospital bed.

‘Doktor siya. Wala lang ‘to sa kan’ya,’ pangungumbinsi ni Bella sa sarili. ‘Sanay sila sa ganitong gawain. Maraming pasiyente ang chine-check nila sa araw-araw… Hindi ako dapat mahiya.’

Pero habang nasa kalagitnaan ng pag-iisip, natakpan ng isang pigura ang ilaw sa harapan niya.

“Pagkahubad mo ng pantalon, ibuka mo ang binti mo.”

Biglang bumilis ang tibok ni Bella. 

Pagkatingala niya, nakita niya si Noah sa harapan. Madilim ang mukha nito, at may kakaiba rin sa mga mata nito.

Para bang isa siyang hostage, at nakasalalay kay Noah ang buhay niya.

Napailing ang dalaga. ‘Bakit ganito ang mga naiisip ko?’

“Hubarin mo na ang pantalon.”

“Doc… Puwede bang tumalikod ka muna?”

Ngunit hindi natinag ang lalaki. Nakatitig lang ito sa kan’ya. “Hubarin mo.”

“Saglit—”

“Ngayon na.”

Mas malalim na ang boses nito kaysa kanina, dahilan para dahan-dahang ibaba ni Bella ang pantalon niya. 

Hindi siya nilubayan ng tingin ni Noah habang ginagawa niya iyon. Nanatili ang tingin niya sa maputing legs ng dalaga. May mga marka niya pa ito.

Gusto na naman niya itong angkinin. Nag-iinit na ang buong pakiramdam niya.

“Ibaba mo na rin ang underwear mo,” utos ni Noah sa isang husky na boses, ngunit hindi gumagalaw ang dalaga. “O gusto mo bang tulungan kitang hubarin iyan?”

Umiling si Bella. “Hindi… Ako na mismo ang maghuhubad.”

Dahan-dahang ibinaba na rin ni Bella ang panty niya, at inilapag iyon sa may upuan.

Sa mga oras na iyon ay para na siyang kamatis dahil sa sobrang pamumula ng mukha niya. Umabot na rin ito sa kan’yang leeg.

‘Napaka naman ng doktor na ‘to!’ reklamo ni Bella sa isip. ‘Anong klaseng doktor ang mag-o-offer sa pasiyente na hubarin ang underwear nito?’

Buo na ang loob niyang ireklamo ang lalaki sa management, lalo na sa pagtrato nito sa mga pasiyente niya.

Pero hindi niya alam ang pangalan ng lalaki. Magtatanong na lang siya mamaya.

Samantala, nilibot ng tingin ni Noah ang buong katawan ng dalaga. Sa sobrang fragile ng balat ng dalaga, kahit kaunting kurot lang ay puwede nang makaiwan ng marka.

Gumalaw ang adam’s apple ni Noah nang isuot niya ang gloves. 

Pagkatapos ay lumapit na siya sa dalaga, dahilan para mapapikit si Bella.

‘Sana matapos na ‘to kaagad!’

“Ah!” napasigaw si Bella nang dumampi ang kamay ni Noah sa pagkababae niya. Nangilid din ang luha nito.

Napatigil si Noah. “Masakit ba?”

“Oo…” Humigpit ang pagkakahawak ni Bella sa bedsheet, kasabay ng malalim nitong paghinga.

“I’ll be gentle this time,” malambing na saad ng lalaki bago bumalik sa ginagawa.

Hindi alam ni Bella kung ilang minuto na ba ang lumipas, pero tiniis niya na lang ang kahihiyan habang patuloy pa rin siyang chine-check ni Noah ang pagkababae niya.

“Doc… Seryoso ba ang kalagayan ko?”

“Hindi. Okay ka lang.”

Dahan-dahang binawi ni Noah ang kamay, hinubad ang gloves, at nagtungo sa lababo para maghugas at i-disinfect ang kamay.

“Magrereseta ako ng anti-inflammatory ointment para sa ‘yo. Ipahid mo araw-araw hanggang sa mawala ang pamamaga,” wika ni Noah. “At hindi ka puwedeng makipag-sex sa iba habang nagpapagaling ka.”

Hindi sumagot si Bella.

“Naiintindihan mo ba?” tanong ulit ng lalaki nang hindi ito sumagot.

Namula ang dalaga. “Oo…”

“Mabuti naman.” Pinunasan ni Noah ang kamay. “Suotin mo na ulit ang damit mo at bumangon ka na.”

Mas mabilis pa sa alas-kuwatrong sinuot ni Bella ang underwear at pantalon. Pagkatapos ay itinaas niya ang kurtina at naghandang lumabas.

Pero may nakita siya. White coat ito na pagmamay-ari ng doktor na b-in-ook niya!

Nakatayo ang matandang doktor sa harap ni Noah. Nakapameywang pa ito at halatang wala sa mood.

“Ikaw… Sinong nagbigay sa ‘yo ng permiso para i-check ang pasiyente habang wala ako?”

Sakto at nakita niya si Bella na nakatayo sa gilid ng kama. Ngumiti siya habang humihingi ng tawad ang mga mata nito.

“Pasensiya na, iha. Anak ko siya. Pumunta lang ako ng banyo, at sinabi ko sa kan’yang papasukin ka lang dito sa loob. Pero ko alam na i-e-examine ka rin niya.” 

Napahilot si Kayla sa sentido. 

“Hindi valid ang diagnosis niya. Halika, i-che-check kita ngayon.”

“P-Po?” Napakurap si Bella sa gulat. Anong nangyayari?

Sumulyap si Noah sa dalaga, at napangisi na lang siya nang makita ang pagkagulat sa ekspresiyon nito.

“Ma, hindi na kailangan,” wika niya. “In-examine ko siya nang mabuti. May alam na rin ako tungkol sa medicine. Sa tagal ko ba namang tumatambay dito.”

Napanganga na lang si Kayla Ravenheart, ang ina ni Noah.

Mapili ang anak niya at ayaw sa mga babae. Kahit babaeng kaibigan nga ay wala ito. Pero nag-check up siya ng babaeng pasiyente?

Nakakapagtaka!

May pagdududa sa isip ni Kayla, pero iwinaksi niya na muna iyon. Imbes ay kinuha niya ang diagnosis report na isinulat ni Noah at binasa ito.

Nang matapos magbasa ay napasulyap siya kay Bella. Mabait ito at mukhang masunurin. Hindi niya tuloy maiwasang magbigay ng opinyon.

“Anong klaseng halimaw ang gagawa ng ganito sa inosenteng babaeng kagaya mo?” aniya. “Mas masahol pa siya sa hayop!”

Namula ang mukha ni Bella at napasulyap kay Noah.

Nagbibiro lang naman si Kayla, pero hindi niya alam na ang halimaw na tinutukoy niya ay ang sariling anak.

Ang iniisip niya, baka sumobra lang talaga si Bella at ang boyfriend nito.

“Pero iha, sa sobrang gigil niya ay nagkaroon ka ng minor laceration…” wika ng doktora. “Sabihin mo sa kan’ya na mas maging maingat sa susunod. Huwag masyadong manggigil.”

Muling sumulyap si Bella kay Noah.

‘Oo, sumobra na siya! Paano siya nakagawa ng ganito? Parang ayaw niya sa babae!’ saad niya sa isip.

Tumikhim si Noah. Nakatingin na lang ito sa sahig dahil hindi niya matingnan pabalik ang dalaga.

“Ma, tumigil ka na sa pagsasalita. Pinapahiya mo ang babae.”

“Pinapaalalahanan ko lang siya na mag-ingat,” depensa naman ng ina. “Anong klaseng boyfriend siya? Napaka-inconsiderate. Iniisip niya lang ang sariling kasiyahan. Hindi niya alam na nakakasakit na siya!”

Pagkatapos ay tumingin siyang muli kay Bella. “Kapag naulit pa ito, makipaghiwalay ka na sa kan’ya agad, okay?”

Hindi nakasagot si Bella. Imbes ay pinaglaruan niya ang daliri.

“Doc… Puwede po bang makahingi ng reseta ng gamot?”

Gusto niya na lang magpalamon sa lupa. Talagang mag-ina ang dalawang ito? Ayaw na niyang magtagal pa rito!

Tuluyan nang napansin ni Kayla ang pagkailang ng dalaga.

“Sige. Bibigyan na rin kita ng gamot na puwede mo inumin,” sagot niya. “Tandaan, hindi ka puwedeng makipagtalik, at least for a week. Kung hindi, lalong mamamaga iyan at baka ma-infect ka pa.”

Tumango si Bella. “Opo, doc.”

Pagkabigay ng doktor ng gamot ay dali-daling umalis si Bella na tila nagmamadali.

“Hay…” Napabuntonghininga si Kayla. “Ang gandang bata pa naman… Pero bakit naman ganoon ang boyfriend niya?”

“Kung anak ko lang talaga siya, tiyak na makakatikim sa akin ng bugbog ang lalaking iyon. At hindi lang ‘yon, ibibitin ko pa ang bangkay niya para latiguhin!”

Napatikhim na lang ang lalaki habang nakatingin sa pinto. “Ma, aalis na ako.”

“At bakit?” Tumaas ang kilay ng ina. “Pinapunta nga kita rito para makilala mo si Yvette. Kakabalik niya lang galing sa pag-aaral abroad. Maganda at matalino. Siya ang pinaka-competent sa surgery department.”

“Higit sa lahat, single siya. Dapat makilala n’yo ang isa’t-isa.”

“Sige, kapag may oras ako,” walang interes na sagot ni Noah at naglakad palayo.

“Hoy, bata ka. Ang tagal ko nang nag-aalala kung makikita pa ba kitang ikasal. Hindi ba puwedeng sumunod ka sa plano ko kahit ngayon lang?” wika ni Kayla.

“Napakabait na tao ni Doctor Yvette. Siguradong magugustuhan mo siya!”

Ngunit malayo na ang nalakad ni Noah kaya hindi na siya naririnig nito.

Work hours ni Kayla ngayon, kaya wala na siyang nagawa pa sa pag-alis ng anak.

Naiinis siya. Kung nagkukusa lang sana ang anak niyang maghanap ng girlfriend, hindi na sana kailangang umabot sa punto na siya pa ang magpaplano ng blind dates para rito.

Sa kasamaang palad, ilang blind dates na rin ang inayos niya, pero ni isang babae ay walang nagustuhan si Noah.

Hindi rin niya alam kung ano ba ang tipo ng anak sa babae, at kahit ilang beses pa siyang magtanong, hindi ito sumasagot.

‘Nakakasakit talaga ng ulo!’

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A Hot Night With a Billionaire Stranger   Chapter 4

    Lumabas na ng ospital si Bella dala ang gamot na nireseta ng doktor kanina.Hindi niya lang mapigilan mag-isip. Maganda naman ang panahon, pero bakit sobrang malas niya ngayong araw?Nakasalubong niya ang lalaking ayaw na niya makita. Bukod pa rito, hindi si Noah ang doktor na naka-duty para i-check siya, pero nagpanggap pa ito at pinahubad pa ang suot niyang pantalon.Bigla niyang naalala kung paano siya inutusan nito kanina, maging ang pagkakatitig nito sa pagkababae niya.‘Nakilala niya kaya talaga ako?’Kahit anong mangyari, hindi talaga siya puwedeng magtagal pa rito!Pumara na siya ng taxi, at tumigil ang isang itim na kotse sa harapan niya.Sa pag-aalakang taxi ito ay lumapit ang dalaga, pero laking gulat ni Bella nang isang guwapong lalaki ang nakaupo sa driver’s seat.Isang pamilyar na mukha… Malalim ang tingin, matangos ang ilong, mapulang labi, at umiigting na panga.Kilalang-kilala ito ni Bella.‘Siya na naman?’Nilingon ni Noah ang dalaga. “Get in.”Napakurap si Bella. Ay

  • A Hot Night With a Billionaire Stranger   Chapter 3

    Natigilan si Bella. “Kailangan ko ba talagang hubarin ang pantalon ko?”“Kung hindi mo huhubarin, paano ko makikita kung anong nangyari sa ‘yo?” sagot naman ni Bella.‘Sa bagay, may point siya roon,’ isip ng dalaga. ‘Pero kasi…’Nag-alangan siya. Paano niya ‘yon magagawa sa harap ng isang lalaki? At doon pa talaga sa naka-sex niya kagabi?“Bilisan mo,” utos ni Noah, tila naiinip na.Ilang segundo ang lumipas at sumuko na rin si Bella.Tumayo siya at dahan-dahang humiga sa hospital bed.‘Doktor siya. Wala lang ‘to sa kan’ya,’ pangungumbinsi ni Bella sa sarili. ‘Sanay sila sa ganitong gawain. Maraming pasiyente ang chine-check nila sa araw-araw… Hindi ako dapat mahiya.’Pero habang nasa kalagitnaan ng pag-iisip, natakpan ng isang pigura ang ilaw sa harapan niya.“Pagkahubad mo ng pantalon, ibuka mo ang binti mo.”Biglang bumilis ang tibok ni Bella. Pagkatingala niya, nakita niya si Noah sa harapan. Madilim ang mukha nito, at may kakaiba rin sa mga mata nito.Para bang isa siyang hostag

  • A Hot Night With a Billionaire Stranger   Chapter 2

    Nang makabalik sa apartment, kaagad na kumuha ng tubig si Bella para uminom ng pills.Pagkatapos ay pumasok siya sa banyo at naligo. Hinugasan niya ang sarili mula ulo hanggang paa, na para bang binubura niya ang bakas ng pangyayari kagabi.Pero imposible iyon. Dahil nakita niya ang maputing balat na puno ng mga markang iniwan ng lalaki.Mga kagat ito at pagsipsip.Kahit ang hita niya ay hindi pinalampas ng lalaki.Namula ang pisngi ni Bella. Hindi niya maiwasan murahin ang lalaki sa isip niya.Para itong aso dahil sa dami ng markang iniwan nito.Binuksan na ng dalaga ang shower, at hinayaan niyang linisin ng tubig ang buong katawan niya. Todo rin siya sa pagsabon hangga’t hindi siya bumabango nang husto.Nagluto siya ng instant noodles at humiga sa kama pagkatapos. Sobrang pagod siya at masakit ang katawan.Iniisip niya na baka kapag nagising siya, mapagtanto niyang panaginip lang ang lahat.Ipinikit na ni Bella ang mga mata, at muli siyang nakatulog.***Mahimbing na nakatulog si No

  • A Hot Night With a Billionaire Stranger   Chapter 1

    Sa presidential suite ng isang sikat na hotel sa Maynila, nagkalat ang damit ng isang lalaki at babae. Maging ang mga panloob nila ay nasa sahig na rin. Tanging ungol lang ang maririnig sa buong kuwarto, kasabay ng senswal nilang paggalaw. Magkadikit ang mga katawan nila at hindi mapaghiwalay.Maputi ang balat ng babae na parang perlas. Malambot din ito at mabango.Matikas naman ang lalaki. Kayumanggi ang kulat ng balat nito at maskulado.Nakasuporta ang magkabilang braso nito sa gilid ng babae. Bumabakat ang ugat sa balat nito sa bawat pagbayo.Namumula na ang mukha ni Bella habang patuloy pa rin ang pag-unos ng lalaki sa kan’yang pagkababae. Kanina pa nila ito ginagawa at hinihingal na siya.“Wait, tama na… Please…”Akala niya ay maaawa ang lalaki sa kan’ya, pero mas lalo lang itong nanggigil. Sa halip ay mas bumilis ang paggalaw nito, at sagad na sagad na siya.Birthday ngayon ng best friend ni Bella na si Michelle, at inimbitahan siya nito para sa birthday celebration nila sa For

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status