Share

C 4

Author: KYLIEROSE
last update Last Updated: 2025-12-16 19:26:37

"SIGURADO ka na ba sa desisyon mong lilipat ka na ng bahay kasama si Mr. Pogi?" tanong sa akin ni Apple habang tinutulungan niya akong magtupi ng mga damit namin ni Alessandro at inilalagay sa maleta.

Naiwan si Alessandro sa hospital at si Luca ang pansamantalang nagbabantay dito.

"Hindi naman sigurado kung titira kami kasama ni Beckett. Ang sabi lang niya bibigyan niya kami ng bahay na matitirahan."

Ngumuso si Apple. "Mami-miss ko kayo. Tatahimik na naman ang bahay na 'to"

Naluluhang niyakap ko siya. "Mami-miss ka rin namin ng sobra. Gusto mo bang sumama sa amin para hindi ka nag-iisa rito."

Tipid niya akong nginitian at marahan na umiling. "Ayos lang ako rito. Isa pa, moment ninyo na 'yan ni Alessandro. Oo nalulungkot ako pero masaya ako para sa inyo lalo na kay Alessandro na magkakaroon na siya ng magandang buhay. Isa pa, pwede ko naman kayong dalawin doon."

"Oo naman. Tsaka mami-miss ka rin ni Alessandro. Kaya hindi pwedeng hindi ka nun nakikita."

"Basta ang bilin ko sa'yo, huwag kang paaapi ha? Kapag hindi ka trinato ng tama ni Mr. Pogi lumaban ka! Wag mo kakalimutan mga tinuro ko sa'yong self defence."

Natawa siya. "Hindi naman siguro ako sasaktan ni Beckett."

"Mabuti kung ganu'n."

Pinagpatuloy na namin ang paglalagay ng mga damit sa maleta. Pero hindi ko maiwasang mangamba sa magiging set up namin ni Alessandro kay Beckett. Iniisip ko rin, kung walang balak na ipaalam ni Beckett ang tungkol sa anak namin at kung wala itong balak na magpakilala sa bata bilang ama, bakit pa ito nage-effort na bigyan kami ng maayos na matitirahan at bakit pa niya ako bibigyan ng trabaho?

Iyan iyung mga bagay na gumugulo sa isip ko.

Pagkatapos naming mailipat ang mga damit sa maleta, bumalik na kami sa hospital sakay ng grab car. Pagkarating namin ay naayos na ni Luca ang releasing paper ni Alessandro at anytime ay pwede na itong umuwi.

"Mama, uuwi na po ba tayo?" tanong sa akin ni Alessandro habang pinapalitan ko na siya ng damit.

"Hmmm... May sasabihin si mama sa'yo," pag-uumpisa ko.

"Ano po 'yun?"

"Diba naoperahan ka? At dahil sa kalagayan mo, kailangan nating lumipat ng bahay."

"Hindi na po tayo sa bahay ni Ninang Apple titira?"

Marahan akong tumango. "Ganu'n na nga po."

"Saan na po tayo titira? Kasama po ba natin si Ninang?"

Saglit kaming nagkatinginan ni Apple. "Hindi eh. Maiiwan sa bahay si Ninang Apple mo kasi mapapalayo siya sa trabaho niya kapag sumama siya sa atin," pagdadahilan ko.

Ngumuso ito. "Mag-isa na lang po siya 'dun? Hindi ko na po palagi makikita si Ninang."

Lumapit si Apple kay Alessandro. "Dadalawin naman kita roon araw-araw. Kaya 'wag ka ng malungkot dyan, hmm?"

"Talaga araw-araw po? Promise po 'yan, Ninang?"

Tumango si Apple. "Oo naman. Promise 'yan ni Ninang. Mami-miss ko ang kagwapuhan at katalinuhan mo kaya hindi pwedeng hindi kita bibisitahin araw-araw."

"Okay po, Ninang."

Pagkatapos kong mapalitan ng damit si Alessandro ay inaya na rin kami ni Luca na umalis na. Sakay ng itim na sasakyan ay tinahak na namin ang daan papunta sa bagong bahay na lilipatan namin.

"OH My GOD, Jordan!" Bulalas ni Apple pagkahinto ng sasakyan sa harap ng bagong titirahan nila.

Hindi rin ako makapaniwala na tiningala ko ang bahay na lilipatan namin ni Alessandro. Hindi sapat na bahay ang itawag dito. Para sa akin ay mansion na ito. Halos kasing laki na ito ng mansion ng mga magulang ko.

Napatingin ako kay Alessandro nang hilain niya ang kamay ko. "Mommy, dito na po ba tayo titira?"

Hindi niya rito ito masagot dahil kahit man siya ay nabigla. Isang normal na bahay lang kasi ang inaasahan ko hindi mansion.

"We are here," sabi ni Luca na bumaba na ng sasakyan para pagbuksan sila ng pinto.

"Dito po ba talaga kami titira?" tanong ni Alessandro kay Luca.

"Yes, young boss."

"But it's too big for me and mom," sabi pa ni Alessandro.

"You deserve to live in a place like this, Young Boss." Inalalayan ni Luca na bumaba si Alessandro mula sa sa van.

"Why?" naguguluhan tanong ni Alessandro.

Nagkatinginan kami ni Luca. Nanghihingi ito ng tulong sa akin dahil hindi niya alam kung paano sasagutin si Alessandro.

Tumikhim ako. "Mamaya na natin 'yan pag-usapan. Ang mabuti pa pumasok na tayo sa loob."

Bumaba na kami ni Apple dala ang mga gamit namin ni Alessandro. Papasok na sana kami sa loob nang napahinto kami dahil may sampung kasambahay ang nakahilera sa may entrance door.

"Welcome, Miss Gomez and Young Boss. We are happy to meet and serve you," sabay-sabay pang sabi ng mga ito.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Kahit man ang anak ko ay hindi inaasahan ang ganitong treatment mula sa ibang tao.

Humakbang palapit sa kanila ang may katandaan ng babae. "Kinagagalak ko kayong makilala, Miss Gomez, Young Boses. Ako si Madel ang mayordoma ng mansion na 'to. Kapag may kailangan kayo sa akin kayo lumapit," pagpapakilala nito.

"Salamat ho," ngiting sagot ko sa kanya.

"Welcome to your new home, Young Boss," segunda ni Luca.

"Sa akin 'to?" tanong ni Alessandro kay Luca.

"Umh...parang ganu'n na nga ho."

Naguguluhang tiningala ako ni Alessandro. Tiyak mahabang-habang paliwanagan at kasinungalingan na naman ang sasabihin ko.

Kasalanan talaga ito ni Beckett!

"Pumasok na tayo sa loob. Hayaan mong sila na ang mag-akyat ng mga gamit ninyo," sabi ni Luca.

"Naku! Hindi na. Kaya na namin ito ni Apple."

"Let them do their works, Miss Gomez."

Hindi na ako nakipagtalo pa. Hawak ang kamay ni Alessandro na sinundan namin si Luca paakyat sa mahabang hagdan. Una naming pinuntahan ay ang magiging kwarto ni Alessandro.

Pagbukas ng pinto, bumungad sa amin ang malawak at malaking kwarto. Nakaayos na ang kwarto ayon sa gagamit nito. Bagong wallpaper ang mga pader. Bago ang mga kagamitan at punong-puno ng iba't ibang laruan ang playing area.

"Binili na ata nila ang halos lahat ng laruan sa mall," narinig kong bulong ni Apple.

"Is this really my room, sir Luca?" hindi na naman makapaniwalang tanong ni Alessandro.

"Yes, Young Boss. This is your room. And please cut the sir. You can call me Luca."

"But you are older than me. Kung ayaw mo po ng sir, I will call you Kuya Luca."

"If that's what you want, Young Boss."

"I think this room is too much for me," maya'y sabi ni Alessandro.

Nginitian ito ni Luca. "There's no too much for you. You deserve this."

Tiningala ako ni Alessandro. "Can I?" tanong niya na hinihingi pa ang permiso ko na pumasok ito sa kwarto at maglaro ng mga laruan.

"You can. Tulad ng sinabi ni Luca, this is your room."

Ngumiti siya at tumakbo papasok sa kwarto at sinimulan na nitong laruin ang mga laruang nandoon.

"Now, let's go to your room, Miss Gomez," anyaya ni Luca.

Tumango ako at sumunod na rito. Hindi na sumama si Apple. Nagpaiwan na ito kasama ni Alessandro.

Dinala ako ni Luca sa dulo ng pasilyo at huminto kami sa nag-iisang pinto na nandoon at agad na binuksan nito ang pinto. Tulad sa kwarto ni Alessandro, malawak at malaki rin ito. Pero higit itong malaki kaysa kwarto ng anak ko. Bagong wallpaper din ang mga pader at halatang bagong bili rin ang mga gamit na nandoon. Wala akong ibang makitang kulay maliban sa puti at itim.

Mayroong kulay puting four poster bed sa gilid at mayroon itong white curtain na lalong nagpadagdag sa ganda. May sariling black and white sala set na nasa gitna ng kwarto at malaking flat screen television na nasa pader. At meron din working space sa gilid. May bagong laptop na nasa ibabaw ng office table.

"Sa akin din ang laptop?" agad kong tanong kay Luca.

"Yes. Lahat ng nandito sa kwarto mo ay sa'yo."

"Ilang kwarto meron ang mansion na 'to, Luca?"

Saglit itong nag-isip. "Sa tingin ko mga walo."

"Walo? Meron din bang kwarto rito si Beckett?" hindi ko mapigilang itanong.

"Of course. Ang kwarto niya ay nasa pagitan ninyong dalawa. At ang mga ibang kwarto ay guest room naman pero wala siyang balak lagyan ng gamit dahil wala rin siyang balak magdala ng bisiti rito."

"Kabibili lang ba ni Beckett nito? I mean this mansion."

"Yes. Binili ito ni boss pagkatapos niyang mapatunayan na anak niya si Alessandro."

"Ganu'n ba?"

"Don't worry. Hindi palaging pupunta si boss dito dahil hindi siya kampante na may ibang tao sa paligid niya kapag rest day niya."

Tumango-tango na lang siya at muli ay pinasadahan ng tingin ang apat na sulok ng kwarto niya.

"Aalis na rin ako at babalik na sa opisina. Wala kayong dapat na problemahin dito dahil mula sa pagkain at iba ninyong pangangailangan ay ang mayordoma na ang bahala."

"Salamat, Luca."

PAGSAPIT ng gabi, tapos na kaming kumain at nagawa ko na ring maiayos ang mga gamit namin. Pagpasok ko sa kwarto ni Alessandro nakita ko siyang nakaupo sa kama habang hawak ang laruan niting robot and he looks sad.

Buntong-hiningang nilapitan ko siya at naupo sa tabi nito. "Hindi ka pa inaantok?"

Marahan siyang umiling. "I can't sleep po."

"Why?"

"Hindi po ako sanay na malaki ang kwarto tapos hindi po kita katabi."

"Gusto mo bang tabihan kita?"

Tiningnan niya ako. "Why we need to live here, Mama? Kanino po ba talagang bahay 'to? Why they called me young boss? and why do we have separate rooms?" sunod-sunod na tanong ni Alessandro sa akin.

Muli akong nagbuntong-hininga. "Okay. First, we need to live here because of your health. Second, The owner of this house is my boss. Third... actually I don't know either why they called you young boss. Fourth, ayaw mo ba ng sariling kwarto? Hindi ka ba masaya sa bago mong kwarto?"

Malungkot na umiling si Alessandro. "Masaya po ako pero hindi ganu'n kasaya. Marami nga po akong toys pero wala naman po akong kalaro. Kapag nandoon tayo kila Ninang Apple meron po akong makakalaro. Matutuwa pa po sila Bernard at Carlo kasi magaganda po itong mga laruan ko."

Hinimas ko ang buhok niya at hindi maiwasang makaramdam ng awa para sa aking anak. Alam kong nanibago ito ng sobra sa bagong magiging buhay niya. Pero hindi ko masabi na ang buhay niya at nakalaan talaga para sa ganitong sitwasyon dahil anak siya ng kilalang mayamang negosyante.

"Ganito na lang. Dadalaw tayo sa Ginintuan tapos bibigyan mo ng mga laruan sila Bernard at Carlo. You want that?"

Kumislap ang mga mata ni Alessandro at nagkaroon ng ngiti ang mga labi niya. Pagkakuway mabilis itong tumango.

"Yes, Mama! I want that! Kailan po tayo dadalaw dun?"

"Siguro mga next week. Kailangan mo pang makapag-recovery mula sa operasyon mo. Okay lang ba 'yun?"

"I understand po."

"Hmm... you want to sleep now?"

Marahan na tumango si Alessandro. "Pwede mo po ba akong samahan hanggang sa makatulog po ako?"

"Of course."

Inalalayan ko siyang mahiga at kinantahan siya ng pampatulog na lagi kong kinakanta sa kanya habang tinatapik siya sa hita.

Nang maramdaman kong malalim na ang tulog ni Alessandro ay marahan akong umalis sa tabi niya at inayos ang pagkakakumot niya. At walang ingay na lumabas ng kwarto.

Papunta na sana ako sa kwarto ko nang tawagin ako ng isa sa mga kasambahay. Gusto raw akong Makausap ni Beckett.

Kinakabahang nagtungo ako sa opisina nito na nasa ibabang palapag. Bakit ba ganito na lang ang kabang nararamdaman ko? Dahil ba ilang araw kaming hindi nagkita pagkatapos ng paguusap namin noon sa hospital?

Humugot muna ako ng hangin bago ko pinihit ang seradula at itulak pabukas ang pinto. Nabungaran ko si Beckett na abalang nakatingin sa binabasa nitong mga papeles. Naka pang opisina pa rin ito pero tanging long sleeve white polo na lang ang suot nito pang-ibabaw.

"Gusto mo raw akong makausap?" tanong ko na tinatago ang kabang nararamdaman.

"Kumusta ang paglipat ninyo?" tanong niya na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

"Ayos naman."

"You like your room?"

"Yes. Thank you."

"How about Alessandro. Did he like his new room?"

"Yes. Naninibago lang siya dahil malaki at maraming laruan. Hindi siya sanay ng ganu'n lalo pa't hindi niya ako katabi matulog."

"He needs to use this kind of life." His lifeless green eyes met mine. "Because he's a Velasquez."

Muling bumaba ang mga mata nito sa binabasa. "Anyway, nagpunta ako rito para sabihin sa'yo na gusto kong ilipat sa magandang paaralan si Alessandro at sa magiging trabaho mo," sabi pa niya.

"Umh... pwede bang patapusin muna natin ang taong ito bago siya ilipat? Running for most outstanding child of the year kasi si Alessandro."

Muli niya akong tiningnan. "Kung talagang matalino siya kahit saan pa siya mapunta kaya niyang humabol at patunayan ang sarili niya."

Nakaramdam ako ng pagkainis. "Pero hindi pa nakaka-adjust si Alessandro sa bagong buhay niya ililipat ko na naman siya ng bagong paaralan?"

"Kung iisipin mo parati ang mararamdaman niya paano siya matututo? Paano siya titibay at tatag?"

"How could you say that to your child?!" hindi ko mapigilang sabi sa kanya.

"Of course I'm always thinking about how he would feel! Hindi ko siya inilapit sa'yo para pahirapan lang siya!"

"Pagpapahirap ba ang ginagawa ko sa kanya? I give him the life he deserves."

"Life he deserves? Pero ang magpakilalang ama sa kanya hindi mo magawa!"

Nagtagisan kami ng tingin. Hindi ako nagpatalo sa kanya dahil alam kong walang mali sa mga sinabi ko.

"Fine. Tatapusin na muna niya ang taon na 'to. Pero gusto kong hatid-sundo siya. Bibigyan ko siya ng personal maid niya na mag-aasikaso sa kanya."

Nangunot ang noo ko. "Bakit pa? Kaya ko naman gawin 'yon sa anak ko."

"Hindi mo magagawa dahil magsisimula ka na sa trabaho mo."

Lalong nangunot ang noo ko. "Trabaho?"

"Yes. Bilang sekretarya ko."

Nabigla ako sa sinabi niya. "H-hindi ba si Luca ang secretary mo? Tatanggalan mo siya ng trabaho?"

"I hate someone questioning me, Miss Gomez. Kung ano man ang mangyayari kay Luca, problema ko na 'yon. Bukas mag-uumpisa ka na."

"Bukas agad? Pero wala pa akong mga damit na pwede isuot pangpasok."

"I can provide you that. Bukas na bukas ipapadala ko rito ang mga damit mo."

"Pero—"

"You can leave now," pigil niya sa gusto ko pa sanang sabihin.

Inis na lumabas ako ng kwarto at nagdadabog na bumalik na lang ako sa kwarto ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A Night with HIM    C 16

    "BECKHAM, anong sa tingin mo?"Napapiksi ako nang hawakan ako ni Francesca sa braso. Pinag-uusapan namin ang magiging tema ng kasal naman at kung saan gaganapin. Pero ang isip ko ay na kay Jordan."Did you say something?"Tumaas ang kilay niya. "Kanina pa ako salita nang salita rito pero ang isip mo wala rito," inis niyang sabi."Meron lang akong iniisip.""Trabaho na naman? I'm here, Beckett. You should focus on me!"Mariin kong pinikit ang mga mata ko. "Meron lang talaga akong importanteng iniisip.""Importante? Meron pa bang higit na importante sa kasal natin? My josh, Beckham, malapit na ang kasal natin pero kung anu-anong mga walang kwentang bagay pa ang inuuna mo—umh!"Galit kong hinawakan ang mukha niya. "Alam mong wala akong pakialam sa kasal. Lalong alam mong hindi kita gustong pakasalan, Francesca. Kung gusto mong magplano, magplano ka mag-isa mo!" padaskol kong binitawan ang mukha niya."Get the hell out of my office!" sikmat ko sa kanya."Makakarating ito kay Daddy!" Galit

  • A Night with HIM    C 15

    KAHIT sinundo ako ni Luca ay hindi ako sumakay sa sasakyan niya dahil masama pa rin ang loob ko kahit tatlong araw na ang nakalipas at ayoko talagang magpahatid sa kanya.Hindi rin ako pumayag na magkaroon ng bodyguard nang sabihin sa akin ni Luca. Ayoko nang tumanggap ng kahit na ano na magmumula kat Beckett.Kasalukuyan kami ngayong nasa meeting kasama mga board member 3 at tahimik lang akong nasa likod ni Beckett habang nililista ang mga importanteng ditalye na dinidiskusyon nila.Napatingin kayo kay Beckham nang abutan niya ako ng upuan na ikinatingin sa amin ng board members na nandoon. Marahil ngayon lang nila nakita na ginawa ni Beckham ang ganito."Maupo ka muna," aniya."Thank you, Sir, but I'm okay."Pero hindi siya tumigil at inalalayan pa niya akong maupo. Hindi rin ako makaangal dahil pagod na rin naman talaga ako dahil ilang oras na rin akong nakatayo."T-thank you, Sir.""Welcome," anito at muli na siyang bumalik sa kinauupuan niya kanina.Tumagal pa ulit ng ilang minut

  • A Night with HIM    C 14

    PAGKATAPOS ng nangyaring insidente isang Lingo na ang nakalilioas, hindi muna ako pinapasok ni Beckett sa trabaho. Pasalamat din ako kasi nagkaroon ulit ako ng time para asikasuhin si Alessandro dahil grabeng trauma ang naging ipekto sa kanya ng nangyari.Tuwing gabi nananaginip siya at sa umaga naman ay ayaw niyang mapag-isa.Buntong hiningang hinalikan ko sa noo si Alessandro nang mapatulog ko siya ngayong tanghali. Marahan akong umalis sa kama at walang ingay na lumabas ng kwarto niya.Pagkapasok ko sa kwarto ko, agad kong tiningnan ang cellphone ko kung nag-reply ba si Beckett sa mga message ko sa kanya sa beep message mula pa noong isang araw, pero ni isa sa mga message ko ay hindi niya binasa man lang.Ngusong naupo ako sa gilid ng kama. Nadidismaya ako dahil hindi man lang binabasa ni Beckett ang mga message ko. Pero bakit kaya?Nagalit kaya si Beckett dahil sa nangyari, kaya hindi siya nagsi-seen sa mga message ko?Kung tawagan ko kaya siya?Kagat-labing tinawagan ko ang numer

  • A Night with HIM    C 13

    LAKAD-TAKBO ang ginawa ko habang hilahila si Alessandro na umiiyak na dahil sa higpit ng pagkakahawak ko sa kamay niya.Ang lalaki panay sunod din sa amin at hindi kami tinatantanan. "Jordan!" narinig kong tawag niya sa pangalan ko na kinahinto ko.I know that voice.Nilingon ko siya. Doon tinanggal ng lalaki ang sumbrero niya. It's Martin. Pero bakit sila nito sinusundan?"M-Martin?" tinago ko si Alessandro sa likuran ko. "Nandito ka rin pala.""Bakit parang nagmamadali kayo?""Ahh may pupuntahan pa kasi kaming importante," pagsisinungaling ko."Mama, balik po tayo 'dun. Gusto ko pa po manood ng show," pangungulit sa akin ni Alessandro."Siya ba ang anak mo, Jordan?" Sinilip niya si Alessandro na nasa likuran ko."O-oo."Nangunot ang noo ni Martin. "Why he looks like...""Sige, Martin, mauna na kami ha?"Akmang aalis na kami ay pinigilan niya ako sa braso at hinila palapit dito. Bahagya niyang binuksan ang suot niyang itim na jacket kaya lumantad sa mga mata ko ang baril na nakatago

  • A Night with HIM    C 12

    "WHAT, inalok ka niya ng ganu'n?" bulalas ni Apple nang ikwento ko sa kanya through video call ang tungkol sa nangyaring pag-uusap namin kanina ni Beckett.Tumango ako. "Kahit man ako nagulat sa sinabi niya.""Eh ano naman ang sabi mo?""Wala pa. Wala akong maisagot dahil hindi ko alam kung papayag ba ako sa gusto niya."Sumimangot si Apple. "Naku ha! Kunwari pa yang si Beckett. Bakit hindi na lang niya sabihin na gusto ka niya, hindi 'yung may pa ganu'n ganu'n pa siyang nalalaman!"Nagbuntong-hininga ako. "Naiisip ko, pano kung pumayag ako? Baka sakaling magbago ang desisyon niyang hindi magpapakilala sa anak namin. Gusto kong mabago ang isip ng anak ko tungkol sa ama niya.""Eh, paano ka naman nakakasiguro na mapapabago mo ang desisyon ni Beckett?"Nagkibit ako ng balikat. "Pero ang hirap lang isip na hindi kami pero may nangyayaring sex. Ano 'yun sex friend?""Nagdadalawang isip ka pa eh nakipag one night stand ka nga sa kanya!"Sinimangutan ko siya. "Hindi ko alam kung kaibigan ba

  • A Night with HIM    C 11

    NAPAANGAT ang tingin ko sa babaeng bisita ni Beckett na lumabas mula sa opisina nito. Meron itong pagkakawangis kay Beckett at halos pareho sila nitong tumingin na para bang inaarok ang buo mong pagkatao.Akala ko may sasabihin siya sa akin pero nagpatuloy ito sa paglakad at agad na sumakay sa elevator.Napabuntong-hininga ako dahil sa ginawa kong pagsigaw kay Beckett kanina sa harap mismo ng bisita nito. Kahit saan mo tingnan, mali ang ginawa ko dahil boss ko si Beckett. Siguradong galit siya ngayon sa akin.Sino ba ang hindi magagalit sa ginawa mo kanina? Pinahiya mo lang naman siya sa bisita niya kanina! Sabi ko sa aking sarili.Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bag ko at tinawagan si Luca."Ms. Gomez, napatawag ka?""Hmmm...gusto ko lang sana itanong sa'yo kung anong paboritong pagkain ni Beckett?" kagat labi kong tanong"Gelato and dolce," agad niyang sagot mula sa kabilang linya."Gelato and donce?" Ngayon ko lang kasi narinig ang ganu'ng klaseng pagkain."Ice cream in English.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status