Share

17

Matapos ng hapunan ay bumalik ako para sa kwarto para mag-impake. Pinili ko ang mga damit na komportable akong suotin. Saka ko na hahakutin ang iba pa.

Habang nag-aayos ng gamit ay isang brown box ang nakapukaw sa atensyon ko. Binuksan ko iyon at nagkalat ang mga sulat kasama ang tuyot na talulot ng mga rosas.

Kumupas na ang tinta ng mga sulat na nasa puting papel.

May sumagi sa isip ko na basahin ang isa sa mga sulat.

"Gusto kong sabihin sayo na nandito lang ako. Ang kaso lang ay hindi pa ko handa na maging para sayo. Dito lang muna ako kung nasaan ako ngayon.

Hindi ako naniniwala sa tadhana. Kung pakiramdam mo ngayon ay para ka sa kanya. Handa akong baliin iyon."

Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin kung sino ang nagbigay sa akin ng sulat noong Highschool ako. Kahit sa isang pagkakataon ay hindi ko manlang siya nahuli.

Nasaan na kaya ang taong ito? Nagpakawala ako nang malalim na paghinga at inimis ang mga sulat. Malamang Kaoree hindi ka na kilala secret admirer mo.

Ang tagal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status