Nang mai-park ko na ang sasakyan ko ay dali dali akong tumakbo papunta sa bahay nila Lola Adelaida bitbit bitbit ang maletang dala ko.
Pinunasan ko ang sarili ko gamit ang panyong nasa bulsa ng pantalon ko.
"Jusmiyo nandiyan ka na pala, Cheska!" Humahangos na lumapit sa akin si Lola na may dalang tuwalya na dapat ay ipinang pupunas niya sa kanyang sarili.
"Kumusta po?" Nakangiti kong bati at ganoon na lang ang gulat ko nang bigla nya kong hampasin.
"Hindi mo ba alam na may bagyo at hindi ka nagdadala ng payong?" Hinampas niya ulit ako kaya't napahawak na lang ako sa ulo ko.
"Sumunod ka sa akin," Tumalikod siya at nagsimula nang maglakad at gaya ng inutos niya ay sinundan ko siya.
Moderno ang design ng bahay kahit na alam kong ilang taon na itong nakatayo sa lupang 'to. Sa pagkakaalam ko ay simula mga bata pa lamang sila Lolo at Lola Adelaida ay dito na sila nakatira siguro dala na rin ng makabagong taon kung bakit hindi na mukhang lumang bahay itong bahay na 'to.
"Dito ka muna tumuloy pansamantala habang nagbabakasyon ka rito," Inilahad ni Lola ang kanyang palad para ituro ang loob ng kwartong tutuluyan ko.
Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwartong ito. Kung ang loob ng bahay ay moderno na ang design, sa loob naman ng kwarto ay puro gawa sa kawayan ang mga gamit na makikita mo at tanging electric fan lang ang naiiba rito.
Gawa sa kahoy ang kama, gawa sa kahoy ang lamesa, gawa sa kahoy ang malaking salamin at aparador kaya dahan dahan akong humarap kay Lola.
Baka may biglang lumabas na espirito mula rito sa mga gamit na 'to.
"Dito po talaga muna ako tutuloy pansamantala?" Paninigurado ko.
"Bakit ayaw mo ba, hija?" Balik n'yang tanong kaya umiling na lang ako at inilagay ko na ang mga gamit ko sa gilid at saka nahiga sa kama.
Ipinikit ko ang mga mata ko nang maalala ko ang unang panaginip ko kay Sebastian. Ganitong ganito rin ang panahon nuong una ko siyang napaginipan at wala pa akong interes sa kanya noon pero nung nagsunod sunod na ang panaginip ko tungkol sa kanya ay doon na ko natakot.
Sariwa pa sa utak ko kung paano n'ya ko iniligtas sa mga lalaking naka motor na may masamang balak na gawin sa akin at ang pag tugtog n'ya ng gitara sa harap ng maraming tao upang gumaan ang loob ko.
KINAUMAGAHAN ay maaga akong gumising. Hindi ko nga alam kung natulog nga ba talaga ako o hinintay kong sumapit si haring araw at bumangon.
Nadatnan kong naghahanda na sila tita ng almusal kaya dali dali akong lumapit sa kanila at tumulong sa paghanda.
Our breakfast went smooth. Kwento rito, kwento roon. Tawanan dito, tawanan doon.
Pagkatapos kumain ay nagulat ako nang hilain ako ng dalawa kong nakababatang pinsan para maglaro ng taguan.
"Ikaw ang taya ate Cheska!" natatawang sabi ni Ava at sabay silang nanakbo ni Shane upang magtago.
Wala na kong nagawa kundi ang makipaglaro sa kanila. Habang naglalakad sa maliit na hallway papunta sa mga kwarto na nandito ay may nadaanan akong isang kwarto na naiiba ang kulay ng pinto. Gawa iyon sa kahoy pero yung ibang pinto rito ay nasa modern na pintuan. Sa loob lang ang mga kahoy ang gamit.
Tumingin muna ako sa paligid at nang makita kong walang tao ay binuksan ko ng dahan dahan ang pinto.
Nang makapasok na ko ay nanlaki ang mata ko. Puno ang sahig ng mga haystack na makikita mo lamang sa farm at walang gamit ni isa. Sa gilid ay may isang bintana na nakasarado kaya lumapit ako doon at binuksan.
Napaatras ako nang makita ko ang nasa labas. Pumikit pa ako at dumilat para makasigurado ako na tama ang nakita ko.
Is this real? Hindi halaman at mga bulaklak ang nakita ko kundi mga kumikinang at mga kakaibang bagay na parang inaakit ako.
Lumingon ako sa pinto na pinasukan ko para masigurado ko na ako lang ang tao na nandito. Nang makita ko na ako nga lang ang tao na nandito ay basta na lang akong umakyat para makababa sa bintana.
Ilang segundo akong nakapikit. Napakunot ang noo ko nang makita ko ang paligid. Napaka tahimik na gubat at napaka dilim.
Babalik na sana ako sa bintana pero wala na kong makita na bintana ni anino ng bintana ay wala.
Lalong nangunot ang noo ko nang makarinig ako ng mga kaluskos.
Paanong nagkaroon ng gubat dito sa bahay nila Lola Adelaida? Ang alam ko dagat ang nasa likod ng bahay nila, eh.
Napaatras ako sa takot nang makakita ako ng tao na papalapit sa 'kin at may hawak na baril na hindi ko maintindihan kung anong klaseng baril 'yon.
Mukhang galing sa ibang bansa ang baril na iyon at mamahalin dahil hindi natin afford bumili ng ganoong klaseng baril dito sa Pilipinas.
"H-hindi po ako magnanakaw," Itinaas ko ang dalawa kong kamay pero parang wala syang naririnig kaya nabahala ako at patuloy lang sa pag atras hanggang sa maramdaman ko ang isang puno. Nakasandal na ko sa puno.
"H-hindi po kita sinusundan," kinakabahan na sabi ko pero patuloy lang siya sa paglapit sa 'kin kaya lalo akong nabahala.
"Maniwala ho kayo," mahinang saad ko.
Gusto ko lang naman makita yung mga magagandang bagay na nakita ko sa labas ng bintana, eh, at hindi ko naman alam na lilinlangin lang pala ako. Edi sana hindi na ko lumabas sa bintana na 'yon. Mamamatay ako ng maaga dahil sa magandang tanawin.
Mabilis kong ipinikit ang mga mata ko ng mariin at hinintay ang bala ng baril na tatama sa katawan ko.
Akala ko ay kapag naranasan kong matutukan ng baril ay magagawa kong umiwas o di kaya'y manlaban pero ibang iba pala talaga ang mga teleserye na pinapalabas. Hindi ko nga manlang maigalaw ang mga paa ko upang tumakbo,eh, manlaban pa kaya.
Hindi ko pa nararanasan na ihagis ang sumbrero ko pagkatapos ko mag-graduate sa college at hindi ko pa nasusubukan na um-attend sa mga press conference at mag-cover ng isang malaking project. Madami pa kong hindi nagagawa.
Ilang minuto akong nakapikit ng mariin nang biglang may narinig ako na pagpukpok ng isang bagay at sinundan iyon ng isang pagbagsak sa sahig. Dali dali kong iminulat ang dalawa kong mata at natuop ko ang aking bibig. Nakita ko na nakahandusay na ang lalaking may hawak kanina ng baril na nakatutok sa 'kin.
Pero teka. P-pinukpok sya ng kahoy sa ulo?Nakita ko ang lalaking nasa likod nya na may hawak ng malaking kahoy at nakita ko din ang dumudugong ulo ng lalaking nakahandusay na sa sahig at sa lagay nito ay patay na siya.
Oh, shit.
Bumigay ang tuhod ko na kanina ko pang nilalabanan dahil sa takot.
"M-maawa ka po sa 'kin... please?" Nakatingin lang ako sa mga mata nyang walang buhay at bigla na lang nagdilim ang paligid.
"This Al human-like robots that not only have human appearances but also characteristics like eye contact, facial recognition, speech and the ability to hold natural conversations will serves you like your buddies." I jot down all the informations as I listened to his speech."And you know what more is interesting?" The director asked."This Al robot is not battery operated. You can actually charge this for just a maximum of 6 hours or overnight if you want." The reporters were clapping their hands and smiling like an idiot."Hey, isn't that amazing?" Napabaling ako sa katabi kong isa ring journalist na halos makinig na lang sa sinasabi ng director at hindi na nagsulat."Yes, indeed." I smiled at her.Not at all.I don't know why but I have this feeling that I don't want to see any human-like robots were indeed it was amazing and helpful at some point.I once dreamed about robots and it turns out it's a nightma
Bayan"Bakit ba natin 'to ginagawa? Puwede naman ang mga katulong ang mamili ng mga gulay," Giit ko habang namimili siya ng maayos na mga gulay."Ginagawa mo ba 'to dahil nagkikita kayo ni kuya?" saad ko at hindi ko mapigilan na mapangiti dahil sa wakas bumaling na din sya sa akin."Tama ba ako?" tanong ko pa nang hindi siya sumagot."Heh! ewan ko sa'yo, Aida. Napaka rami mong tanong at hindi ka na lamang tumulong sa akin," Dire-diretso niyang sabi na muntikan pang magkautal utal. Napahalakhak ako at siya namang pagkurot nya sa aking tagiliran.Kukutyahin ko pa sana siya ng biglang may bumunggo sa akin at mabuti na lamang at katabi ko lang si Felicia kung hindi nakahandusay na ako sa lupa at pinagtitinginan na ng mga tao ngayon."Tingan mo nga naman at umagang umaga puro bulok ang aking makikita," Arogante nitong sabi at kahit si Felicia na abala sa pamimili ng mga gulay ay napatingin na din sa kanya.
CryingHabol ko ang aking hininga nang magising ako. Sweat is all over my face and I feel like my heart is going to explode. As I stare into my hands, full of thoughts and questions kept playing in my head. My tears keep falling into my chin down to my hands.It was a long nightmare and I feel like ako ang babae na nandoon sa panaginip ko. I don't know what's going on between them but I honestly feels what that girl was feeling.Bakit nga ba ako umiiyak nang dahil lang sa panaginip? I must be crazy.Ipinilig ko ang ulo ko nang maalala ko na naman ang nangyari. A guy cheated on his partner and you know what's more is painful? It was already planned in the first place and she lost her baby. I can't imagine how heartbroken that girl is. My heart is aching hindi dahil sa hiniwalayan at niloko siya ng boyfriend niya kundi dahil she lost her baby at wala manlang nagawa. Hindi ko alam kung gaano kasakit ang mawalan n
I wish I was sorryLove. One word and four letters that can change a people. It can be excited, tragic, a happy relationship or a perfect ones but it is really true that there's a perfect relationship? Yes, maybe. But that 'perfect relationship' is only existed in the fairy tale.Some people maybe sees love in a wonderful relationship and the example for that is the teenager's but here's the truth let just say yes, love is a wonderful thing but you can't escape the fact that it just for a meantime kumbaga sa una lang ang lahat. Sa una lang ang kilig, saya at ang excitement na pakiramdam.For me sa una palang ay alam ko na ang lahat ng iyan. Wala man akong past relationships but I can tell by just observing some of my friends love life. Some of them is happy and wonderful pero sa huli ay napupunta sa tragic na relasyon.Why? Bakit kailangan na mauwi palagi sa salitang tragic ang bawat relasyon? Simple, we have
FlashbackTuloy tuloy akong tumatakbo pauwi sa bahay dahil naabutan ako ng malakas na ulan.Pagkapasok ko sa loob ay mabilis na nabasa ang sahig. Mukha na akong basang sisiw ngayon.Mabilis kong tinakbo ang kwarto ko para maligo pero nasa kalagitnaan palang ako ng pagpunta sa banyo ay nakarinig na ako ng mga pagkabasag ng mga pinggan. Sumilip ako sa siwang ng pinto at nakita kong kalalabas pa lang ni mama sa kanilang kwarto at hinahabol si papa.Palagi na lang ganito ang ganap sa bahay. Tuwing umiinom si papa palagi na lang siyang nagwawala at nauuwi sa pag-aaway nila ni mama.At alam ko kung bakit nagkakagano'n si papa. Sila lola ang nagpapa-aral sa akin mula nang tumungtong ako sa college. Kahit hindi man sabihin sa akin nila mama at papa na nahihirapan na sila ay ramdam ko 'yon dahil maging ako ay nahihirapan na din sa sitwasyon ko.Wala akong karapatang tumigil sa pag-aaral dahil una sa lahat m
Music room"Hey, good morning." Napabaling ako kay Jacob na nakasilip sa pinto."Breakfast is ready," he smiled and I nod.Nang makababa ako ay nadatnan ko ang lahat na nasa harap na ng lamesa kaya naupo na ako para kumain. Tahimik ang lahat ibang iba nang mga nakaraang araw. Ultimo sila Sydney at Jacob ay tuloy tuloy lang ding kumakain ng tahimik.Napatingin ako kay Lola Adelaida na katapat ko.Nang imulat ko ang mga mata ko ay sinalubong agad ako ng mga matang nagliliyab sa galit. Bago ko pa makita ang may ari ng mga matang iyon ay isang malakas na sampal na ang natamo ko."Hindi ba't sinabi ko sa'yo na huwag ka nang pumunta rito sa kwartong 'to?!" Wala sa sariling napahawak ako sa pisngi ko."Why? Bakit lola? Tell me wala naman akong ginagawang masama, hindi ba? Bakit mo 'ko iniipit palagi sa mga sitwasyong alam mong wala akong takas? Hindi pa ba sapat na kinuha ko ang kursong gusto at pangarap mo sa s