LOGINCHAPTER 217Pagkatapos nilang manggaling sa tinutuluyan ni Irish ay agad naman nilang pinuntahan ang condo unit jito pero bigo pa rin sila na makita roon ang dalaga kaya naman bagsak ang balikat na bumalik ng mansyon sila Bernard at mga kasama nito.“What happen?” agad na tanong ni Randy pagkakita niya sa mga bagong dating.Pabagsak naman na naupo si Bernard sa sofa at naihilamos na lang talaga niya ang kanyang palad sa kanyang mukha dahil sa inis na nararamdaman niya ng mga oras na iyon.Samantala napabuntong hininga na lamang si Jonathan ng makita niya ang ginawa ng kanyang kapatid. At pagtingin niya sa kanyang ama ay nagtatanong ang tingin nito sa kanya.“Bigo po kami na makita si Irish, dad. Wala na po sya sa tinutuluyan niya at wala rin naman po siya sa cindo unit niya,” pagbabalita naman ni Jonathan sa kanyang ama.Naaawa naman na tiningnan ni Randy ang kanyang anak na si Bernard at saka siya bumuntong hininga.“Sa tingin ko ay kailangan ko ng kumilos ngayon. Gawin nyo na kung a
CHAPTER 216Kinabukasan din naman noon ay maagang maaga na nagtungo sila Joseph kasama ang kanyang ama at pati na rin si Bernard sa bahay kung saan siya tumutuloy kasama si Irish. Umaasa rin talaga siya na madadatnan nila ang dalaga roon dahil hanggat malaya ito ay hindi talaga matatahimik ang pagsasama nila Bernard at Maxene.Pagkarating nila sa lugar na iyon ay nauna namang lumapit si Joseph at siya na rin nga ang kumatok doon pero naka ilang ulit na siyang kumakatok ay wala pa rin ngang nagbubukas ng pinto kaya namab napatingin na siya sa mga kasama niya.“Mukhang wala ng tao rito. Natunugan yata niya na pupunta tayo,” sabi ni Joseph sa kanyang mga kasama. “Ako na ang kakatok. Baka hindi lang naririnig,” sabi ni Bernard at winahi pa niya si Joseph na nasa harap ng pintuan at saka niya sinimulang kumatok. Sinubukan din niyang buksan ang pintuan na iyon at laking gulat niya ng hindi iyon naka lock kaya naman napatingin siya sa mga kasama niya roon.“Mukhang wala na nga talaga siya
CHAPTER 215Sa kabilang banda naman ay galit na galit si Irish kay Joseph dahil nasaksihan niyang lahat ang nangyari na iyon sa simbahan at sobra siyang naiinis sa binata dahil sa ginawa nitong pagsuko sa pamilya nito.Hindi kasi akalain ni Irish na bibigay si Joseph ng ganon ganon na lang dahil ang buong akala niya ay hindi ito susuko hanggat hindi nito nakukuha si Maxene pero nagkamali pala siya. Kaya nga ayaw sana niyang gawin nito ang pag hostage sa anak nila Maxene dahil baka nga sumuko ito kapag nakaharap na nito ang pamilya nito. Kahit si Irish ay nagulat din talaga sa rebelasyon na iyon ni Veronica dahil ni hindi man lang naisip ni Joseph ang bagay na iyon. Ang bata pa tuloy na iyon ang naging kahinaan ni Joseph.Ang buong akala pa naman ni Irish ay si Joseph ang makakatulong niya para mabawi niya si Bernard pero nagkamali pala siya dahil ngayon ay baka ilaglag na siya nito.Matapos na masaksihan ni Irish ang lahat ng iyon ay nagmadali na siyang umuwi sa kanyang tinutuluyan
CHAPTER 214Walang patid naman ang pag agos ng luha sa mata ni Veronica dahil sa sinabi na iyon ni Joseph. Hindi kasi talaga niya iyon inaasahan at ang buong akala kasi talaga niya ay bata lang ang gusto ni Joseph at siya ay maiitsapwera na lamang.Naghihintay naman si Joseph sa magiging sagot ni Veronica at umaasa siya na pumayag nga ito at umaasa rin siya na hindi pa huli ang lahat para sa kanila.Pinunasan naman ni Veronica ang kanyang luha at saglit pa nga siyang napatingin sa magulang ni Joseph na naghihintay na rin sa magiging sagot niya. Napatingin din siya sa kanyang anak na mahimbing pa rin na natutulog bago siya muling tumingin kay Joseph at isang matamis na ngiti naman ang pumaskil sa kanyang labi habang nakatingin siya sa binata.“O-oo naman. Pumapayag ako na magpakasal tayo. Sino ba naman ako para humindi… mag iinarte pa ba ako ngayon? Matagal ko ng pangarap ito at hindi ko akalain na magkakatotoo pa pala ang pangarap ko na iyon. Hindi lang din ito para sa akin kundi para
CHAPTER 213Makalipas naman ang dalawang oras ay pinapasok naman na sila Joseph at Veronica sa loob clinic kung saan sila nagpa DNA test. At syempre kasama nilang pumasok doon ang nga magulang ni Joseph na excited ng malaman ang resulta ng test.“Good afternoon po. Pasensya na po kung medyo natagalan ang paglabas ng resulta. Pero finally po ay natapos na rin naman po namin at ito na po ang reaulta ng Paternity DNA test ni Mr. Joseph Aragon at ni baby Joshua,” sabi ng doktora at saka nito ianbot ang sobre kay Joseph.Napatingin naman muna si Joseph sa kanyang nga magulang at pati na rin kay Veronica at nanag magawi ang kanyang tingin sa sanggol na mahimbing na natutulog sa stroller ay napabuntong hininga na lamang talaga siya bago siya muling tumingin sa doktora at saka niya kinuha ang iniaabot nitong sobre.Sobrang kinakabahan talaga si Joseph ng mga oras na iyon dahil sa totoo lang ay gusto na noyang yakapin ang bata dahil nararamdaman niya na anak nga niya ito pero natatakot siya na
CHAPTER 212Matapos nilang mag usap usap ay napagpasyahan ni Bernard na patawarin na lamang ang kanyang pamangkin. Naisip niya na isang pamilya pa rin naman sila pero binalaan niya ito na wag na wag na silang guguluhin pa muli ni Maxene dahil grabeng trauma na ang dinanas nito. Sinabihan din nito si Joseph na siguraduhin lang nito na magbabago na siya dahil kung hindi ay itutuloy nila ang kaso laban dito dahil sa ginawa nito sa kanilang anak.Samantalang si Maxene naman ay pinatawad na lamang din ang kanyang dating kasintahan pero nakiusap din siya rito na wag na muna siya nitong kausapin o lapitan dahil nga medyo natatakot pa rin siya rito at hindi rin naman siya masisisi kung bakit siya nagkakaganoon dahil sa mga ginawa nito sa kanya at sa kanyang anak.Napag usapan din nga nila na hindi na itutuloy ang kaso kay Joseph dahil gusto nila na bigyan ito ng isa pang pagkakataon na magbagong buhay dahil kung makukulong nga ito ay mas lalo lamang itong malulugmok.Bukod pa nga roon ay napa
CHAPTER 92Mabilis naman na lumipas ang mga araw at ngayon nga ay araw na ng linggo at ngayon din ang araw ng pagpunta nila Maxene at Bernard sa mansyon ng magulang ng binata upang ipaalam sa mga ito ang tungkol sa pagbubuntis ni Maxene.“Relax ka lang ha. Hindi naman kita pababayaan at isa pa ay a
CHAPTER 77“N-Naku dad. S-Siguro po ay dahil ngayon nyo na lamang po ulit ako nakita kaya nyo po nasabi yan. Dati pa naman pong ganito ang katawan ko baka hindi nyo lamang po iyon napapansin noon,” sagot ni Maxene sa kanyang ama at sobrang lakas talaga ng kabog ng kanyang dibdib dahil talagang nata
CHAPTER 76“S-Seryoso ka ba sa sinasabi mo na iyan anak? Kilala mo ba talaga si Mr. Aragon? Hindi ka ba nagbibiro lamang?” hindi pa rin makapaniwala na tanong ni Maximo kay Maxene.Dahan dahan naman na tumango si Maxene at saka siya nagyuko ng kanyang ulo dahil hindi niya kayang titigan ang kanyan
CHAPTER 78Nang sumapit naman ang araw ng linggo ay sinundo ni Bernard si Maxene sa unit nito dahil nakiusap ang ina ng binata na dalhin naman daw niya muli si Maxene sa mansyon. Medyo nag aalangan pa nag si Maxene noong una dahil baka nga mahalata ng mga ito ang kanyang tyan pero kalaunan ay napap




![HIS SECRET OBSESSION [A.G.S #1]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)


