KABABABA palang ni Leah mula sa kuwarto niya ng marinig niya ang pang-iingay ng doorbell nila. Hindi pa niya naayos ang sarili maliban sa nag toothbrush at naghilamos lang siya pagkagising. Buhaghag pa rin ang buhok niya at naka-pajama pa ng buksan niya ang pinto sa isiping ang kapit-bahay niya iyon at magbibigay na naman sa kanya ng chocolate cookies, panhilom daw sa nasugatan niyang puso. Hindi gumana ng maayos ang utak ni Keah ng mapagbuksan niya ng pinto si Achilles. Mabilis sanang isasara niya iyon pero naunahan siya nitong ilagay ang paa sa pinto para hindi sumara.
"Fuck! Ouch!" Hiyaw nito ng maipit ng pinto ang paa nito.
Sa halip na maawa sa binata, inirapan pa niya ito. "Ang arte naman nito. Naipit nga lang, e. Saka naka-sapatos ka naman."
Masama ang tingin nito sa kanya. "lkaw kaya ang ipitin ang paa gamit ang pinto?" Napamura ito ulit at sinipasipa nito ang paa para mawala ang sakit. "Bakit sa mga pelikula, kapag ginagawa ito ng bidang lalaki, hindi siya nasasaktan?"
Doon siya natawa. "Really, Achilles? Sa tanda mong 'yan, nagpapaniwala ka pa rin sa mga nakikita mo sa pelikula na puro kasinungalingan?"
Nagkibit-balikat ito. "Some of them are true. Anyway." Itinaas nito ang mga kamay na may bitbit na paper bags. "l brought breakfast."
Sumama kaagad ang templa ng umaga niya. "Puwede ba, Achilles, huwag kang magdala ng pagkain dito sa bahay. On diet ako."
Achilles tsked. "Alam mo bang nag effort ako na bilhin ito?" Bumagsak ang balikat nito. "Ang sarap pa naman ng dala ko. Cinnamon flop coffee cake, mashed potato pancakes, peanut butter chocolate chip muffins and very perfect waffles. And then I bought latte, espresso, pina colada smoothie, pink lemonade and hawaii twist. Ikaw nalang mamili kong anong sayo."
Naglaway ang bagang niya ng marinig ang mga pagkain na pinagsasasabi ng binata.
"Tigilan mo ako, Achilles," mariin ang boses na aniya pero ang totoo ay natatakam na siya.
Nginisihan lang siya ng binata at nanunudyo ang mga mata. "Kakain na yan. Kakain na siya. Yes! Hindi masasayang ang effort ko."
Inirapan niya ito at binuksan ng malaki ang pinto. "Siguraduhin mo lang na masarap 'yan."
Inilipat ni Achilles ang hawak na paper bag sa isang kamay at parang nanunumpa na itinaas nito ang kamay. "l swear, masarap siya. Itinataya ko ang pagkalalaki ko rito."
Bumaba ang tingin niya sa pagkalalaki nito. "Ano naman ang gagawin ko riyan."
Achilles grinned, naughtily. "Kahit ano basta masarap."
Namula ang pisngi niya at akmang susuntukin niya ang binata sa mukha ng malala niya ang sinabi nito kapag nagging violent siya rito.
Nginisihan siya ng binata. "Go on," panghahamon nito sa kanya. "Punch me." Inisang hakbang nito ang pagitan nila. "One violent move, one kiss."
Hindi puwede! Baka kung saan na naman mapunta ang simpleng halik na 'yon. "Pumasok ka na bago magbago ang isip ko at ihampas ko ang pinto sa pagmumukha mo." Inirapan niya ang binata at tinalikuran ito.
Babalik sana siya sa kuwarto niya para ayusin ang sarili ng pigilan siya ni Achilles.
"Hey! Where the hell are you going?" Tanong nito sa kanya na parang natatakot na umalis siya.
Humarap siya rito. "Magbibihis ako at mag-aayos. Nakakahiya naman sayo dahil mukhang engkanto ang kaharap mo," may sarkasmong sabi niya.
Achilles rolled his eyes at her. "Okay na yang mukha mo. Wala namang magbabago."
Parang may karayum na tumagos sa puso niya dahil sa sinabi nito. Sabi na nga ba—
"Maganda ka pa rin naman kahit ganyan ang itsura mo," dagdag nito na biglang ikinabilis ng tibok ng puso niya.
"Nasaan ang kusina niyo?" Tanong ni Achilles kapagkuwan ng hindi siya magsalita at nakatitig lang dito.
Wala sa sariling naglakad siya patungo sa kusina. Nasa isip pa rin niya ang mga sinabi ni Achilles. Bakit ba ito ganito? Why was he making her heart thump like crazy?
Nang makapasok sila sa kusina, inilapag ni Achilles ang mga pagkain na dinala nito sa hapag-kainan.
"Masarap ang mga ito," ani Achilles at pinaghugot siya ng upuan. "Sit here."
Umupo naman siya sa hinugot nitong upuan at parang excited si Achilles na inilagay ang mga pagkain sa harapar niya.
"This is delicious." May inilapag itong hawaii twist sa harapan niya. "It's pineapple, banana, and coconut mixed together." Umupo ito sa katabi niyang upuan at iniumang sa kanya ang peanut butter chocolate chip muffins sa bibig niya. "Bite. Masarap 'yan."
Naguguluhang binalingan niya si Achilles. "Bakit mo ba 'to ginagawa? Ano ba ang kailangan mo sakin, Achilles? Because honestly speaking, I have nothing to give. At kung sex naman ang habol mo, naibigay ko na 'yon sa iyo at saka nasisiguro ko naman na maraming babaeng pipila para makipag-sex sayo."
Matiim siyang tinitigan ni Achilles. "Kung ano man ang kailangan ko sayo, alam kong hindi mo pa kaya 'yong ibigay sakin ngayon."
"Ano nga?" Pangungulit niya.
Biglang nawala ang kaseryusohan sa mukha ni Achilles at ngumiti ito. "Nothing. Wala 'yon. Don't mind me. Kumain ka na. Papasok ka pa diba sa restaurant?"
Tumango siya saka ibinuka ang bibig para kumagat ng muffin. Napapikit siya sa sobrang sarap nito. The taste exploded in her mouth and she couldn't help but moan. "Ang sarap."
Nang magmulat siya ng mga mata, inuubos na ni Achilles ang muffin na kinagatan niya.
"Mukha kang matakaw, alam mo 'yon?" Aniya.
Achillles chuckled as he looked at her. "Yes. I love food."
Habang sumisimsim ng hawaii twist, napatingin siya sa matitipuno nitong braso. "Bakit macho ka pa rin?"
Achilles stilled then grinned mischievously. "Talaga? Macho ako?"
Nagsalubong ang kilay niya. "Ako ba ang pinaglololoko mo?" Hinawakan niya ang laylayan ng t-shirt nito at itinaas iyon. "Look at that abs..." Her voice faded away when she saw Achilles's ripped abdomen.
Lihim siyang napalunok.
Damn! Bakit naglalaway ang bagang ko?
And then Achilles's baritone voice filled her ears. "Take a picture, it'll last longer."
Namula ang pisngi niya at mabilis na ibinaba ang tshirt nito. Walang imik na pinagpatuloy niya ang pagsimsim ng hawaii twist. Alam niyang nakatitig sa kanya si Achilles dahil nararamdaman niya ang mga mata nito sa kanya.
"Heto pa, oh." Boses iyon ni Achilles sabay umang ng mash potato pancake sa bibig niya. "Masarap 'to.
"Parang ikaw, masarap."
Nanlaki ang mga mata niya at napabaling sa katabi. Big mistake. Naroon ang mga labi nito na hinihintay ang mga labi niya.
When their lips met, napaigtad siya sa gulat at mabilis na inilayo ang mga labi rito.
"Sorry. I didn't mean to—"
"It's okay." Desire glimmered in Achilles's eyes. "You can kiss me anytime."
Umawang ang labi niya sa sinabi nito. Ano daw? She could kiss him anytime? Siya na isang ugly, fat duckling okay lang na halikan ito?
Achilles winked at her and continued eating like nothing happened. Siya naman ay parang tinatambol ang puso niya sa lakas at bilis ng tibok niyon.
Nagpapasalamat si Leah na walang sexually realted na nangyari sa kanila ni Achilles habang nag-aagahan sila. Para kasing hindi niya ma kontrol ang sarili kapag malapit lang sa kanya ang binata kaya naman gusto niyang umiwas dito para hindi na maulit ang nangyari kagabi. Yes, it was so pleasurable but 'till when? Alam
niyang tulad ng ibang lalaki, aalis din ang binata sa buhay niya.
"Sige na. Umalis ka na," pagtataboy niya sa binata para itago ang tunay na nararamdaman.
Sa halip sa lumabas ng bahay niya, nginitian siya nito. "Maligo ka na. Ihahatid kita."
Nagsalubong ang kilay niya. "Ano?"
"Ihahatid kita sa restaurant kaya maligo ka na."
Hindi na siya nakipagsagutan kay Achilles. Nasisiguro naman niya na hindi ito seryuso na ihahatid siya. Naiiling na umakyat siya sa hagdanan patungong second floor ng bahay nila. Hanggang sa makapasok siya sa banyo ng silid niya at makaligo ay laman pa rin ng isip niya si Achilles.
Iniisip niya na nakaalis na ngayon si Achilles. Alam naman niyang nagbibiro lang ang binata na ihahatid siya. He was not actually serious, right? Si Kyle nga na hindi naman kaguwapuhan ay nahihiya at napipilitan lang na ihatid siya sa restaurant.
Looking back.... ngayon lang niya naisip ang mga negatibong gawain noon ni Kyle na hindi niya napapansin dahil bulag siya sa pagmamahal sa binata. Nasaktan pa rin siya sa panloloko nito sa kanya pero kahit papaano ay nabawasan na ang sakit. Minahal niya si Kyle ng buong puso sa loob ng dalawang taon kaya nasaktan siya sa panloloko nito.
Nang makalabas siya ng banyo, ang napili niyang isuot ay simpling Achilles jeans at white t-shirt tapos pinaresan niya iyon ng flat shoes. Inilugay lang niya ang mahaba at wavy niyang buhok.
Inaasahan talaga ni Leah na umalis na si Achilles, kaya naman nagulat siya ng makitang komportable itong nakaupo sa sofa at mukhang hinihintay siya.
"Nandito ka pa?" Manghang tanong niya.
Bumaling sa kanya si Achilles at ngumiti ito. "Well, hello there, gorgeous."
Inirapan niya ito. "Sige, mambola ka pa."
Tinawanan lang siya ni Achilles at nauna na itong lumabas ng bahay.
Nang mai-locked niya ang pinto, nilampasan lang niya ang nakaparadang kotse. Ang totoo masaya siya na ihahatid siya ni Achilles. Natutuwa siya ng may lalaking nagbibigay sa kanya ng atensiyon. Sino ba ang hindi? Achilles seemed like a nice guy. Sana talaga tama ang obserbasyon niya sa pag-uugali nito.
Masaya rin siya kasi dahil kay Achilles kahit papaano, nawawala ang sakit sa puso niya na dulot ng panloloko ni Kyle sa kanya.
At isa pa, sino siya para tanggihan ang offer ni Achilles? Sa Ducati siya sasakay! Yes! Sa wakas. Makakasakay na rin siya ng Ducati! Dream come true!
Leah was grinning as she walked towards Achilles's Ducati.
"Come closer,” ani Achilles na nakasakay na sa motor at hawak na ang monabela.
Lumapit naman siya rito.
isinuot nito ang helmet sa ulo niya. "For protection.” Tinapik nito ang leather seat ng motor. "Sakay na, Leah.”
Na-i-excite siya na sumakay at humawak sa magkabilang balikat ni Achilles. Nagsuot din muna ng helmet ang binata bago pinaandar ang motorsiklo patungo sa restaurant.
"MOON CAKE, bakit ba hindi mo ako pinapansin?" Abol hanggang bubong ng bahay nila ang inis ni Achilles habang nagtatanong. "Wala naman akong ginawang masama sayo. Bakit ba?"Umismid ang asawa niya saka tumagilid ng higa, malaki na ang tiyan nito kaya dahan-dahan ang galaw nito. "Ayoko sayo. Ang baho mo."Holy fuck!Napanganga siya at napakurap-kurap. "Moon cake naman, e. Alam mo ba kung ilang beses na akong nagpalit ng pabango para lang hindi ako mabaho sa pang-amoy mo?"Inirapan siya nito. "Pakialam ko naman. Mabaho ka, kaya lumayo ka sa'kin!"Achilles gritted his teeth in so much annoyance. Pilit niya itong iniintindi kasi nga buntis, pero may mga pagkakataon na naiinis talaga siya.Galit na lumabas siya ng silid niya at malalaki ang hakbang na umalis sa bahay nila. Bibili siya ng bangong pabango. Mababaliw siya kapag hindi pa siya pansinin ng moon cake niya. It's been two days!Achilles sighed and went to the nearest store to buy new cologne. Nang makabili siya, kaagad siyang bumal
NAGISING si Achilles nang parang may humaharang sa ilong niya at hindi siya makahinga nang mabuti.Iminulat niya ang mga mata at napabuntong-hininga na lang nang makitang natutulog ang apat na taong gulang niyang anak na si Rivas sa mukha niya.Nasasanay na itong natutulog sa tabi nila ni Leah. At pagdating ng umaga ay nakadapa na ito sa mukha niya kaya hindi siya makahinga. Ang maliliit nitong paa ay nasa leeg niya at ang ulo ay nasa may buhok na niya. At ang tiyan nito ay nasa mukha niya.Dahan-dahan niyang tinanggal ang anak sa mukha niya, saka inilapag ito sa malambot na kama.Natigilan si Achilles nang makitang gumalaw ito. Akala niya ay iiyak pero kumipot uli ang cute nitong bibig.A soft chuckle awakened his senses. Bumaling siya sa pinanggalingan n'on ay agad siyang napangiti."Morning, moon cake.""Hey, baby." Dumukwang si Leah palapit sa kanya, saka hinalikan siya sa mga labi. "Pasensiya na, ha? Hindi ko nailipat si Riva dito sa kama. Nagigising, eh.""Good morning." Ngumiti
THEN the priest's voice filled the plane. "l now pronounce you, husband and wife." Bumaling ito kay Achilles. "You may now kiss your bride."Achilles grinned. "Thanks, Father. Kanina pa ako magtitimpi, eh." With that, he pressed their body together and crashed his lips on hers.Agad naman niyang tinugon ang halik nito at yumakap siya sa leeg ng asawa.Achilles was the one who pulled away. "l love you, moon cake.""l love you too, baby," namumungay ang mga matang sabi niya, saka siya naman ang sumiil ng halik sa mga labi nito."Congratulations, my friend!" sigaw ni Elyes. "Umpisa na ng pagiging undetstanding mo."Naghiwalay ang mga labi nila ni Achilles at humarap sila kay Elyes at sa mga kaibigan nito na panay ang congratulate sa kanilang dalawa."Congratulations," sabi ng ama ni AchillesEveryone was silent. Lahat na kaibigan ni Achilles ay nakatingin dito.Tumingin muna sa kanya ang asawa bago sumagot. "Thanks." Halatang pilit ang pagiging mabait nito.Ngumiti ang ama ni Achilles, s
PEOPLE said that happiness was so hard to chase, not easy to have and it could be easily taken away from you. But for Achilles Kostas Williams, happiness had a name. And she was Leah Olaer. His very lovely bride."Hindi ako makapaniwalang darating ang araw na 'to," wika ni Elyes na umiiling-iling pa. "Siguradong hindi ka na makikipag-inuman sa 'kin. Hindi na tayo magbabonding. Wala na."Gustong kutusan ni Achilles ang kaibigan. "Montenegro, mag-aasawa ako, hindi magpapakamatay. Kung makapagsalita ka naman parang namamaalam na ako."Mahinang natawa ang kausap. "Hindi ka ba namamaalam? Sasakalin ka na—este, ikakasal ka na."Achilles rolled his eyes. "Montenegro, huwag kang madrama. Baka pagkamalan tayo.""Hindi pa ba?" Malakas na tumawa ang loko. "Sabi nga ni Shun, may future daw tayo, eh." 'Mang-asar ka pa." Iniumang niya ang kamao."Bubugbugin kita, pangako iyan."Elyes shook his head while chuckling hard. "l can always get into your nerves, huh?""Isn't that what they called friends
HINDI makagalaw si Achilles nang makalapag ang eroplanong sinasakyan. Naninigas ang buong kalamnan niya. Nakakuyom ang kamao niya at pakiramdam niya ay nanlalamig siya."Well, Achi, my friend, halika na," sabi ni Elyes na sumama sa kanya.Huminga siya nang malalim at inipon ang lahat ng lakas ng loob. Pagkatapos ay tumayo siya at pinilit ang mga paa na ihinakbang palabas ng eroplano.The moment his feet touched the Japan's soil, he cringed.Pero kailangan niyang makita si Leah. Ayaw na niyang mawalay ito sa kanya. Sa paglipas ng mga araw na hindi niya nakikita ang babae, natatakot siya na baka nga hindi na ito bumalik.The need to see her was much stronger than his hate to this country.Inakbayan siya ni Elyes. "Handa ka na? Halika na at hanapin natin ang ospital kung saan naroon ang ama ni Leah. Alam mo naman siguro kung nasaan."Tumango siya. "Sinabi sa 'kin ni Leah nang tumawag ako kagabi.""Good. Good." Tinapik nito ang balikat niya. "Let's go." Pilit ang bawat hakbang ni Achilles
DALA ni Achilles ang aso ni Leah at saka isang box ng moon cake habang papasok sa bahay niya. Excited na siyang makita ang nakangiti at masayang mukha ni Leah kapag nakita nito ang aso at ang moon cake."Moon cake?" tawag niya rito nang makapasok sa bahay. "Moon cake?"It's already past six, kaya nasisiguro niyang nakauwi na ito ngayon."Moon cake, I have something for you!" sigaw niya habang nakatingala sa hagdanan. "Come down, moon cake!"Naghintay siya ng ilang minuto pero walang bumaba. He sighed and went to his room. Napakunot ang noo niya nang makitang wala doon ang babae.Mabilis siyang bumaba at nagtungo sa kusina. No one was there. Inilapag niya ang box ng moon cake sa island counter at ang aso sa sahig, saka tinawagan si Leah.Error in connection.His frowned deepened even more. Nandoon pa ba ito sa restauraant? Why couldn't he contact her? He was starting to panic. Nararamdaman niyang bumibilis ang tibok ng puso niya sa kaba at nanlalamig ang mga kamay niya.Fuck! Sana nama