Share

CHAPTER 13

Author: Anne
last update Last Updated: 2026-01-08 15:50:24

CHAPTER 13

Agad na rin naman na nagsimula sa kanyang trabaho si Maxene at dahil nga isang linggo siyang nawala ay talagang tambak ang kanyang trabaho ngayon.

Gaya naman ng sinabi ni Bea ay doon na rin muna niya ginawa ang kanyang mga trabaho sa opisina ni Maxene. Mabuti na lamang talaga at may extra table doon si Maxene kaya naman hindi rin siya nahirapan na gawin ang kanyang trabaho.

Ilang oras na rin ang nakalipas at seryosong seryoso naman na ginagawa ni Maxene ang kanyang mga trabaho. Paminsan minsan ay linalapitan siya ni Bea upang tulungan siya sa ilang mga paper works niya kaya naman kahit papaano ay nababawasan ang kanyang mga ginagawa.

Nang sumapit naman ang hapon ay saglit naman na umalis si Bea dahil may kailangan siyang puntahan pero nangako naman siya kay Maxene na babalik din siya kaagad.

Habang wala si Bea ay inabala pa rin ni Maxene ang kanyang sarili sa kanyang trabaho at maya maya pa ay may kumatok sa kanyang opisina kaya naman napatingin siya roon ng bumukas iyon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 18

    CHAPTER 18Pagkatapos nilang kumain ay naging abala naman na sila sa kani kanilang ginagawa. Sila Diana at Pamela ay nagpunta na sa kusina para gumawa naman ng kanilang meryenda para mamaya habang sila Patricia at Nathan naman ay nagswimming na kaagad dahil ito talaga ang madalas na gawin ng magkapatid sa tuwing pumupunta sila sa mansyon. Habang sila Randy, Jonathan at Bernard naman ay abala sa pag uusap ng tungkol sa kumpanya. Habang si Joseph naman ay may sariling mundo sa sala at inabala ang kanyang sarili sa kanyang cellphone.“Jonathan sa tingin mo ba ay kaya ng humawak ng kumpanya ng iyong anak na si Joseph? Nasa edad naman na siya at maaari na ring humawak ng kumpanya,” tanong ni Randy sa kanyang panganay na anak.Seryoso naman na napatingin si Jonathan sa kanyang ama dahil sa sinabi nito.“Bakit po dad?” kunot noo na tanong ni Jonathan.Napabuntong hininga naman si Randy at saka niya seryoso ring tiningnan ang kanyang mga anak.“Matanda na ako at aaminin ko sa inyo na medyo h

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 17

    CHAPTER 17Habang mag isa naman si Bernard sa kanyang silid ay bigla niyang naalala ang sinabi ng kanyang ama na bigyan niya na raw ng apo ang mga ito kung ayaw niyang mag asawa. At sa hindi niya malamang dahilan ay bigla na naman niyang naalala ang babae na nakasama niya ng isang gabi. Kaya naman naipikit na lamang niya ng mariin ang kanyang mga mata ng dahil doon.“Tsk. Bakit ba palagi na lang kitang naaalala? Bakit ba palagi ka na lamang gumugulo sa isipan ko? Dala lang yun ng init ng katawan kaya nangyari iyon at wala ng iba pang dahilan. Bakit ba paulit ulit ko na lang naaalala ang mukha mo?” kausap ni Bernard sa kanyang sarili at tila ba naiinis na siya dahil hindi mawala wala sa isip niya ang babae na iyon.Hindi na kasi talaga maintindihan ni Bernard ang kanyang sarili kung bakit ba palagi na lang niyang naaalala ang babae na iyon. Sa nakalipas din kasi na mga araw ay talagang halos araw araw na lang niyang naaalala ang babae na iyon kaya naman inaabala na lang niya ang kanyan

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 16

    CHAPTER 16Matapos na mag usap ng mag ina ay muli naman ng bumalik si Diana sa kusina dahil kapag ganitong magkakasama sama sila ng kanyang pamilya sa mansyon ay gusto niya na siya ang magluluto ng kanilang mga kakainin dahil minsan na lang din talaga sila makumpleto roon.Samantalang si Bernard naman ay nagpasya na pumunta sa kanyang silid pero bago pa man siya makarating doon ay nakita niya ang kanyang ama kaya agad niya itong linapitan.“Good morning dad,” bati ni Bernard sa kanyang ama.“Narito ka na pala, hijo. Kagabi ka pa hinihintay ng mommy mo,” sagot naman ni Randy kay Bernard.“Opo dad. Nagkita na po kami ni mommy sa baba. May mga tinapos pa po kasi ako kahapon sa opisina at halos gabi na po ako natapos kaya po sa unit ko na po muna ako umuwi kagabi,” sagot naman ni Bernard dito.Dahan dahan naman na tumango si Randy sa kanyang anak.“Kumusta naman ang kumpanya mo? Pasensya ka na kung naabala pa kita noong nakaraan dahil talaga sumabay rin na nagkasakit ako kaya hindi ko i

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 15

    CHAPTER 15Hinayaan na lamang naman muna ni Bea na umiyak si Maxene at hindi na rin niya ito iniwanan pa dahil alam niya na ngayon siya higit na kailangan ng kanyang kaibigan.Nang medyo kalmado na si Maxene ay inalalayan naman muna ito ni Bea na makaupo at saka niya ito kinuhaan ng tubig.“Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba niya? Pasensya ka na kung iniwanan kita kanina. Dapat pala ay isinama na lamang kita,” puno ng pag aalala na sabi ni Bea kay Maxene.“Ayos lang naman ako. Hindi naman niya ako sinaktan. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit pa niya ako kinukulit samantalang hindi naman ako naghabol sa kanya. Hinayaan ko na nga siya dahil gusto ko na maging masaya sya pero bakit parang gusto niya na kalimutan ko na lang ang ginawa niyang panloloko. Hindi ba niya alam na sobra akong nasaktan sa ginawa niyang iyon?” umiiyak pa rin na sabi ni Maxene.Napabuntong hininga naman si Bea habang naaawa niyang tinitingnan si Maxene. “Alam mo, Maxene. Sa tingin ko ay mas mabuti na magpah

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 14

    CHAPTER 14Tila naman hindi nakakaramdam ng awa si Maxene kay Joseph ng mga oras na iyon dahil nangingibabaw sa kanya ngayon ay ang galit dahil sa ginawa nitong panloloko sa kanya.“Pwede ba tumigil ka na dahil hinding hindi na ako magpapaloko pa sa’yo. Tama na ang minsang nasaktan ako ng dahil sa pagmamahal ko sa’yo. Ang mabuti pa ay kalimutan mo na lamang ako at ganon din ang gagawin ko sa’yo. Salamat sa pitong taon na pinagsamahan natin at wala akong pinagsisisihan doon. Pero siguro ay hanggang doon na lang talaga tayo. Kung ang Veronica na iyon ang magpapasaya sa’yo ay doon ka na lamang dahil matagal ko naman ng napapansin ang kakaibang tingin niya sa’yo. Matututunan mo rin siyang mahalin lalo na at napapaligaya ka naman niya sa kama,” sabi pa ni Maxene at saka siya naglakad paalis sa harapan ni Joseph.Agad naman na tumayo si Joseph at agad niyang yinakap si Maxene.“Hindi, Maxene. Ikaw lang ang mahal ko at hindi si Veronica. I’m sorry sa mga nangyari. Please bigyan mo naman ako

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 13

    CHAPTER 13Agad na rin naman na nagsimula sa kanyang trabaho si Maxene at dahil nga isang linggo siyang nawala ay talagang tambak ang kanyang trabaho ngayon.Gaya naman ng sinabi ni Bea ay doon na rin muna niya ginawa ang kanyang mga trabaho sa opisina ni Maxene. Mabuti na lamang talaga at may extra table doon si Maxene kaya naman hindi rin siya nahirapan na gawin ang kanyang trabaho.Ilang oras na rin ang nakalipas at seryosong seryoso naman na ginagawa ni Maxene ang kanyang mga trabaho. Paminsan minsan ay linalapitan siya ni Bea upang tulungan siya sa ilang mga paper works niya kaya naman kahit papaano ay nababawasan ang kanyang mga ginagawa.Nang sumapit naman ang hapon ay saglit naman na umalis si Bea dahil may kailangan siyang puntahan pero nangako naman siya kay Maxene na babalik din siya kaagad.Habang wala si Bea ay inabala pa rin ni Maxene ang kanyang sarili sa kanyang trabaho at maya maya pa ay may kumatok sa kanyang opisina kaya naman napatingin siya roon ng bumukas iyon.“

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status