“Sino po? Bakit walang sinasabi si Papa?” Panay ang sunod niya sa mama niya. Patungo ito ng pool at may bitbit na libro.
Walang binanggit ang ama niya kung sino at anong uri ng tao ang ipapakasal sa kaniya. Siya ang ikakasal at makikisama doon sa taong iyon kaya kailangan niyang malaman. Sinabi ng ama niya na isang CEO ang lalaking iyon. Pero pagkatapos no'n, wala na.“Matanda na ba? Ilang taon ang tanda sa akin?” Nahihintakutan niyang sunod-sunod na tanong.Ayos lang sa kaniya kahit pa matanda pa sa kaniya o ano. Hindi importante ang pisikal ang problema ay kung mas makapangyarihan kaysa sa kanila, tiyak mas delikadong makalaban ang taong iyon. Kapag nalaman ng lalaki na buntis siya matapos ang kasal ay tiyak mas magiging delikado ang buhay nila ng kaniyang anak.“I don't know, Serrie. Sumunod ka na lang sa ama mo para wala nang gulo,”balewalang sabi ng ina niya. Nagpapahid ito ng sunscreen habang naka-upo sa sun lounger ng pool. May bitbit na libro ang mama niya at balak pa yatang balewalain ang mga tanong niya.“Ayos na si Coby, Ma. Bakit kailangang i-cancel iyon? Di ba nakapag-prepare na kami? Bakit hindi na lang na'tin ituloy iyon kaysa ipakasal niyo ako sa iba. May potential naman sila para maging share holder ng kompanya-”“Ano bang alam mo?” Binagsak nito ang libro sa iritasyon. Kanina pa ito naalibadbaran sa mga pangungulit niya.Mas gugustuhin niyang pakasalan si Coby kaysa maikasal sa taong mas makapangyarihan. Pero paano iyon? Masiyadong bulag sa kapangyarihan ang ama niya para iatras pa ang ano mang napagplanuhan nito.“Ma, ayokong makasal sa lalaking iyon.”Nagbasa ulit ang ina niya. “Hindi ikaw ang magdedesisyon para diyan.”Mapait siyang ngumiti sa kawalan at napatango-tango. Kailan nga ba siya nagkaroon ng karapatan para sa sarili? May sarili siyang utak pero kontrolado siya ng iba.Ilang taon siyang nagpakumbaba para pagbigyan ang pamilya niya. Hindi siya kailanman naging pasaway sa mga ito. Isang beses lang siyang nagkamali, iyon ay noong may mangyari sa kanila ng Hidan Alijer na 'yon. Ngayo'ng nakasalalay sa kaniyang desisyon ang kaligtasan ng isa pang buhay na nasa sinapupunan niya ngayon, hindi na pwedeng basta-basta na lang siyang susunod sa mga gusto ng pamilya niya.Patawarin sana siya ng mga ito pero susuwayin niya ang magulang niya sa pagkakataong ito.“S-Serrie?” Pumailanlang ang boses ng kaibigan sa kabilang linya. Halatang kabado rin ito tulad niya. Ang tagal na noong huling magkausap sila.Wala siyang makuhang tulong mula sa ina kaya nagkulong na lang siya sa silid buong maghapon. Nakapagtataka rin na hindi na siya pinipilit ng magulang niyang bumaba ngayon.“Hello, Divine?” Nanginig ang boses niya. Namalayan niya na lang umiiyak na siya.“Ayos ka lang?!” Mahihimigan ang pag-alala sa boses nito.“Divine, buntis ako.”Narinig niya ang pagsinghap nito sa kabilang linya. Halatang nagulat din ito sa narinig sa kaniya.“Si Hidan Alijer ang ama. At kapag nalaman no'ng lalaking napili nila Mama ang tungkol sa pagbubuntis ko-”“Oh my God. I'm sorry. I'm so sorry, Serrie. Kasalanan ko 'to.”“Ayos lang. Hindi mo kasalanan iyon,”aniya at mapait na ngumiti sa kawalan saka nagbitiw ng malalim na buntong hininga bago nagsalita ulit. “Divine, tulungan mo ako. Ayokong makasal sa lalaking napili nila para sa akin.”“Anong maitutulong ko? Just say it. Handa akong tumulong, Serrie.” Hindi ito nagdalawang isipan no'ng sabihin iyon......Malakas ang ulan sa labas. Nasa taxi siya at nakasuot ng bull cap na kulay itim. Nakasilid sa isang back pack ang iilang damit niya. Hindi ganoon kalaki ang halaga ng pera na laman ng pitaka niya.“Uuwi ako diyan. Sabihin mo lang kung kailan. Susunduin kita sa airport.” Ito ang iksaktong sinabi ni Divine sa kaniya.Thursday ang napili niyang araw para makaalis sa bahay. May appointment ang Mama niya sa isang spa ng Thursday at may business meeting din ang ama. Kaya saktong-sakto para isahan niya ang mga tauhan sa bahay. Nagkunwari siyang magtatapon ng basura pero sinama niya sa mga garbage bags ang gamit niya.May cards siya pero alam niyang ika-cut iyon ng Papa niya oras na malamang tumakas siya kaya maaga siyang nag-withdraw pandagdag sa bitbit niyang cash.Dumaan siya sa isang kilalang fastfood bago siya tumuloy sa airport. At habang nasa loob ng taxi ay hindi niya napigilang kapain ang tiyan.Lalayo muna siya sa ngayon. Hindi niya alam kung anong magiging buhay niya kasama ang bata. Hindi siya kailanman natutong mamuhay mag-isa, nakadepende siya sa magulang niya simula pa noong bata siya. Pero sisikapin niyang matutong mamuhay mag-isa at maghanap-buhay. Dahil hindi na siya nag-iisa ngayon. May nabubuhay na'ng bata sa sinapupunan niya na aasa sa kaniya simula ngayon.Parang kinikiliti ang kalamnan niya nang matanaw na ang airport. Nang huminto ang sinasakyan sa bungad ay mabilis siyang umibis mula sa sasakyan. Sa waiting area ay nahanap niya agad ang kaibigan na maluwag ang ngiti na nakatanaw sa kaniya.“My gosh! Hindi ko inasahang preggy ka na,”anito habang yakap-yakap siya. Natawa na lamang siya. “Nakaka-inspire naman maging ninang ni baby. Ang hot no'ng Papa, e.”3 minutes na lang ang natitira bago ang mismong flight. Hindi na siya mapakali habang naghihintay sa hudyat na pagpasok sa plane. Hinawakan ni Divine ang kamay niya para mabawasan ang tensyun na nararamdaman niya.“Kalma ka lang. Malapit na tayong umalis. Bago pa nila malamang tumakas ka, nasa himapapawid na tayo no'n. Malaki ang Spain, mababaliw lang sila kakahanap sa'yo doon. Hindi ka nila makikita, promise.” Maluwag ang ngiti na binitiwan ni Divine.Bumuntong hininga siya at tumingin sa tiyan.“Gagawin ko ang makakaya ko para makatulong. Para kahit papaano may maitama man lang ako sa lahat ng nagawa ko sa'yo noon,”dagdag ni Divine.Kahit ilang beses niya pa yatang sabihin na hindi nito kasalanan iyon ay sisisihin at sisisihin pa rin nito ang sarili.Nang marinig nila ang anunsiyo mula sa speakers ng airport ay agad na silang lumisan sa mga upuan. Nakangiti na inalalayan siya ni Divine tungo sa inspection area.Kaya lang isa sa staff ang humarang bigla.“Ma'am, can I check your ID and passport?"ani staff na lalaki. Na dapat hindi ang siyang gumagawa no'ng passport inspection.Iniisip nilang baka may nagbagong policy sa mismong airport. Kaya ngali-ngaling binigay niya ang passport dito. Maliban na lang kay Divine dahil hindi ito hiningan no'ng airport staff. Siya lang talaga.Tapos nitong sipatin ang binigay niya ay may senenyasan itong dalawa guard sa likod. Agad naman tumalima ang mga guard para lumapit sa kanilang dalawa ni Divine.“Tayka, anong nangyayari? Anong ginagawa niyo?” Nagsimulang mabalisa si Divine.Siya ay nagsimula na ring mag-panic.“May passport po ako valid po ang-”“I'm sorry, ma'am. Pero hindi ka po pwedeng umalis ngayon. Utos po ito ng head namin,”putol ng staff sa pagpapaliwanag niya.“Personal ba 'to? Bakit dinadamay niyo siya? Sino ang nagpa-utos sa inyo!” Nagwawala na si Divine.Napangiwi siya nang humigpit ang hawak ng guard sa kaniya dahil ayaw niya pa rin sumunod sa mga ito.“For fúck sake! Buntis iyan. Huwag na huwag niyong saktan 'yan!”bulyaw ni Divine sa mga guards ng airport.Hindi niya man lang magawang patigilin si Divine sa pagsasalita nito. Pero patuloy ito sa pagbubunganga.“Alam niyo bang CEO ng malaking construction company ang ama ng batang dinadala niya? Kapag may nangyari sa kaniya malalagot kayo sa ama ng bata. Kilala niyo ba si Hidan Alijer? May-ari 'yon ng-”“Divine...” mahina niyang saway dito. Nahihiya na siya sa mga sinasabi ng kaibigan.“Dapat malaman nila kung sino ang binabangga nila. Kung sino man ang nagpautos sa kanila dapat malaman nilang mas mayaman si Hidan Alijer doon!” Nanggagalaiti pa rin ang kaibigan niya.Problemado na napatingin siya sa paligid. Hindi niya na alam ang gagawin. Napangiwi siya nang humigpit na naman ang hawak ng guard sa kaniya.“Ano ba, Kuya? Sabing huwag niyong saktan. Tàngina niyo talaga. Sabing buntis iyan, e-” Naputol bigla ang mga sinasabi ni Divine. Maging siya ay natigilan din.Namimilog ang mata na napatulala na lang silang dalawa nang mapansin nila kung sino ang parating.Hidan Aries Alijer is now walking like a deadly lion. His hawk like eyes automatically landed on her. Gumalaw ang panga nito nang masulyapan ang mga kamay ng guard na nakahawak sa kaniya.“Let go of her.” Dumagundong ang malalim nitong boses.Nang mabitiwan siya ng mga tauhan ay parang nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Maiiyak na nilingon niya si Divine.“Tara na,”anyaya niya sa kaibigan.“Salamat po, Mr. Alijer.” Tuwang-tuwa na bulalas ni Divine bago lumapit sa kaniya.Wala siyang ideya kung bakit nandito ngayon si Hidan. Hindi niya rin inasahan na ito pa ang darating para matulungan siya. Pero dapat niya pa bang isipin iyon ngayon? Ang importante ay tumulong ito at ngayo'y matutuloy na sila ni Divine sa pag-alis. May two minutes pa sila. Makakahabol pa sila.Akmang aalis na sila ni Divine nang biglang may iba na namang naka-itim na mga lalaki ang humarang. Gulat na napabalik ang tingin nilang dalawa kay Hidan.“You need to go home, Serrie Almovar,”anito sa mabigat na boses.Napanganga siya. At tulalang napadako ang mata sa iba pang dumating. Ang Mama at step-father niya ay papasok na ngayon kasama ang mga tauhan nila. Kita ang dilim sa mga mata ng ama niya habang nakatingin sa kaniya sa malayo. Halatang galit at maari siyang saktan nito doon mismo sa harap ng maraming tao.Pero bago pa siya mahawakan ng ama-amahan ay nahawakan na siya ni Hidan at ikinubli sa likod nito na parang pinoprotektahan siya mula sa ama niya.“My fiancee is fine. I think we need to go,"ani Hidan.Nanggagalaiti ang ama-amahan niya pero hindi nito magawang saktan siya dahil kay Hidan. Napilitan na lamang itong sumang-ayon sa sinabi ng binata.Nasa kotse na siya nang mapagtanto ang lahat. Nang makapasok si Hidan sa driver's seat ay tulala na bumaling siya sa lalaki.Ibig sabihin, ito ang CEO na pakakasalan niya? Ito ang lalaking sinasabi ng ama niya? Si Hidan Alijer iyon?"Anong ginagawa mo?"Parang nagulantang siya sa nakikita. Nagkasundo na sila kanina na magtabi pero kasama sa kasunduan nilang haharangan nila ng unan ang gitna ng higaan. Alam niyang maliit lang ang hospital bed pero pinipilit ni Hidan na doon siya matulog at hindi sa sofa kaya napipilitan siya ngayong matulog na lang doon. "Nag-usap na tayo kanina, Hidan." Iritado na siya nang sabihin iyon. Hindi kasi ito tumutupad sa usapan.Pero hindi nakinig ang lalaki at nagpatuloy sa pagtabi sa mga unan. Kinakabahan na siya habang pinagmamasdan ang ginagawa ni Hidan. Kung pwede niya lang itong sigawan ay baka kanina niya pa ginawa. Kaya lang baka pag nagpakita siya ng panic at mapansin nitong affected siya ay baka isipin nitong may naalala na siya. Nagkukunwari lang siyang walang naalala kaya dapat hanggang ngayon isipin pa rin nitong wala nga siyang naalala.Nang maalis na nga nito ang mga unan ay tumingin sa kaniya si Hidan. Sumilay ang mapaglaro nitong ngisi. “Now we can sleep,” anito.Nap
Dahan dahan siyang humarap sa lalaki. Napalunok siya nang magsalubong ang mga tingin nila ni Hidan.May benda pa ang kabilang braso ng lalaki. Hindi niya alam kung talagang sinundan siya nito. "P-Pinapatila ko lang," pagdadahilan niya. Sa pagkakataong 'yon ay kinakabahan na siya. Baka tanungin nito kung ano ang sadya niya doon at bakit nandoon siya. Tiyak na wala siyang maisagot.Sinulyapan niya ang braso ng lalaki. Napansin nitong nakatingin siya sa braso nito."Just want to breath a fresh air," depensa ni Hidan.Kumunot ang noo niya sa sinabi ni Hidan. Anong klaseng dahilan 'yon? Gusto nito lumanghap ng sariwang hangin tapos dito talaga sa labas? E malakas ang hangin dahil bagyo. Dapat nasa loob ito ngayon dahil may injury ito. Tsaka hindi niya rin inasahang maabutan pa talaga siya ng lalaki hanggang dito e kanina lang kinakausap pa nito ang nurse na 'yon."Hindi po maganda ang panahon. Mas mabuting pumasok na ho kayo sa loob. Baka imbes na preskong hangin ang masagap niyo e baka s
Malakas na ang hangin nang tanghali. Hindi inasahan ni Serrie na magkakaroon ng bagyo ng araw na 'yon. Kahapon pa hindi umuuwi si Hidan. Hindi man lang ito umuwi para kumuha ng gamit. Baka nag-check in sa hotel?"O baka may kasamang babae. Nag-enjoy siguro kasama ng babae niya," biglang naiusal niya ng hindi namamalayan."Sinong may kasamang babae, Mama?"Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang biglang magsalita ang anak sa likuran niya. Kanina kasi ay nasa baba lang naman ito tapos biglang umakyat pala ito. Hindi niya man lang namalayan. Naabutan pa siya nitong nagsasalita mag-isa rito na parang tanga. "W-Wala naman. May naisip lang ako. Iyong mga katrabaho ko sa plantasyon, mga babae. Bagyo ngayon, paniguradong pahirapan ngayon doon sa plantasyon.""Nagpunta rin po si Tito sa plantasyon. Nagmamadali siya kanina. Ano kayang nangyari?"Kumunot ang noo niya. Nagmamadali si Sandro? Bakit nga kaya? Wala namang nabanggit si Sandro tungkol sa nangyayari sa plantasyon. Kaya lang sa pagkak
Paunti-unti ang pagsubo ni Serrie. Hindi niya akalaing magkasabay nga sila ngayon ni Hidan. Talagang pumayag siyang magkasabay silang kumain ngayon. "Eat more, Serrie," ani Hidan at nilagyan pa ng kanin at ulam ang lagayan niya."A-Ayos lang, Hidan. Okay na ako dito." Tipid ang ngiting binitiwan niya sa lalaki. Hindi niya naman talaga gustong ngitian ito. Hindi niya na ito boss pero ito pa rin ang may hawak ng plantasyon ni Sandro. Hindi niya pwedeng ipahalata ang iritasyon niya sa lalaki.Huwag na kasi nitong sagarin ang pasensiya niya. Huwag na siya sana nitong kausapin at baka hindi siya makapagtimpi rito. Nandito ito para sa anak niya. Akala siguro nito at hindi niya alam 'yon. Akala nito mangmang siya na pwede lang nitong utuin ng candy. Binilisan niya ang pagkain. Nang matapos ay agad niyang tinabi ang pinagkainan."Salamat sa pagkain, Hidan."Napansin niyang nakasunod ang mata sa kaniya ng lalaki. Napansin nito malamang ang pagmamadali niya. Sana naman sa pagkakataong 'yon ay
Nababalisa si Serrie hanggang sa makarating sila sa Hospital. Agad na sinalubong ng ibang nurse si Hidan. Kita ang gulat sa mga mata ng mga nandoon nang makilala kung sinu-sino ang mga nandito ngayon. Halatang maraming nakakakilala kina Sandro at Hidan sa lugar na iyon. Mayayaman ang pamilya na kinabibilangan ng dalawang lalaki. Sa pagkakataong ‘yon ay hindi maalis sa isipan ni Serrie ang ideyang baka nga alam ni Hidan na anak nito si Edann. Ang alam ni Hidan ay wala siyang maalala. Kahit kailan ay hindi naman siya nito pinagdudahan. May mga oras na inuusisa siya nito. Dahil sa aksidente ay maaring isipin nitong nakunan siya... na imposibleng maka-survive ang anak niya doon.Pero mayaman si Hidan. Hindi imposibleng malaman nito ang tungkol sa anak niya. Lalo na at related sa kaniya ang bata. Nanginig ang daliri niya sa kamay habang nakasunod sa stretcher na lulan ng anak niyang walang malay. Doble ang kaba na naramdaman niya na sinabayan ng kalituhan. Bakit ganoon na lang ang reaksyo
Nagpapasalamat siyang sa loob ng isang linggo ay hindi umuuwi si Hidan sa mansyon. Noong unang gabi nila doon ay hindi siya mapakali. Umuuwi si Hidan sa mansyon at doon malamang natutulog. Paniguradong magkikita ulit sila, pero sa kabutihang palad ay hindi pa naman umuuwi ang lalaki. Papaano kung magduda na ngayon si Hidan? Iisipin nitong iniiwasan niya ito. Totoo naman, guilty siya doon. Pero tauhan siya ni Sandro noon pa. Paniguradong may sapat na dahilan si Sandro para pahintuin siya nito sa pagtatrabaho sa plantasyon.Nang maalala niyang hindi pa kailanman umuuwi si Hidan sa mansyon ay napaisip siya kung saan ito tumutuloy ngayon. Sa babae kaya nito? Napapailing siya sa biglang pumasok sa isipan. Ano bang pakialam niya kung may bago na naman itong babae? Mambabae ito ng marami wala siyang pakialam. Napakuyom ang kamao niya sa ideyang ‘yon.“Magkakape kayo?” nagtatakang usisa niya kay Aleng Lita. Tanghali na kasi at ang init sa labas.“Dalhin mo sa office,” ani Aleng Lita imbes n