Share

Chapter 18

Chapter 18

Instinct

Pigil hininga si Dynee habang nakayuko at nakatitig sa kamay ni Oliver na nasa tabi lang ng kamay niya. Kinakabahan siya sa mga nangyayari. Baka makahalata ang amo niya na may koneksiyon siya at ang mga tiyahin nito.

“N-Napag-usapan kasi namin ang tungkol sa pagbisita ninyo nitong assistant mo sa field. So, I was asking about the situation and about the meeting agenda. Right, Dynee?”

Napaangat agad siya ng tingin at nagsalubong ang mga mata nila ni Oliver. “Y-Yes, po. It’s true.”

“So, what’s the situation again, hijo? Ikaw na lang ang tatanungin ko, since nandito ka na naman.”

“Dynee suggested unique designs. Nagustuhan naman ng clients. So, she’s here with me to work on her actual layout,” sagot ni Oliver sa tiyahin.

“Kaya pala nandito siya sa bahay mo.” Nakangiti na si Tita Carolina habang tumatango.

“Wow! How impressive you are, dummy. May talent ka pala sa mga layouts na iyan. Pinapahanga mo masyado itong pamangkin ko. Good job, Dynee. Good job.” Pumala
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status