Share

CHAPTER 80

Author: Anne
last update publish date: 2026-02-18 15:16:33

CHAPTER 80

“Ano ba ang nangyayari sa inyong dalawa ni Bea? Mukhang pinagtitripan nyo akong dalawa,” sabi ni Maxene at saka siya sumimangot at hindi na lamang din sya muli tumingin sa binata.

Humulma naman ang nakakalokong ngiti sa labi ni Bernard at saka niya inilapit ang kanyang mukha sa dalaga.

“Bakit ba kasi nakasimangot ka r’yan? Hindi bagay sa’yo ang nakasimangot. Binibiro ka lamang naman yata ni Bea kaya ngumiti ka na,” sabi ni Bernard at saka niya hinawakan sa baba si Maxene at saka niya
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 199

    CHAPTER 199Lumipas pa ang mga araw at bukas na nga ang pinakahihintay na araw nila Bernard at Maxene ang araw ng kanilang kasal.Kaya naman ngayon pa lang ay kailangan na nilang magpunta ng Tagaytay para hindi sila magahol sa oras sa araw ng bukas dahil ilang oras din ang byahe papuntang Tagaytay at ayaw naman nilang nagmamadali palagi sila. At isa pa ay naisip din nila na mas maganda ng nakapahinga na muna sila roon bago ang araw ng kanilang kasal.Sa isang hotel na lamang din sila mag stay doon kasama syempre ang buong pamilya ni Bernard at syempre kasama na roon ang buong pamilya ng kanyang kuya Jonathan maliban na lamang kay Joseph dahil inililihim nga nila rito ang pagpapakasal na iyon nila Bernard at Maxene. Kasama rin nila roon ang ngayon ang mga magulang ni Maxene at pati na rin ang kanyang kapatid na si Andrei na kararating lang muli galing ibang bansa at talagang umuwi lamang ito para saksihan ang pag iisang dibdib nila Bernard at Maxene.Habang nag aasikaso si Maxene sa ka

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 198

    CHAPTER 198Mabilis naman na lumipas ang mga araw at dahil nga minamadali na nila Bernard at Maxene ang kanilang unang kasal ay ilang araw na lang din at magaganap na nga iyon. Sa mga nakalipas din na mga araw ay ipinagpasalamat naman nila na hindi pa rin sila ginugulo nila Joseph at Irish at talagang ipinagpapasalamat naman nila iyon dahil naging maayos ang pagpaplano nila para sa kanilang nalalapit na kasal.Sa nakalipas din na mga araw ay talagang naging maingat na rin sila Maxene lalo na sa kanilang anak. Mas hinigpitan na rin ang pagbabantay sa mansyon para makasigurado sila na ligtas ang pamilya ni Bernard.Gaya naman ng napag usapan nila noon ay ang unang kasalan na magaganap ay talagang sila sila lamang ang naroon at talagang simple lamang iyon. Naghanap na lamang din talaga sila ng maliit na simbahan sa Tagaytay dahil doon nila napiling ganapin ang kanilang kasal. Doon ang napili nilang lugar dahil gusto nila na sa paborito nilang restaurant doon gaganapin ang kanilang recep

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 197

    CHAPTER 197“Well nasa sa iyo pa rin naman ang desisyon kung papayag ka na makipagtulungan sa akin at patuluyin ako r’yan sa munti mong bahay. Pero kung ayaw mo naman na makipagtulungan sa akin ay ayos lang din naman. Panigurado na paldo ako kapag ibinenta ko ang video na ito,” sabi pa ni Joseph habang hindi inaalis ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi. “Ano kaya ang magandang title ng video na ito? Hmmm… Panigurado sisikat ka rito at baka kunin ka na ng mga p*rn site na artista nila. Kitang kita kasi sa video na ito na kung gaano ka kahumaling sa pakikipags*x,” dagdag pa niya.Ramdam na ramdam naman ni Irish ang butil butil na malamig niyang pawis sa noo at ramdamrin niya ang panlalamig ng kanyang buong katawan dahil sa sinabi na iyon ni Joseph. “H-H*yop ka,” gigil na sabi ni Irish kasabay ng pagpatak ng kanyang luha. Hindi kasi niya akalain na magagawa iyon ni Joseph sa kanya matapos ng lahat lahat ng nagawa niya para rito. At wala rin talaga siyang kaalam alam na kumukuha pala

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 196

    CHAPTER 196Sa kabilang banda naman matapos na magpakita ni Joseph kay Maxene sa isang restaurant ay nagtago naman na muna ang binata at dahil wala nga siyang ibang maaasahan ngayon ay no choice talaga siya kundi ang pumunta kay Irish.Pagkarating pa lamang ni Joseph sa lugar kung saan alam niyang nagtatago si Irish ngayon ay hindi naman niya maiwasan na hindi kabahan dahil ipinagkanulo niya ito sa kanyang ama kaya nalaman ng mga ito kung saan nakatira si Irish.Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Joseph bago siya naglakas loob na kumatok sa pintuan kung saan naroon si Irish.Makailang beses pa nga na kumatok si Joseph doon at kinakabahan na nga siya dahil walang nagbubukas ng pinto. Isa rin sa dahilan kaya kinakabahan siya ay dahil wala naman na siyang ibang mapupuntahan ngayon dahil natatakot siya na matagpuan siya ng kanyang ama dahil panigurado ay ipapabugbog na naman siya nito sa mga tauhan nito.Noon kasing dinala siya ng kanyang ama sa kanilang bahay ay wa

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 195

    CHAPTER 195Mabilis naman na lumipas ang mga araw at sa mga nakalipas na mga araw na iyon ay hindi pa rin natatagpuan nila Jonathan ang kanyang anak na si Joseph kaya naman minabuti na rin muna nila Bernard at Maxene na ipaasikaso na lamang sa kanilang pinagkakatiwalaan na tao ang lahat ng kailangan nila para sa kanilang kasal.Napag usapan kasi nila muli ang tungkol sa kanilang kasal dahil nga sa suhestyon ng ina ni Bernard na ipagpaliban na muna ang kanilang kasal. Pero naisip kasi nila na mas dapat nga nilang madaliin ang kanilang pagpapakasal para matigil na sila Joseph at Irish sa kakahabol sa kanila dahil kapag naikasal na silang dalawa ay wala ng magagawa pa ang mga ito at baka sakaling tantanan na sila ng dalawa. At napagkasunduan din nila na wala na munang ibang pagsasabihan ng tungkol sa kanilang nalalapit na kasal at tanging pamilya lamang din muna nila ang nakakaalam nito. Nakiusap na lamang din sila Bernard sa kanyang kapatid na hindi dapat malaman ni Joseph ang tungkol

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 194

    CHAPTER 194Matapos na makipag usap ni Bernard sa kanyang tinawagan ay naupo na muna siya sa may pool area at nagpakuha pa nga siya ng wine sa kanilang kasambahay.Agad naman na nagsalin si Bernard ng wine sa kanyang wine glass at saka niya inisang lagok ang laman noon. Nagpakawal pa nga siya ng isang malalim na buntong hininga dahil sa totoo lang ay hindi na niya alam kung ano pa ba ang kailangan niyang gawin para tigilan na sila nila Joseph at Irish. Isa lang naman kasi ang gustong mangyari ngayon ni Bernard at yun ay ang maging tahimik na ang kanilang buhay ni Maxene kasama ang kanilang anak. Pero dahil nga sa muling pagpapakita ni Joseph kay Maxene ay mukhang magsisimula na naman ang kanilang panibagong problema at panibagong isipin na naman ito lalo na at baka makipagsabwatan na naman ito kay Irish.Nanatili naman na muna si Bernard sa pool area habang nag iisip nga siya ng mga dapat niyang gawin ngayon lalo na at kailangan din nilang maging maingat dahil baka madamay pa ang kan

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 21

    CHAPTER 21“At kung talaga nga na buntis ako ay marahil yun ang dahilan kung bakit ako madalas mahilo at sumama ang pakiramdam nitong mga nakalipas na mga araw. Pero kahit na nabuo ang bata na ito ng hindi sinasadya ay mamahalin ko pa rin sya ng buong buo kahit na anong mangyari dahil wala siyang

    last updateLast Updated : 2026-03-18
  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 18

    CHAPTER 18Pagkatapos nilang kumain ay naging abala naman na sila sa kani kanilang ginagawa. Sila Diana at Pamela ay nagpunta na sa kusina para gumawa naman ng kanilang meryenda para mamaya habang sila Patricia at Nathan naman ay nagswimming na kaagad dahil ito talaga ang madalas na gawin ng magkap

    last updateLast Updated : 2026-03-18
  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 19

    CHAPTER 19Mabilis naman na lumipas ang isang buwan at inabala na lamang ni Maxene ang kanyang sarili sa kanyang trabaho para makalimutan na niya ang ginawang panloloko sa kanya ni Joseph. Pero nitong mga nakalipas na mga araw ay hindi talaga niya maintindihan ang kanyang sarili dahil madalas na m

    last updateLast Updated : 2026-03-18
  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 16

    CHAPTER 16Matapos na mag usap ng mag ina ay muli naman ng bumalik si Diana sa kusina dahil kapag ganitong magkakasama sama sila ng kanyang pamilya sa mansyon ay gusto niya na siya ang magluluto ng kanilang mga kakainin dahil minsan na lang din talaga sila makumpleto roon.Samantalang si Bernard

    last updateLast Updated : 2026-03-18
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status