.
Tinapay
Kahit huli akong nakatulog sa kanila ay maaga pa rin akong nagising para maghanda ng aming pagkain kasama na ang dadalhin namin sa hiking.
Naging awkward ang pakiramdam ko ng biglang sumulpot si T.H sa likuran ko para tignan ang aking niluluto.
Bakit naman ganito? Ang lakas ng tibok ng puso ko.
"Masarap?"
What the-ano ba namang tanong 'yan!
Alam kong walang ibang meaning iyon sa kanya pero iba kasi ang takbo ng utak ko.
"Iyong ulam ba?" tanong ko kasi kung ako masarap talaga.
Kapag ikaw T.H mas masarap ka. Sa ganda ba naman ng hulma ng katawan mo at may abs pang bonus.
Tinikman niya iyon gamit ang kutsara . Hindi naman siya umimik para kumpirmahin kung masarap nga iyon.
Naghanda lang siya ng placemats saka mga pinggan. Si Latrelle na bagong dating sa kusina ay humikab pa a
Pasa"Sarap ng tulog? Feeling prinsesa?" sarkastikong sambit ni Jez. Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa balikat niya.Si T.H naman mahimbing ang tulog habang nakapulupot ang binti nito sa isa kong binti.Si Wyn ay nakaunan naman sa braso niya habang naka-earphones. Samantalang ang dalawa sa unahan ay nauna ng bumaba sa sasakyan."Gising na guys! Nandito na tayo!" aniya Jez saka lumabas ng sasakyan.Nagpaypay siya gamit ang kanyang mga kamay. Inabot ko sa kanya ang bag nito kaya naman nagmadali siyang magretouch."Akala niyo naman Baguio ang pinuntahan natin at ganyan kayo makatulog" dagdag pa ni Jez.Sina Marcus at Latrelle naman ay abala sa pakikipag-usap sa mga forest ranger na nakabantay.May ilang grupo ng kababaihan ang hindi maiwasan tumingin sa mga kasama ko lalo na nang lumabas si T.H mula sa sasakyan. Gulo man
Piggy bank Pinagmamasdan ko ang mga puno sa paligid habang iniintay matapos kumain ang apat na lalaki. Si T.H ay nakahiga sa isa mga kahoy na upuan doon.Pumikit ng kusa ang mga mata ko ng umihip ang sariwang hangin. Parang nasa probinsya ako pero ayon nga lang ay hindi ko kasama sina Lolita at Lucky.Namiss kong bigla ang mangahoy kasama ang pinsan ko at kung pinsan ay namumundok kami para magpicnic.Lumuwag na ang pakiramdam ko ngayon dahil nakareceive ako kanina lang ng tawag sa pinsan ko. Putol-putol man ang pag-uusap namin dahil sa hina ng signal ay naintindihan ko ang ilang detalye nito.May nagpadala ng pera kay Lucky kay nakakuha siyang pangbayad sa ospital. Hindi lang 'yun, dahil sumobra ang pera na pangbili ng gamot ni Lolita."Anong kadramahan 'yan? Ang lalim ng iniisip mo?" si Jez na parang kabuteng sumulpot sa tabi ko.Maluwa
BalikatPinagmamasdan ko si Marcus habang mahimbing na natutulog sa kanyang higaan. Si Latrelle ay nakatulog na sa tabi niya dahil sa pagod.Kanina pa niya binabantayan ang kaibigan niyang wala sa katinuan. Kinumutan ko rin si Latrelle matapos kong ayusing ang sarili niyang kamay na ginawang unan.Piniga ko ulit ang face towel ni Marcus sa maligamgam na tubig ng maliit na balde bago muling ilagay iyon sa kanyang noo.Iniwan ko silang dalawa roon upang magpahinga.Hindi kami nakakain ng ayos kanina kaya bumaba ako ng kusina. Wala akong ganang kumain kaya baked mac, graham saka pizza lang ang kinuha ko."Girl, food trip?" Nabitiwan ko ang tinidor na hawak ko. Sinong hindi magugulat sa kaibigan kong nakaputing pajamas at hindi lang iyon puting-puti ang mukha nito dahil sa cream na nilagay niya."Ngayon lang ako magbabawi ng kain" lumabi ako
Costume"Sino naman 'yung mga kasama mo nu'ng isang araw?" hindi ko gusto ang tono ng pananalit niya. Gano'n pa man ay hindi ko na lang pinansin baka masama ang gising niya.Dahil sa hindi ko pagpansin sa kanya ay inagaw niya ang filler ng notebook ko. Kumunot ang noo ko dahil ngayon na nga lang ako muling nagsulat tungkol sa ginagawa kong nobela ay guguluhin pa ko.Masarap sigurong hilahin ang mahaba niyang buhok na hanggang bewang. Tapos gasumitin ang mukhang puno ng make-up gamit ang kamay ko."Bingi ka ba?! Tinatanong ka. Bakit ayaw mong sumagot?" mas lumakas ang boses niya kaya pinagtinginan siya ng mga kaklase kong abala sa kani-kanilang ginagawa.Luminga-linga ako sa paligid. Ang tagal namang bumalik ng dalawa niyang kaibigan. Ako pa ang napili niyang pagdiskitahan. Kahit si Melissa ay wala pa rin.Ngayong oras ay wala ang professor namin dahil may big
Kindat"Hi? Saan school ka?" si Sasha na bigla na lang sumulpot sa harapan ko.Hindi pa man nakakasagot si Latrelle ay may dagdag siyang wika. "I bet sa private ka napasok?"Hindi pa man nakasasagot si Latrelle ay madagdag pa siyang sinabi."Para kasing nakita na kita nu'ng first day of school kasama ni Kaoree"Kanina lang ang taray niya pero ngayon mukha siyang mabait. Mabait naman talaga siya pero hindi siya ganito na palakaibigan ko.Ngayon ko lang siya nakita na siya 'yung unang nag-approach. Sa pagkakakilala ko sa kanya ay hindi naman siya 'yung tipo ng tao na feeling close."Sa Esculastica College ako napasok" maikling sagot ni Latrelle saka siya ngumiti kay Sasha.Kumikinang na parang bituin ang mga mata ng kaklase ko habang tinitigan ang lalaking nasa harap ko. Kulang na lang ay matunaw si Latrelle sa ginagawa niya
Rosélla"Hindi ka talaga gutom?" tanong ni Latrelle na napahawak na lang sa tenga.Kanina niya pa kong pinagmamasdan habang kumakain ako.Umiling lang ako sa sinabi niya dahil abala ako sa pagkain."Nakadalawang bowl ka na ng lugaw tapos may ice-cream ka pang dalawang baso panghimagas mo"Sumingkit ang mga mata ko. "Alam mo ako na lang magbabayad nito. Ang dami mong sinabi"Matapos ng picture keme kanina kasama ng mga kaklase ko ay inaya niya kong kumain sa karinderya na katapa ng school namin. Sa canteen sana kami kakain kaso maagang nagsara iyon.Sumabay rin ang iba kong kaklase. Halos mapanis ang kanilang order. Wala manlang bawas pagkain ng iba lalo na 'yung kay Dessa — ang bakla kong kaklase. Dequito ang totoong pangalan niya pero Dessa ang palayaw niya.Pero kapag dinadalhan siya ng pagkain ng
PagbuhatMaraming tawanan at pagpapakilala ang naganap bago nagsimula ang evening prayer."Wyn, magpapari ka ba?" tanong ng isa sa mga pinsan niya.Hindi hamak na mas matangkad siya sa kanya, payat ang katawan at mahaba ang buhok. Mukhang espanyol dahil sa kanyang mga matang tama lang ang sukat ngunit ang ilong niya ay parang tinulisan dahil sa tangos."Magpapari itong si Wyn, Piper. Hindi ba anak?" agaran na sagot ng Tita Edlyn hindi pa man nakakasagot si Wyn.Matamlay ang ngiti ni Wyn kaya bumalik na lang siya sa pwesto kung saan ako nakaupo kasama ang apat niyang kaibigan.Kumuha lang naman akong tinapay pero may nasagap kaagad akong chismis.Parang lahat ng anghel ay bumaba sa langit dahil sa dami ng magaganda at gwapong nilalang na nasa harap ko."Hi, ang ganda mo naman!" bati sa akin ng babaeng naka baby blue as
YuanMaaga akong nagising dahil sa masamang amoy na hindi ko matukoy kung saan galing.Nang binuksan ko ang pinto ng aking kwarto ay napabulaslas ako. Ilang mura ang nagawa ko sa aking isip ng makita ang basang katawan ni T.H.Mula sa buhok niyang basa naglakbay ang tumulong tubig pababa ng dibdib niya hanggang sa umabot sa dulo ng tuwalya niya.Hindi ko mabilang kung ilang beses akong lumunok habang pinagmamasdan siyang magtuyo ng buhok gamit ang puti niyang tuwalya. Sumasabay sa bawat galaw ng braso niya ang pagflex ng kanyang muscles.Nag-init ang pisngi ko kasabay ng pakiramdam na para bang malalagutan ako ng hininga.Nagkatinginan kami kaya't ilang beses akong kumurap.Napaatras akong bahagya sa aking likuran hanggang sa sumandal ako sa pinto ng aking kwarto.Lumapit unti-unti ang mukha niya saka hinawakan ang ba