Share

Chapter 8

Why?

I woke up na may ngiti sa mga labi and guess what my dream is?

Napaginipan ko na naman siya! 

Pinagpagan ko ang short ko at tumayo na. Ano na naman kayang ginagawa ko dito sa kwartong 'to? Pero thanks to this room dahil parang araw araw ko nang napapaginipan si Seb.

Nahagip ng mata ko ang nakasarang bintana at konti na lang ang mga nakalagay na haystack na nandito. 

Dati madami yon, ah.

Binuksan ko na ang pinto at lumabas. Narinig ko ang mga kalansing ng mga kutsara't tinidor kaya't sumilip ako mula dito sa itaas. 

Inaayos na nila ang mga plato na pinagkainan namin at nakita ko si Tita Audrey na naghuhugas na ng mga plato kaya bumalik na lang ako sa kwarto ko pansamantala kasi wala na naman akong maitutulong.

Muntik na kong mapatalon sa gulat nang makita ko si Lola Adelaida pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto.

Anong ginagawa n'ya rito?

"La, bakit ka naman nang gugulat?" kunot noong tanong ko pero pabiro lang.

"H'wag ka nang papasok sa kwartong iyon," aniya at pumasok na ako sa loob.

"Wala naman po akong ginagawa doon kaya bakit nyo pa ko pagbabawalan?" Naupo ako sa Kama at bumaling sa kanya.

"Sya nga pala lola bakit walang gamit doon? At saka nabawasan na din ang mga haystack. Salamat naman. Pero teka bahay ba 'yon ng mga alaga nyong kabayo?" 

"Hindi ka na pwedeng pumasok do'n. Naiintindihan mo ba ko, Hija?" seryoso nyang sabi kaya natawa ako. Hindi niya pinansin ang tanong ko.

"Ano ka ba, Lola. Wala naman po do'n ang mga kabayo nyo kaya pwede akong pumasok at saka wala naman pong gamit do'n, eh, kaya wala akong masisira," paliwanag ko pa.

Pati kapag nakakatulog ako sa kwartong 'yon ng hindi ko alam ay napapaginipan ko si Sebastian. Minsan lang naman ako sumuway sa mga nakakatanda sa akin at wala naman akong ginagawang kalokohan sa kwartong 'yon kundi ang matulog nang hindi ko alam kaya bakit ayaw na ko papasukin ni lola do'n? Dahil ba bahay 'yon ng kabayo nila? 

Pero nasa second floor ang kwartong 'yon. Natawa ako sa sarili kong naisip. Siguro tambakan lang talaga ang kwartong 'yon ng mga hay para sa kwartel ng mga kabayo nila at kaya hindi na ko pinapapasok do'n ni lola kasi madumi. 

Hindi naman madumi sa kwartong 'yon, eh.

"Sumunod ka na lang." 

"Ano pa nga po ba," I shrug my shoulder. She smiled at me at lumabas na ng kwarto.

"She's weird. Ano kayang nakain non ni lola." Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame. 

"Hay nako." 

Ilang minuto akong nakatitig sa kisame nang maalala ko ang notebook ko na maliit na naglalaman ng mga panaginip ko tungkol kay Sebastian. Kinuha ko ito mula sa kabinet na gawa sa kahoy at bumalik ulit ako sa kama. 

Inisip ko ang nangyari sa panaginip ko kanina. Nag away daw kami pero ako ang sumuyo at nagkaroon pa daw ako ng utang kasi nasira ko ang oven niya.

Natawa ako nang maalala ko ang kalokohan na ginawa ko do'n sa panaginip na 'yon.

Pero ang ganda sa mundong 'yon kasi may mga robots at iba't ibang uri ng mga gamit na mga hindi ordinaryo. Ang panget lang do'n ay hindi isang demokrasya kasi may princess sila at ang malala ay masama pa .

Princess princess pa silang nalalaman. Eh, wala namang kwenta 'yon. 

Napailing iling na lang ako at isinulat ko na ang panaginip ko kanina. 

Pagkatapos kong isulat 'yon ay tinignan ko ang notebook ko. Makapal ito at halos mangalahati na tanda ng ilang beses na syang nagpakita sa panaginip ko. 

Sino nga ba si Sebastian? Seb is a man on my dreams at naalala ko pa dati ay grade 9 pa lang ako nang una siyang magpakita sa 'kin. It was January at napaginipan ko ulit sya nung February pero natigil 'yon ng ilang months. I guess 7 months and then bumalik ulit sya ng buwan ng September until December kaya naisipan ko na isulat ang mga panaginip ko tungkol sa kanya and until now napapaginipan ko pa rin siya at ilang taon na ang lumipas pero siya pa din ang lalaking nasa panaginip ko. 

Actually, I really don't know who he is. All I know about him is he's just a cold man na mahilig sa puting t-shirt at marunong mag gitara at mag motor and that's it! wala na kong ibang alam mula sa kanya. 

Oh, I forgot all I know on his name is his first name at hindi ko matandaan masyado ang mukha niya. Kahit ilang taon ko na syang napapaginipan ay hindi ko pa din maalala ang mukha niya at ang tanging palatandaan ko lang sa kanya ay ang mga nasabi ko. Saka natatandaan ko ng buo ang scene na nangyari sa loob ng panaginip ko knowing na makakalimutin ako pero pagdating sa panaginip ko na siya ang bida ay ni isang scene hindi ko nakakalimutan until now.

I remember what my one of my friends told me nang masabi ko sa kanya na lagi kong natatandaan ang mga nangyari sa panaginip ko.

"Because you're inlove at him." 

"No, I'm not." Pagsisinungaling ko but it seems like she's not believing to me. Napailing iling na lang sya. 

Really, sino ba naman ang hindi maiinlove sa kanya kung lagi ka n'ya inililigtas tuwing nasa paganib ka but he's creepy dahil hindi ko pa siya nakikita sa buong buhay ko except in my dreams and I don't know kung paano siya nakakapasok sa panaginip ko at kung kilala niya ba ako? Because I don't know him. 

Gusto ko siyang tanungin but how can I do that? 

Biglang pumasok sa isip ko na nakakausap ko siya sa loob ng panaginip ko. Nang pumunta ako dito sa bahay ni lola Adelaida ay nakakapagsalita na ko at nasasabi ko na ang gusto kong sabihin sa kanya pero dati ni ibuka manlang ang bibig ko ay hindi ko magawa. 

I will try to ask him if he knows me, how can he do that and what is he doing in my dreams. 

Bigla kong naisip ang sinabi ni Lola na huwag na raw ako papasok sa kwartong iyon. Kapag nasa kwarto ako non ay napapaginipan ko siya at nakakausap. I even know kung ano ang tawag sa mundong ginagalawan n'ya pero hindi ko pa naitatanong kung paano at bakit niya na gagawa ang pagpasok sa panaginip ko. 

Mababaliw ako kakaisip tungkol sa kanya!

Hindi naman magagalit si lola if papasok ulit ako do'n para matulog ulit at mapanaginipan ko ulit sya at matanong para matahimik ang utak ko, ano?

Wala naman akong ginagawang kalokohan sa loob ng kwartong 'yon kaya hindi ko malaman kung bakit niya ko pinagbabawalan. 

Minsan na nga lang mainlove nagkaroon pa ng kontrabida? 

Natawa ako sa sarili kong naisip. Nababaliw na siguro ako thanks to Seb. Don't forget it was sarcastic. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status