Share

Chapter 3

Where I am?

Nagising ako nang maramdaman kong may nakatitig sa 'kin. Hindi nga ako nagkakamali dahil may nakatitig nga sa akin.

"Ahh!!!" Tili lang ako ng tili at isiniksik ko ang sarili ko sa gilid ng kama at binalot ko ang katawan ko sa comforter. 

"Noisy, Noisy, she's so noisy." Lalo pa kong tumili nang marinig ko na nakakapagsalita sya. Paikot ikot sya dito sa loob ng malaking kwarto na 'to at nagsasabi ng 'Noisy'.

Nang bumukas ang pintuan ay tumigil ako sa kakatili at mabilis akong tumakbo sa likod ng kung sino mang tao na pumasok dito.

"You can stop now, Sofia," malamig nyang sabi. 

S-sofia? May pangalan ang robot na 'yon? At saka kelan pa nagkaroon ng robot dito sa Pilipinas? 

Nasa likod nya pa rin ako at nakahawak sa laylayan ng kanyang damit.Tumikhim siya kaya napabitaw ako sa pagkakahawak sa damit nya. Hindi tumagal ay humarap sya sa 'kin. 

Nangunot ang noo ko nang matandaan ko na sya ang lalaking may hawak ng malaking kahoy at sya rin ang pumatay sa taong 'yon. Umatras ako at may nahawakan akong isang bagay at natagpuan ko na lang ang aking sarili na nahulog. 

Tumingala ako at nakita ko siya na nakatingin sa 'kin mula sa itaas at walang bakas na ni isang emosyon ang kanyang mukha. 

Ni hindi nga sya nagulat, eh.

"There's a way to get out there," Napatanga ako sa kanya nang lumalabas sya sa pinto. Hindi nya manlang ako tinulungan. 

Ang sama ng ugali!

Gumapang ako at nakita ko nga na may maliit na pinto. Mahirap na at baka may mahawakan na naman ako at saan na naman ako mapunta.

Hindi nagtagal ay nakabalik ako sa kwarto kung saan ako nagkaroon ng malay. 

Inilibot ko ang aking paningin. Wala na ang Sofia na robot. Malaki ang kwarto, madami pang mga space, isang king size bed at ang nasa tabi nito ay isang maliit na cabinet at nakalagay sa itaas non ay isang puting lampshade. Ang nasa harap naman ng kama ay isang mahabang lamesa at mga computer. 

Lumapit ako sa mahabang lamesa na 'yon at pinagmasdan ang mga computers na nandoon. Ganito na ba ka-hightect ang teknolohiya? Or he is a secret agent?

Napailing iling na lang ako dahil sa naisip ko. But wait, it's not possible for him to be a secret agent dahil una nung may nahawakan akong bagay ay bigla na lang akong nahulog tapos ang nasa ilalim non ay puno ng mga gamit. Tapos this computers na nakikita ko lang sa TV na ginagamit ng mga secret agent ay ngayon nasa harapan ko na.

Inilibot ko ulit ang paningin ko. May isang malaking bintana na hula ko ay veranda at natatakpan ang bintanang 'yon ng malaking kulay puti rin na kurtina. 

Bakit parang halos lahat ng mga gamit at miski pintura ay puro white ang makikita mo? 

What if nasa langit pala ako? 

O.M.G. It couldn't be. Gusto ko pang mabuhay at may hahanapin pa akong tao na gustong gusto kong makita para pasalamatan.

Mabilis akong lumabas sa pinto at hinanap ang lalaking 'yon. Nakita ko sya na nasa kusina at umiinom ng isang beer in can kaya doon ako dumiretso.

Tumikhim muna ako bago magsalita, "May I know how many hours I slept in this house?" Nasa likod n'ya ko at patuloy lang sya sa pag inom.

"You fainted. 20 mins," tipid nyang sabi.

"Okay. How about... Where I am?" kinakabahan kong tanong. Say that I'm not in heaven yet.

"You're in my house," aniya kaya nawala ang kabang nararamdaman ko. 

"By any chance, you're not Sebastian are you?" wala sa sariling tanong ko. Ano ang nangyayari sa 'kin at nakakapagsalita na ko sa panaginip ko? 

Tumigil sya sa pag inom at padabog na ibinaba ang beer in can nya na kanina lang ay iniinom nya at humarap sya sa 'kin na may malamig na tingin.

Itinagilid ko ang ulo ko. "Are you?" ulit kong tanong. 

"I don't know him," Bumalik ulit sya sa pag inom.

He's not? Sayang naman. Gusto ko pa naman pasalamatan si Sebastian kung sino man sya at madami pa kong sasabihin sa kanya.

Naupo ako sa katabi nyang upuan na high stool at kumuha rin ako ng isang beer.

Ininom ko ito at muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nang may marinig akong nagsalita pero buti at nahawakan agad ng lalaking ito ang wrist ko. Mabilis nyang tinanggal ang kamay nya na nakahawak sa wrist ko kaya umupo ako ng maayos. 

Napatingin ako kung saan ko narinig ang isang boses robot din. 

"Kelan pa nagsalita ang rice cooker?" wala sa sariling tanong ko at humarap sa lalaking katabi ko na nakatitig lang sa hawak nyang lata ng beer na naubos na.

Hindi sya umiimik. May problema yata ang kuya nyo. Broken hearted. Charot lang.

"Anong oras na?" Nilagok ko ang beer na hawak ko. 

"9:00 PM." Nanlaki ang mata ko. 9:00 PM? Eh, 9 AM ako nung may pinuntahan akong isang kwarto at bigla na lang ako napunta sa gubat at nawalan ng malay at nagising ako dito. 

"Nagsisinungaling ka ba? Sabi mo kanina 20 minutes lang ako nawalan ng malay, eh, bakit 9:00 PM na ngayon?" Niyugyog ko sya pero natauhan din ako baka bigla n'ya na lang ako barilin sa ulo. Ang mga bagay pa naman dito kung hindi nagsasalita ay mga delikado kung ano pwedeng magawa ng bagay na 'yon. 

Tinignan niya ko ng matalim kaya natahimik ako. 

Sabi ko nga tatahimik na. 

"Pero paanong naging gabi na, eh, kanina lang umaga at kagigising ko lang, ah," mahinang tanong ko sa sarili ko. Tumayo sya, sinundan ko lamang sya ng tingin. Nakita ko na pumunta sya sa kwarto kung saan ako nagkamalay.

Susundan ko sana sya pero may natapakan akong isang bilog na kulay puti na bagay. 

Tumutunog ito na parang kumukuha ng mga dumi at alikabok sa sahig. Pero dahil sa nakatapak ako doon ay para syang masisira kaya mabilis akong umalis sa pagkakatapak baka masira ko ang gamit na 'yon. 

Ni hindi ko nga alam kung ano ang tawag do'n tapos sisirain ko?

Umalis ang bilog na bagay na 'yon kaya mabilis akong pumunta sa tapunan ng b****a para itapon muna ang lata ng beer na ininom ko.

Nagulantang ako nang may bumunggo sa 'kin. Kinuha ko ang mop na nakalagay malapit sa trash bin at ginamit para ilayo ang bilog na bagay na 'yon na kaninang natapakan ko. 

"Shoo!" Itinataboy ko sya na parang aso pero patuloy lang ito na lumalapit sa 'kin kaya nabahala ako at tumungtong ako sa high stool na kanina lang ay kinauupuan ko. Baka biglang mag evolve ang bagay na 'yon at gawin akong alikabok.

I saw in my peripheral vision na may nakatayong lalaki kaya mabilis akong lumingon. Muntikan pa kong magkanda hulog hulog sa high stool na ito tapos sya nakasandal lang sa hamba ng pintuan at pinagmamasdan kung ano ang kagagahan na ginagawa ko?

May kinuha siyang maliit na bagay. Remote ba 'yon? Kaya natigil ang maliit na puting bilog na hula ko ay kumukuha ng mga dumi at alikabok sa sahig. 

Unti unti akong bumaba at ibinalik ang mop kung saan ko ito kinuha. 

Lumapit ako at humarap sa kanya na nakapameywang. "Anong klaseng bahay 'to? Pero teka bahay ba 'to?" Tumingin siya sa 'kin na parang sinasabi nya sa 'kin na ang tanga tanga ko pero hindi ako nasindak at tinuro ko sya sa dibdib. 

"Kelan pa nagsalita ang rice cooker? Kelan pa nagkaroon ng robot sa Pilipinas? At kelan pa nagkaroon ng mga computers na mayroong hologram, ha?" kunot noong tanong ko. 

Magsasalita na sana sya pero hindi natuloy dahil lumapit ako sa kanya lalo, na kulang na lang yakapin ko siya. Nakita ko ang robot na Sofia ang pangalan at masama ang titig sa 'kin. 

Ano bang klaseng bahay 'to? At masasabi ko bang isa itong bahay dahil sa sobrang laki? Kailan pa nagkaroon ng isang maganda at mamahaling baril dito sa Pilipinas? Hindi ko naman nakikita yon sa F*. Kelan pa nagsalita ang rice cooker? Kelan pa nagkaroon ng maliit na robot para linisin ang sahig? Kelan pa nagkaroon ng mga high tech na computer na mala secret agent? At lalong lalo na kelan pa pinayagan ng Presidente na mag ampon ng isang robot at ang matindi masama pa ang tingin nito sa 'kin. Mana sa amo nya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status