Share

C 3

Author: KYLIEROSE
last update Last Updated: 2025-12-16 19:25:50

PAGKAKITA ni Luca sa anak ko ay agad nito itong pinaasikaso. Dahil na rin sa pera ay nagawa nitong mailipat sa prestihiyosong hospital si Alessandro at pinaoperahan.

Hindi mapakaling nagpalakad-lakad ako sa labas ng operating room habang hinihintay ang paglabas ng doktor.

"Miss Gomez, relax. Your son is in good hands," sabi ni Luca na pumutol sa katahimikan.

"Oo nga naman, Jordan. Sumasakit na ulo ko sa paruot-parito mo. Tama itong si mister tisoy. Kilala ang hospital na 'to dahil sa magagaling na mga doctor na nandito. Kaya maupo ka at mag-relax. Wala maitutulong ang ginagawa mo," segunda ni Apple.

Buntong hiningang naupo ako sa tabi ni Apple. "I know. But I couldn't relax. Nag-aalala pa rin ako kay Alessandro. Siya na lang kasi ang meron ako."

Hinawakan ni Apple ang kamay ko. "Naiintindihan kita. Buti nga inaksyunan agad ni Mr. Pogi 'yung anak ninyong dalawa. Oo nga pala ano ang reaksyon ni Mr. Pogi nang sabihin mong nagbunga ang isang gabing kapusukan ninyo?"

Pinanlakihan ko ng mata si Apple dahil wala na namang preno ang bibig niya. Nakalimutan ba niya na nasa tabi lang namin si Luca?

Tumikhim si Luca. "My boss has a name. And, for your information, my boss has not accepted Alessandro as his son until he can verify that Alessandro is his son," singit ni Luca.

Ngumuso si Apple. "Sus! Hindi pa ba obvious na anak ng boss mo ang kwapo kong inaanak? Sa mata pala masasabi mo na na anak ng boss mo si Alessandro!"

Walang emosyong tiningnan sila ni Luca. "Hindi doon nagagarantisado ang lahat, Miss. Hanggat wala pang resulta sa DNA test huwag ka muna pakasiguro. Pasalamat kayo dahil tinulungan ni Mr. Velasquez ang bata."

"Abat!"

"Apple, tama na," saway ko sa kaibigan ko.

"Ito kasi eh!"

Marahan akong umiling bilang pagpigil sa kanya. May punto rin naman si Luca sa mga sinabi niya. Pero kampante ako at nasisiguro ko na nagsasabi ako ng totoo na anak ni Beckett si Alessandro. Pero ayoko na lang din makipagtalo dahil malalaman din naman sa huli ang totoo.

Ilang oras pa ang lumipas bago bumukas ang pinto sa operating room at lumabas doon ang doktor na siyang nag-opera kay Alessandro.

Mabilis akong tumayo at lumapit sa doktor. "Doc, kumusta po ang anak ko?"

"The operation is successful, Miss Gomez. Your son is okay now. Nasa recovery room na siya. Maari ninyo siyang hintayin sa kwarto niya," anito na bahagya akong nginitian.

"Maraming salamat ho, Doc."

"Welcome. Maiwan ko muna kayo," aniya na umalis na.

Wala sa oras na nayakap ko si Apple sa sobrang saya. Ngayon kampante na ako na maayos na talaga ang kalagayan ng anak ko.

Tiningnan ko si Luca at nginitian. "Salamat, Luca. Salamat din sa boss mo."

Tumikhim si Luca at inayos ang suot na salamin. "Maghintay na lang kayo sa kwarto ni Alessandro, Miss Gomez."

"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya nang tatalikod siya.

"I'll inform my boss that the operation went well," anito na nagpatuloy nang umalis.

"Alam mo sayang siya. Ang gwapo pa naman niya pero masyadong seryoso. Para siyang robot na di-susi," sabi ni Apple.

Natatawang umiling siya. "Ikaw talaga. 'yang bibig mo walang preno."

"Totoo naman."

"Halika na nga. Doon na lang natin hintayin si Alessandro sa kwarto niya." Hinila ko na si Apple paapunta sa hospital room ni Alessandro.

"Oh my gosh, Jordan! Parang nasa hotel room lang tayo!" Bulalas ni Apple nang makita namin ang loob ng magiging hospital room ni Alessandro.

"Talaga palang pang high class ang hospital na 'to! Tingnan mo meron pang chandelier." Tinuto nito ang kulay gintong chandelier sa may bandang sala ng kwarto.

Nilibot niya ng tingin ang buong paligid ng hospital room. Para nga talaga silang nasa isang high class hotel dahil sa ganda at kaledad ng mga gamit sa kwarto. Iisipin mo talaga na nasa bakasyon ka lang.

Bukod sa may sala iyon ay may sarili ring kusina ang kwarto. Hindi lang iyon. Kumpleto talaga ang mga kasangkapan.

"Talagang hindi basta-basta ang ama ni Alessandro, Jordan," sabi pa ni Apple.

Totoo ang sinabi niya. Iyung mga magulang ko na may sinabi sa buhay ay walang-wala kumpara sa yaman na meron si Beckett.

Muli ay naalala ko si Beckett. Kung paano niya akong tingnan at pakitunguhan. Marahil pakitang-tao lang ang pakitungo niya sa akin noon para lang makuha niya ang loob ko. And he did.

Hindi ko itinatanggi na nasaktan ako nang hindi man lang ako maalala ni Beckett. Ang laki ko rin namang tanga para isipin na ako lang ang babaeng dumaan sa buhay nito. Sa yaman at kagwapuhan ni Beckett imposibleng walang babae ang magkakandarapang maikama lang nito.

At ako? Kabilang ako sa mga babaeng tinikman at dumaan lang sa buhay ni Beckett. At sa anak namin, hindi na lang ako aasa para hindi ako masaktan sa kung ano man ang magiging desisyon nito.

"MAMA, ang laki po nitong kwarto ko." Hindi makapaniwalang inilibot ng tingin ni Alessandro ang kabuohan ng malaking hospital room.

"Saan ka po nakakuha ng pera, Mama, para po maipambayad dito sa hospital?" maya'y tanong niya sa akin.

Nagkatinginan kami ni Apple na halos kagigising lang.

Tipid kong nginitian si Alessandro. "Nanghiram ako sa amo ko, nak," pagsisinungaling ko. Alam kong masama ang magsinungaling pero hindi ko naman kasi masabi sa kanya ang totoo.

"Ako rin nanghiram sa amo ko," segunda ni Apple. "Kung ako sa'yo, huwag mo ng isipin ang nagastos dito sa hospital. Ang dapat mong gawin ay magpagaling at sundin si doc."

"Opo, Ninang." Hinawakan ni Alessandro ang kamay ko. "Mama, maraming salamat po. Sorry din po kasi napaiyak po kita."

Pigil ang mga luhang hinawakan ko ang pisngi niya. "Natural lang na umiyak ako dahil sobra-sobra ang pag-aalala ko sa'yo. And mama will do everything for you, anak."

"I love you po, Mama!"

"I love you more."

"Salamat po, Ninang!" baling naman ni Alessandro kay Apple.

"Walang anuman, pogi kong inaanak," sagit ni Apple na bahagyang pinisil ang pisngi ni Alessandro.

Katok sa pinto ang nagpatigil sa aming tatlo. Bumukas ang pinto at iniluwa ni'yon si Luca. Bago na ang suot nitong pang office attire. Marahil umuwi rin ito kagabi at bumalik lang ngayong umaga.

"Good morning, Luca," bati niya rito.

"Siya po ba ang boss mo, Mama?" tanong ni Alessandro.

Humakbang palapit si Luca sa amin. Bahagya itong yumukod kay Alessandro. "Good morning, young boss," bati niya sa anak ko.

Nangunot naman ang noo ni Alessandro. "Young boss?"

"Can I talk to you, Miss Gomez?" baling sa akin ni Luca.

"Yeah, sure." Tumayo ako at sumunod sa kanya palabas ng kwarto.

"May problema ba?" tanong ko sa kanya pagkalabas.

"Wala naman. I just wanted to inform you na nanggaling na si Mr. Velasquez dito para sumailalim sa procedure para sa DNA test," pagbibigay alam niya na ikinatango ko.

Napakunot-noo ako nang titig na titig siya sa akin. Parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi.

"May problema ba, Luca?"

Umiling ito. "Wala, Miss Gomez."

"Hmmm...iniisip mo ba na dapat na akong umamin dahil baka malaman na ang totoo kung sakaling hindi tunay na anak ni Beckett ang anak ko?" Nagbuntong-hininga ako. "Naiintindihan ko kung bakit ganu'n ang iniisip mo, Luca. Sino nga naman ang mag-aakala na nagbunga ang isang gabing nangyari sa amin ni Beckett. Pero hindi ako natatakot sa lalabas na resulta ng DNA test dahil pagkatapos ng gabi 'yon wala ng ibang lalaki ang dumaan sa buhay ko," mahaba kong litanya.

Tumango lang si Luca. "Mamaya lalabas ang resulta. Ipapaalam ko sa'yo agad,"

"Salamat."

"Dumaan lang ako para sabihin 'yan. Aalis na rin ako."

"Umh...hindi ba nasabi ni Beckett kung dadalawin niya ang anak niya?" hindi ko mapigilang itanong.

Nayuko ito. "Walang nasabi si Mr. Velasquez, Miss Gomez."

Nakaramdam ako ng konting lungkot. Hindi ba talaga interisado si Beckett na makitano makilala man lang ang anak namin?

"Okay. Salamat, Luca. Ingat ka."

Tinanaw ko lang ang pag-alis niya hanggang sa tuluyan siyang nawala sa paningin ko.

NASA BUNGAD palang ako ng mansion nga aking ama ay rinig ko na ang pagtatalo ni ama ko at ng anak nito sa pangalawa.

"Señorito Beckett, pinapasabi ho ni Señor Armani na kapag dumating ka ay dumiretso ka sa opisina niya," salubong sa akin ng isa sa kasambahay. Tinanguan ko lang siya at dumiretso sa opisina ng ama ko.

"Pinagbigyan na kita sa una BL, pero anong ginawa mo? Nagbuntis ka ng ibang babae!" rinig kong sigaw ng aking ama.

"Because this is all you want, Dad! You want me to have a happy family! Ipinakasal mo ako noon sa babaeng walang silbi!"

"Oo pero hindi sa ganyang paraan! I've been there in a failed relationship, son, that's why I don't want you and Beckett experience that. Pinili ko ang babaeng 'yon dahil alam kong makabubuti siya sa'yo. 'Yun din ang dahilan kung bakit ibinigay ko sa'yo ang pamamahala ng hotel. Pero anong ginagawa mo? Sinira mo ang relasyon mo sa dati mong asawa!'

"Kaya ibibigay mo sa bastardo mong anak ang pamamahala ng Cosa Rica Familia?!

Narinig ko ang marahas na pagbuntong-hininga ng aking ama. "Sa kanya ko ipamama na ang organisasyon dahil nakikita ko na siya ang may kakayahang mamuno roon."

Buntong hiningang kumatok ako sa bahagyang naka-awang na pinto. Hindi ko na gusto pang marinig ang pagtatalo nila dahil sa akin.

"Come in," utos ng ama ko.

Tumalim ang tingin ni BL nang humakbang ako papasok ng kwarto. Bakas sa kanyang muka ang galit nang lumabas ito. Sinadya pa nitong pagbanggain ang mga balikat namin.

"Take a sit, Son." iminuwestra ng ama ko ang kamay sa kaharap na upuan ng office table niya.

"Gusto mo daw ako maka-usap?" tanong ko agad nang makaupo ako.

"Yes. As the owner of Cosa Rica Familia, I am going to step down. At gusto kong ikaw ang pumalit sa akin bilang Don."

"Don't you think it's too early for that?"

"Early? No. You are already 32 years old, Beckett. Mas bata pa ako sa'yo noong hawakan ko ang organisasyon. Bukod 'dun, gusto kong magkaroon ka na ng pamilya."

"Wala pa sa isip ko ang mag-asawa."

"You're not getting any younger, Beckett. Ang kapatid mo nagkakaanak na."

"Hindi ako nakikipagkumpitensya sa kanya," mariin kong sabi.

"Nakausap ko na ang si Mr. Rasini tungkol sa anak niyang babae—"

"Dad."

"Gusto kong siputin mo siya sa dinner date na hinanda ko para sa inyong dalawa," giit nito.

"Dad, sinabi ko na sayo—"

"Kailangan magkaroon ng malakas na pundasyon ang Velasquez at Rasini, para mas lumawak pa ang mga negosyo natin. Maliwanag ba, Beckett?"

Nakuyom ko ang aking kamao. "Yes, Dad." Tumayo na ako. "Kung wala ka ng ibang sasabihin aalis na ako."

Pagkatapos kong magpaalam sa kanya, humakbang na ako palabas ng mansion. Napatigil ako nang mabungaran ko si BL na nakaupo sa bumper ng Rolls-Royce ko.

"Happy?" he asked me in mocking way.

"Wala akong oras para makipag-usap sa'yo."

"Gagawin ko ang lahat para mapagbagsak ka, Beckett," anito na nagpatigil sa akmang pagsakay ko.

Walang emosyon at may panghahamong tingin na tiningnan ko siya. "Bring it on," tanging sabi ko bago tuluyang sumakay sa sasakyan.

Binusinahan ko siya para umalis siya sa pagkakaupo sa bumper ng sasakyan ko. Isang pagbabantang tingin ang binigay ko sa kanya bago ko tuluyang minaniobra ang sasakyan palayo sa lugar na iyon.

NAPANGITI ako nang nakita kong mahimbing nang natutulog si Alessandro pagkabalik ko sa hospital room niya. Hinatid ko lang kasi saglit si Apple sa labas dahil papasok na ito sa trabaho. Nakatulog siya sa panonood ng cartoons sa malaking flat screen tv.

Pinatay ko ang telebisyon at pinakatitigan ang gwapong mukha ni Alessandro. Doon hindi ko napigilang magbalik tanaw sa gabing pinagsaluhan namin ni Beckett.

Pagpasok namin sa penthouse ni Beckett ay agad niya akong hinalikan sa aking mga labi. Pinulupot niya ang braso sa aking balingkinita kong katawan habang marahan niya akong dinadala papunta sa kwarto niya.

Nang tumama na ang likuran ng binti ko sa kama ay marahan niya akong tinulak pahiga. Nakagat ko ang ibaba kong labi habang pinapanood ang paghubad ng mga saplot niya sa katawan.

Dapat ngayon pa lang ay umayaw na ako habang maaga pa dahil alam ko naman na hindi tama itong gagawin ko. Pero ewan ko ba kung ano ang meron sa hawak ni Beckett na nagbibigay ng init sa aking katawan.

Nakainom ako, pero alam ko at nasisiguro ko na nasa tamang huwisyo pa ako sa mga oras na ito kaya hindi dahilan ang alak kung bakit gustong gusto ko maramdaman ang init ng kanyang katawan na hindi ko naramdaman noon kay Beckham.

Hindi ko alam kung anong meron sa lalaking ito kung bakit ganito na lang ang epekto ng katawan ko sa simpleng haplos at halik niya.

Kahit ngayong gabi lang maranasan ko ang maging malaya. Just this once. Pagkatapos kakalimutan ko ang lahat ng nangyari o mangyayari ngayong gabi.

Nang mahubad na ni Beckett ang lahat ng damit na suot ay nag-init ang aking mukha. Sa unang pagkakataon ngayon lang ako na-attract sa katawan ng isang lalaki. Sa kanya palang. Maganda ang katawan ni Beckham, pero hindi ako naapektuhan ng ganito, hindi tulad ngayon.

"You like what you saw, Jordan?" naniningkit ang mga matang tanong ni Beckett.

I open my mouth to say something, pero walang lumabas na anong salita mula roon. Ngumiti si Beckett kuway marahang pumaibabaw sa akin.

"You have five minutes to change your mind, Jordan. Dahil hindi ko na maipapangakong mapipigilan ko pa ang sarili ko na angkinin ka ngayong gabi."

Ikinawit ko ang dalawa kong braso sa batok niya kuway kinintalan ko siya ng halik sa kanyang mga labi.

"Then don't." Iyon ang naging hudyat para ipagpatuloy na niya ang nais niyang gawin sa akin.

Nahigit ko ang aking hininga nang dumampi ang mainit niyang mga labi sa leeg ko. Kumakagat at s********p.

"Hmmm..." Hindi mapigilang ungol ang lumabas sa aking bibig.

Naramdaman ko ang kamay niya na bumaba sa laylayan ng suot kong damit at marahan nito 'yong hinila pataas. Sinunod niyang tinanggal ang suot kong bra. Nang akmang tatakpan ko ang dibdib ko ay agad niyang pinigilan ang magkabila kong braso.

"Don't. Let me see it. Oh god...you don't know how beautiful you are, Jordan," he mumbled.

Bumaba ang mga halik niya sa aking balikat, pababa sa gitna ng aking dibdib, at pababa pa sa aking puson. Naramdaman ko ang mga kamay niya na bumubukas sa botones at zipper ng suot kong pantalon. Nang tingnan ko siya ay kitang kita ko sa mga mata niya ang pagnanasa na maangkin ako.

"Tonight, you are mine, Jordan."

"Ohh!" singhap ko nang dumampi ang mga labi niya sa aking pagkababae.

"O-oh god!" nakagat ko ang ibaba kong labi dahil sa libo-libong boltaheng sensasyong dumadaloy sa buo kong katawa dahil sa ginagawa niyang pagsamba sa akin.

Umangat siya para muling tikman ang aking mga labi. Pareho kaming agaw hininga nang pakawalan niya ako.

"I can't wait any longer," tila hirap nitong sabi.

Tipid akong ngumiti at hinaplos ang gwapo nitong muka. "Me too."

"I'll never forger this night, the night you let met enter your world. I'll always remember your name, Jordan..."

"Miss, Gomez?"

"Jordan."

Napapiksi ako nang marinig ko ang baritonong boses mula sa aking likuran. Napakurap-kurap akong nilingon ang bagong dating.

Pinamulhan ako ng mukha nang makita ko ang gwapong mukha ni Beckett. Bakit ngayon ko pa siya nakita kung kailan naalala ko ang mapusok na gabing pinagsaluhan namin noon.

"I-ikaw pala, Beckett." Nahihiyang iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

Nahagip ng sulok ng mga mata ko ang ginawa niyang pagtingin kay Alessandro na mahimbing natutulog.

"May resulta na ang DNA test." Itinaas niya ang hawak na sobre. I want to see the results with you."

"S-sige."

Sumunod ako sa kanya papunta sa sala at naupo sa kaharap na kinauupuang sofa ni Beckett. Binuksan nito ang sobre at binasa ang nilalaman. Nakita ko ang paggalaw ng mga panga niya bago siya tumingin sa akin.

"It's 99.9 percent positive na ako ang ama ni Alessandro," sabi niya na walang emosyon. Inabot niya sa akin ang papel.

Lihim akong napangiti nang makita ko ang resulta. Hindi naman talaga ako natatakot sa lalabas dahil hindi naman ako nagsisinungaling.

"Umh...tulad nga ng sinabi ko noong una, wala talaga akong balak na ipaalam alam sa'yo ang tungkol sa bata. Hindi ko rin kilala ang pagkatao mo. Nagkataon lang na nakita kita sa tabloid kaya naglakas ako ng loob na makausap ka dahil kailangan ko talaga ng pera para sa operasyon ni Alessandro—"

"Hindi pwedeng dito matapos ang lahat," aniya na nagpahinto sa iba ko pang sasabihin.

"What do you mean?"

"Bibigyan konkayo ng maayos na tirahan at bibigyan kita ng trabaho. Ibibigay ko ang lahat ng mga pangangailangan ni Alessandro. Ibibigay ko ang buhay na nararapat sa kanya. But I don't want anyone to know anything about him. I don't want you to introduce me as his father as well."

Kumirot ang puso ko sa huling sinabi niya. Gusto kong tanungin kung bakit pero hindi ko magawa.

"You don't have to do that, Mr. Velasquez. Natutustusan ko naman ang mga pangangailangan ng anak ko. Nagkataon lang na gipit ako at kinakailangan ng operasyon ni Alessandro."

Tumaas ang sulok ng labi niya. "Pero hindi simpleng tao lang ang anak mo. He has my blood, thus he deserves everything in this world."

"Pero—"

"Kung hindi ka papayag sa gusto ko, kukunin ko ang bata sa'yo.

Galit niya itong tinitigan. "You can't do that!"

"You know I can." Binigyan niya akong ng panghahamong tingin.

Nakuyom ko ang mga kamao ko. "Gusto mong bigyan ng magandang buhay ang anak ko pero tawagin siyang anak hindi mo magawa!"

"Oo at hindi lang ang hinihingi kong sagot sa'yo, Miss Gomez."

Inalis ko ang tingin sa kanya. Naiinis ako dahil alam kong wala akong laban kapag tinapatan niya ako ng pera.

"Si Alessandro lang ang meron ako. I-I can't live without him," anas ko.

"Is that a yes, Miss Gomez?"

"Yes," labag sa loob kong sagot.

"Look at me and say it again."

Nanginginig ang mga matang tiningnan ko siya. "Yes."

"That's good to hear." Tumayo na ito. "Ipapaasikaso ko agad kay Luca ang titirahan ninyo," anito at walang paalam na umalis ito.

Pagkasara ng pinto doon ko lang hinayaang tumulo ang mga luha ko. Tulad pa rin noon ay natatalo pa rin ako sa mga ganitong deskusyon. Wala pa rin akong lakas ng loob na hindi sumangayon sa gusto ng iba.

Mukhang mauulit ulit ang buhay kong iba ang nagdedesisyon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A Night with HIM    C 15

    KAHIT sinundo ako ni Luca ay hindi ako sumakay sa sasakyan niya dahil masama pa rin ang loob ko kahit tatlong araw na ang nakalipas at ayoko talagang magpahatid sa kanya.Hindi rin ako pumayag na magkaroon ng bodyguard nang sabihin sa akin ni Luca. Ayoko nang tumanggap ng kahit na ano na magmumula kat Beckett.Kasalukuyan kami ngayong nasa meeting kasama mga board member 3 at tahimik lang akong nasa likod ni Beckett habang nililista ang mga importanteng ditalye na dinidiskusyon nila.Napatingin kayo kay Beckham nang abutan niya ako ng upuan na ikinatingin sa amin ng board members na nandoon. Marahil ngayon lang nila nakita na ginawa ni Beckham ang ganito."Maupo ka muna," aniya."Thank you, Sir, but I'm okay."Pero hindi siya tumigil at inalalayan pa niya akong maupo. Hindi rin ako makaangal dahil pagod na rin naman talaga ako dahil ilang oras na rin akong nakatayo."T-thank you, Sir.""Welcome," anito at muli na siyang bumalik sa kinauupuan niya kanina.Tumagal pa ulit ng ilang minut

  • A Night with HIM    C 14

    PAGKATAPOS ng nangyaring insidente isang Lingo na ang nakalilioas, hindi muna ako pinapasok ni Beckett sa trabaho. Pasalamat din ako kasi nagkaroon ulit ako ng time para asikasuhin si Alessandro dahil grabeng trauma ang naging ipekto sa kanya ng nangyari.Tuwing gabi nananaginip siya at sa umaga naman ay ayaw niyang mapag-isa.Buntong hiningang hinalikan ko sa noo si Alessandro nang mapatulog ko siya ngayong tanghali. Marahan akong umalis sa kama at walang ingay na lumabas ng kwarto niya.Pagkapasok ko sa kwarto ko, agad kong tiningnan ang cellphone ko kung nag-reply ba si Beckett sa mga message ko sa kanya sa beep message mula pa noong isang araw, pero ni isa sa mga message ko ay hindi niya binasa man lang.Ngusong naupo ako sa gilid ng kama. Nadidismaya ako dahil hindi man lang binabasa ni Beckett ang mga message ko. Pero bakit kaya?Nagalit kaya si Beckett dahil sa nangyari, kaya hindi siya nagsi-seen sa mga message ko?Kung tawagan ko kaya siya?Kagat-labing tinawagan ko ang numer

  • A Night with HIM    C 13

    LAKAD-TAKBO ang ginawa ko habang hilahila si Alessandro na umiiyak na dahil sa higpit ng pagkakahawak ko sa kamay niya.Ang lalaki panay sunod din sa amin at hindi kami tinatantanan. "Jordan!" narinig kong tawag niya sa pangalan ko na kinahinto ko.I know that voice.Nilingon ko siya. Doon tinanggal ng lalaki ang sumbrero niya. It's Martin. Pero bakit sila nito sinusundan?"M-Martin?" tinago ko si Alessandro sa likuran ko. "Nandito ka rin pala.""Bakit parang nagmamadali kayo?""Ahh may pupuntahan pa kasi kaming importante," pagsisinungaling ko."Mama, balik po tayo 'dun. Gusto ko pa po manood ng show," pangungulit sa akin ni Alessandro."Siya ba ang anak mo, Jordan?" Sinilip niya si Alessandro na nasa likuran ko."O-oo."Nangunot ang noo ni Martin. "Why he looks like...""Sige, Martin, mauna na kami ha?"Akmang aalis na kami ay pinigilan niya ako sa braso at hinila palapit dito. Bahagya niyang binuksan ang suot niyang itim na jacket kaya lumantad sa mga mata ko ang baril na nakatago

  • A Night with HIM    C 12

    "WHAT, inalok ka niya ng ganu'n?" bulalas ni Apple nang ikwento ko sa kanya through video call ang tungkol sa nangyaring pag-uusap namin kanina ni Beckett.Tumango ako. "Kahit man ako nagulat sa sinabi niya.""Eh ano naman ang sabi mo?""Wala pa. Wala akong maisagot dahil hindi ko alam kung papayag ba ako sa gusto niya."Sumimangot si Apple. "Naku ha! Kunwari pa yang si Beckett. Bakit hindi na lang niya sabihin na gusto ka niya, hindi 'yung may pa ganu'n ganu'n pa siyang nalalaman!"Nagbuntong-hininga ako. "Naiisip ko, pano kung pumayag ako? Baka sakaling magbago ang desisyon niyang hindi magpapakilala sa anak namin. Gusto kong mabago ang isip ng anak ko tungkol sa ama niya.""Eh, paano ka naman nakakasiguro na mapapabago mo ang desisyon ni Beckett?"Nagkibit ako ng balikat. "Pero ang hirap lang isip na hindi kami pero may nangyayaring sex. Ano 'yun sex friend?""Nagdadalawang isip ka pa eh nakipag one night stand ka nga sa kanya!"Sinimangutan ko siya. "Hindi ko alam kung kaibigan ba

  • A Night with HIM    C 11

    NAPAANGAT ang tingin ko sa babaeng bisita ni Beckett na lumabas mula sa opisina nito. Meron itong pagkakawangis kay Beckett at halos pareho sila nitong tumingin na para bang inaarok ang buo mong pagkatao.Akala ko may sasabihin siya sa akin pero nagpatuloy ito sa paglakad at agad na sumakay sa elevator.Napabuntong-hininga ako dahil sa ginawa kong pagsigaw kay Beckett kanina sa harap mismo ng bisita nito. Kahit saan mo tingnan, mali ang ginawa ko dahil boss ko si Beckett. Siguradong galit siya ngayon sa akin.Sino ba ang hindi magagalit sa ginawa mo kanina? Pinahiya mo lang naman siya sa bisita niya kanina! Sabi ko sa aking sarili.Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bag ko at tinawagan si Luca."Ms. Gomez, napatawag ka?""Hmmm...gusto ko lang sana itanong sa'yo kung anong paboritong pagkain ni Beckett?" kagat labi kong tanong"Gelato and dolce," agad niyang sagot mula sa kabilang linya."Gelato and donce?" Ngayon ko lang kasi narinig ang ganu'ng klaseng pagkain."Ice cream in English.

  • A Night with HIM    C 10

    KINABUKASAN, nang magkita kami ni Beckett parang walang nangyari kahapon. Parang normal na lang dito na may nakakakitang nakikipag-sex ito sa iba.Pwes ako hindi. Hindi maalis sa isip ko ang tagpo kahapon; kung paano nakapatong ang babae sa kandungan ni Beckett at kung papaano paligayahin ng babae si Beckett.Naalala ko tuloy iyung gabing may nangyari sa amin five years ago. Hindi ko maikakaila kung gaano kagaling si Beckett pagdating sa kama.Bigla akong pinamulahan ng mukha sa isiping iyon. Bakit ba ako nag-iisip ng kahalayan?Napatingin ako sa elevator nang bumukas iyon at iniluwa si Martin. Napatingin ako sa pinto ng opisina ni Beckett dahil baka bigla itong sumilip at makita si Martin.Pero bakit nga ba ako matatakot? Siya nga nagagawang makipag-sex sa opisina nito. Ako, kakausapin ko lang naman si Martin. Wala naman masama dun ah!Tumayo ako para lapitan siya. "Oh, Martin, may kailangan ka ba kay Sir Beck-"Napatingin ako sa pumpon ng bulaklak na inabot niya sa akin. "For you."

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status