Bra
Abala sa kanya-kanyang ginagawa ang tatlong lalaki. Si T.H ay kasalukuyang nasa likod bahay pinapaliguan ang aso nitong kamukha si Polgoso.
German shepherd yata yun. Syempre joke!
Sina Latrelle at Marcus ay abala sa paglalaro nila ng Xbox. Trip nila 'yung sayawan.
"Mas magaling talaga kong sumayaw sayo", aniya Latrelle habang pawisan sa kanyang ginagawa.
"Asa ka tignan mo 'yung score mo", tumawa si Marcus.
"Score lang yan. Pero matigas ang katawan mo. Lamang mo lang sa akin fast-learner ka"
Parehas silang naka fitted na puting sando at naka...boxer shorts!?
Umiling na ako sa iniisip ko. Nilulumot na yata ang utak ko.
Pilit kong nilalayo ang tingin sa kanila pero hindi ko maiwasan lalo na sa pawis na katawan ni Latrelle. Ang abs nito ay bakat sa suot niya.
Lumagok ako at hinagod ang sariling leeg.
Kalma, Kaoree. Abs lang yan!
Saka si Latrelle yan hindi si Wyn kaya kumalma ka. Nagpakawala ako ng mahabang paghinga matapos kong pumikit.
"Magbihis kayo ng ayos", ani T.H na ikinagulat ko.
Sandaling nagtagpo ang mga mata namin. Ewan ko ba pero bakit parang may kiliti akong naramdaman. Pinagsawalang-bahala ko na lang iyon dahil baka na gwapuhan lang ako sa kanya.
Paano ba naman ay wet look siya. Imagine-in niyo 'yun basa ang buhok niya habang sinusuklay ito gamit ng kanyang mga daliri.
Hindi katulad ng mga kaibigan niya-T-shirt ang suot nito at shorts na desente tignan.
"Bakit ka nakatitig?", namataan kong nasa harap ko siya.
Ngayon ko lang napansin na pwede siyang artista. Muli akong napalunok. Parang may bigik sa lalamunan ko. Bigik na nagpipigil na sumigaw ako.
"Uhm. Ano kasi... Wala naman... Bakit masama bang tumitig sayo?"
Ilang segundo niya kong tinitigan ng malamig bago bumalik sa kwarto niya.
Ang dalawang lalaki ay parang walang narinig sa sinabi ni T.H.
"Hoy!", unang sambit ko.
Aba't!? Hindi talaga ko pinansin!
"Hoy!"
Tumigil sila ng pinindot ni Latrelle ang buton sa remote. Ginulo nito ang kanyang buhok at bakas sa mukha ang pagkainis.
"Anong kailangan mo?"
"Sabi ni T.H, magbihis kayo"
Ngumuso si Marcus saka tumaas papuntang kwarto niya. Hindi naman siya nagtagal kaya bumaba rin agad
"Ayoko. Mabanas", pagmamatigas ni Latrelle.
"May babae kayong kasama kaya dapat magbihis ka ng...", napaatras ako ng lumapit siya tinitigan ako ng diretso sa mga mata.
Ang pinaghalong pabango at pawis nito ay amoy ko.
Nag-init ang pisngi ko dahil sa ginawa niya.
"Bakit awkward bang makita akong nakaganito lang?", nanunukso ang tono ng boses niya. Nadagdagan ang init ng pisngi ko.
Sa tana ng buhay ko ay hindi pa ko nakakita ng lalaking naka boxers lang. Kapag nagbabakasyon ako sa probinsya hindi naman ganito ang suot ng pinsan ko. Mas desenteng tignan kumpara rito.
"Relle, tigilan mo na yan", guminhawa ang pakiramdam ko ng marinig ko kung kaninong boses iyon.
Ang kaninang hininga ko na malalagot na ay napigilan.
Umakyat sa taas si Latrelle upang magbihis ng damit na hindi kulang tela. Si Marcus ay humagikhik sa hagdanan. Malamang kanina niya pa pinapanood kung paanong inisin ako ng kaibigan niya.
"Binili pala kita nito", inabot ni Wyn ang paper bag. Bubuksan ko sana pero pinigilan niya ko.
"Sa kwarto mo na lang", ngumiti siya. Ito na naman ang pakiramdam na nasa langit ako.
Anyway, hindi naman ako bumalik aa kwarto. Dumiretso ako sa kusina dahil magluluto ako ng meryenda kasama ang hapunan.
"May pizza akong dala", aniya Wyn saka binaba iyon sa mesa.
Ang problema ko na lang pala ay magluto ng hapunan. Nagsimula akong magluto ng Afritada paborito naming dalawa ni Jez. Ilang buwan na rin kaminh hindi nakakain nito ng sabay. Ang huling kain namin nito ay si Mama pa ang nagluto at kasalo namin si Papa.
Bigla akong nalungkot at kasabay nito ang tuwa dahil kahit papaano ay naipamana sa akin ni Mama ang luto niya. Masarap ako magluto pero mas the best pa rin ang kanya.
Sayang nga lang, hindi niya natikman ang lutong Afritada ng Dyosa niyang anak. Panay kasi siya ang nagluluto. Minsan ay ako pero adobo at tinola ang dalawa sa mga main dishes ko.
Pagkatapos kong magluto. Binuksan ko ang dala ni Wyn. Bakit kaya ganito masyadong mahigpit 'yung pagkakatape?
Gusto ko sanang hindi sirain 'yung lagayan pero sa lakas ng paghigit ng magkabilang kamay ko ay nawasak iyon. Hindi naman lumaglag sa sahig pero nahiya ako ng makita si T.H.
Mabilis pa sa cheetah ang kamay ko. Nilagay ko iyon sa ilalim ng mesa. Malakas ang pintig ng puso ko habanh nakayuko.
"Aray! Napuwing yata ako!", palusot ko. Pero sa totoo lang hindi naman iyon ang dahilan ko.
Bakit hindi manlang sinabi ni Wyn na undergarments ang binili niya!?
Uusok sana ang ilong ko pero siya 'yun hindi naman si Latrelle kaya kumalma agad ako.
Pero bakit niya naman ako bibilhan ng ganito? Sa dami ng gamit ito pa!?
Napahiya na nga ako sa kanya tapos dagdagan pa ni T.H. Ilang beses kong sinuntok ng mahina ang ulo ko.
Aish! Kainis talaga.
"Nagb-bra ka rin pala. Maganda 'yun kulay", hindi ko alam kung puri ba iyon o nang-iinis.
Matapos itabi ang paborito niyang tubigan ay umalis na siya.
Lambot ang paa ko habang naglalakad paitaas ng hagdanan.
"Aray", mahina kong sambit saka hinawakan ang noo ulo ko. Paano ba naman naglalakad akong nakayuko. Ayokong ipakita ang mukha ko lalo't si Wyn ay nakaupo sa sofa habang nakikipagkwentuhan kay Latrelle.
Bukol siguro ito dahil nauntog ako sa pader.
"Nagustuhan mo ba 'yung...", mabilis na umangat ang ulo ko.
"Oo. Wyn, Salamat talaga!", mabilis kong sambit saka kumaripas ng takbo. Narinig ko pa ang sabi ni Marcus na na nagtanong kung anong nangyari sa akin.
Nilock ko ang pinto saka tumayo sa harap ng salamin. Sinukat ko ang mga bili niya.
Pinagmasdan ko ang aking sarili habang nakatuon ang mga mata ko sa bra na binili niya.
"Sakto 'yung size!?"
Hinipo ko ang aking alam holen.
Oo, holen ang tawag ko kasi maliit lang.
Pero paano niya nalaman 'yung size ko?
Hindi kaya....
Kaoree, ano ba!? Kung may taong manyak, ikaw 'yun syempre. Magbibintang ka pa sa iba.
Nagvibrate ang phone ko na nakapatong sa side table.
Jez Ganda
Binili ka namin ni Wyn ng bra. Nagustuhan mo ba?Ngumiwi ako.
Talagang sinama mo pa siya?
-SentJez Ganda
Ay? Galit? Buti nga nahawakan yan ni Wyn bago mo maisuot.Baliw talaga ang isang ito.
Sige na nga. Natuwa naman ako kahit papaano.
----#HIOR----
Hindi ako nakakain ng maayos ng makita si Rosella kaya nag-take out na lang ako ng pagkain. Kinain ko ang egg sandwich habang abalang nagsasagot ang mga bata sa kanilang quiz. Natuwa naman ako sa scores nila dahil lagpas sa kalhati ang pumasa. Naiwan akong mag-isa habang naglalagay ng mga disenyo sa classroom matapos ang ilang oras na klase.Nakangiti ako habang pinapaskil ang mga top 10 sa quiz. Pinapalitan ko kada may activities ang mga nakapaskil sa bulletin board para ganahan silang mag-aral at gumawa ng homework. Alasais na nang hapon ng nakatapos ako.Wala na ang karamihang teachers ng bumalik ako sa faculty. Bawat desk ay tambak ng papel at libro. Binati ko si Manang na nagmo-mop ng sahig. Nagpaalam ako sa kanya na uuna na ko at tumango siya. Sa paglabas ko ng gate naabutan ko si Theo na kumakain ng tusok-tusok. Nakikipagtawanan siya sa kanyang mga estudyante.Napangiti na lang ako ng mukhang masaya siya. Hindi ko akalain na magiging guro siya. Parang kailan lang gusto niyang
Malaki ang pasasalamat namin kay T.H kung hindi dahil sa kanya ay hindi mapapabilis ang gawain namin ni Sasha. Nang gumising kami para mag-umagahan ay nagluto si T.H at hinatid kami ni Sasha sa eskwela.Maaga ang pasok ngayon ni Sasha dahil marami siyang aasikasuhin para sa dancing club na meron siya. Ako naman ay swerte dahil mukhang walang ma-aassign na club sa akin at kung meron man ba ako ay maging Assistant Teacher lang.Nang hinatid ni T.H ang dala kong mga gamit ay hindi maiwasan na pagtinginan siya ng mga estudyante kahit ang aking co-teachers. Rinig ko ang bulungan nila sa bawat table.Napangiti na lang ako ng pinaghinalaan nilang future husband ko raw ang lalaking kasama ko. “Gusto mo bang magkape muna?” Sakto at may bagong stocks ng mga kape sa kusina na binili ng isa sa mga facility rito.“Marami pa kong gagawin. Pero susunduin pa rin kita mamaya.” Mabilis niyang hinalikan ang noo ko saka iniwan akong parang tuod na kinikilig sa aking table. Habang inaayos ang papel ng mga
Nakinig kami sa music habang nag-dr-drive si T.H para ihatid ako sa eskwelahan. Para bang may dinadaga ang dibdib ko at tulo ang pawis ko kahit bukas ang aircon ng sasakyan. “H’wag kang kabahan.” Sabay hawak sa kamay ko pero mabilis kong iniwas iyon. Sariwa pa sa alaala ko ang nangyari kanina.Kung hindi lang natakluban ng pakiramdam ko ngayon ang nangyari kanina ay baka iyon ang isipin ko at halos hindi makasalita sa harap ni T.H. Inabot niya ang bottled water ng mag-red ang stop light.Halos kalhati ng tubig ang naubos ko. “It’ll be alright saka alam kong kaya mo ‘yan.”Hindi ito ang first time na nagturo ako. Maraming kwento si Sasha na maraming estudyanteng bratinela at palaban sa school na iyon kaya nabalot ako ng takot. Kaya siguro may kataasan ang sahod dahil araw-araw ay para bang digmaan sa tuwing nagtuturo kami.Hinaplos ni T.H ang kamay ko at hinalikan ng may pag-iingat ang aking noo. Nakakahiya! Baka namumula ang pisngi ko. “Natural na kabahan ka pero h’wag sobra.”Umatra
NOTE: THIS CHAPTER HAS RATED SPG PART. KUNG MINOR KA PLEASE REFRAIN READING THE ALMOST LAST PART OF THIS CHAPTER.----Kinabukasan ay umuwi rin ako matapos ng pagdalaw ko kila Mama at Papa. Naabutan ko si Sasha na nag–aayos ng visual aids niya. Traditional at modern teaching kasi ang method of teaching namin.Nagpahinga muna ako matapos ng mahabang biyahe. Hindi ako sumabay pag-uwi kay Monique dahil dalawang araw pa siya roon. Matapos ng mahabang tulog ay nag-ayos rin ako nang mga gagamitin ko sa eskwela. Pero wala naman masyadong effort dahil puro discussion muna kami saka reporting.Ang swerte nga ni Sasha at maganda ang schedule niya. Samantalang ako ay tatlong araw na pang-umaga at dalawang araw ang panghapon. Kada lunes ay alas otso ang una kong klase. Pero dahil sa flag ceremony kailangan mas maaga ako ng thirty minutes.Nag-stretch ako ng balikat saka mabilis na naligo. Amoy ko ang masarap na meat loaf at itlog sinamahan pa nang sinangag na kanin. Napapikit na lang ako sa amoy
“Ayan may genie naman pala. Tuparin na ang pangarap ng parents mo. H’wag ng tanggihan ang biyaya.” Humagikhik si Jez nang umupo siya sa likuran namin. Binudbura niya ng pulbos ang mukha at likuran ng kanyang anak saka nilagyan ng bimpo sa lingkod.Kumunot ang noo ko at binaling na lang ang sarili sa pagpapalaman ng tinapay. Nilagyan kong peanut butter saka kinain ang tatlong layers na pinagpatong-patong kong tinapay.“Tubig.” Inabot ng lalaking katabi ko ang baso na may laman na tubig. “Salamat.” Nang hindi manlang siya tinatapunan ng tingin.“Hoy mga babaita! Kumusta kayo! May dala akong chocolates!” Naka-white sleeves at short na maong si Melissa. Bitbit niya ang isang brown na paper bag.Kumpara noon mas humaba ang buhok niya. Nagkalaman din ng mga braso at hita niya. Mas lalong naging porselena ang balat nito. Tumayo ako at niyakap siya. Amoy fresh from abroad. “Huy! Ano? Kumusta naman!”Hindi ako gulat ng makita siya dahil gabi palang ay sinabihan namin siya ni Jez na pumunta.
Walang araw ngunit maulap ngayong araw. Walang hangin pero hindi mainit sa pakiramdan. Nilatag ko ang brown na blanket at nilagay ang picnic basket. Habang ang trashcan ay nasa tabi ng punong narra na siyang nagbibigay silong sa pwesto namin.Nakakapagtaka at hindi mataas ang damo sa paligid kahit ilang taon kaming hindi nakadadalaw.“Jaycee! H’wag takbo nang takbo!” Saway ni Jez sa anak nito. Kararating lang namin pero parang kinahig na nang manok ang buhok ng kaibigan ko. Habol doon. Habol dito ang ginawa niya. “Momma! Ganda!” Wika nang paslit habang hawak ang lollipop niya sa pagtakbo. Sinundan niya ang dalawang paru-paro na tila ba naghahabulan. Dumapo iyon sa ilang bulaklak na nakahanay malapit sa puntod nina Mama at Papa.Hinawi ko ang mga piraso ng tuyong dahon.Nagsindi ako nang dalawang kandila katabi ng mga bulaklak na binili namin ni Jez sa labas. Nilabas ko ang picture frame nina Mama at Papa. Nakaupo sila sa batuhan habang nakaakbay si Papa kay Mama. Labing limang taon