ACHILLES felt disappointed when they reach Zaired Restaurant. He liked the feeling of Leah's breast against his back. Libreng tsansing na nga, bitin pa.
Mabilis na bumaba si Leah mula sa pagkakasakay sa motor niya at ngitian siya.
"Salamat sa paghahatid," nakangiting wika nito.
"No problem.”
Magsasalita pa sana si Leah ng pareho silang may narinig na boses ng isang lalaki. The man came out from a Ford car. Halatang may kaya ang lalaki. Pero nasisiguro niyang mas mayaman siya rito.
"Any! Who the hell is this guy!?" Pasinghal na tanong ng lalaki kay Leah habang naglalakad palapit sa kanya. "Siya ba ang ipinalit mo sakin? Wow naman!"
Was this Kyle?
Leah gave him an apologetic look. "Sorry, Achilles.
Umalis ka na."
Hindi siya nakinig kay Leah. "I'm staying."
"No." Umiling-iling ito na para bang natatakot. "No.
Umalis ka na please. Ayokong madamay ka sa gulo—"
"I'm staying, Leah. That's final," giit niya.
HINDI man aminin ni Leah, nakahinga siya ng maluwang sa isiping naroon si Achilles sa tabi niya habang hinaharap si Kyle. Natigilan siya ng hawakan ni Achilles ang kamay niya. Napatingin siya sa binata.
"Huwag kang manerbiyos. Gago ang makikipag-usap sayo. Dapat gaguhin mo rin," sabi ni Achilles sa kanya.
"Lei!" Nakalapit na si Kyle sa kanila. "Sino ang lalaking 'to, ha?" Maangas na tanong nito habang dinuduro si Achilles. "Ito ba ang pinalit mo sa'kin? Wow naman."
Huminga siya ng malalim saka tinaasan ito ng kilay. "Puwede ba, Kyle. Umalis ka na. Ayokong makita ang pagmumukha mo rito."
Mata-demonyong ngumisi si Kyle. "Hindi naman ako nagpunta rito para sayo e." Dinuro na naman nito si Achilles. "Ang hindi ko lang matanggap ay may ipinalit ka kaagad sa akin." Mataas ang nuong hinarap nito si Achilles na nakaupo lang sa motor nito at walang imik. "Anong habol mo kay Leah? Ang Virginity niya? Save your strength. Hindi ko nga nakuha, e. Matigas ang babaeng yan. Tsaka, may itsura ka naman. Siguradong makakahanap ka ng sexy at hindi baboy na katulad ni Leah. At saka, Leah is so clingy and demanding. Feeling naman niya ang ganda-ganda niya."
Hindi umimik si Achilles pero humigpit ang hawak nito sa kamay niya. Walang emosyon sa mukha nito habang nakikipagtitigan sa mga mata ni Kyle pero alam niyang nairita ito sa sinabi ni
Kyle.
Parang niyurakang muli ni Kyle ang puso niya ng marinig ang mga sinabi nito tungkol sa kanya. It hurts. It hurts and she was about to cry.
The first one to blink in Kyle and Achilles's staring match was Kyle. Achilles was still staring at Kyle as her scumbag ex-fiancé looked away.
Napailing-iling si Achilles at tumingin sa kanya. "Siya nga pala, Any, hindi naman ako pumunta rito para sayo. Pumunta ako rito para sabihin sayong magbalot-balot na kayo kasi bibilhin ko na kay Mrs. Lopez ang lupang kinatatayuan ng restaurant niyo."
"Ano?" Nagulantang na tanong niya. "No! May kontrata kaming pinermahan!"
Lumingon si Kyle sa kotse nito at parang may pinapalabas mula roon. Kapagkuwan ay lumabas si Mrs. Lopez sa sasakyan nito. Nanginginig ang tuhod niya habang papalapit si Mrs. Lopez. No! Hindi ito puwedeng mangyari! Wala ang mga magulang niya at pinagkatiwala sa kanya ang restaurant. Anong gagawin niya kung totoo nga ang sinabi ni Kyle?! She had to review the contract!
"Please, Mrs. Lopez, tell Any here what we talk about last night," sabi ni Kyle sa babaeng mukhang pera.
Tumingin sa kanya si Mrs. Lopez. "Pasensiya ka na, hija. Malaki ang offer ni Mr. Menzon. Hindi ko matanggihan. He is also opening a restaurant kaya naman makakatulong na naayos niyo na ang gusali—"
"No! We signed a contract, Mrs. Lopez. May usapan kayo ng mga magulang ko! Maayos naman ang renta namin, ah. Palagi naman kaming nagbabayad ng tama." Nanginginig ang kamay niya sa sobrang galit sa babaeng kaharap at kay Kyle. "You can't do this to us. Mrs. Lopez naman e. Hindi kami basta-bastang lilipat kasi maguguluhan ang mga costumer namin. At isa pa, maghahanap pa kami ng bagong lilipatan—"
"Pasensiya ka na talaga, hija, nangangailangan din kasi ako ng pera." May bakas ng lungkot ang boses ni Mrs. Lopez. "Kahit basahin mo ang kontrata, nakalagay doon na for sale naman talaga ang lupa at pinarerentahan ko 'yon hanggang sa wala pang bibili ng lupa at pinermahan 'yon ng ama mo. Alam ito ni Mr. Gonzales. Nagkausap rin kami na siya ang bibili pero hindi pa sapat ang pera niya. Pero nakasaad sa kontrata na may karapatan akong ipagbili ang lupa kung kailan ko gusto. Pasensiya ka na talaga, hija."
Parang nanghihina ang tuhod niya sa mga sinabi ni Mrs. Lopez.
Puno ng poot ang mga mata niya na tumingin kay Kyle. "You! Bakit mo ba 'to ginagawa sakin?! Ano ba ang nagawa ko sayo!" Hinablot niya ang kamay na hawak ni Achilles at pinagbabayo ang dibdib ni Kyle. Tears streamed down from her eyes. " Pagkatapos mo akong lokohin, ito naman ang gagawin mo sakin? Sa pamilya ko? Letse kal P*****a ka!" Napahagulhol siya.
"Walang personalan, Any," natatawang tugon ni Kyle na para bang natutuwa ito na umiiyak siya. "Isa akong businessman at gusto ko namang mag venture ng ibang negosyo maliban sa hotels and resorts na pagaari ko." May pagmamalaki ang boses nito. "Pasensiyahan nalang tayo."
Umiiyak na umatras siya at niyakap ang sarili. Bakit ba nangyayari 'to? Ano ba ang nagawa niyang mali? Ano ba ang problema ng mundo sa kanya at pakiramdam niya ay aping-api siya? She felt so down, depressed, in pain and angry. Pero wala siyang magawa.
At sa kalagitnaan ng gulong-gulo niyang isip, narinig niya ang boses ni Achilles.
"Magkano ba ang lupa?" Tanong ni Achilles.
Mabilis siyang napatingin kay Achilles. Madilim ang mukha nito at nakatiim-bagang.
"Achilles," mahina niyang sambit sa pangalan nito.
Achilles got off from his Ducati and walk to her side.
Tinuyo nito ang mga luha niya gamit ang kamay nito.
"Stop crying. I told you, kapag gago ang kausap mo, gaguhin mo rin." Humarap ito kay Mrs. Lopez at Kyle.
'Magkano ba? I'll double it."
Napanganga si Mrs Lopez pero nakuha pa rin nitong magsalita. "Five million."
Achilles snorted. "Five million? That's cheap. I'll double it." Nanghahamon na tumingin si Achilles kay Kyle. "Kaya mo bang lampasan 'yon?"
Nang-iinsultong tumawa si Kyle. "Huwag kang maniniwala sa kanya Mrs. Lopez. He is just kidding you. Wala siyang ganoon kalaking pera. Ang five million nga mahirap hanapin."
"Sayo siguro, mahirap." Achilles smirked tauntingly at Kyle. "Pero sa akin, ilang araw ko lang 'yan."
Kinuha ni Achilles ang cellphone sa bulsa ng leather jacket nito at may tinawagan.
"Hello? Joanna? Yes, this is Achilles Kostas Williams I want you to speak with someone. She's going to tell you the price of her lot. Wired my money to her bank account." Iniabot nito ang cell phone kay Mrs Lopez. "Speak English. Joanna is my personal banker from Bank of California. Name your price."
Tinanggap naman ni Mrs. Lopez ang cellphone habang nakamaang silang dalawa ni Kyle kay Achilles.
"Yes. This is Mrs. Lopez and it's ten million." Biglang nanlaki ang mga mata ni Mrs. Lopez. "B-Bank Account?" Mabilis nitong sinabi sa kausap ang bank account at ibinalik ang cellphone kay Achilles.
Kapagkuwan ay binuksan naman ni Mrs. Lopez ang cellphone nito mag mobile banking at para tingnan kung totoo nga na pumasok ang sampong milyong bayad ni Achilles sa lupa nito.
Biglang tumili si Mrs. Lopez at niyakap siya ng mahigpit. "Ang suwerte mol" Tili nito. "Yan dapat ang pakasalan mo."
"Mawi-withdraw mo lang ang pera kapag ibinigay mo na ang titolo ng lupa kay Leah," sabi ni Achilles kay Mrs. Lopez na bakas sa mukha ang kasiyahan.
"Ipapadala ko kaagad sayo ang titolo ng lupa," mabilis na sabi sa kanya ni Mrs. Lopez at humarap kay Kyle. "Wala na ang usapan natin." Pagkasabi niyon ay umalis kaagad ito.
Hindi maipinta ang mukha ni Kyle habang masama ang tingin nito kay Achilles.
Nagkibit-balikat si Achilles habang nang-uuyam na nakangisi kay Kyle. "Walang personalan. Pasensiyahan nalang tayo, mas mayaman kasi ako sayo."
Gumuhit ang galit sa mukha ni Kyle. "Sige. Magsama kayong dalawa. Bagay naman kayo!" Nagma-martsang umalis si Kyle.
Alam niyang napahiya ito. Buti nga rito. Gago!
Take that Jyle! ln your face!
Biglang nawala ang lungkot at pangamba na naramdaman niya kani-kanina lang. Nilingon niya si Achilles at nahuli niyang mataman siya nitong tinititigan.
"What?" Tanong niya.
"You do realize that you are now indebted to me." Achilles then grinned. "Ten million, agåpi mou. Ten million."
Umingos siya at tinaasan ito ng kilay. "Puwede ba, Achilles, hindi ko sinabi sayong bilhin mo 'yong lupa. Ikaw ang nagkusang bilhin iyon sa halagang ten million pesos kaya naman wala akong utang sayo at mula ngayon, sayo na kami magbibigay ng upa ng lupa. Kapag natanggap ko 'yong titolo, ibibigay ko 'yon kaagad sayo," nakangising sabi niya.
Nangingiting napailing-iling si Achilles. "Hmm... smart woman." He tilted her head up using his hand and then he pressed his lips on her just for a couple of second.
Nang pakawalan nito ang mga labi niya, mayroon itong masayang ngiti sa mga labi.
"Bakit ba panay ang halik mo sakin?" Namumula ang pisnging tanong niya. Hindi ba nito alam na iba ang epekto no'n sa kaniya?
"Hinahayaan mo naman akong palagi kang halikan kaya namimihasa ako. At saka—" Niyakap siya nito sa beywang at bumulong sa tainga niya. "Para na rin bigyan ng mapag-uusapan ang mga empleyado mo."
Nang lubos na maintindihan ang ibig sabihin ng sinabi nito, mabilis siyang lumingon sa pinto ng Zaired
Restaurant. Naroon nga ang lahat ng empleyado nila at nakangiti habang nakatingin sa kanila ni Achilles.
Namumula ang pisngi niya na tumingin kay Achilles. "Ang sama mo. Siguradong pagtsi-tsismisan nila ako buong linggo."
Mahinang tumawa si Achilles saka pinanggigilan ang pisngi niya. "You're so cute." Pinakawalan siya nito sa pagkakayakap at sumakay muli sa Ducati nito. "Anyway, kapag tinanong ka ng mga empleyado mo tungkol sa ating dalawa, huwag mong kalilimutan 'yong sinabi ni Kyle bago siya galit na umalis."
Kumunot ang nuo niya. "Ano?"
"Na bagay tayong dalawa." Malapad ang ngiting kinindatan siya nito at isinuot ang helmet pagkatapos at pinaharurot ang Ducati palayo.
Sinapo niya ang dibdib kung nasaan ang puso niya saka pinakalma 'yon na mabilis pa rin ang tibok dahil sa sinabi ni Achilles. Hindi niya napigilan ang mapangiti at mapailing-iling. Ang lalaking 'yon talaga.
Humugot siya ng isang malalim na hininga at naglakad papasok sa Zaired Restaurant. Sana naman walang maglakas ng loob na tanungin siya tungkol kay Achilles. Kasi hindi niya alam ang isasagot. Bigla lang namang sumulpot ang Achilles na 'yon sa buhay niya. Ang pinagdarasal lang niya ngayon ay sana hindi ito basta ring mawala na parang isang kabote.
"MOON CAKE, bakit ba hindi mo ako pinapansin?" Abol hanggang bubong ng bahay nila ang inis ni Achilles habang nagtatanong. "Wala naman akong ginawang masama sayo. Bakit ba?"Umismid ang asawa niya saka tumagilid ng higa, malaki na ang tiyan nito kaya dahan-dahan ang galaw nito. "Ayoko sayo. Ang baho mo."Holy fuck!Napanganga siya at napakurap-kurap. "Moon cake naman, e. Alam mo ba kung ilang beses na akong nagpalit ng pabango para lang hindi ako mabaho sa pang-amoy mo?"Inirapan siya nito. "Pakialam ko naman. Mabaho ka, kaya lumayo ka sa'kin!"Achilles gritted his teeth in so much annoyance. Pilit niya itong iniintindi kasi nga buntis, pero may mga pagkakataon na naiinis talaga siya.Galit na lumabas siya ng silid niya at malalaki ang hakbang na umalis sa bahay nila. Bibili siya ng bangong pabango. Mababaliw siya kapag hindi pa siya pansinin ng moon cake niya. It's been two days!Achilles sighed and went to the nearest store to buy new cologne. Nang makabili siya, kaagad siyang bumal
NAGISING si Achilles nang parang may humaharang sa ilong niya at hindi siya makahinga nang mabuti.Iminulat niya ang mga mata at napabuntong-hininga na lang nang makitang natutulog ang apat na taong gulang niyang anak na si Rivas sa mukha niya.Nasasanay na itong natutulog sa tabi nila ni Leah. At pagdating ng umaga ay nakadapa na ito sa mukha niya kaya hindi siya makahinga. Ang maliliit nitong paa ay nasa leeg niya at ang ulo ay nasa may buhok na niya. At ang tiyan nito ay nasa mukha niya.Dahan-dahan niyang tinanggal ang anak sa mukha niya, saka inilapag ito sa malambot na kama.Natigilan si Achilles nang makitang gumalaw ito. Akala niya ay iiyak pero kumipot uli ang cute nitong bibig.A soft chuckle awakened his senses. Bumaling siya sa pinanggalingan n'on ay agad siyang napangiti."Morning, moon cake.""Hey, baby." Dumukwang si Leah palapit sa kanya, saka hinalikan siya sa mga labi. "Pasensiya na, ha? Hindi ko nailipat si Riva dito sa kama. Nagigising, eh.""Good morning." Ngumiti
THEN the priest's voice filled the plane. "l now pronounce you, husband and wife." Bumaling ito kay Achilles. "You may now kiss your bride."Achilles grinned. "Thanks, Father. Kanina pa ako magtitimpi, eh." With that, he pressed their body together and crashed his lips on hers.Agad naman niyang tinugon ang halik nito at yumakap siya sa leeg ng asawa.Achilles was the one who pulled away. "l love you, moon cake.""l love you too, baby," namumungay ang mga matang sabi niya, saka siya naman ang sumiil ng halik sa mga labi nito."Congratulations, my friend!" sigaw ni Elyes. "Umpisa na ng pagiging undetstanding mo."Naghiwalay ang mga labi nila ni Achilles at humarap sila kay Elyes at sa mga kaibigan nito na panay ang congratulate sa kanilang dalawa."Congratulations," sabi ng ama ni AchillesEveryone was silent. Lahat na kaibigan ni Achilles ay nakatingin dito.Tumingin muna sa kanya ang asawa bago sumagot. "Thanks." Halatang pilit ang pagiging mabait nito.Ngumiti ang ama ni Achilles, s
PEOPLE said that happiness was so hard to chase, not easy to have and it could be easily taken away from you. But for Achilles Kostas Williams, happiness had a name. And she was Leah Olaer. His very lovely bride."Hindi ako makapaniwalang darating ang araw na 'to," wika ni Elyes na umiiling-iling pa. "Siguradong hindi ka na makikipag-inuman sa 'kin. Hindi na tayo magbabonding. Wala na."Gustong kutusan ni Achilles ang kaibigan. "Montenegro, mag-aasawa ako, hindi magpapakamatay. Kung makapagsalita ka naman parang namamaalam na ako."Mahinang natawa ang kausap. "Hindi ka ba namamaalam? Sasakalin ka na—este, ikakasal ka na."Achilles rolled his eyes. "Montenegro, huwag kang madrama. Baka pagkamalan tayo.""Hindi pa ba?" Malakas na tumawa ang loko. "Sabi nga ni Shun, may future daw tayo, eh." 'Mang-asar ka pa." Iniumang niya ang kamao."Bubugbugin kita, pangako iyan."Elyes shook his head while chuckling hard. "l can always get into your nerves, huh?""Isn't that what they called friends
HINDI makagalaw si Achilles nang makalapag ang eroplanong sinasakyan. Naninigas ang buong kalamnan niya. Nakakuyom ang kamao niya at pakiramdam niya ay nanlalamig siya."Well, Achi, my friend, halika na," sabi ni Elyes na sumama sa kanya.Huminga siya nang malalim at inipon ang lahat ng lakas ng loob. Pagkatapos ay tumayo siya at pinilit ang mga paa na ihinakbang palabas ng eroplano.The moment his feet touched the Japan's soil, he cringed.Pero kailangan niyang makita si Leah. Ayaw na niyang mawalay ito sa kanya. Sa paglipas ng mga araw na hindi niya nakikita ang babae, natatakot siya na baka nga hindi na ito bumalik.The need to see her was much stronger than his hate to this country.Inakbayan siya ni Elyes. "Handa ka na? Halika na at hanapin natin ang ospital kung saan naroon ang ama ni Leah. Alam mo naman siguro kung nasaan."Tumango siya. "Sinabi sa 'kin ni Leah nang tumawag ako kagabi.""Good. Good." Tinapik nito ang balikat niya. "Let's go." Pilit ang bawat hakbang ni Achilles
DALA ni Achilles ang aso ni Leah at saka isang box ng moon cake habang papasok sa bahay niya. Excited na siyang makita ang nakangiti at masayang mukha ni Leah kapag nakita nito ang aso at ang moon cake."Moon cake?" tawag niya rito nang makapasok sa bahay. "Moon cake?"It's already past six, kaya nasisiguro niyang nakauwi na ito ngayon."Moon cake, I have something for you!" sigaw niya habang nakatingala sa hagdanan. "Come down, moon cake!"Naghintay siya ng ilang minuto pero walang bumaba. He sighed and went to his room. Napakunot ang noo niya nang makitang wala doon ang babae.Mabilis siyang bumaba at nagtungo sa kusina. No one was there. Inilapag niya ang box ng moon cake sa island counter at ang aso sa sahig, saka tinawagan si Leah.Error in connection.His frowned deepened even more. Nandoon pa ba ito sa restauraant? Why couldn't he contact her? He was starting to panic. Nararamdaman niyang bumibilis ang tibok ng puso niya sa kaba at nanlalamig ang mga kamay niya.Fuck! Sana nama