تسجيل الدخولCHAPTER 244Hindi naman nagtagal ay lumabas na rin naman ng kanilang silid sila Bernard at Maxene. Pagkarating nila sa may tabing dagat kung saan nakaset up ang kanilang dinner ay tila nakaramdam pa ng hiya si Maxene dahil sila na lang pala talaga ang hinihintay ng mga kasama nila roon.“Mabuti naman at narito na kayo. Ang mabuti pa ay kumain na muna tayo,” sabi ni Diana.Agad naman na naupo sila Bernard at Maxene sa bakanteng upuan na para talaga sa kanila at bahagya pa ngang pinamulahan ng pisngi si Maxene dahil nahihiya talaga siya sa pamilya ni Bernard dahil naghintay pa ang mga ito sa kanila.Sinimulan na rin naman nila kaagad nila ang kanilang dinner at habang kumakain nga sila ay meron pang live band na kumakanta. Matapos nilang kumain ay nagkwentuhan muna sila saglit at maya maya pa ay nagkaroon din ng kaunting pagames si Diana para sa lahat kaya naman talagang nag enjoy ang lahat dahil meron din talagang mga papremyo na inihanda si Diana.Matapos nilang magkasiyahan ay muli
CHAPTER 243Kinagabihan din noon ay nagtaka rin sila dahil nagkaroon sila bigla ng special dinner na buong pamilya. At syempre ang nagplano noon ay walang iba kundi ang ina ni Bernard na si Diana na excited na sa magaganap mamaya.Binulungan na rin ni Randy si Bernard na doon na nga ito magpropose kay Maxene dahil iyon na nga ang naisip na paraan ni Diana para maisagawa ni Bernard ang plano nito.“Napakabilis talaga kumilos ni mommy kapag tungkol sa ganyang mga bagay,” natatawa naman na sabi ni Bernard sa kanyang ama dahil talagang nagulat din siya dahil talagang nakapagplano na agad ang kanyang ina.“Sabi ko naman sa’yo diba. Kaya wag ka ng mag aksaya pa ng oras at mag ayos ka na rin ng sarili mo. Maya maya lang ay tatawagin na nila tayo para magdinner,” sagot ni Randy sa kanyang anak. “Ang singsing baka makalimutan mong dalhin ha. Lalapitan ka mamaya ng mommy mo para sabihin sa’yo kung kelan ka kikilos,” pagpapatuloy pa niya.“Opo dad. Palagi ko naman po itong dala,” sagot ni Berna
CHAPTER 242Lumipas pa ang dalawang araw at naroon pa rin sila sa resort at hirap na hirap talaga si Bernard na humanap ng tamang tyempo para magpropose kay Maxene at bukod pa roon ay pinangungunahan din talaga siya ng kaba dahil baka pumalpak ang plano niyang ito at baka hindi tanggapin ni Maxene ang kanyang alok dito.Ngayon nga ay maagang maaga na nagpunta ang buong pamilya nila Bernard sa may tabing dagat at ang nga bata naman ay pinagligo na rin nila sa dagat habang maaga pa dahil maganda talaga sa katawan ang init ng araw sa umaga.Nasa may tabing dagat naman sila Maxene at Bernard habang pinapanood nila ang mga kasama nila na nag eenjoy sa paglalangoy.“May problema ba?” hindi na napigilan na tanong ni Maxene kay Bernard dahil kanina pa niya ito napapansin na hindi mapakali at panay ang tingin sa kanya.Napakurap kurap naman si Bernard habang nakatingin siya kay Maxene dahil nagulat pa siya ng bigla itong nagsalita.“H-Ha? Problema? Wala naman. Bakit?” balik tanong ni Bernard k
CHAPTER 241Gaya naman ng nais na mangyari ni Diana nang sumunod na linggo noon ay natuloy na nga ang kanilang bakasyon na buong pamilya at syempre kasama rin nga roon ang buong pamilya ni Jonathan na noong una ay ayaw pa sanang sumama dahil parang hindi pa raw nila kayang mag enjoy sa ngayon pero mabuti na lamang at napilit din uto ni Diana kaya naman nakumpleto silang muli ngayon.Sa isang private beach resort sa Batangas nila napiling magbakasyon nang ilang araw para kahit papaano naman ay makapagrelax ang kanilang mga katawan at syempre para na rin magkaroon ulit ng bonding ang kanilang pamilya.At dahil nga isang private beach resort iyon ay kanya kanya na sila ng pili ng kanilang magiging kwarto habang si Veronica naman ay pinilit ng dalawang kapatid ni Joseph na doon sa silid nila magstay dahil gustong makasama ng mga ito ang kanilang pamangkin.Ngayon nga ay abala silang lahat sa kani kanilang mga ginagawa. Ang mga kababaihan ay abala sa pagluluto ng kanilang mga makakain haba
CHAPTER 240Samantala naman sa loob ng mansyon ay masayang pinagmamasdan ni Diana ang kanyang mga apo na nagpapahangin sa kanyang garden kasama ang mga ina nito.Sa nakalipas din na mga buwan ay unti unti na ring nanunumbalik ang sigla sa kanilang bahay bagamat may konting lungkot pa rin talaga silang nararamdaman sa pagkawala ni Joseph ay unti unti na rin talaga nilang tinatanggap ang pagkawala nito.May ngiti naman sa labi na lumapit si Diana sa pwesto nila Maxene at Veronica.“Mukhang napepreskuhan ang mga apo ko rito ah,” sabi ni Diana at saka niya hinawakan ang kamay ng dalawang sanggol na agad na ngumiti ng makita siya.“Oo nga po mom. Gustong gusto na po talaga nila ngayon na nandito kami sa labas dahil kapag nasa loob po ay sabay pa po talaga sila ni baby Joshua na umiiyak,” natatawa naman na sagot ni Maxene sa ginang.“Naku, mukhang naiinip na sila rito sa bahay. Kahit naman ako ay naiinip na rin. Magbakasyon kaya tayo. Ilang buwan na rin tayong narito lang palagi sa mansyon
CHAPTER 239Mabilis naman na lumipas ang dalawang buwan at unti unti ay natatanggap na rin ng pamilya ni Joseph ang nangyari sa kanya at kagaya nga ng napagkasunduan ay sa mansyon na tumira ang mag ina nito na si Veronica at baby Joshua.Sa nakalipas din na mga buwan ay naging tahimik na ang buhay nila lalong lalo na sila Bernard at Maxene at nakakahinga na sila ng maluwag dahil wala na ang kanilang alalahanin na baka bigla na lang ngang may sumulpot para guluhin sila.Sa mansyon pa rin naman nakatira sila Bernard at Maxene dahil kahit gusto na sana nilang bumukod ay hindi na muna nila iyon itinuloy dahil ayaw naman nila na malungkot na naman ang magulang ni Bernard dahil sila sila na naman ang maiiwan sa mansyon. Masyado kasing malaki ang mansyon na iyon at kapag naroon sila Maxene ay kahit papaano ay nagiging masaya sa mansyon at syempre ang nagbibigay aliw din talaga sa kanila ay sila baby Dyron at baby Joshua.At ngayon nga ay papunta sila Bernard at Randy sa kulungan kung saan na
CHAPTER 65Mabilis naman na lumipas ang isang buwan at sa nakalipas na mga araw ay madalas na nagkikita sila Maxene at Bernard dahil gaya nga ng sinabi ng binata ay liligawan niya ito. Sa nakalipas din kasi na mga araw ay talagang hindi rin mapakali si Bernard kapag hindi niya nakikita si Maxene k
CHAPTER 58Pagkapasok ni Maxene sa loob ng kanyang unit ay nadatnan naman niya ang kanyang kaibigan na si Bea na mukhang kanina pa naghihintay sa kanya. Mukhang nagulat pa nga ito sa kanyang pagdating doon.“Akala ko ba ay susunduin kita sa mall? Nag commute ka?” agad na tanong ni Bea dahil kanina
CHAPTER 57“Binalak ko naman ng sabihin sa kanila ang tungkol dito. Kaso bigla namang dumating ang problema ng aming kumpanya kaya hindi ko na lamang itinuloy pa ang pag amin sa kanila dahil ayokong dumagdag pa sa isipin nila. Sa ngayon ay naghahanap ulit ako ng pagkakataon para umamin sa kanila,”
CHAPTER 53Bigla namang natigilan si Diana dahil sa naging tanong na iyon ng dalaga pero kalaunan ay nginitian din naman niya ito.“Bakit naman ako magagalit sa’yo hija Wala naman na kayong relasyon ni Joseph at parehas naman kayong single ni Bernard kaya walang dahilan para magalit ako sa iyo. At







