Share

Chapter 4

Accept

ILANG minuto na siyang nakaupo sa gilid ng kanyang kama habang ang mga mata niya ay nakatingin lang sa isang maliit na papel na nasa maliit na tokador niya.

Bumuntong hininga siya saka tumayo at lumapit sa tokador.

Ano na ang gagawin ko? Bukas na ang huling araw ng palugit namin dito sa bahay? Oh God, ano na ang gagawin namin? Ni hindi pa kami nakahanda kung sakali man sa lilipatan naming bahay.

God, God... Tama bang kumapit ako sa patalim ngayon?

No.

Agad niyang inilapag sa tokador ang calling card na hawak-hawak.

Hindi ko kailangan 'yan. Hindi ako mangloloko ng tao para lang-- Uhff! Paano naman ang pamilya ko? Paano namin mababawi ang bahay at lupa naming ito? Dito na kami halos lumaki na magkakapatid. Diyos ko, ano na ang gagawin ko? Nangako ako kay Lola, Kuya at Prinses na gagawa ako ng paraan. My God...

Katok sa labas ng kanyang silid ang nagpatigil ng kanyang isipin. Napangiti siya ng bahagya nang makita ang kanyang Lola sa bukas na pinto.

"Matutulog ka na ba apo?" Tanong nito habang nakatayo lang sa may puntuan.

Umiling siya. "Pasok po kayo, La." Humakbang siya at muling naupo sa gilid ng kanyang kama. "Upo po kayo dito." Pinagpag pa niya ang katabing iniupuan.

Naupo naman ito at nagulat pa siya ng niyakap siya nito ng mahigpit. "Apo ko. Huwag na nating pilitin kung wala talaga. T-Tanggapin nalang natin na mawawala sa atin ang bahay na ito."

"Lola..."

Umupo ito saka masuyong hinaplos ang kanyang pisngi at makulot na buhok. "Ayoko kasing mahirapan pa kayo ng Kuya mo sa paghahagilap ng pera. Wala na tayong magagawa pa apo."

"P-Pero Lola, alam ko po na mahalagang mahalaga sa inyo itong bahay. Dito kayo bumuo ng pamilya ni Lolo at ito lang ang tanging naiwan niya sa'yo. Alam ko na hindi po ninyo ito kayang bitiwan."

Bumuntong hininga ito at saka muli siyang niyakap. "Wala na naman akong magagawa, apo. Isipin nalang natin si Prinses. Dahil dito, nadugtungan pa ang buhay niya."

Tumango-tango siya habang hinagod-hagod ang likod ng kanyang Lola.

"Apo... Nailigpit ko na ang ibang gamit natin dito sa bahay. Para bukas, mabilis nalang ang pagaalsa-balutan natin. Naupahan na rin ng Kuya mo ang Jeep na pangpasahero ng kakilala niya." Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. "Kilos na apo, daliat tutulongan na rin kitang magligpit ng mga gamit mo."

"Hindi." Nagtataka ito sa sinabi niya. "Ibig ko pong sabihin, a-ako na po. Pagod na po kayo at ang kailangan mong gawin Lola ay ang magpahinga na muna. Come, come, ihahatid ko na kayo sa silid ninyo ni Prinses." Inalalayan niya itong tumayo at inihakbang patungo sa kabilang silid.

"Dynee--"

"Lalo... Please, huwag matigas ang ulo ninyo, okay?"

"Sige na nga, magpapahinga na ako." Sang-ayon nalang nito.

Maingat itong tumabi sa natutulog niyang kapatid. Nang makahiga ay kinumutan na agan niya ito at inayos rin niya ang kumot ng kapatid.

"My Angel..." Untag niya saka maingat na humalik sa noo ni Prinses. Humalik rin siya sa noo ng kanyang Lolo. "Good night, La." Tumango lang ito habang nakapikit na ang mga mata.

Napapabuntong hininga siya. Alam kasi niyang nangangamba at nalulungkot ito sa sinapit nila ngayon.

Pangako Lola, ibabalik ko ang titulo ng bahay ninyo. Hindi ko hahayaang panghuling gabi na natin ito sabay nating ito. Gagawa ako ng paraan. K-Kahit pa... sa maling paraan.

Pagkapasok niya sa kanyang silid ay dinampot na agad niya ang calling card at habang may lakas loob pa siya, tinawagan na agad niya ang may-ari ng contact number na iyon.

Minsan lang naman ito. Minsan lang din ako gagawa ng mali. Tama. Dynee, hindi ka santa. Minsan kailangan rin nating gumawa ng mali kapag kinakailangan. Tama, yun nalang ang isipin mo. Untag niya sa sarili habang hinihintay na sumagot ang sa kabilang linya.

"I'M glad that you finally call me last night, Ija." Untag ni Mrs. Acemzade sa kanya pagkapasok nila sa isang restaurant.

"See what I told you ate, tatawag din siya sa'yo." Untag naman ng baklang kapatid nito saka naupo sa isang sulok ng napiling mesa nito.

"You may seat down, Ija." Alok ng ginang sa kanya sa katapat na inuopuan ng mga ito.

Naupo naman siya at medyo kinakabahan sa kanyang pakikipagkita sa mga ito. "H-Hindi na ho ako magpaliguy-ligoy pa." Unang salitang namutawi sa kanyang bibig pagkaupo sa katapat ng mga ito.

"Let us order our meal first, before anything else."

"No, no. No need ma'am." Umiiling niyang tanggi.

"Just tita Car, Dynee, okay? And I don't accept no answer for this meeting."

"U-Uhm, "

"Girl, don't feel ashamed because starting today, kailangan mo ng ipanatag ang loob mo sa mga araw na magkikita tayo para sa mga details. Well in my opinion, it is obvious that you already accept our deal." Feeing nakakasiguradong untag ni Carrot sa kanya.

"Ija, come on. Tita Carrot is right, you have to learn to feel comfortable with both of our company. Now, the waiter is coming. Kindly seat properly and open the menu?"

Kumibot-kibot ang labi niya sa segunda ni Tita Car. "Eh... Okay." Wala na siyang nagawa kundi ang sumang-ayon.

Paunti-unti ang pagsubo niya ng pagkain habang ang mga mata ay pasimpleng napapatitig sa ganadong-ganado na si Carrot. Napapalaki ang mga mata niya dahil sa daming pagkain ang in-order nito.

"What are you looking at, girl?" Umiling siya na medyo napapangiti. "Bakit ka natatawa?"

"N-Natatawa? Hindi naman ah."

"Uhff... I know why you are laughing." Sabi nito sa akin.

"Hmm?"

"O ayan!"

Nanlalaki ang mga mata niya nang walang tigil ito sa paglalagay ng pagkain sa pinggan niya na halos walang laman.

"Halaka, ano 'yan?"

"Girl, kumain ka ng kumain at ng magkalaman ka ng kahit kaunti." Sabi nito nang tumigil sa kakalagay ng pagkain sa kanya. "Ay... Alam mo ba, mas maganda 'yang katawan mo kapag may kaunting taba."

"No-way, kontento na ako sa katawan ko at ayako magawa sa'yo. Kulang na lang ay le-letchonin na." Mahina at pabulong-bulong niyang sabi.

"Letchonin?"

"Oo. Ay--- I-I mean. No... w-wala akong sinabing ganyan ah." Umiling-iling siya sa nanlilisik nitong mga mata. "Ay, tita Carrot---"

"Hindi kita pamangkin, kaya huwag mo akong matita!"

"E ano ho. Uhm."

"Carrot..." Tawag ng kapatid rito. "Let her addressed you that way. And please, don't mess this lunch meeting. Kumain ka na diyan." Saka naman sa kanya lumingon ang ginang. "Eat well, Darling. Mamaya na natin pagusapan ang tungkol sa agenda natin." Sabi nito saka ngumiti sa kanya.

Tumango naman siya at nag sign peace sa bakla.

"Eh...???"

Napatingin siya sa bakla matapos kuhanin ng mga waiter ang kanilang pinagkainan.

"Speak, Ija." Sa ginang naman siya napasulyap.

First, she cleared her throat and sighed deeply. "Kailangang kailangan ko ho ng 250.000 Cash. So, tinatanggap ko na ho ang offer ninyo sa akin."

"Perfect, that's good." Sabi ng bakla.

Ngumiti naman ang ginang at may inilabas na kapirasong papel sa loob ng bag nito. "As I expected. Here's your cheque." Napapalunok namang tinitigan niya iyon. "Get it, Ija. It's yours now. Come on."

Napapahinga siya ng malalim saka iyon tuloyang tinanggap. Napapakurap siya ng makita nga roon ang halagang kailangan niya.

250.000, may pangtubos na ako sa bahay namin. God, salamat...

"250.000 in exchange for a love deal." Napalunok siya sa binigkas ng ginang. "Thank you for accepting this offer."

Inilahad nito ang kamay at tinanggap naman niya iyon.

"Eh, when we start the makeover Ate?" Tanong ng bakla.

"M-Makeover?" Nagtataka niyang tanong rito.

"Yes. We were start it tomorrow morning. Let's meet tomorrow 08:00 Am sharp."

"P-Pero may pasok--"

"Starting tomorrow, you will only work with us, Ija. No buts, nor excuse, just yes. Understand?"

Napalunok siya saka napapatango ng bahagya. "S-So mean, hindi na ako magtatrabaho--"

"Exactly what my sister says. Anyway, wala ka namang trabaho, right? As we knew, you have no boss to deal with because you are the only boss on your own job. Yes, you are a dealer of the beauty products, and recently working as an agent--"

"Wait a minute. How do you know it?"

"Girl, have you already forget? Or something your a retard."

Sinamaan niya ito ng tingin. "Iyang bunganga mo talaga, hmp! Okay, naalala ko na. Oo na at binackground check ninyo ang buhay ko. Malamang alam ninyo rin na may Kuya, bunsong kapatid at Lola ako at saka pati siguro pinaka secret ko nalaman ninyo, ang part na iniwan kaming magkakapatid ng mga magulang namin sa puder ng Lola ko a-at ang tungkol sa pagsangla ng bahay ng Lola ko?" Natanong niya sa mga ito saka umirap sa bakla.

"Yes, everything Ija. But oh, we're sorry to heard about your family problem."

Bumuntong hininga lang siya at tumango sa ginang.

"Girl, pati na ang tungkol sa latest na mangliligaw mo. Look, girl. We already hired you for this love deal. So, dapat naka reserve ka na sa pamangkin namin in a meantime. So in a meantime, no lovelife ka muna--"

"I don't need a lovelife, kaya makakaasa ka hong naka RESERVE ako!" Agarang sagot niya.

"Good." Nakataas kilay ito sa kanya. "Don't worry darling, in just a meantime lang naman... Dahil kapag---"

"Carrot, let me to that subject." Agaw ng ginang sa bakla.

"Ay... Oo nga pala. Girl, my sister will explain you everything. Go ate. It's your turn now. Ay, but anyway... I also feel pity girl. Really I am."

"H-Huh?" Bigla siyang nagtaka sa biglang paglambot ng mukha nito sa kanya. Mas pinagtaka pa niya nang tumayo ito at yumakap sa kanya.

"Girl. I am sorry to hear that you and your siblings came to a broken and unhappy family. I admire you, really I am." Sabi nito na ikinaantig ng puso niya. She felt it, that he is sincere to what he was saying. "Ate and I know how sad life is without our both parents." Sabi nito at saka umupo sa tabi niya.

May bait din pala 'tong baklang ito. Akala ko, sasalbahiin na ako nito palagi e.

Napabuntong hininga siya at may lungkot at pait siya naramdaman sa sulok ng kanyang puso. "U-Uhm, matagal na panahon na yun. Walong taon na simula nang pareho nila kaming iniwan sa puder ni Lola, kakapanganak nga lang sa bunso kong kapatid noon e." Pilit niyang ngumiti sa harap ng mga ito. "Matagal na, kaya nakausad na rin kami sa mga sakit na naidulot niyon para sa aming magkakapatid." Mas ngumiti pa siya sa mga ito. "Now, I am listening to our deal here. Speak, tita Car, tita Carrot."

Let him fall for her deeply.

Let her be his girlfriend, woman and wife.

And in the end, divorce him.

Napapaawang ang labi niya nang mapakinggan niya ang lahat na mga plano ng mga ito at mga bunga kung sakaling magpupunyagi sila sa usapan nilang iyon. Napapakurap ang kanyang mga mata. Ang buong akala kasi niya ay magpapansin lang siya o aakitin ang pamangkin kuno ng mga ito na pihikan sa babae. Pero mali siya, hindi lang pala iyon ang gagawin niya.

Bigla siyang kinabahan sa pinasok na deal na iyon. Totally, she will be ruled as a big liar person. Manloloko siya ng damdamin ng isang tao sa malaking halagang kapalit ng pagpapanggap niya. At gagamitin siya sa panlolokong iyon kapalit ng mamamanahin ng mga ito sa mga magulang na yumao na.

"That's it, darling. Kaya bukas, maghanda ka na at imi-makeover kana namin. We will show you your new you tomorrow. Ay, exciting ako sa transportation mo. I'm sure, magmumukhang sopistikada ka na bukas. Ay, bomba..." Untag ng bakla sa pananahimik niya.

"Ija, let me remind you. Para hindi ka talo sa deal na ito, please... don't mix your heart over this love deal."

"E-E paano kung s-siya naman ang masasaktan---"

"No, don't worry about the man's feelings. Sila kasi madaling mag move-on. While tayong mga babae, hirap na hirap tayo sa lagay na iyan."

"My sister is a big right, I agree. Hirap talaga tayong mga babae sa pagmo-move-on." Sala ito ngumiti.

Matapos ang paguusap nilang tatlo ay tinunton agad niya ang bahay ni Mr. and Mrs. Biala, dala-dala ang 250.000 cheque. Nasa mukha pa ng mga ito ang pagtataka kung saan siya kumuha ng ganoong halaga. Mabuti naman at madaling kausap ang mga ito. Tumupad rin sila sa usapan na kapag may pangbayad na sila ay agad naman ng mga ito ibabalik sa kanila ang titulo.

She's gladly thanks to the oldies couple ng sa wakas ay iniabot na sa kanya ng mga ito ang titulo ng bahay at lupa nilang maganak. Matapos ang pirmahan ng mga papeles ay nilisan agad niya ang malaking bahay ng mga ito.

Oh, ang bahay ni Lolo at Lola ko. Thanks God, you really did help me, help us. Salamat ng paulit-ulit diyos ko. Hindi ka nga natutulog para sa aming magkakapatid at maglola. Salamat, salamat...

Matagal niyang niyakap-yakap ang titulo ng bahay nila, mismo sa labas ng gate ng mga Biala.

Pagkatapos niya sa bahay na iyon ay nakipagkita naman siya kay Mrs. Prada, ang mentor at senior agent na may hawak sa kanya. Nakipagkita siya rito hindi lang dahil sa reports sales, work related. Kundi magpapaalam na muna siya rito na hindi muna siya magiging active sa pagiging sales agent. Iyon ay dahil sa may uunahin siyang trabahong gagawin. Agad naman siya nitong pinayagan, since hindi pa naman siya full-time sa trabahong iyon. They agreed that they have to conduct a meetings at least once or twice a week. Kailangan parin niyang makipag-usap sa clients kahit once a week lang upang hindi maiaalis ang pangalan niya sa listahan ng mabibigyan pagasa na makapasok sa kompanyang pinagtatrabahuan nito. Pumayag naman siya.

Masaya siyang umalis sa tanggapan ni Mrs. Prada, iyon ay dahil sa inabutan na siya nito ng commission niya na ipinangako nito sa kanya noong makabenta ito sa tulong niya.

"Apo, bakit ngayon ka lang."

Nagtataka siya sa hitsura ng loob ng bahay nila. Halos wala sa ayos ang mga kagamitan at maraming box ang nasa gilid ng pinto.

"A-Ano ho ang nangyayari dito sa bahay?" Tanong niya pagkababa ng mga pagkaing binili niya para sa hapunan nila.

"At last, nakauwi ka na rin." Napatingin siya sa Kuya niya na pababa ng hagdan.

"Ate..." Lumapit sa kanya si Prinses at humalik sa pisngi niya. "Ngayon na po daw tayo aalis sa bahay natin. Aalis na ba talaga tayo dito Ate? Hayz, mamimis ko po ito Lola, Kuya. Ate huwag nalang tayong umalis--"

"Wala naman talagang aalis, bunso." Sabi niya ritong nakangiti. Pinisil-pisil pa niya ang palapisngian nito.

"Talaga po Ate?" Tumango siya at humalik sa ulo nito. "Yes... Lola, Kuya, hindi na raw tayo aalis sabi ni Ate."

"Dynee?"

"Apo?"

Tumango siya sa mga ito. "Yes. Hindi tayo aalis sa bahay na ito. Nakausap ko na sila Mr. and Mrs. Biala."

"Ano ang ginawa mo? Saan ka kumuha ng pera." Nagtatakang tanong ng kanyang Kuya.

"Apo, hindi naman siguro galing sa masama ang perang ibinigay mo sa kanila. Diba apo? At lalong hindi ka kumapit sa patalim. Diba, Dynee?" Segunda namang tanong ng kanyang lola.

Napalunok siya at hindi makatingin ng diretsyo sa kanya Lola. Napahigpit din ang hawak niya sa kanyang bag kung saan naroon ang titulo na sana ibabalik na niya rito.

Ugh, not now Dynee. Not now, may tamang panahon para ipaalam sa kanila ang lahat.

"Dynee..." Tawag sa kanya ng kanyang kuya.

"H-Huh? U-Uhm... Oo naman po La, syempre hindi galing sa masama. Y-Yung perang ipinangbayad ko sa kanila, galing kay Mrs. Prada yun, doon sa boss ko. I-Ibinigay na niya kasi sa akin kanina yung mga commission ko sa. A-At saka, pinahiram niya ako ng pandagdag para sa pauna't kalahating bayad para dito sa bahay natin. H-Huwag kayong magalala Lola, m-makukuha rin natin ang t-titulo ng bahay na ito. K-Kalahati nalang ang pagiipunan ko." Pagsisinungaling ko sa mga ito.

"Oh, apo ko. Salamat at nakagawa ka ng paraan. Salamat, Dynee ko." Yumakap sa kanya ng mahigpit ang kanyang Lola.

"The best ka talaga Ate ko." At yumakap din sa kanyang bewang si Prinses.

"Ugh, Dynee ugh." Ginulo ng nakakatandang kapatid niya ang kanyang buhok. "Pagtutulongan natin ang kalahati. Pagtutulongan natin, okay." Sabi nito sa kanya, ngunit naroon parin ang pagtataka sa mukha nito.

"Okay, kuya. Pagtutulogan nating dalawa."

"Dynee..."

"Dyneecim..."

Napalingon silang pareho sa bagong dating na si Fina at Cupcake.

Kumalas siya ng yakap sa kanyang Lola at hinarap ang mga kaibigan.

"Hindi na kami aalis..." Natutuwang balita niya sa mga ito.

Nagyakapan, nagtilian sa saya silang tatlo at nagtatalon pa sila sa sobrang tuwa.

"Tamang-tama. May mga pagkain akong dala, tara at sumalo kayong dalawa sa amin sa hapunan." Pagaaya niya sa mga ito.

"Ang saya. Tara at kumain na." Nauna pa si Cupcake sa pagpasok ng dala niyang pagkain sa loob ng kusina. Sumunod naman si Lola at Prinses.

Nakita naman niya si Fina na lumapit sa kanyang kuya at humalik sa pisngi. "My heart..."

"Ops. Mamaya na ang lambingan. Tara na sa loob ng kusina." Tawag pansin niya sa mga ito at saka siyang nauna sa mga ito.

"Hot Fina, Dillan... Jusko, mamaya na ang harutan ninyo diyan."

Natatawa naman ang dalawa nang pumasok sa kusina.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status