LOGINMaraming tao sa bar ng Roadstead Hotel at kulanga ang workforce nila ngayong gabi. Dalawa sa may waiter nila ay may sakit kaya kailangang tumulong ni Julia. Marunong naman siyang mag mix ng mga alcoholic beverages. Iyon ang ginagawa niya ngayon sa katuwaan na rin ng iba niyang staff. Hindi marahil inakala ng mga ito na ang amo nila ay marunong magbarista. Nag eenjoy talaga siya ng gabing iyon. She felt like an ordinary employee, without the responsibility of running a hotel.She wore a simple spaghetti strapped black dress. Hindi pa masyadong malaki ang tiyan niya, pero dahil clingy ang tela ay halata na ang kanyang kalagayan. "Sigurado ka bang hindi makakasama sa iyo ang ginagawa mo ngayon? Nag aalalang tanong ni John na hindi niya namalayang nasa tabi na pala niya."Of course not. Nakaupo lang naman ako. I swear pagdating ng alas nueve, magpapahinga na ako. Don't worry, me and baby are enjoying ourselves," natatawang sabi niya.Nagkibit balikat na lang ito at iniwan si Julia sa bar
Kinabukasan, Biyernes ng umaga, dumeretso si Julia sa opisina ni Jess, dala dala ang sulat na ginawa niya. Wala roon si Robbie dahil ayon sa sekretarya nito, may naka schedule itong meeting sa labas ng opisina. Ipinagpasalamat niya ang pagkakataong iyon. Bago ito makabalik, wala na siya sa LifePlan.Kumunot ang noo ng kapatid nang mabasa ang liham."Irrevocable resignation?""Di ba iyan ang hinihintay mo? Ayaw mo naman ako dito sa kompanya mo," biro ng dalaga na pinipilit maging masaya."Hindi totoo yan. You're worth all my vice presidents combined," anito."Salamat." Pinilit niyang ngumiti. "Nami-miss ko na ang Cebu, napapabayaan ko na ang hotel.""It's Robbie, right?" seryoso ang mukhang tanong nito.Hindi siya kumibo. "I'm sorry."Napatawa siya ng pagak. "Wala kang kasalanan, Jess. You've warned me. Hindi ako nakinig sayo." Parang maiiyak nanaman siya. Kinagat nalang niya ang pang ibabang labi."Julia...." Hinawakan nito ang kamay niya."No! Don't worry, this is for the better. Kay
"Brother, congratulate me!" Natutuwang balita ni Julia kay Jess pagkapasok niya sa opisina nito kinabukasan pagkagaling niya sa Baguio. Hinalikan niya ito sa pisngi pero sa halip na ngumiti ay nakakunot ang noo nito."Oh, bakit ka nakasimangot? Ginawa ko naman ang mga pinagagawa mo. Okay na ang branch nila.""But I didn't expect that you will immediately move in with Robbie the moment you get back!" asik nito.Nagulat siya. Ang bilis namang malaman ng kapatid ang balita. "I see nothing wrong about it. I'm old enough to do what I want.""I hope you know what you're doing!" matalim ang tingin nito sa kanya.She sighed. "Kung wala kanang sasabihin, babalik na ako sa opisina ko. Ang dami kong dapat tapusin.""Julia...." Napahinto siya sa paglalakad palabas ng office nito. "I'm sorry about Robbie treating you this way." Hinarap niya si Jess. Concern was clear in his eyes. "Thanks for caring. Kung kailangan ko ng advice mo, lalapitan kita." Hindi niya kailangan ang awa mula sa kapatid.Why
Bakit ganyan ang mga tingin mo sa akin?" sikmat ni Julia kay Karen nang mapansing tinititigan siya nito. Birthday ng pamangkin niyang si Kai at sabay sila ni Robbie na pumunta sa bahay ng kanyang kapatid. Kasalukuyang nasa magician ang atensyon ng mga bata at mga bisita."May inililihim ka sa akin. Hindi mo sinasabi ang tungkol sa inyo ni Robbie,"anito."Walang namamagitan sa amin, Karen.""Magkasabay kayong dumating sakay ng isang kotse. I saw the way you look at him and the way he can't keep his hands off you. Ang laki ng pagbabago sa inyong dalawa. Pero masaya ako para sa inyo." Ngumiti ito ng matamis."Walang kami. Gustuhin ko mang umamin, wala talaga," defensive na sabi niya."So, ano sa tingin mo ang nakikita ko sa inyo? Magkaibigan lang kayo?" Matiim ang tingin nito sa kanya. "Friends with benefits, ganun?" Iniiwas niya ang tingin sa hipag. Pinukol nito ng matalim na tingin si Robbie na noon ay hawak hawak si Kai. "Ang suwerte naman niya. Nagkaroon siya ng relasyon na walang co
Julia!" Niyuyugyog ni Robbie ang braso ng dalaga, ginigising siya. "Julia!""Uhm?" Pupungas pungas la siya."Anong ginagawa mo sa kama ko?""My God! How dare you ask me that!" Napabalikwas siya. Lahat ng antok niya ay nawala sa tanong ng lalaki."Hindi mo ba maalala ang nangyari kagabi?"Tinapik nito ang noo. "Lasing Ako.""So, lasing ka. Iyan ba ang excuse mo kaya hindi mo alam ang ginawa mo kagabi?"Tigagal na napatingin sa kanya ang binata, natutop nito ang noo. "My God, what have I done?""Iyan din ang tanong ko sa sarili ko kagabi," garalgal na sagot niya. Dali dali siyang bumangon at pumunta sa banyo na matatagpuan sa bedroom nito. Saka lang siya nakadama ng hiya. Ano nga ba itong ginawa ko? Bakit ko pinayagang mangyari ito? My first time and the guy didn't even know that we did it! Gusto niyang iuntog ang ulo sa dingding. What should have been beautiful and sacred turned into something sordid and shameful.Hindi siya makatingin kay Robbie nang lumabas niya sa banyo. "I'm going.
Paggising ni Julia ay kaagad nitong pinuntahan ang lalaki na noon ay tulog na tulog parin. " Rob! Rob! Wake up!""Uhm....bakit?" Iminulat nito ang isang mata pero nang makita siya ay mabilis na pumihit patalikod at muling pumikit. "Go away! Ang aga aga pa.""Pero alas nueve na."" So what? Eight pa ng gabi ang flight natin. Pwede tayong matulog maghapon." Hindi parin ito dumidilat." Pero sayang ang ipinunta natin dito kung matutulog lang tayo, come on, pasyal tayo. Ngayon lang ako nakapunta dito," hirit niya.Hindi ito sumagot. Nainis si Julia. Hinila niya ang kumot na nakatabing sa katawan ng lalaki. Napasigaw siya nang makitang nakahubot hubad ito. Mabilis siyang tumalikod sa pagkapahiya." Oh, my God! Get dressed!"Kaagad namang nawala ang antok ni Robbie sa ginawa ng dalaga at sa naging reaksiyon niya. Napatawa ito ng mahina. "Ang aga mo kasing nanggising, iyan tuloy...." Bumangon na ito mula sa kama." Ang sinabi ko magbihis ka, bastos!"Tumawa ito ng malakas. Kinuha nito mula s







