Share

18

Maaga akong nakarating sa tinutuluyan ni Sasha. Sinabi niya sa akin ang password ng condo niya kaya naman nakapasok ako kahit wala siya.

Maganda ang disenyo ng condo na tinutuluyan niya—black and white ang tema ng loob ng bahay. May isang maliit na flat screen TV sa sala at couch para sa mga bisita plus center table na maliit.

Sa parehas na side ng TV ay may sliding window. Kitang-kita ang natural na ilaw galing sa labas. Idagdag pa ang kulay abo na lalong nagbigay ng aesthetic vibe sa loob ng condo.

Sa kusina naman ay may refrigeraton at oven. Sa gitna nito nakalagay ang lababo. Ang mga kasangkapan pangluto ay nasa taas drawer habang ang iba ay nasa ibaba. Hindi man kalakihan pero sapat na para sa apat na taong kakain. May mesa rin at upuan sa gitna nito.

Sa tagiliran, salungat ng pwesto nang refrigerator ay comfort room. May maliit na bath tub pati shower. Nagustuhan ko ang divider para may privacy nga naman ang taong naliligo. In case rin na may isa pang tao na gustong magbanyo a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status