"Bernard!"
Umalingawangaw ang boses ng ina niya sa buong mansyon. Kararating lang nila at siya namang pagtalikod ni Hidan Alijer. Hinintay lang ng ama-amahan na makaalis si Hidan Alijer para magawa na nito ang gusto nito.Humarang ang ina niya sa kaniya kaya't ang mukha ng ina niya ang natamaan ng sampal nito. Nahintakutan si Bernard nang makita ang namumulang pisngi ng asawa. Mas lalo lang itong nagalit sa kaniya kaya't susugod na dapat ito ulit sa kaniya nang magsalita ang ina niya."Buntis ang anak mo!"Namilog ang mata ni Bernard sa narinig."A-Ano?" Tulala ito."Huwag mong saktan si Serrie dahil buntis siya..." Wala sa sariling ulit ng ina niya.Hindi niya alam kung saan iyon narinig ng Mama niya. Maliban kay Divine wala na siyang sinabihan na iba. Kaya't papaano nito nalaman ang tungkol doon?"Ikaw..." Kumuyom ang kamao ni Bernard.Niyakap siya ng ina. Dahil kung galit ito kanina. Tiyak na mas galit ito ngayon matapos marinig ang pinakamalalang balita.“Ipalaglag mo 'yan!”bulyaw ni Bernard.“Ano?!” Hindi makapaniwalang bulalas ni Esmeralda sa asawa. “Nababaliw ka na!”Napanganga siya. Maging siya ay hindi makapaniwala sa sinabi ng ama. Ganoon na ba ito kadesperadong ipakasal siya kay Hidan Alijer at naisip nitong pumatay ng walang muwang na anghel? Ni hindi ito nagdalawang isip nang sabihin iyon.“Iyaw mong ipalaglag 'yan?” Nagdidilim ang awra ni Bernard na nakatingin sa kaniya.Umiling si Esmeralda. “Wala kang gagawin sa apo ko!”Nagtagis ang bagang ni Bernard at nagbitiw ng sarkastikong tawa at tumango-tango.“Kung ganoon, magpakasal ka bukas na bukas din.” Tinuro siya ng ama. “After the wedding, dapat may mangyari agad sa inyo. Gawin mo ang lahat para isipin niyang anak niya iyang dinadala mo ngayon!”“Bernard!” bulalas ng ina niya.Bumaling sa ina niya ang ama-amahan. “Huwag na huwag kang makikialam sa bagay na 'to simula ngayon. Kung gusto mong mabuhay ang apo mo.”Nag-aalalang tinawagan agad siya ni Divine kinagabihan. Alam nitong may hindi magandang mangyayari pagkatapos ng nangyari sa airport.“Baliw na 'yang step-father mo. My gosh!” Hindi rin makapaniwala si Divine sa mga naikwento niya dito. “Tayka, alam na ba nila kung sino ang ama niyang batang pinagbubuntis mo ngayon? Tsaka, paano nalaman ng mama mo na buntis ka?”Ibig sabihin ay hindi si Divine ang nagsabi sa Mama niya? Kung ganoon, sino?“Hindi ko rin alam, Divine. Nagtaka rin ako.”“Sino bang mag-aakala na siya pala ang pakakasalan mo? My God! Hindi ko na keri ang mga nangyayari,”ani Divine sa kabilang linya. “Nasa condo ako. Hindi na muna ako babalik sa Spain. Hihintayin ko ang kasal mo. Hindi ako aalis.”“Siya nga pala,”aniya't napabuntong-hininga. “Bukas na ang kasal... sabi ni Papa.”“Oh gosh...”Wala si Divine sa harapan niya pero nai-imagine niya na ang frustrated nitong mukha ngayon.Nagbitiw siya ng mapait na ngiti. “Pumunta ka, ha.”“My gosh, Serrie. Kahit hindi mo sabihin. Pupunta ako!”Nag-research siya sa internet sa gabing iyon. Doon niya iginugol ang libreng oras niya bago matulog. Tinipa niya ang pangalang Hidan Alijer at naglipana ang mga article tungkol sa lalaki. Hindi pala talaga ito basta-basta'ng tao. CEO of one of the biggest construction company. Pag-aari ang pinakamalaking condo, hotels at mga malalaking malls.Ang masasabi niya lang. Napakalayo ng agwat nila ni Hidan Alijer. Ang pakasalan siya ng lalaking ito ay kwestyunable. Hindi ganoon kalaki ang negosyong mayroon ang pamilya niya. Nasa gitna lang sila at hindi man lang humanay sa mga malalaking pangalan sa larangan ng negosyon. Kaya kahit sino magtataka kung bakit ang pamilya niya ang pipiliin ng isang Alijer.Di katulad no'ng una, mas tensyunado siya ngayon. Hindi hinayaan ng kampo ng Alijer na sila ang mag-asikaso ng kasal katulad ng ginawa ng kampo nina Coby dati. Hindi niya inakalang mapapayag ng ama niya na gawin kinabukasan ang kasal.Kinabahan siya nang mahirapan ang stylist na isara ang zipper sa likuran niya. Napakapa agad siya sa tiyan. Hindi naman siguro halata ang tiyan niya? Napapansin niya kasing unti-unting nadadagdagan ang size niya at timbang kaya baka nagsisimula na rin na lumubo ang tiyan niya.“Sorry, ma'am.” Alanganin na sabi ng stylist matapos ng ilang minutong pagsasara sa zipper.“T-Tumaba yata ako. Pasensiya ka na. Nag-diet dapat ako.” Pahiya at bahagya siyang nagbitiw ng tawa.Buti na lang nagkasya pa sa kaniya. Tapos niyang ayusan ay pumasok agad sa silid ang Mama niya. Seryoso ang mukha halatang hindi masaya sa kasal na gagawin.“Bumaba na tayo. Naghihintay na ang sasakyang gagamitin tungo sa munisipyo,”anito na sinagot niya lang din ng tahimik na tango.Sinong mag-aakalang sa lalaking 'yon din ang bagsak niya? Ayaw niya ng businessman katulad ng ama-amahan niya. Pero doon pa rin siya patutungo.Civil wedding ang gagawin. Hindi sa simbahan na katulad noong unang plano para sa kanila ni Coby. Urgent wedding ang gagawin dahil hindi na makapaghintay ang ama niya.Napalunok siya nang magtama ang mata nila ni Mr. Alijer. Ang nandoon ay isang may edad na lalaki na magsisilbing witness ni Hidan sa side nito. At sa side niya ay ang mama niya at ama. Tumango sa kaniya ang ama na parang sinasabing huwag siyang tumunganga lang doon at ngali-ngali na siyang lumapit kay Hidan para simulan na ang proseso ng civil wedding.Hidan is now wearing a simple business suit. Pero kahit ganoon ay napakailigante pa rin nitong tingnan. Hindi mawawala ang kaseryusuhan sa mga mata ng lalaki. Ngunit ni hindi man lang siya matapunan ng tingin nito. Nakayuko na pinakinggan na lang niya ang sinasabi ng mayor.Nang suotan na siya nito ng sing-sing ay ilang beses siyang napalunok. Ang malaki at maugat nitong kamay ay hawak ang maliit niyang kamay habang pinapadausdos nito ang sing-sing sa daliri niya.“You may now kiss your bride, Mr. Alijer,”ani Mayor na nakangiti.Namilog ang mata niya sa gulat. Alam niyang may ganitong parte sa kasal pero hindi niya ito napaghandaan. Bakit hindi man lang sumagi sa isip niyang may mangyayaring ganito? Saktong paglingon niya kay Hidan ay nakayuko na ito para abutin ang labi niya. Sa isang kurap ay lumapat ang labi nito na ikinasinghap niya.Ni hindi nito sinabi kung kailan siya hahalikan. Siguro nga ay ayos nang iyon ang nangyari. Para hindi na siya mas mataranta pa.Saglit na nagkatinginan sila ni Hidan matapos ang maikling halik. Napansin niya ang pag-igting ng panga nito. Nakita niya ang lamig sa mga mata ni Hidan bago nito bawiin ang tingin sa kaniya. Nakipagkamay ang lahat sa magulang niya. Kahit si Hidan ay kinamayan ng ama niya. Parang isang negosyo na naging successful ang nangyayari ngayon. Parang parte lang ng negosyo ang kasal na ito.Kasama na siya ni Hidan sa sasakyan nito nang magtungo sila sa wedding reception. Tahimik siya habang iba ang pinagkakaabalahan ni Hidan sa tabi niya.“I'm coming. Yes, hindi ako pupunta sa reception. Mas importante 'yan kaysa sa kasal ko,”anito sa baritunong boses.Sinulyapan niya ito na may kausap sa cellphone. Pagod na rin siya at gusto nang magpahinga pero ngayong hindi pala ito pupunta sa celebration ng kasal ay mapipilitan siyang mag-isa na harapin ang mga bisita ng Mama niya na nandoon.Siya ang nagbukas ng pinto nang makarating na sila sa venue. Abala pa rin si Hidan sa kausap at sinabi nitong hindi ito pupunta sa wedding celebration.“Papasok na ako,”mahinang paalam niya kay Hidan. Pero hindi siya nilingon nito at nagpatuloy sa pakikipag-usap.Kaya pahiya na umatras na lang siya. “Salamat sa paghatid.” At sinara niya na ang pinto.Ayaw ni Hidan ng crowded sa mismong kasal kaya hindi niya na naisama si Divine sa munisipyo. Pero dito sa party ay nandito ang kaibigan. Ito ang agad sumalubong sa kaniya para yakapin siya.Abala ang Mama niya sa mga kaibigan nito ganoon din ang ama-amahan na nakakunot ang noo nang malamang hindi nagpunta doon si Hidan.“Grabe! Mrs. Alijer ka na!” Kinikilig si Divine.Kahit yata alam nito ang set-up nila ni Hidan ay hindi maalis kay Divine ang kiligin. Talaga naman kasing eye catching si Hidan. Sa tangkad, pustora, itsura at yaman nito ay napakarami nang na-link na model at showbiz personalities sa lalaki. Siya lang naman itong non-showbiz na biglang sumingit sa daan nito.Nagbitiw siya ng tipid na ngiti kay Divine. Kahit papaano. Natutuwa siyang nandito si Divine. Ito lang ang magbibigay ng saya sa kaniya at magpaparamdam sa kaniyang may pamilya siya.“Salamat at nagpunta ka.” Nakangiting sabi niya kay Divine.Nasa mesa na sila ng mga sweets. Mahilig ito sa mga sweets kaya't hinila agad siya ni Divine doon.“Syempre! Ako pa ba?” Tapos mayabang itong namaywang. “Hindi ko palalampasin itong mga cupcakes niyo rito. Makikikain ako syempre.”Natawa siya. Natahimik siya nang maalala ang lalaking irereto dapat ni Divine sa kaniya.“Sana nakilala ko man lang iyong lalaking gusto mo para sa'kin. Naranasan ko man lang sana ang makipag-date bago ikasal.” Hilaw siyang tumawa. Pero sa loob niya, kumikirot ang dibdib niya.Natigilan si Divine sa pagkuha ng cupcakes. Mapait itong ngumiti.“Gusto ka niya. Kahit itong pagbubuntis mo ay tatanggapin niya kung hindi ka lang nagpakasal kay Hidan.”Parang maluluha siyang binalingan si Divine. May pag-asa pa siya sa lalaki ngunit wala siyang pag-asang makawala sa magulang niya.“Ganoon ba?” Mapait siyang ngumiti."Anong ginagawa mo?"Parang nagulantang siya sa nakikita. Nagkasundo na sila kanina na magtabi pero kasama sa kasunduan nilang haharangan nila ng unan ang gitna ng higaan. Alam niyang maliit lang ang hospital bed pero pinipilit ni Hidan na doon siya matulog at hindi sa sofa kaya napipilitan siya ngayong matulog na lang doon. "Nag-usap na tayo kanina, Hidan." Iritado na siya nang sabihin iyon. Hindi kasi ito tumutupad sa usapan.Pero hindi nakinig ang lalaki at nagpatuloy sa pagtabi sa mga unan. Kinakabahan na siya habang pinagmamasdan ang ginagawa ni Hidan. Kung pwede niya lang itong sigawan ay baka kanina niya pa ginawa. Kaya lang baka pag nagpakita siya ng panic at mapansin nitong affected siya ay baka isipin nitong may naalala na siya. Nagkukunwari lang siyang walang naalala kaya dapat hanggang ngayon isipin pa rin nitong wala nga siyang naalala.Nang maalis na nga nito ang mga unan ay tumingin sa kaniya si Hidan. Sumilay ang mapaglaro nitong ngisi. “Now we can sleep,” anito.Nap
Dahan dahan siyang humarap sa lalaki. Napalunok siya nang magsalubong ang mga tingin nila ni Hidan.May benda pa ang kabilang braso ng lalaki. Hindi niya alam kung talagang sinundan siya nito. "P-Pinapatila ko lang," pagdadahilan niya. Sa pagkakataong 'yon ay kinakabahan na siya. Baka tanungin nito kung ano ang sadya niya doon at bakit nandoon siya. Tiyak na wala siyang maisagot.Sinulyapan niya ang braso ng lalaki. Napansin nitong nakatingin siya sa braso nito."Just want to breath a fresh air," depensa ni Hidan.Kumunot ang noo niya sa sinabi ni Hidan. Anong klaseng dahilan 'yon? Gusto nito lumanghap ng sariwang hangin tapos dito talaga sa labas? E malakas ang hangin dahil bagyo. Dapat nasa loob ito ngayon dahil may injury ito. Tsaka hindi niya rin inasahang maabutan pa talaga siya ng lalaki hanggang dito e kanina lang kinakausap pa nito ang nurse na 'yon."Hindi po maganda ang panahon. Mas mabuting pumasok na ho kayo sa loob. Baka imbes na preskong hangin ang masagap niyo e baka s
Malakas na ang hangin nang tanghali. Hindi inasahan ni Serrie na magkakaroon ng bagyo ng araw na 'yon. Kahapon pa hindi umuuwi si Hidan. Hindi man lang ito umuwi para kumuha ng gamit. Baka nag-check in sa hotel?"O baka may kasamang babae. Nag-enjoy siguro kasama ng babae niya," biglang naiusal niya ng hindi namamalayan."Sinong may kasamang babae, Mama?"Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang biglang magsalita ang anak sa likuran niya. Kanina kasi ay nasa baba lang naman ito tapos biglang umakyat pala ito. Hindi niya man lang namalayan. Naabutan pa siya nitong nagsasalita mag-isa rito na parang tanga. "W-Wala naman. May naisip lang ako. Iyong mga katrabaho ko sa plantasyon, mga babae. Bagyo ngayon, paniguradong pahirapan ngayon doon sa plantasyon.""Nagpunta rin po si Tito sa plantasyon. Nagmamadali siya kanina. Ano kayang nangyari?"Kumunot ang noo niya. Nagmamadali si Sandro? Bakit nga kaya? Wala namang nabanggit si Sandro tungkol sa nangyayari sa plantasyon. Kaya lang sa pagkak
Paunti-unti ang pagsubo ni Serrie. Hindi niya akalaing magkasabay nga sila ngayon ni Hidan. Talagang pumayag siyang magkasabay silang kumain ngayon. "Eat more, Serrie," ani Hidan at nilagyan pa ng kanin at ulam ang lagayan niya."A-Ayos lang, Hidan. Okay na ako dito." Tipid ang ngiting binitiwan niya sa lalaki. Hindi niya naman talaga gustong ngitian ito. Hindi niya na ito boss pero ito pa rin ang may hawak ng plantasyon ni Sandro. Hindi niya pwedeng ipahalata ang iritasyon niya sa lalaki.Huwag na kasi nitong sagarin ang pasensiya niya. Huwag na siya sana nitong kausapin at baka hindi siya makapagtimpi rito. Nandito ito para sa anak niya. Akala siguro nito at hindi niya alam 'yon. Akala nito mangmang siya na pwede lang nitong utuin ng candy. Binilisan niya ang pagkain. Nang matapos ay agad niyang tinabi ang pinagkainan."Salamat sa pagkain, Hidan."Napansin niyang nakasunod ang mata sa kaniya ng lalaki. Napansin nito malamang ang pagmamadali niya. Sana naman sa pagkakataong 'yon ay
Nababalisa si Serrie hanggang sa makarating sila sa Hospital. Agad na sinalubong ng ibang nurse si Hidan. Kita ang gulat sa mga mata ng mga nandoon nang makilala kung sinu-sino ang mga nandito ngayon. Halatang maraming nakakakilala kina Sandro at Hidan sa lugar na iyon. Mayayaman ang pamilya na kinabibilangan ng dalawang lalaki. Sa pagkakataong ‘yon ay hindi maalis sa isipan ni Serrie ang ideyang baka nga alam ni Hidan na anak nito si Edann. Ang alam ni Hidan ay wala siyang maalala. Kahit kailan ay hindi naman siya nito pinagdudahan. May mga oras na inuusisa siya nito. Dahil sa aksidente ay maaring isipin nitong nakunan siya... na imposibleng maka-survive ang anak niya doon.Pero mayaman si Hidan. Hindi imposibleng malaman nito ang tungkol sa anak niya. Lalo na at related sa kaniya ang bata. Nanginig ang daliri niya sa kamay habang nakasunod sa stretcher na lulan ng anak niyang walang malay. Doble ang kaba na naramdaman niya na sinabayan ng kalituhan. Bakit ganoon na lang ang reaksyo
Nagpapasalamat siyang sa loob ng isang linggo ay hindi umuuwi si Hidan sa mansyon. Noong unang gabi nila doon ay hindi siya mapakali. Umuuwi si Hidan sa mansyon at doon malamang natutulog. Paniguradong magkikita ulit sila, pero sa kabutihang palad ay hindi pa naman umuuwi ang lalaki. Papaano kung magduda na ngayon si Hidan? Iisipin nitong iniiwasan niya ito. Totoo naman, guilty siya doon. Pero tauhan siya ni Sandro noon pa. Paniguradong may sapat na dahilan si Sandro para pahintuin siya nito sa pagtatrabaho sa plantasyon.Nang maalala niyang hindi pa kailanman umuuwi si Hidan sa mansyon ay napaisip siya kung saan ito tumutuloy ngayon. Sa babae kaya nito? Napapailing siya sa biglang pumasok sa isipan. Ano bang pakialam niya kung may bago na naman itong babae? Mambabae ito ng marami wala siyang pakialam. Napakuyom ang kamao niya sa ideyang ‘yon.“Magkakape kayo?” nagtatakang usisa niya kay Aleng Lita. Tanghali na kasi at ang init sa labas.“Dalhin mo sa office,” ani Aleng Lita imbes n