Share

Chapter 4

Author: Dime Moore
last update publish date: 2026-04-09 09:59:28

Lumabas na ng ospital si Bella dala ang gamot na nireseta ng doktor kanina.

Hindi niya lang mapigilan mag-isip. Maganda naman ang panahon, pero bakit sobrang malas niya ngayong araw?

Nakasalubong niya ang lalaking ayaw na niya makita. Bukod pa rito, hindi si Noah ang doktor na naka-duty para i-check siya, pero nagpanggap pa ito at pinahubad pa ang suot niyang pantalon.

Bigla niyang naalala kung paano siya inutusan nito kanina, maging ang pagkakatitig nito sa pagkababae niya.

‘Nakilala niya kaya talaga ako?’

Kahit anong mangyari, hindi talaga siya puwedeng magtagal pa rito!

Pumara na siya ng taxi, at tumigil ang isang itim na kotse sa harapan niya.

Sa pag-aalakang taxi ito ay lumapit ang dalaga, pero laking gulat ni Bella nang isang guwapong lalaki ang nakaupo sa driver’s seat.

Isang pamilyar na mukha… Malalim ang tingin, matangos ang ilong, mapulang labi, at umiigting na panga.

Kilalang-kilala ito ni Bella.

‘Siya na naman?’

Nilingon ni Noah ang dalaga. “Get in.”

Napakurap si Bella. Ayaw niyang sumakay. Ang gusto niya ay tumakbo papalayo!

“Sorry, hindi kita kilala kaya hindi ako sasakay.”

“Buong gabi tayong magkasama, tapos sinasabi mong hindi mo ako kilala?”

Namula ang pisngi ni Bella at napamura sa isip. Nakilala nga siya ng lalaki.

‘Kung ganoon, bakit hindi pa siya nagsabi kanina? Sa halip ay naghintay pa siya hanggang ngayon?’

‘Hindi kaya ay gumaganti ito dahil sa nangyari kagabi? Sobrang petty naman!’

“I said, get in,” pagputol ni Noah sa pagmumuni-muni niya. “O gusto mo bang dito tayo mag-usap sa kalsada? Gusto mong dito ko sabihin kung paano mo ako inakit nang gabing ‘yon?”

Kinagat ni Bella ang labi at nag-isip sandali.

‘Hindi naman siguro niya ako dudukutin at papatayin, hindi ba?’

Nang makapag-isip ay pumunta si Bella sa backseat at sinubukang buksan iyon, ngunit hindi ito bumukas.

Nanliit ang mga mata niyang sumulyap kay Noah.

“Dito ka sa passenger seat,” utos nito.

Nag-alangan saglit si Bella, pero maya-maya ay binuksan niya na ang passenger seat at pumasok sa loob.

Kaagad niyang naramdaman ang malamig na aura ni Noah. Ngayon ay nasa iisang lugar na naman sila ng lalaking ito.

Pilit isiniksik ni Bella ang sarili sa gilid, at sinulyapan niya ni Noah habang ginagawa iyon.

‘Parang kuneho…’ bigla na lang naisip ng lalaki.

Napatawa siya nang mahina bago in-extend ang braso papunta kay Bella, at katulad ng isang kuneho, napapitlag ang dalaga. Nanlaki ang maganda nitong mata.

Mukha siyang fierce, pero sa totoo lang ay fragile ito. Iyon ang napatunayan ni Noah.

“A-Anong ginagawa mo?” nauutal na tanong ni Bella.

Binawi ni Noah ang kamay. Wala pa ring emosyon ang mukha nito.

“Ipapaalala ko lang na mag-seat belt ka.”

Napalunok ng laway si Bella, tila napahiya. “Ako na… Kaya ko naman mag-isa.”

Dali-dali niyang isinuot ng seat belt, at may napagtanto siya.

Bakit kailangan niyang makinig kay Noah? Pinag-seat belt pa siya nito. Saan ba siya dadalhin ng lalaki?

Binalot na naman siya ng kaba. Nagtanong siya sa mahinang boses, “Saan mo ako dadalhin?”

‘Hindi kaya ay dadalhin na niya ako sa liblib na lugar para patayin? Pero… Hindi naman siguro siya ganoon kasamang tao, ‘di ba?’

Napatingin siya kay Noah na para bang nagmamakaawa ang mga mata.

Mas lalo lang ulit naisip ng lalaki na para siyang maliit na kunehong madaling utuin.

Biglang naisip ni Noah kung paano sinunod ni Bella ang bawat utos nito sa consultation room kanina.

Sinabihan niya itong humiga sa kama, at ginawa nga niya. Pinahubad niya ang pantalon nito, at sumunod ang dalaga.

Pinabuka rin niya ang hita nito…

Napatikhim si Noah habang pinipigilan na mas lumalim pa ang mga iniisip niya.

Sa halip ay tinanong niya ang dalaga. “Alam mo ba ang pangalan ko?”

“Hindi.” Umiling si Bella.

“Hindi mo alam… pero nangahas kang pumunta sa kuwarto ko?”

Bahagyang namula ang pisngi ni Bella.

“Lasing ako noong gabing ‘yon, at nagkamali ako ng napasukang kuwarto,” pagpapaliwanag niya. “Hindi ko sinasadyang pumunta sa ‘yo.”

Tinapik ni Noah ang steering wheel gamit ang daliri. “Sa tingin mo, maniniwala ako sa ‘yo dahil lang sinabi mong hindi mo sinasadya?”

“Hindi ko nga kasi talaga sinasadya!”

Tumaas na ang boses ni Bella.

“Noong gabing ‘yon, pumunta ako sa birthday party ng best friend ko. Nag-inuman kami, tapos nalasing ako. 1012 ang room ko, pero hindi ko napansing 1021 pala ang napasok ko.” 

Kinagat niya ang pang-ibabang labi.

“Isa pa, bakit hindi mo isinara nang maayos ang pinto? Isang tulak ko lang sa pinto at bumukas iyon!”

Kumunot ang noo ni Noah. Oo nga, ano. Bakit nga ba hindi niya ni-lock ang pinto?

Hindi rin niya alam. Nakainom din kasi siya no’n. Ni hindi na niya natingnan ang pinto nang pumasok siya.

Habang tumatagal ang pagmumuni-muni ni Bella ay may napagtatanto siya.

“Sandali nga… Lasing ako no’n at wala akong alam sa nangyayari,” bulong niya. “Ikaw… pinagsamantalahan mo ako habang lasing ako?”

“Wait, what?” Napatingin si Noah sa kan’ya. “Iniisip mong pinagsamantalahan kita?”

“Bakit, hindi ba?”

Napatiim ng bagang ang lalaki. “Ikaw ang kusang nagdikit ng katawan mo sa akin. Sa tingin mo ba ay wala akong gagawin?”

Isa pa ay lasing din siya. Hindi na rin siya nakapag-isip nang maayos noong oras na ‘yon.

Naguguluhan na si Bella. Hindi niya rin talaga alam kung sino ba talaga ang nag-umpisa ng lahat. 

Ganoon pa man, noong mahimasmasan siya, nakapatong na si Noah sa kan’ya habang paulit-ulit siyang inaangkin nito. Sunod-sunod pa.

At kahit ilang beses sabihin ni Bella na tama na, hindi siya nito pinakawalan.

“Anyway, pagkakamali lang ‘yon. Magkunwari na lang tayong walang nangyari…” wika niya. “Don’t worry. Hindi kita guguluhin. Hindi mo rin ako kailangang panagutan.”

Hindi siya nakatingin kay Noah habang sinasabi ang mga bagay na iyon, kaya naman laking gulat ni Bella, dahil nang tumingin siya sa lalaki, mukhang bad mood na ito.

“Uminom ka na ba ng pills?” tanong ni Noah sa malamig na tono.

Tumango siya. “Oo, nakainom na ako.”

“Mabuti naman.”

Imposible nang mabuntis si Bella. 

“Anyway, ikaw…” nag-aalangan na wika ng babae. “Wala kang… Wala ka namang sakit, hindi ba?”

Naningkit ang mata ni Noah. Ano?

“I mean… ano… ‘yong sakit na nakukuha sa pagigipagsex…” Kinagat ni Bella ang labi habang pinaglalaruan ang daliri.

Tila binuhusan ng tubig si Noah sa narinig. 

“First time ko rin iyon, kaya imposibleng may ganoon akong sakit.” Napatawa siya nang mapakla. “Bakit, akala mo ba, ikaw lang ang virgin?”

“H-Ha?” Nanlaki ang mga mata ni Bella. “Virgin… Virgin ka rin?!”

Hindi makapaniwala ang dalaga sa narinig. Guwapo, matalino, at mayaman si Noah. Maganda rin ang pangangatawan nito at magaling pa sa kama.

Kung tutuusin ay nasa kan’ya na ang lahat. Baka nga ang mga babae pa mismo ang nanliligaw sa kan’ya.

‘Pero ang sabi niya… Virgin din siya?’

Ngumisi si Noah. “Bakit. Mukha ba akong maraming experience?”

“Hindi…” Umiling siya.

“So, bakit ka nagulat sa sinabi ko?”

“Kasi ang galing mo sa kama…” Huli na nang mapagtanto ni Bella ang sinabi. “I mean, hindi… Basta… Ano…”

Natawa na lang ang lalaki. “Kung gusto mo akong purihin, sabihin mo lang. Don’t beat around the bush.”

Pinamulahan ng mukha si Bella. Wala na siyang masabi.

‘Pero ang ibig sabihin no’n, hindi ko kailangang mag-alala… ‘di ba?’ isip niya, tutal first time rin ito ni Noah.

“Anyway, since nakapag-usap naman na tayo at nakapag-explain na rin… ikaw… ako…” Tinuro ni Bella ang sarili at si Noah.

Hindi ba dapat maghiwalay na tayo ng landas at bumalik na sa mga bahay natin?

Gusto niyang itanong iyon, pero tila nawala na ang tapang niya.

“Siguro nga at pagkakamali lang ito… pero ako ang dehado rito,” kalmadong sagot ni Noah habang nakatitig sa mga mata niya. “Hindi ba dapat ay panagutan mo ako?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A Hot Night With a Billionaire Stranger   Chapter 4

    Lumabas na ng ospital si Bella dala ang gamot na nireseta ng doktor kanina.Hindi niya lang mapigilan mag-isip. Maganda naman ang panahon, pero bakit sobrang malas niya ngayong araw?Nakasalubong niya ang lalaking ayaw na niya makita. Bukod pa rito, hindi si Noah ang doktor na naka-duty para i-check siya, pero nagpanggap pa ito at pinahubad pa ang suot niyang pantalon.Bigla niyang naalala kung paano siya inutusan nito kanina, maging ang pagkakatitig nito sa pagkababae niya.‘Nakilala niya kaya talaga ako?’Kahit anong mangyari, hindi talaga siya puwedeng magtagal pa rito!Pumara na siya ng taxi, at tumigil ang isang itim na kotse sa harapan niya.Sa pag-aalakang taxi ito ay lumapit ang dalaga, pero laking gulat ni Bella nang isang guwapong lalaki ang nakaupo sa driver’s seat.Isang pamilyar na mukha… Malalim ang tingin, matangos ang ilong, mapulang labi, at umiigting na panga.Kilalang-kilala ito ni Bella.‘Siya na naman?’Nilingon ni Noah ang dalaga. “Get in.”Napakurap si Bella. Ay

  • A Hot Night With a Billionaire Stranger   Chapter 3

    Natigilan si Bella. “Kailangan ko ba talagang hubarin ang pantalon ko?”“Kung hindi mo huhubarin, paano ko makikita kung anong nangyari sa ‘yo?” sagot naman ni Bella.‘Sa bagay, may point siya roon,’ isip ng dalaga. ‘Pero kasi…’Nag-alangan siya. Paano niya ‘yon magagawa sa harap ng isang lalaki? At doon pa talaga sa naka-sex niya kagabi?“Bilisan mo,” utos ni Noah, tila naiinip na.Ilang segundo ang lumipas at sumuko na rin si Bella.Tumayo siya at dahan-dahang humiga sa hospital bed.‘Doktor siya. Wala lang ‘to sa kan’ya,’ pangungumbinsi ni Bella sa sarili. ‘Sanay sila sa ganitong gawain. Maraming pasiyente ang chine-check nila sa araw-araw… Hindi ako dapat mahiya.’Pero habang nasa kalagitnaan ng pag-iisip, natakpan ng isang pigura ang ilaw sa harapan niya.“Pagkahubad mo ng pantalon, ibuka mo ang binti mo.”Biglang bumilis ang tibok ni Bella. Pagkatingala niya, nakita niya si Noah sa harapan. Madilim ang mukha nito, at may kakaiba rin sa mga mata nito.Para bang isa siyang hostag

  • A Hot Night With a Billionaire Stranger   Chapter 2

    Nang makabalik sa apartment, kaagad na kumuha ng tubig si Bella para uminom ng pills.Pagkatapos ay pumasok siya sa banyo at naligo. Hinugasan niya ang sarili mula ulo hanggang paa, na para bang binubura niya ang bakas ng pangyayari kagabi.Pero imposible iyon. Dahil nakita niya ang maputing balat na puno ng mga markang iniwan ng lalaki.Mga kagat ito at pagsipsip.Kahit ang hita niya ay hindi pinalampas ng lalaki.Namula ang pisngi ni Bella. Hindi niya maiwasan murahin ang lalaki sa isip niya.Para itong aso dahil sa dami ng markang iniwan nito.Binuksan na ng dalaga ang shower, at hinayaan niyang linisin ng tubig ang buong katawan niya. Todo rin siya sa pagsabon hangga’t hindi siya bumabango nang husto.Nagluto siya ng instant noodles at humiga sa kama pagkatapos. Sobrang pagod siya at masakit ang katawan.Iniisip niya na baka kapag nagising siya, mapagtanto niyang panaginip lang ang lahat.Ipinikit na ni Bella ang mga mata, at muli siyang nakatulog.***Mahimbing na nakatulog si No

  • A Hot Night With a Billionaire Stranger   Chapter 1

    Sa presidential suite ng isang sikat na hotel sa Maynila, nagkalat ang damit ng isang lalaki at babae. Maging ang mga panloob nila ay nasa sahig na rin. Tanging ungol lang ang maririnig sa buong kuwarto, kasabay ng senswal nilang paggalaw. Magkadikit ang mga katawan nila at hindi mapaghiwalay.Maputi ang balat ng babae na parang perlas. Malambot din ito at mabango.Matikas naman ang lalaki. Kayumanggi ang kulat ng balat nito at maskulado.Nakasuporta ang magkabilang braso nito sa gilid ng babae. Bumabakat ang ugat sa balat nito sa bawat pagbayo.Namumula na ang mukha ni Bella habang patuloy pa rin ang pag-unos ng lalaki sa kan’yang pagkababae. Kanina pa nila ito ginagawa at hinihingal na siya.“Wait, tama na… Please…”Akala niya ay maaawa ang lalaki sa kan’ya, pero mas lalo lang itong nanggigil. Sa halip ay mas bumilis ang paggalaw nito, at sagad na sagad na siya.Birthday ngayon ng best friend ni Bella na si Michelle, at inimbitahan siya nito para sa birthday celebration nila sa For

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status