Pagkagising niya ay agad siyang tumakbo tungo sa CR para dumuwal. Nanghihina na sumandal siya sa dingding ng CR matapos ang lahat. Maiiyak na siya dahil hindi niya maintindihan ang nangyayari sa sarili. Kada-umaga na lang siyang nagkakaganito.
Grounded pa rin siya pero hindi na siya pinipilit na magbasa ng mga libro na may kuneksyon sa business. Pwede na siyang magpinta pero parang wala siyang ganang gawin iyon ngayon. Inaantok siya at tinatàmad siyang magkikilos ngayon.Tumunog ang cellphone niya. Nasurpresa siya nang malamang si Divine ang nag-send sa kaniya ang voice recorded message. Nagtataka siya. Bakit voice record? Hindi naman kasi ito ganoon.“Hindi ko masabi sa'yo ito ng harapan, Serrie,”umpisa nito. Bumuntong hininga ito na parang nahihirapan itong umpisahan ang sasabihin. “Pero kasi. Nakukunsensiya ako noong marinig kong ipapakasal ka na kay Coby.”Humagulhol si Divine. Napalunok siya. Kinabahan na rin dahil pakiramdam niya may malaking problema si Divine. Kaya lang anong kuneksyon no'n sa pagpapakasal niya kay Coby?“Sorry, sorry, I'm so sorry talaga. Kasalanan ko ito. Sana hindi na ako nakialam pa. Hindi ka sana ipapakasal ng ganito kaaga sa úgok na Coby na 'yon. Alam mong hindi ako boto kay Coby para sa'yo. Kaya sorry kung nilagyan ko ng drugs ang inumin mo no'ng farewell party ko. Dapat may mangyayari sa inyo ng kakilala kong si Jude. Jude likes you, he's a gentleman, successful businessman, family oriented. Kaya naisip kong mas magiging maayos ang buhay mo kasama siya.”Napasapo siya sa bibig nang malaman ito. Hindi ito basta-bastang message lang. Inasahan niyang mangungumusta lang ito pero iba pala ang maririnig niya sa kaibigan.Imbes na guminhawa ang buhay niya gaya ng iniisip ni Divine para sa kaniya ay mas lalo pa siyang malulugmok ngayon.“Ibang silid ang pinasukan mo imbes na room ni Jude ang dapat mong pasukin. At dahil sa kapalpakan ko nangyari ito. Kaya, Serrie. I'm really sorry. Ayos lang kung hindi mo ako kakausapin pagkatapos mong marinig ito. Pero gusto ko pa rin mag-sorry sa mga nagawa ko.”Natapos ang voice record nito. At tulala na napaupo na lang siya sa kama. Hindi niya alam kung anong dapat i-react sa mga nalaman.Masama man ang pakiramdam ay nagawa niya namang makaligo. Natagalan siya sa banyo dahil nagbabad pa sa bathtub at pinagnilayan ang mga sinabi ni Divine. Hindi niya alam kung bakit pero hindi niya magawang magalit sa kaibigan. Alam niya namang hindi ito kailanman nanghamak sa kaniya. Nakakapanibago na nagawa iyon ni Divine.Mga dalawang oras ang nagdaan nang maisip niyang lumabas na nakatapis lang ng tuwalya. Nagulat na lang siya nang makita si Coby na naka-upo sa kama niya. Namilog ang mata niya habang pinagmamasdan ang ayos nito doon.Bakit hinayaan itong makapasok sa kwarto niya? Usually sa sala lang naghihintay itong si Coby. Bakit ngayon pinapaakyat na sa mismong silid niya.Napansin niya ang pag-awang ng labi ni Coby nang magtama ang mata nila. Dumako ang mata nito sa katawan niya. Agad niyang hinablot ang roba sa tabi at agad pinambalot sa katawan.“Bakit ka nandito sa kwarto ko?”bulalas niya.Saka lang tila natauhan si Coby at ngumisi. “You act like you're still a virgin, huh. Baka nakakalimutan mong pina-score mo na ang iba bago ako.”Namula ang pisngi niya sa narinig mula kay Coby. Napakuyom ang kamao niya sa iritasyon. Nakakairita ang mga lumalabas sa bibig nito.Humakbang ito palapit sa kaniya. Agad siyang napaatras. Ang kaba na naramdaman kanina ay mas lalo lang nag-ibayo ngayon.“Atsaka kung may mangyari man sa atin ngayon, they don't mind. Ikakasal na rin naman tayo next week.” Bumalatay ang mapaglaro nitong ngisi.Napasinghap siya nang bigla itong lumapit sa kaniya at hinawakan siya sa braso. Namilog ang mata niya nang titigan ito.“Coby anong ginagawa-”Biglang bumaba ang mukha nito para halikan sana siya pero agad na nakaiwas ang mukha niya kaya tumama ang labi nito sa pisngi niya.He chuckle. “Playing hard to get? Hindi bagay, Serrie. Yes you're too cute that's why I still want you sa kabila ng mga ginawa mo. Pero ngayon pa lang gusto kong malaman mo na hindi mahaba ang pasensiya ko.”Patulak siyang binitiwan nito. Atsaka nakita ng peripheral vision niya ang paa nitong palabas ng pintuan niya. Naiiyak na kumuyom ang kamao niya. Pinagdarasal niyang sana naging successful na lang ang plano ni Divine noon. Sana nga sila na lang ng Jude na iyon ang nagkatuluyan.......“You look pale. Malapit na ang kasal mo. Hindi dapat ganiyan ang itsura mo. You should've look lively and fresh,”puna ng Mama niya pagka-upo niya sa table.Napayuko na lang siya sa kumento ng ina. Kumuha siya ng kanin pero hindi ang usual amount of rice na kinakain niya araw-araw. Pero gusto niyang damihan ang kanin. Dahil pakiramdam niya gusto niyang kumain ng marami ngayon. Nakakapanibago pero isinawalang bahala niya na lang iyon.“What are you doing?” Napansin na naman iyon ng Mama niya. Nakakunot ang noo nito nang mapansin ang napakaraming kanin sa plato niya. “Minimize your rice. Hindi ka dapat tumaba sa mismong kasal. Pinasukatan ka na ng wedding gown mo. You should've maintain your size hanggang sa kasal.”Binaba ng ina niya ang phone.“And Coby ask me na isasama ka niya sa gig niya today. Sasama ka.” Mahihimigan ang pinalidad sa boses ng ina na animo wala na siyang magagawa pa.Nagtagis ang bagang niya. Wala na siyang ibang nagawa kundi ang mag-ready para doon. Pinuntahan siya ni Coby sa kanila using his so called Lambórghini. Coby's ego is just like his cars. High-end.Tahimik siyang sumakay sa front seat dahil sasabihin na naman nitong ayaw nitong magmukhang driver niya kapag pinili niyang umupo sa likuran. May panunuya sa mga tingin nito nang tingnan siya mula ulo hanggang paa. Hindi na rin ito nagtagal pa at pinasibad na nito ang sasakyan.Isang malaking kompanya ang kumuha kina Coby. Ito pa lang ang first time na narinig niyang kinuha ng malaking kompanya si Coby. Kaya pala iyong mas mahal nitong sasakyan ang ginamit nito para sa araw na iyon. Suntok sa buwan naman pala ang opportunity na nasungkit nito ngayon.“Are you his assistant?”tanong ng coordinator sa kaniya.Lumingon si Coby sa nagsalita. Alam niyang narinig ni Coby iyon pero hindi man lang nito tinama ang akala ng coordinator na isa siyang personal assistant ng mismong fiance. Iniwan lang siya basta-basta doon at hinayaang abutan ng tag na may nakalagay na staff.Napabuntong hininga siya. Hindi na siya nasanay na ganito naman parati ang ginagawa ni Coby sa kaniya. Tila ikamamatay nito kung sasabihin nitong girlfriend siya nito at hindi assistant.Nautosan siyang dalhin ang mga nakahanger na damit para sa photoshoot. Napatakbo rin siya sa baba para bumili ng tubig ni Coby for the break time. Sumingit pa ang ibang staff na tamàd bumaba para bumili ng gustong kainin at inumin. Napakarami niya tuloy dala pagkaakyat.Hingal na hingal siya sa elevator. Nakisingit pa siya sa elevator na nagkataong puno sa mga oras na iyon. Masiyado nang abala ang lahat pagkarating niya. Nagsisimula na kasi. Maingay din ang photographer na siyang nagmamando sa mga modelo.“Parating ang CEO!”bulalas ng isang staff.“Nandiyan si Sir.”Napansin niyang pati ang masungit na photographer at ang manager ay medyo balisa. Lahat ng nandoon ay tila naging tensyunado. Dahil lang sa nag-iisang taong paparating.Nanahimik ang lahat. Walang nagsalita ng malakas at puros bulungan lang. Ilang saglit ay iniluwa ng main door ng studio ang pamilyar na lalaki. Mula sa malapad na dibdib hanggang sa panga at mga mata. Napalunok siya nang mamukhaan ang lalaki. Napasinghap siya. Ito ang lalaking naka-one night stand niya. Si Hidan Alijer.“Hoy.” Kinalabit siya ng make-up artist na bakla.Kaya naalis ang atensyon niya kay Mr. Alijer nang bumaling siya sa bakla.“Ayusin mo muna ang dressing room. Matatapos na si Coby at kailangan nang mag-pack up after,”dagdag ng bakla.Nang balingan niya ulit si Coby ay kita niya kung papaano ito namutla nang matanaw si Hidan. Halatang walang ideya si Coby tungkol kay Hidan Alijer.Kinakabahan na agad tumalikod si Serrie. Kailangan niyang tumakas. Alam niyang walang pakialam si Hidan sa nangyari sa kanila. Pero hindi niya kayang harapin ito na parang wala lang. Kinakain na siya ng guilt niya na halos hindi niya na ito matingnan sa mata.Inayos ni Serrie ang mga nagkalat na mga make up kits sa harapan ng salamin. Nandoon ang mga mag-re-retouch sa labas. Katatapos niya lang sa pag-a-arrange nang pumasok ulit iyong bakla kanina dito sa dressing room.“And please pakibaba na rin nito.” Tinaas ng bakla ang hawak na damit na maayos pang naka-hanger at balot ng clear plastic.Alanganin na lumapit siya dito at tinanggap ang damit.“Mahal 'yan, ha. Ingatan mong hindi magusot. Sa camper van ni Frusto mo ipasok,”aning bakla na agad din naman umalis pagkatapos siyang utusan.Ibig sabihin bababa na naman siya. Laylay ang balikat na sumunod na lamang siya. Anong magagawa niya? Pinagsuot siya ng staff's tag. Kaya aakalain ng lahat na staff talaga siya.Wala sa sarili na pumasok siya sa elevator.“I'm busy. Ask your friends for it.”Natigilan siya nang marinig ang pamilyar na boses sa likuran niya. Hindi niya kailangang lingunin ang taong nasa likuran para kumpirmahin pa iyon. Humigpit ang hawak niya sa hanger ng damit na dala.Si Hidan Alijer, nasa likuran niya lang."Anong ginagawa mo?"Parang nagulantang siya sa nakikita. Nagkasundo na sila kanina na magtabi pero kasama sa kasunduan nilang haharangan nila ng unan ang gitna ng higaan. Alam niyang maliit lang ang hospital bed pero pinipilit ni Hidan na doon siya matulog at hindi sa sofa kaya napipilitan siya ngayong matulog na lang doon. "Nag-usap na tayo kanina, Hidan." Iritado na siya nang sabihin iyon. Hindi kasi ito tumutupad sa usapan.Pero hindi nakinig ang lalaki at nagpatuloy sa pagtabi sa mga unan. Kinakabahan na siya habang pinagmamasdan ang ginagawa ni Hidan. Kung pwede niya lang itong sigawan ay baka kanina niya pa ginawa. Kaya lang baka pag nagpakita siya ng panic at mapansin nitong affected siya ay baka isipin nitong may naalala na siya. Nagkukunwari lang siyang walang naalala kaya dapat hanggang ngayon isipin pa rin nitong wala nga siyang naalala.Nang maalis na nga nito ang mga unan ay tumingin sa kaniya si Hidan. Sumilay ang mapaglaro nitong ngisi. “Now we can sleep,” anito.Nap
Dahan dahan siyang humarap sa lalaki. Napalunok siya nang magsalubong ang mga tingin nila ni Hidan.May benda pa ang kabilang braso ng lalaki. Hindi niya alam kung talagang sinundan siya nito. "P-Pinapatila ko lang," pagdadahilan niya. Sa pagkakataong 'yon ay kinakabahan na siya. Baka tanungin nito kung ano ang sadya niya doon at bakit nandoon siya. Tiyak na wala siyang maisagot.Sinulyapan niya ang braso ng lalaki. Napansin nitong nakatingin siya sa braso nito."Just want to breath a fresh air," depensa ni Hidan.Kumunot ang noo niya sa sinabi ni Hidan. Anong klaseng dahilan 'yon? Gusto nito lumanghap ng sariwang hangin tapos dito talaga sa labas? E malakas ang hangin dahil bagyo. Dapat nasa loob ito ngayon dahil may injury ito. Tsaka hindi niya rin inasahang maabutan pa talaga siya ng lalaki hanggang dito e kanina lang kinakausap pa nito ang nurse na 'yon."Hindi po maganda ang panahon. Mas mabuting pumasok na ho kayo sa loob. Baka imbes na preskong hangin ang masagap niyo e baka s
Malakas na ang hangin nang tanghali. Hindi inasahan ni Serrie na magkakaroon ng bagyo ng araw na 'yon. Kahapon pa hindi umuuwi si Hidan. Hindi man lang ito umuwi para kumuha ng gamit. Baka nag-check in sa hotel?"O baka may kasamang babae. Nag-enjoy siguro kasama ng babae niya," biglang naiusal niya ng hindi namamalayan."Sinong may kasamang babae, Mama?"Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang biglang magsalita ang anak sa likuran niya. Kanina kasi ay nasa baba lang naman ito tapos biglang umakyat pala ito. Hindi niya man lang namalayan. Naabutan pa siya nitong nagsasalita mag-isa rito na parang tanga. "W-Wala naman. May naisip lang ako. Iyong mga katrabaho ko sa plantasyon, mga babae. Bagyo ngayon, paniguradong pahirapan ngayon doon sa plantasyon.""Nagpunta rin po si Tito sa plantasyon. Nagmamadali siya kanina. Ano kayang nangyari?"Kumunot ang noo niya. Nagmamadali si Sandro? Bakit nga kaya? Wala namang nabanggit si Sandro tungkol sa nangyayari sa plantasyon. Kaya lang sa pagkak
Paunti-unti ang pagsubo ni Serrie. Hindi niya akalaing magkasabay nga sila ngayon ni Hidan. Talagang pumayag siyang magkasabay silang kumain ngayon. "Eat more, Serrie," ani Hidan at nilagyan pa ng kanin at ulam ang lagayan niya."A-Ayos lang, Hidan. Okay na ako dito." Tipid ang ngiting binitiwan niya sa lalaki. Hindi niya naman talaga gustong ngitian ito. Hindi niya na ito boss pero ito pa rin ang may hawak ng plantasyon ni Sandro. Hindi niya pwedeng ipahalata ang iritasyon niya sa lalaki.Huwag na kasi nitong sagarin ang pasensiya niya. Huwag na siya sana nitong kausapin at baka hindi siya makapagtimpi rito. Nandito ito para sa anak niya. Akala siguro nito at hindi niya alam 'yon. Akala nito mangmang siya na pwede lang nitong utuin ng candy. Binilisan niya ang pagkain. Nang matapos ay agad niyang tinabi ang pinagkainan."Salamat sa pagkain, Hidan."Napansin niyang nakasunod ang mata sa kaniya ng lalaki. Napansin nito malamang ang pagmamadali niya. Sana naman sa pagkakataong 'yon ay
Nababalisa si Serrie hanggang sa makarating sila sa Hospital. Agad na sinalubong ng ibang nurse si Hidan. Kita ang gulat sa mga mata ng mga nandoon nang makilala kung sinu-sino ang mga nandito ngayon. Halatang maraming nakakakilala kina Sandro at Hidan sa lugar na iyon. Mayayaman ang pamilya na kinabibilangan ng dalawang lalaki. Sa pagkakataong ‘yon ay hindi maalis sa isipan ni Serrie ang ideyang baka nga alam ni Hidan na anak nito si Edann. Ang alam ni Hidan ay wala siyang maalala. Kahit kailan ay hindi naman siya nito pinagdudahan. May mga oras na inuusisa siya nito. Dahil sa aksidente ay maaring isipin nitong nakunan siya... na imposibleng maka-survive ang anak niya doon.Pero mayaman si Hidan. Hindi imposibleng malaman nito ang tungkol sa anak niya. Lalo na at related sa kaniya ang bata. Nanginig ang daliri niya sa kamay habang nakasunod sa stretcher na lulan ng anak niyang walang malay. Doble ang kaba na naramdaman niya na sinabayan ng kalituhan. Bakit ganoon na lang ang reaksyo
Nagpapasalamat siyang sa loob ng isang linggo ay hindi umuuwi si Hidan sa mansyon. Noong unang gabi nila doon ay hindi siya mapakali. Umuuwi si Hidan sa mansyon at doon malamang natutulog. Paniguradong magkikita ulit sila, pero sa kabutihang palad ay hindi pa naman umuuwi ang lalaki. Papaano kung magduda na ngayon si Hidan? Iisipin nitong iniiwasan niya ito. Totoo naman, guilty siya doon. Pero tauhan siya ni Sandro noon pa. Paniguradong may sapat na dahilan si Sandro para pahintuin siya nito sa pagtatrabaho sa plantasyon.Nang maalala niyang hindi pa kailanman umuuwi si Hidan sa mansyon ay napaisip siya kung saan ito tumutuloy ngayon. Sa babae kaya nito? Napapailing siya sa biglang pumasok sa isipan. Ano bang pakialam niya kung may bago na naman itong babae? Mambabae ito ng marami wala siyang pakialam. Napakuyom ang kamao niya sa ideyang ‘yon.“Magkakape kayo?” nagtatakang usisa niya kay Aleng Lita. Tanghali na kasi at ang init sa labas.“Dalhin mo sa office,” ani Aleng Lita imbes n