Kinabukasan, Biyernes ng umaga, dumeretso si Julia sa opisina ni Jess, dala dala ang sulat na ginawa niya. Wala roon si Robbie dahil ayon sa sekretarya nito, may naka schedule itong meeting sa labas ng opisina. Ipinagpasalamat niya ang pagkakataong iyon. Bago ito makabalik, wala na siya sa LifePlan.Kumunot ang noo ng kapatid nang mabasa ang liham."Irrevocable resignation?""Di ba iyan ang hinihintay mo? Ayaw mo naman ako dito sa kompanya mo," biro ng dalaga na pinipilit maging masaya."Hindi totoo yan. You're worth all my vice presidents combined," anito."Salamat." Pinilit niyang ngumiti. "Nami-miss ko na ang Cebu, napapabayaan ko na ang hotel.""It's Robbie, right?" seryoso ang mukhang tanong nito.Hindi siya kumibo. "I'm sorry."Napatawa siya ng pagak. "Wala kang kasalanan, Jess. You've warned me. Hindi ako nakinig sayo." Parang maiiyak nanaman siya. Kinagat nalang niya ang pang ibabang labi."Julia...." Hinawakan nito ang kamay niya."No! Don't worry, this is for the better. Kay
最終更新日 : 2026-01-22 続きを読む