Share

C2

Penulis: KYLIEROSE
last update Terakhir Diperbarui: 2025-12-15 19:00:29

Five Years Later...

PAGOD na naupo ako sa upuan sa kusina pagkauwi ko galing sa trabaho. Parang wala na akong lakas dahil sa daming mamimili kanina sa past food na pinagtatrabahuhan ko.

Five years ako, mula ng pinili kong iwan ang mga magulang ko, tinanggal ako sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko ay simula ni'yon ay wala ng kumpanya ang tumatanggap sa akin dahil hinaharangan ng ama ko.

Ang gusto nila bumalik ako sa kanila at tanggapin ang pagkakamali ko. Pero kahit na anong hirap ang naranasan ko ay hindi ako bumalik sa kanila dahil ayoko ng muling maging sunod-sunuran sa aking ama.

Higit akong nahirapan noo nang magbunga ang isang gabing pinagsaluhan namin ng estrangherong lalaki na tanging pangalan lang nito ang alam ko. Pero kahit na hirap na hirap ako sa pagbubuntis at idagdag pa ang pinansyal ay nagpakatatag ako at nagsumikap para lang matustusan ko ang pangangailangan ng anak kong si Alessandro.

"Kadarating mo lang?" tanong ni Apple na lumabas sa kwarto.

"Oo eh. Pina-overtime ako ng manager namin dahil maraming customers kanina," sagot ko. Nagsalin ako ng tubig sa baso mula sa pitsel na nasa lamesa.

"Kumain ka na ba? Nagluto ako kanina ng itlog at tinirahan kita ng kanin," anito.

Tipid ko siyang nginitian. "Salamat, Apple. Pasensya na sa abala."

"Sus! Wala 'yon no! Pasalamat ka at may gwapo at matalino kang anak."

Nakilala niya ito noong nahimatay siya sa daan at tanging ito lang ang tumulong sa kanya. Simula ni'yon ay naging matalik na silang magkaibigan. Ito ang nagbabantay sa anak niya kapag umaga at papasok naman ito sa gabi bilang entertainer sa high class Japanese resto bar.

Naupo si Apple sa katabi kong upuan. "Oo nga pala, sabi ng teacher ni Alessandro, ang anak mo raw ang top 1 sa klase nila. Naku! Napakatalino talaga ng anak mo. Sinabi pa ng teacher niya na yung talino raw ng anak mo higit sa kapasidad ng limang taong gulang na bata. Sino ba ang tatay niyan ng magpalahi rin ako!" pabirong sabi ni Apple.

Lalo akong napangiti sa sinabi niya. Buong akala ko talaga ay hindi na ako talaga bibiyayaan ng anak, pero naglaho ang pag-aalala ko nang magbunga ang isang gabing pagkakamali.

Ang hindi ko rin maitatanggi, habang lumalaki si Alessandro ay nagiging kamukhang kamukha ito ng ama nito. Marahil ang katalinuhan din nito ay namana nito sa ama.

"Speaking of Alessandro. Hindi mo ba talaga alam kung nasaan ang ama niya, o wala ka ba balak na ipaalam sa lalaking 'yon ang tungkol sa anak ninyo?" pukaw ni Apple na nagpahinto sa naglalakbay kong isip.

Humugot ako ng hangin. "Paano ko gagawin 'yun kung maliban sa mukha ay tanging Beckett lang ang alam ko tungkol sa kanya? Isa pa, siguro mas gugustohing ko na lang na huwag na lang din ipaalam dahil natatakot akong hindi niya kilalanin ang bata."

Nakakalungkot man aminin ay parang ganu'n na nga dahil one nightstand lang naman ang namagitan sa kanila.

"Sinubukan mo na bang bumalik sa lugar kung saan kayo nagkakilala?"

Marahan akong tumango. "Oo sinubukan ko, pero nakailang balik na ako roon hindi ko na siya nakita pa."

Ngumuso siya. "Malay mo muling magtagpo ang landas ninyong dalawa. Tapos si Alessandro ang magiging daan ninyo para magkatuluyan kayo. Oh, diva?"

Natatawang umiling ako. "Alam mo daig mo pa ang writer sa imagination mo. Hindi ka ba papasok sa trabaho?"

"Ay! Oo nga pala! Sige maliligo na ako—"

Papasok na sana sa banyo si Apple nang marinig nilang umiiyak si Alessandro mula sa kwarto. Dali namin pinuntahan ang anak ko at naabutan namin ito na giniginaw sa lamig at namimilipit sa sakit sa kanyang tyan. Sinapo ko ang noo niya at doon ko napagalaman na inaapoy siya ng lagnat.

"Ang init niya, Apple," nag-aalala kong sabi.

"Ha? Hindi ko napansin na nilalagnat na pala siya. Sorry, Jordan."

"Dalhin na natin siya sa hospital."

"Sige. Teka magbibihis lang ako," anito na lumabas na ng kwarto.

"MERONG appendicitis ang anak ninyo, misis. Kinakailangan niyang sumailalim sa operasyon bago pa kumalat ang bacteria at maimpeksyon ang buong tyan niya," sabi ng doktor sa akin matapos nito maeksamin ang anak ko.

"Pero kailangan makabayad ka kahit kalahati ng operation f*e bago siya isailalim sa operasyon."

Doon ako biglang naalarma lalo pa't wala akong hawak na malaking pera ngayon.

"Doc, magkano ho ang aabutin ng operasyon?"

"Eighty Thousand, misis."

"P-pero wala ho ako ganu'n kalaking halaga."

"Pasensya na ho, misis. Ayun ang protocol ng hospital. Bakit hindi ninyo subukang dalhin ang anak ninyo sa public hospital?"

Sinubukan naming dalhin si Alessandro sa public hospital pero halos lahat puno at hindi sila agad inaasikaso at binibigyang pansin.

"S-sige gagawa ho agad ako ng paraan."

Tumango ang doktor bago siya umalis. Tiningnan ko si Apple na may pag-aalala rin sa kanyang mga mata. Pumatak ang mga luha ko dahil pakiramdam ko sa mga sandali na iyon ay wala akong silbi.

"Mama, h-huwag ka na po umiyak. I'll be fine po. Uwi na tayo," sabi ni Alessandro kahit nahihirapan na siya sa sakit.

Lalo akong napaiyak dahil mas iniintindi pa rin ng anak ko kung ano ang nararamdaman ko. Akala niya pera lamg ang inaalala ko, hindi niya naisip na mas lubos akong nag-aalala para sa kanya.

Hinawakan ko ang pisngi ni Alessandro. "Mama will do everything para maoperahan ka, okay?"

Tumango siya. "I'm strong po, mama."

Tipid na ngiti ang ibinigay ko sa kanya bago siya ginawaran ng halik sa noo. Hindi dapat ako magpakita ng kahinaan sa kanya ngayon dahil baka mas panghinaan siya ng loob.

"Susubukan kong bumali ngayon sa amo ko para maipandagdag sa operasyon ni Alessandro, Jordan," sabi ni Apple sa akin nang hawakan niya ang aking mga kamay.

Mapait ko siyang nginitian. "Salamat, Apple."

"May naisip ka na ba kung saan ka makakahiram?"

Pumasok sa isip ko ang mga magulang ko. Pero baka imbis na tulungan nila ang anak ko baka kutyain at pagtawanan pa nila ako. Pero kung hihilingin nila na bumalik ako at susunduin ko mga gusto nila ay gagawin ko kahit pa ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ako magsusunud-sunuran sa mga gusto nila.

"Susubukan ko sa mga magulang ko, Apple," sagot ko.

"Sigurado ka na ba dyan?"

Marahan akong tumango. "Para sa anak ko, susubukan ko."

Ala-singko pa lang ng umaga kaya nagpalipas muna kami ng oras sa waiting area. Sa ngayon ay nakatulog pa si Alessandro dahil binigyan ito ng pansamantalang panlunas sa sakit ng tyan, pero dapat bago matapos ang umaga ay maoperahan na siya.

Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Apple nang maupo siya sa tabi ko. "Hindi ako nakabali sa amo ko. Sorry, Jordan," sabi niya.

Hinawakan ko siya sa kamay. "Ayos lang. Walang problema."

"Pero susubukan kong manghiram sa mga kaibigan ko."

"Salamat, Apple."

Pagbaling ko sa katabi kong babae na nagbabasa sa tabloid ang inaantok kong mata ay biglang nanlaki nang makita ko ang lalaking hinding-hindi ko makakalimutan. Ang lalaking naging dahilan kung bakit nagbago ang buhay ko.

"Miss, pwede ko ho bang mahiram saglit?" tanong ko sa kanya.

Tumango naman siya at inabot sa akin ang newspaper.

"Apple!" Gising ko sa kanya na bahagya ng nakatulog sa tabi ko.

"May nangyari ba kay Alessandro?"

"Hindi. Pero tingnan mo. Siya ang lalaking 'yon, Apple!" Tinuro ko ang larawan ng lalaking naka tuxedo mula sa newspaper.

"Sinong lalaki—" Napasinghap siya nang mapagtanto niya ang pagkakawangis nito kay Alessandro.

Dali nitong inagaw sa kanya ang newspaper at binasa ang nilalaman patungkol sa lalaki. "OMG, Jordan! Mayaman pala ang ama ng anak mo? Siya lang naman ang nagmamayari ng pinakamalaking retail company dito sa Pilipinas at pati na rin sa ibang bansa!" bulalas nito.

Hindi rin ako makapaniwalang hindi pala isang simpleng tao lang ang ama ng anak ko.

"Kakauwi lang daw niya sa Pilipinas. Bakit hindi mo subukang lumapit sa kanya at hingian siya ng tulong para sa anak mo?"

Napaisip ako kung tutulungan ba ako ni Beckett kapag lumapit ako sa kanya at humingi ng tulong? Wala naman sigurong masama kung sususbukan ko rin.

"Miss, pwede ko na bang makuha?"

Pukaw sa akin ng babaeng katabi ko. Dali kong binalik sa kanya ang newspaper. "Pasensya na po, miss."

Lahat gagawin ko alang-ala sa anak ko.

TININGALA ko ang taas ng King's Inc. Nang makarating ako sa kumpanya ni Beckett. Atras-abante ang ginagawa ko bago ako naglakas ng loob na pumasok.

"Miss, anong paktay ninyo? Mag-aapply ba kayo?" tanong sa aking ng guwardya nang harangan niya ako.

"H-hindi ho. Nandito ho ako para kausapin si Beckett Velasquez."

"May appointment ho ba kayo sa kanya? Pwedeng patingin?"

"Wala ho. Pero kailangan ko ho siyang makausap, importante lang ho."

"Hindi kita maaaring papasukin kung wala kang appointment sa kanya, miss."

"Pero kailangan ko ho talaga siyang makausap," ani ko.

"Maaari mo siyang makausap kung meron kang appointment sa kanya. Hindi basta-bastang tao lang si Mr. Velasquez para makausap ka ng ganu'n-ganu'n lang," may diin nitong sabi.

Hinawakan ko siya sa kamay. "Payagan ninyo na ho akong pumasok. Kailangan ko ho talaga siyang makausap, sir."

"Sinabing hindi nga pwede! Bakit ba ang kulit mo?!" sikmat niya sa akin dahilan para.aaggaw namin ang atensyon ng mga taong nandoon.

"Kasi ho buhay ng anak ko, namin ang nakasalalay dito, sir. Kaya kailangan ko ho siyang makausap!" giit ko pa.

Wala na akong pakialam kung pagtinginan na ako ng lahat. Desperado na ako para sa anak ko.

Galit na tinulak niya ako dahilan para mapaupo ako sa sahig. "Ang lakas ng loob mo para sabihing may anak kayo ni Mr. Velasquez!" natatawang sabi niya. "Pweh! Umalis ka na bago pa kita ipakaladkad paalis ng building na 'to!" dagdag pa nito.

Pumatak ang mga luha ko. "Kailangan ko talaga siyang makausap..."

Dinuro niya ako. "Huling babala ko na 'to sa'yo, miss. Kung ayaw mong ipapulis kita umalis ka na at huwag ng manggugulo pa rito!"

"Anong kaguluhan ito?"

Isang baritonong boses ang nagpatigil sa akin. Lumakas ang tahip ng puso ko nang muli kong marinig ang pamilyar na boses na iyon. Nang lingunin ko siya, para bang tumigil ang pag-andar ng oras nang muli kong makita ang gwapong mukha ni Beckett.

"Sir, pasensya na ho. Itong babae kasing ito nanggugulo. Gusto raw ho kayong makausap," sabi ng guwardya kay Beckett.

Mabilis akong tumayo at nayuko. Tila ako nawalan nang lakas ng loob na harapin si Beckett.

"Ikaw na ang bahala rito, Luca," sabi ni Beckett na nilagpasan na sila.

Pero bago pa man siya tuluyang makalayo ay lakas ang loob na pinigilan ko siya sa braso. Tumigil naman ito at marahan niya akong tiningnan ng masama.

Tila ko nahigit ang aking hininga dahil ibang-iba na ang tingin nito sa noon.

"P-pasensya na. Kailangan lang talaga kitang makausap—"

"You're not worth my time, miss who ever you are." Galit nitong binawi ang braso mula sa pagkakahawak niya at muling naglakad palayo.

Pero kung hahayaan lang niya itong umalis baka wala na ulit siyang pagkakataon na muli itong makaharap at makausap.

"Kailangan ka ng anak mo!" sigaw ko bago ko pa naisip ang ginawa ko.

Huminto si Beckett sa sigaw ko.

"Nasa hospital siya ngayon at kinakailangan niya ang tulong mo."

Tumahimik ang kapaligiran dahil sa mga sinabi ko. Ilang saglit pa ay ang tahimik na oaligid ay nagsimulang umingay dahil sa kanya-kanyang bulungan.

"Luca!" tawag ni Beckett sa sekretarya nito na hindi man lang tumitingin sa kanya. Agad namang lumapit ang lalaki kay Beckett.

"Boss?"

"Bring her to my office," utos nito bago tuluyang umalis.

"This way, miss," pukaw sa akin ng sekretaryo ni Beckett na agad ko naman siyang sinundan.

Malakas ang tambol ng puso ko habang nasa loob kami ng elevator. Ang laki na ng pinagbago ni Beckett sa loob ng limang taon.

"What's your name?" maya'y tanong sa akin ng sekretaryo ni Beckett na nagngangalang Luca.

"Umh... Jordan."

"Your full name."

"Jordan Gomez," ani ko na apelyido ni mama ang ginamit ko. Ayokong malaman nila na isa akong Santivaniez.

"Your age?"

"Twenty-eight."

Nang bumukas na ang pinto ng elevator sa pinakataas ng building ay hindi na ito nagsalita pa. Nakasunod lang siya rito hanggang sa huminto sila sa kulay itim na pinto. Kumatok ito ng tatlong beses bago nagsalita.

"Boss, she's here."

"Let her in," narinig niyang sabi ni Beckett mula sa loob.

"Pwede ka ng pumasok," sabi sa kanya ni Luca nang pagbuksan siya nito ng pinto.

Kinakabahan man ay hinakbang ko ang mga paa ko papasok sa pribadong opisina.

Ang mabangong paligid ang sumalubong sa akin pagkapasok ko sa opisina ni Beckett. Hindi ko napigilang ilibot ang mga mata ko sa buong paligid ng kwarto. His big office was simple but looks expensive. Wala akong ibang makitang kulay maliban sa puti at itim.

Huminto ang mga mata ko sa nakatalikod na bulto ni Beckett. He stood in front of the glass wall and looked out the window.

"Who are you?" tanong niya sa akin na hindi man lang ako nilingon.

"J-Jordan. I know it's sudden but I really need your help—"

Malamig ang mga matang nilingon niya ako. "Isa ka ba sa mga babaeng naikama ko? Saan at kailan?"

Hindi ko alam kung bakit bigla ako nakaramdam ng pagkirot sa puso ko sa sinabi niya. Pero sino ba ako para hindi mapabilang sa mga babaeng naikama nito?

"Umh... Oo isa ako sa mga babaeng iyon. N-nagkakilala tayo sa Rough 69 five years ago."

"So, why are you here? Don't tell me you got pregnant after a one-night stand."

"G-ganu'n na nga."

Saglit itong natigilan. "Do you want me to believe that? It's been five years. How can I be certain that the child you're referring to is mine?"

"Pwede kayong sumailalim sa DNA test. W-wala naman talaga akong balak na sabihin sa'yo ang tungkol sa bata. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng tulong mo hindi kita lalapitan."

Malamig ang mga mata niyang nakatitig lang sa akin. Tinitimbang niya kung nagsasabi ba ako ng totoo.

"Luca!" tawag nito sa sekretarya.

"Boss."

"Samahan mo ang babaeng ito sa hospital at ibigay ang pangangailangan ng bata," sabi ni Beckett na hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Yes, Boss."

"If you're just lying, I'll make you pay for it," wala emosyong sabi ni Beckett sa akin.

Buong tapang kong tinapatan ang tingin niya dahil alam ko sa sarili ko na nagsasabi ako ng totoo.

"Let's go, Miss Gomez," sabi sa akin ni Luca.

Gusto ko pa sana itanong kay Beckett kung wala ba itong balak na dalawin o makita man lang ang anak na nasa hospital, pero mas pinili ko na lang ang manahimik at sumunod kay Luca. Ang importante naman ngayon ay ang maoperahan si Alessandro.

Kahit malamig ang pakitungo ni Beckett sa akin ay nagpapasalamat pa rin ako dahil mas pinili pa rin nitong tulungan ang anak namin. Kahit ibang-iba na ito sa lalaking nagparamdam sa akin ng gabing iyon na mahalaga ako.

Wala nga talagang permanente sa mundo dahil lahat ay nagbabago. Pero hindi ko itatanggi na masaya ako dahil muli ko siyang nakita at nakausap kahit pa ibang- iba na kumpara noong limang taon na ang nakalilipas.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • A Night with HIM    C 18

    NAGISING ako at agad kong nabungaran sa tabi ko si Beckett na tulog na tulog sa tabi ko. Ala-singko pa lang ng umaga nang sipatin ko ang oras na nasa kwartong iyon. I kiss on his lips before carefully leaving his side.Dinampot ko ang malaking t-shirt ni Beckett na nasa sahig at agad iyong isinuot. Sa ilang gabi pa lang namin ni Alessandro rito sa penthouse niya, walang gabi na hindi niya ako inaangkin. At ngayon, we did it all night.Tiningnan ko muna siya bago ko inihakbang ang mga paa ko palabas sa balkonahe at agad akong sinalubong ng malamig na simoy ng hanging pagkalabas ko. Humugot ako ng hangin tsaka iyon marahan na ibinuga.I feel sore because Beckett fuck me last night over and over again. Isa sa napansin ko sa kanya ay naginging dominant siya it comes to sex. Pero imbis na matakot ako ay nakakaramdam pa ako ng excitements at mas lalo ni'yon napapainit ang pagnanasa ng katawan ko.Masaya ako sa pagbabagong nangyayari sa amin ngayon. Hinihiling ko na lang na sana hindi na mat

  • A Night with HIM    C 17

    MALAKAS akong napaungol nang damhin ni Beckett ang pagkababae ko. Even though I still have my undies I could still feel his warm hand touching mine.Sinasabayan ng paghalik niya sa akin ang paglalaro ng kanyang mga daliri sa pagkababae ko.Ang mga labi ni Beckett ay gumapang pababas sa aking baba, sa leeg, at gumapang pababa sa aking balikat. Napaliyad ako nang sakupin ng mga labi niya ang tayung-tayo ko ng utong. Sumisipsip at kumakagat-kagat."Ahhh...Beckett..."Ang mga labi ni Beckett ay muling bumalik sa mga labi ko para muli akong halikan. He kissed me hungrily, groaning as he bit my lips and pulled away. Mataimtim niya akong tinitigan. His eyes were dark, kung noon wala akong makita na kahit na anong emosyong, ngayon kitang-kita ko ang pagnanasa sa mga mata niya.This man awakened something inside of me. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Wala akong ibang gusto ngayon kundi ang maangkin ni Beckett."Oh, god!" anas ko nang ipaglandas ni Beckett ang daliri niya sa tuktok ng dibd

  • A Night with HIM    C 16

    "BECKHAM, anong sa tingin mo?"Napapiksi ako nang hawakan ako ni Francesca sa braso. Pinag-uusapan namin ang magiging tema ng kasal naman at kung saan gaganapin. Pero ang isip ko ay na kay Jordan."Did you say something?"Tumaas ang kilay niya. "Kanina pa ako salita nang salita rito pero ang isip mo wala rito," inis niyang sabi."Meron lang akong iniisip.""Trabaho na naman? I'm here, Beckett. You should focus on me!"Mariin kong pinikit ang mga mata ko. "Meron lang talaga akong importanteng iniisip.""Importante? Meron pa bang higit na importante sa kasal natin? My josh, Beckham, malapit na ang kasal natin pero kung anu-anong mga walang kwentang bagay pa ang inuuna mo—umh!"Galit kong hinawakan ang mukha niya. "Alam mong wala akong pakialam sa kasal. Lalong alam mong hindi kita gustong pakasalan, Francesca. Kung gusto mong magplano, magplano ka mag-isa mo!" padaskol kong binitawan ang mukha niya."Get the hell out of my office!" sikmat ko sa kanya."Makakarating ito kay Daddy!" Galit

  • A Night with HIM    C 15

    KAHIT sinundo ako ni Luca ay hindi ako sumakay sa sasakyan niya dahil masama pa rin ang loob ko kahit tatlong araw na ang nakalipas at ayoko talagang magpahatid sa kanya.Hindi rin ako pumayag na magkaroon ng bodyguard nang sabihin sa akin ni Luca. Ayoko nang tumanggap ng kahit na ano na magmumula kat Beckett.Kasalukuyan kami ngayong nasa meeting kasama mga board member 3 at tahimik lang akong nasa likod ni Beckett habang nililista ang mga importanteng ditalye na dinidiskusyon nila.Napatingin kayo kay Beckham nang abutan niya ako ng upuan na ikinatingin sa amin ng board members na nandoon. Marahil ngayon lang nila nakita na ginawa ni Beckham ang ganito."Maupo ka muna," aniya."Thank you, Sir, but I'm okay."Pero hindi siya tumigil at inalalayan pa niya akong maupo. Hindi rin ako makaangal dahil pagod na rin naman talaga ako dahil ilang oras na rin akong nakatayo."T-thank you, Sir.""Welcome," anito at muli na siyang bumalik sa kinauupuan niya kanina.Tumagal pa ulit ng ilang minut

  • A Night with HIM    C 14

    PAGKATAPOS ng nangyaring insidente isang Lingo na ang nakalilioas, hindi muna ako pinapasok ni Beckett sa trabaho. Pasalamat din ako kasi nagkaroon ulit ako ng time para asikasuhin si Alessandro dahil grabeng trauma ang naging ipekto sa kanya ng nangyari.Tuwing gabi nananaginip siya at sa umaga naman ay ayaw niyang mapag-isa.Buntong hiningang hinalikan ko sa noo si Alessandro nang mapatulog ko siya ngayong tanghali. Marahan akong umalis sa kama at walang ingay na lumabas ng kwarto niya.Pagkapasok ko sa kwarto ko, agad kong tiningnan ang cellphone ko kung nag-reply ba si Beckett sa mga message ko sa kanya sa beep message mula pa noong isang araw, pero ni isa sa mga message ko ay hindi niya binasa man lang.Ngusong naupo ako sa gilid ng kama. Nadidismaya ako dahil hindi man lang binabasa ni Beckett ang mga message ko. Pero bakit kaya?Nagalit kaya si Beckett dahil sa nangyari, kaya hindi siya nagsi-seen sa mga message ko?Kung tawagan ko kaya siya?Kagat-labing tinawagan ko ang numer

  • A Night with HIM    C 13

    LAKAD-TAKBO ang ginawa ko habang hilahila si Alessandro na umiiyak na dahil sa higpit ng pagkakahawak ko sa kamay niya.Ang lalaki panay sunod din sa amin at hindi kami tinatantanan. "Jordan!" narinig kong tawag niya sa pangalan ko na kinahinto ko.I know that voice.Nilingon ko siya. Doon tinanggal ng lalaki ang sumbrero niya. It's Martin. Pero bakit sila nito sinusundan?"M-Martin?" tinago ko si Alessandro sa likuran ko. "Nandito ka rin pala.""Bakit parang nagmamadali kayo?""Ahh may pupuntahan pa kasi kaming importante," pagsisinungaling ko."Mama, balik po tayo 'dun. Gusto ko pa po manood ng show," pangungulit sa akin ni Alessandro."Siya ba ang anak mo, Jordan?" Sinilip niya si Alessandro na nasa likuran ko."O-oo."Nangunot ang noo ni Martin. "Why he looks like...""Sige, Martin, mauna na kami ha?"Akmang aalis na kami ay pinigilan niya ako sa braso at hinila palapit dito. Bahagya niyang binuksan ang suot niyang itim na jacket kaya lumantad sa mga mata ko ang baril na nakatago

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status