Share

Chapter 5

Makeover

"HEY, hey... Wait a minute... A-Ano hong gagawin natin sa loob na salon na 'yan? A-Ano ang kinalaman ng salon sa deal natin Tita Car, Tita Carrot?" Nagtatakang tanong agad niya nang nasa harap na nang parking lot ng salon ang kotse ng mga ito.

"Well, Darling. We are here for your new outlook. Come, come, come... I am really excited right now. Get out of the car, now."

"Slow down, Carrot." Pagsaway nito sa kapatid. "Come, Ija at marami pa tayong lalakarin mismo sa araw na ito." Lumabas ng sabay ang dalawa na parehong nasa front seat.

Transformation? How is that? Why? do I look horrible, ugly or bad? Uhfff... Dynee, no one can answer you here... Lumabas ka at tanungin mo sila.

Agad na siyang umibis sa kotse nang katukin na siya ni Tita Carrot sa labas ng pinto.

"Hindi pa ho ba sapat ang hitsura ko at kailangan ninyo pa akong ipa-salon? Am I not look attractive? Pangit ba ako? Pangit?" Tanong agad niya pagkalabas ng kotse.

Pinasadahan siya ng ginang ng tingin mula ulo hanggang sa paa niya. Saka ito umiling. "No. But this is necessary, Ija... You should look more beautiful in his eyes." Nakakindat na tugon ng ginang sa kanya.

"Yuh, but for me, pangit ka, sobra. Kaya nga kailangan mo magpaganda. Para kaakit-akit ka sa paningin niya. Hmmp!" Ang tugon naman ng bakla sa tanong niya na pinasadahan din ang kabuoan niya. "Eiw, blouse, pants and rubber? So unlady like."

Sinamaan niya ito ng tingin saka sinipat ang sarili sa side mirror ng kotse. Pati ang suot niya ay pinasadahan niya.

"Excuse me... but simplicity is beauty. And the side mirror of your car can't tells some lie. Maganda raw ako at 'yon yung bulong niya sa akin. Yung nagmaneho daw ang pa--"

"Don't dare pissed me off, darling... Don't dare!" Ngumiti ito na may panguuyam sa kanya.

Napatango siya at napatawa rito ng bahagya. "Pardon... Aaay---"

Napasinghap siya at napatili ng walang pasabi na hinila-hila siya sa magkabilang braso ng dalawang magkakapatid papasok sa sikat na salon na iyon.

"Teka ho... Teka."

The sliding door automatically opens up for them. "Good Morning ma'am, sir. Welcome to Davis Salon." Nakangiting pagbati ng mga staff sa kanilang tatlo.

"Oh, hi ma'am Carolina, hi Carrot. Welcome again to our salon." Pagbati ng pinaka manager na bakla sa dalawa saka b****o ang mga ito sa isa't isa. Saka naman magiliw na napatingin sa kanyang direksyon. "Hi pretty dummy girl, welcome."

"Thanks." Napangiti siya ng tinawag siya nito ng ganoon.

"Ali, just call her Dynee. Girl, this is tita Ali, siya mismo ang personal na magaayos sa'yo at magpapalabas ng totoo mong ganda. Ali, she is our subject last night, so alam mo na kung ano ang ayos na babagay sa kanya."

"Of course, leave it to me, darling. Maalam ako sa mga new look na babagay kay dummy girl." Sagot naman nito na nakakindat pa. "Come, come, dummy..."

"Aayy---" Napahakbang siya ng hilahin nito ang braso niya at iniupo siya sa isang VIP area ng salon.

Sumunod naman ang dalawa at naupo rin ang mga ito sa bakanteng upoan sa magkabilang gilid niya.

Katulad niya ay inayos rin ng ibang stylish ang mga buhok ng mga ito. At tulad niya, may nagpi-pedicure rin sa mga kuko ng mga ito.

"Halaka, ang buhok ko, a-ano ho ang gagawin mong gupit sa buhok ko Tita Ali? My God, my hair..."

Hindi na niya ito naabutan ng agad siya nitong ginupitan. Ang makulot na mahabang buhok niya ay naging lagpas balikat nalang.

"Darling, please do not complain immediately. Later, makikita mo ang Ali's creation ko sa katauhan mo. Sureness, you will love your new you." Nakakindat nitong pagkakasabi sa kanya sa harap ng salamin.

Hindi na nga siya kumibo at nanghihinayang nalang niyang tinitigan ang two inches niyang buhok na ibinawas nito sa kanya. After cutting her hair ay sinabi nitong gagawin iyong curly to wavy hair. Kung saan mas bagay sa kanya ang aura. Kinulayan rin nito iyon nang hindi niya alam kung anong klaseng kulay.

She been waiting for the results, but before anything else ay inayos rin ng kasama nitong bakla ang kilay niya. Inayos iyon at ibinagay sa mukha niya ang hugis. Tinuruan rin siya ng mga ito kung paano ang tamang pagkikilay at ang tamang kulay na mga makeup na babagay sa hugis at kutis niya.

After almost four hours, natapos rin ang total makeover ng mga bakla sa kanya. Napapakurap siya nang makitang nagsipalakpakan habang namamangha sila Tita Car, Tita Carrot, Tita Ali at saka ang iba pang kasamahan ni Tita Ali sa Davis Salon.

"Bombay..." Tili ng mga bakla saka natutuwang nagtatalon sa successful kuno na transformation niya.

"Darling, why not turn around and scan yourself in front of that mirror." Tinig iyon ni Tita Car.

"Yes Sweetheart, look what we did. Welcome mo na ang new look mo. Ihhh, hawig na tayo at manang-mana ka na sa akin."

"Ayy... Mana talaga sa'yo, Tita Carrot? No, no... mas prefer ko ang talagang ako hindi yung magiging katulad mo."

"Aba, abah... Ang arte ng bata huh! Parang sinasabi mong walang dating itong kagandahan ko?" Napatawa nalang siya ng pinameywangan siya nito sa kanyang harapan at tinaasan ng kilay.

"Sige na sige na. Iikot mo na 'yang upuan mo't tignan at mamangha sa sarili mo. Come on, dummy girl let me see and hear your reaction now. Now na!" Segunda naman ni Tita Ali sa kanya.

Bumuntong hininga siya ng malalim saka unti-unting humarap sa katapat na malaking salamin.

Nanlalaki bigla ang mga mata niya ng makita ang bagong hitsura. "W-What... Halaka, halaka! Bakit, goodness! Tita Ali, ano ang ginawa n'yo sa buhok ko? bakit ganito ang kulay nito? Bakit kulay---"

"It is radiant burgundy, dummy. Well, welcome for your word of thank you. Yuh, you are very much welcome." Natutuwang untag ni Tita Ali na may halo pang ngisi at pagtango habang sinisipat ang mukha niya sa harap ng salamin.

"Girl, welcome your current self." Ang ganda-ganda mo mas umangat pa 'yang kaputian mo. Mana ka talaga sa akin."

"Patay... Paano mo ito mai-explain kina Lola, Dynee? Uuhf! Uuhf!" Mahinang untag niya sa sarili habang nakatanaw sa namumulang buhok niya.

"Is there is any problem, Darling?" Tanong sa kanya ng ginang.

"Marami... I-I mean, w-wala ho." Napapakamot sa ulong sagot niya.

"Ate, Ali... Come, let's have lunch na."

"Ay, bet ko 'yan lalo at naubos ang inerhiya ko. Come on, Tita Car, nagutom talaga ako sa dummy na ito." Tukoy ni Tita Ali sa kanya.

"Then let's go. Dahil later busy na naman tayo sa outfit niya." Nakangiti naman tumayo ang ginang. "Come, darling."

"K-Kasama pa ho ba ako?"

"Of course, girl. You are our subject here, so wherever we are, dapat nandoon ka rin at nakasunod. Now, get up and you may follow us."

"Come here, my beautiful Dummy. Come, come to mommy." Hila-hila siya ni Tita Ali sa braso hanggang sa parking lot.

Nag tanghalian nga sila sa isang sikat na seafood restaurant ng isang shopping mall. As usual, ang dami-dami na namang pagkain sa mesa nila sa mga oras na iyon. At ang halos lahat ay sa dalawang bakla. Pinagkatuwaan pa siya ng mga ito sa paglalagay ng pagkain sa pinggan niya.

"Hey Carrot, Ali. May balak ba kayong patabain itong si Dynee? Please no, okay?" Inalis naman ng ginang ang ibang pagkain na nasa plato niya. "Darling, kumain ka lang ng tama. Siguraduhin mong hindi ka tataba, okay?"

Tumango siya at ngumiti. "Don't worry Tita, mabilis ang metabolism ko sa pagtunay ng kinakain ko. Kaya kahit kainin ko ang lahat ng iyan, NO to fats parin ang katawan ko." Pagmamalaking untag niya sa ginang.

"Ay, sana all may ganoong metabolism." Sabi ni tita Carrot.

"Oh, how nice. Mapapa sana-all nalang tayo, Carrot. How unfair is God, sis. Bakit hindi ganoon ang metabolism natin. Kahit pa mamamatay na tayo sa everyday workout and diet, ganito parin ang katawan natin. How I wish I have a dummy perfect body like our Barbie girl, Dynee."

"Yeah, how I wish, sis. Palit nga muna tayo ng katawan girl."

"Ayoko nga. Ayoko ng mataba. Ayoko maging hi-blood at ayokong may layer-layer ng taba sa katawan ko. I prefer to be dummy, so lightweight and I can also dressed confidently." Nakakindat niyang untag rito.

"Hala s'ya... Hi-blood agad?" Tita Ali.

"Girl, you are so rude! Nakakasakit ka sa mga bilbil at mga taba namin huh!"

"Well, she is right, Carrot and Ali. You two must monitor your blood pressure and weight, nagkakaroon pa naman talaga ng hi-blood ang mga overweight."

"Tama ka Tita Car. Isa pa, kahit hindi na summer ngayon dahil beer months na, may nababalitaan parin akong may nahi-heatstroke sa sobrang kainitan."

"Aay... Mga matatanda nama 'yon, Dummy."

"Girl, do we look old now? My God, I am only 35 years old. Ate Carolina, look... May mga kulobot na ba ako sa mukha ko?"

Nagaalalang agad nagsalamin si Tita Carrot at Tita Ali. Sinuri ng mga ito ang mukha sa compact mirror.

"Salbaheng bata, wala naman ah." Tita Carrot.

"Wala rin ako, sis." Segunda naman ni Tita Ali.

"Bakit, may sinabi ho ba ako na matatanda na kayo? Diba wala. Oh, don't be paranoid mga magagandang Tita ko. Kahit pa mataba kayo o may edad na, for me, sexy parin naman kayo at ang gaganda't bagets pa kayo na tulad ko." Pang-uuto niya sa mga ito habang ngumunguya ng mabagal.

"Talaga? Weh, hindi nga?" Sabay na react ng dalawa.

Tumango siya at matamis na ngumiti sa mga ito. "Oo nga, I swear, puwera biro." Sabi niya sabay subo ng finger food na hipon sa mga bibig ng mga ito.

"Oh, how Sweet you are my dummy girl. Thank you."

"Eh... Kung ganyan ka ba naman parati, girl. Tiyak ay magkakasundo tayo."

"Ah... Edi, kailangan ko pa palang maging mahusay sa pang-uuto, ng sa gayun ay magkasundo tayo parati."

"May sinasab ka diyan?" Napakalakas na tanong sa kanya ni Tita Carrot, kaya ang iilang tao sa paligid ay napalingon sa kanila. "Pardon." Tinakpan nito ang mukha at lumingon sa akin. "You are only the person who make me raise my voice."

"Ah, ah. Tita Carrot, wala akong ginagawa sa'yo para tumaas 'yang boses mo sa akin. Maybe you are insecure to me, that's why..." Napapatawa nalang siya at itinuloy na muli ang pagkain ng pananghalian.

"Ah, ah... Ako, ako... Insecure? Look at that---" Hindi na nito natapos ang sasabihin ng subuan niya ito ng pagkain.

"Eat, eat, pretty eat."

Ang akala niya ay tapos na siyang i makeover ng mga ito, hindi pa pala. Pagkatpos nila sa restaurant ay tumuloy naman sila sa ladies sections. Nauna sila sa mga makeup and accessories, ibinili siya ng mga ito ng kung anu-ano kahit pa todo siya sa pagtanggi. Hindi na kasi niya iyon kailangan dahil sa makeup dealer naman siya. She can provide her needs kapag makeup ang usapan. Ngunit hindi parin nagpaawat ang mga ito. Pati na hair blower, iron and curler ay nag provide ang mga ito.

"A-Anong gagawin natin dito?" Nagtataka na naman siya ng hilahin siya ng tatlo sa apparel area.

"Aayyy, manonood tayo dito, manonood lang." Pamimilosopo ni Tita Carrot sa kanya.

Umirap siya rito. "Masungit, may regla."

"Dummy, nandito tayo dahil bibihisan ka namin ng marangal." Kumunot ang noo niya rito kay Tita Ali. "I mean, you have to fit some random girly clothed. Alam mo na, para sa total makeover na gagawin sa'yo."

"Yea, Darling. Anyway, please follow the sales Lady. Siya na ang bahalang maga-assist sa'yo sa fitting area." Untag ni Tita Car, habang ang mga kamay nito ay pinapasadahan ang mga damit na naka hunger. "Include this miss, I'm sure this one will be fitted with her."

Wala siyang magawa ng pinapasukat ni Tita Car sa kanya ang mga damit na napili nito at ni Tita Carrot at Ali. Siya inip na inip sa pagsusukat ng paisa-isang damit. Habang ang mga ito ay nakaupo lang sa couch at naghihintay sa kanyang paglabas sa fitting room.

Halos lahat ng sinukat niya ay tinanguan ng mga ito. Kaya halos lahat ng mga dress, skirts, high waist pants, sexy blouse and high heels, stilettos na bumagay sa paa niya ay binayaran lahat ni Tita Car.

Ang malaking alalahanin niya ay hindi nalang pala sa buhok at damit siya maga-adjust, kundi pati narin pala sa pagsusuot niya ng matataas na takon sa araw-araw.

Uhf! Deal pa Dynee, deal pa. Haiz, paano ko sasabihin ito kina Lola. Magtataka sila ng bongga sa bagong anyo kong ito. Uhf, Dynee, Uhhff!

"IJA, I already arrange your resume and I already send it to Nessa. And here, get this as your copy. Scan and familiarize. Listen, that will be your new personal resume. Kaunti lang naman ang nabago diba? About lang sa skills and education attainment." Untag nito pagkababa ni Tita Ali sa harap ng Davis Salon.

"Pero Tita, paano kung hindi ko mapanindigan ang pagiging personal assistant ng pamangkin ninyo ho? Paano kung--"

"Girl, are you aware that you are complaining immediately? Nakakaloka, hindi pa nga nagsisimula, suko na agad?" Untag ni Tita Carrot.

"No, hindi sa ganoon. What I mean is, paano kung mabubuking agad ako, yung tipong malalaman din ng pamangkin ninyo na hindi naman talaga ako graduate ng secretarial coarse. Oh, diba? Paano ko lulusotan 'yon?"

"He will never found it, basta maging komportable ka lang sa magiging trabaho mo at mga kilos mo. I know you will make it. Magaling ka kayang mag sales talk, so I know that you really managed it well, Ija."

"Believe! That should be your lucky word. Just believed in yourself, okay girl?"

Tumango siya sa mga ito. "Okay, I can do it. Will believe to myself." Whoa! Napahinga siya ng malalim. "Uhm, matanong ko ho. Sa ngayon may assistant pa yung pamangkin ninyo, right? So, paano ako papasok sa eksena at magiging assistant ng pamangkin ninyo?"

"Don't be worried about it because we had already managed that situations. Just get ready on Monday. Prepare yourself and be confidently play on our deal, okay Darling?"

Tumango-tangon siya sa ginang. "I-I hope I can handle this deal well."

"Ah, ah... You really have because we already invest a big amount of money into this mission. Kaya dapat hindi ka papalpak sa gagawin nating laro."

Napalunok siya. "O-Okay Tita Carrot. H-Hindi ko kayo bibiguin at hindi ko sasayangin ang malaking halaga na nagastos ninyo para dito sa deal na ito." Sagot niya na puno parin ng pangamba sa pinasok na eksena.

"Anyway, you will get your another payment once you did it. You successfully did it."

Tumango nalang siya ng tumango sa sinasabi ng mga ito, kahit pa sa ibang sinabi ng mga ito ay wala na siyang masyadong maintindihan. Her mind occupied in the other way. Kaya napapaisip siya ng malalim habang nasa biyahe sila pauwi sa bahay nila mismo. Kailangan kasi siyang ihatid sa bahay nila ng hapong iyon, iyon ay dahil sa napakarami niyang bitbit na paper bag pauwi sa bahay nila.

Pagkalapag niya ng lahat ng mga damit, sapatos makeup, bag at iba pa ay nahahapong nahiga na muna siya sa kanyang kama para magpahinga. She gladly know that her Lola and sister is not home. Kaya hindi siya matatanong ng Lola niya about sa napakaraming bitbit niya pauwi.

I obliged to make some lies in able to gain this house. Diyos ko, hindi naman siguro kasalan ng malaki itong gagawin ko, diba? Tinulungan nila ako sa problema ko, at matutulongan ko rin sila sa mga gusto nilang mangyari. Hayz, I know this is betrayal, deception and gamble against the person who is innocent. At yung pamangkin nila ang gusto naming paglaruan.

God, I hope this is not big trouble... I hope so...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status