Share

CHAPTER 40:

last update publish date: 2026-08-31 21:21:43

ZOREIGN'S POV:

Pag-uwi namin sa mansyon ay nakaabang na sina pabebe girl, Manang Nora at Xavier. Para bang inaasahan na nila ang pagdating namin ni Sir sungit.

Pagbaba ko pa lang ng sasakyan ay sinalubong agad ako ni Xavier.

“Kumusta ang pakiramdam mo, Zoreign?" bakas ang pag-aalala sa mukha nito.

Napabuntong-hininga ako.

“Ayos na, nagpahangin lang ako kaya naging kalmado na ako. Salamat sa pag-aalala mo." saka ko siya nginitian para hindi na siya mag-alala pa.

Kahit na dito sa kaibuturan ng
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • A Maid for the Billionaire's Heart   CHAPTER 42:

    ZOREIGN'S POV:“Kumusta yang paa mo?" tanong ni Fortess habang nasa loob kami ng kusina at pinagtitimpla ko ng kape si sir Caius.Habang siya naman ay abala sa paghuhugas ng mga plato sa lababo.Dahilan para mapasulyap ako sa paa ko na nakabalot ng gasa. Mag-iisang linggo na ang nakalipas simula nang mangyari ang engkwentro sa pagitan naming dalawa ni Sienna."Hindi na gaanong masakit." sagot ko saka isinalin ang brewed coffee sa tasa at nilagyan ng konting chamomile.“Mabuti naman kung gano'n. Sa susunod na awayin ka ni Sienna ay sabihan mo lang ako para samahan kitang resbakan ang feelingerang reyna na ‘yon.” may diin na saad niya."Naku! Huwag na, kaya ko naman siyang patumbahin. Isang suntok ko lang sa kanya ay knock out na agad siya.” pabirong saad ko. "Nakakainis talaga yan eh, epal sa buhay mo. Inggit siguro siya kasi ikaw, natural ang ganda mo. Habang siya ay retokada.” saad niya."Ano kamo? Retokada? Now I know, it make sense.” natatawang saad ko.“Alam mo ba ang ilong niya?

  • A Maid for the Billionaire's Heart   CHAPTER 41:

    ZOREIGN'S POV:Habang naglalakad ako sa pasilyo, hawak ang tray na may lamang mainit na kape ay biglang sumulpot si pabebe girl. Hinahabol niya si Taffy ngunit napakabilis ng pagtakbo ng prinsesa ni sir sungit. Kaya hindi niya ito mahuli.“Taffy! Stop right there, you brat!" gigil na sigaw ni pabebe girl.Saka pansamantalang huminto si Taffy at nag meow na para bang inaasar si Sienna.Tumabi ako para sana ay hindi niya ako mabangga, pero bigla siyang tumakbo papunta sa kinaroroonan ko. Dahil dito, tumapon ang mainit na kape sa aming mga damit.Nabasa tuloy ang uniform ko. Tsk!“What the hell?! Look what you did to my dress! Alam mo ba kung magkano ‘to? Mas malaki pa sa sahod mo! Bakit kasi haharang-harang ka sa dinadaanan ko? Tanga!” nanggigigil na saad niya.“Ikaw ang tanga! Bakit kasi hindi mo ginamit ng maayos yang mga mata mo? Tumabi na nga ako para hindi mo ako matamaan tapos doon ka rin dumaan? Hindi ko babayaran yan dahil ikaw ang may kasalanan." malamig na saad ko sa kanya. N

  • A Maid for the Billionaire's Heart   CHAPTER 40:

    ZOREIGN'S POV:Pag-uwi namin sa mansyon ay nakaabang na sina pabebe girl, Manang Nora at Xavier. Para bang inaasahan na nila ang pagdating namin ni Sir sungit.Pagbaba ko pa lang ng sasakyan ay sinalubong agad ako ni Xavier. “Kumusta ang pakiramdam mo, Zoreign?" bakas ang pag-aalala sa mukha nito.Napabuntong-hininga ako.“Ayos na, nagpahangin lang ako kaya naging kalmado na ako. Salamat sa pag-aalala mo." saka ko siya nginitian para hindi na siya mag-alala pa. Kahit na dito sa kaibuturan ng puso ko ay nag-overthink pa rin ako na baka mangyari na naman ulit ‘yon.Habang si pabebe girl naman ay agad na napakunot-noo nang makitang bumaba ako sa sasakyan ng boss ko.Dahilan para irapan ko siya. Masama na bang isabay ako sa kotse ni sir? Wala naman akong ginagawang masama.Pagkatapos ay sinalubong niya si sir Caius ng mahigpit na yakap.“Cai!”Pero hindi yumakap pabalik si sir Caius kay pabebe girl. Saka humiwalay at hinarap ni Sienna si sir Caius. “Bakit kasama mo yang muchacha na yan

  • A Maid for the Billionaire's Heart   CHAPTER 39:

    ZOREIGN'S POV:Nagulat ako nang biglang tumunog ang cellphone ni sir Caius. Ilang beses na ito sa pagtunog ngunit parang walang naririnig ang boss ko.“Wala ka bang balak sagutin yan sir? Kanina pa kasi tumutunog." sabay buntong-hininga ko.Naiirita na rin ako sa ingay nito sa totoo lang.Biglang ini-shut down ni sir ang cellphone niya kaya nagulat ako.“Ba't mo pinatay?" nakakunot-noong tanong ko.“Bobombahin lang nila ako ng tawag kaya pinatay ko na." malamig na saad niya saka bigla huminto ang sasakyan.Napatingin ako mula sa labas ng bintana at nagulat ako nang nasa may bangin kami. Kaya napalunok ako.Narinig kong nagbukas-sara ang driver’s seat at lumabas si sir Caius saka umikot, pagkatapos ay kinatok ang pintuan dito sa passenger seat."Ayoko! Gusto ko pang mabuhay!” saad ko.“Damn it! Are you going to open the fucking door, or do I have to break it?" babala niya sa akin.Napahinga ako ng malalim at walang choice kundi pagbuksan siya ng pinto.“Taffy… Sorry kung hanggang dito

  • A Maid for the Billionaire's Heart   CHAPTER 38:

    ZOREIGN'S POV:“What’s all the commotion about?” saad ng isang ginoo na sa tingin ko ay ama ni Sir Caius.Naka abrisyete sa kanyang siko ang isang ginang na sa tingin ko ay ang ina naman ni sir Caius.Habang naglalakad sila papalapit sa amin. Ang awra na bumabalot sa kanila ay mabigat at negatibo. Sila ang tipikal na mayayaman, puro negosyo lang ang nasa isip at walang puso para sa kapwa tao nila. Lalo na sa mga mahihirap na katulad ko.Para bang sa pelikula na maraming tinatagong baho at puro pagpapanggap lang ang makikita mo sa kanila.Napalunok-laway ako pero hindi ako natatakot sa tulad nila. Sadyang nakaka-intimidate lang ang dating nila sa akin.Katulad ko lang sila na humihinga sa iisang mundo. Katulad ko lang sila na tumatae at umuutot. Baka nga mas mabaho pa ang utot nila kesa sa akin dahil kung anu-anong kinakain ng mga ito.“Tito, Tita! You're finally here! Namiss ko po kayo." malambing na saad ni Sienna saka nilapitan ang mga ito at nakipag beso-beso.“Oh, darling! How’s l

  • A Maid for the Billionaire's Heart   CHAPTER 37:

    ZOREIGN'S POV:"Ba’t nag walk out ‘yon?” nagtatakang saad ni Xavier."Hindi ko nga rin alam eh.” naiiling na saad ko."Dinaig pa ang nagselos.” natatawang saad ni Xavier.Dahilan para kurutin ko ang baywang niya."Anong pinagsasabi mo riyan? Walang gano'n! Huwag mo nang alalahanin ang bugnutin mong pinsan.” natatawang saad ko.“Ouch!" natatawang saad niya dahil sa pagkurot ko.Saka ko ibinaba ang binti ko.“Oh! Kailangan pa nating lagyan ng cold compress yan." nag-aalalang saad ni Xavier.“Hindi na, ayos na ako. Salamat nga pala." nakangiting saad ko.Napabuntong-hininga ito. “You're always welcome, Zoreign. Bendahin mo mamaya yan para hindi gaanong maigalaw." paalala niya sa akin.“Oo, gagawin ko mamaya. Huwag kang mag-aalala.” sabay tapik ko ng mahina sa balikat niya. Inalalayan niya akong makatayo ng maayos.Saka ako naglakad ng iika-ika patungo sa kwarto ko.Mapapasabak ako mamaya nitong gabi sa pagdating ng mga magulang ni sir Sungit. Saka ako napabuntong-hininga.— — —Pagkata

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status